Share

Kabanata 48

“Alright,” sambit ni Sebastian at hindi hinayaang matapos sa pagsasalita ang lalaki. “May rason naman pala talaga na patayin kita.”

“Ikaw?” natatawang sabi ng lalaki na tila minamaliit si Sebastian. “Kaya mo bang pumatay ng halos isang daan na tao sa isang laban lang?”

Ilang sandali pa ay may biglang dumating na mga kalalakihan sa lugar.

“Hindi dapat nandito ang mga sibilyan kaya umalis na kayo!”

Isang matangkad na babae, nakasuot ng isang uniporme ay confident na naglakad sa kanyang suot na boots at may tila isang malakas na presensya.

Sa likod ng babae, nakasunod si Isagani at biglang sumigaw kay Sebastian. “Ikaw na naman? Bakit ba palagi kitang nakikita sa mga delikadong lugar tulad nito? Mabuti pang umalis ka na at bigyan ng daan si Abigail Fernandez!”

Pagkatapos makatakas ni Isagani kanina ay agad siyang nagtungo sa kanilang headquarters upang sabihin ang insidente kaya naman ang mga matataas na opisyal ng law enforcement ay lumabas sa kanilang lungga upang wakasan ang paglaganap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status