Natagpuan na lamang ni Sebastian ang kanyang sarili sa baba ng kama nang malakas siyang sinipa paalis. Isang malaking pagngiwi ang ginawa niya dahil sa lakas na paglagabog niya sa baba.“Halos kagabi ayaw mo akong bitawan tapos ngayon ay pinapaalis mo ako diyan sa kama mo?” Nakakunot ang noo na tanong ni Sebastian kay Allison. “Nasaan ang hustisya?”Nanlaki ang mga mata ni Allison at bigla na lamang itong nandilim dahil sa galit.“What the hell are you talking about, Sebastian? ‘Di ba sabi ko umalis ka na!?” galit niyang sigaw lalo na nang makita niya ang kanyang panty sa sahig.‘Talaga bang sinamantala ng hayop na ito ang kalasingan ko kagabi?’ aniya sa isip, ang mukha ay namumula na dahil sa hiya.Bigla namang pumasok sa loob ng kwarto si Nicole at masayang nagsalita.“Mabuti naman at gising ka na, Allison—” aniya at natigilan sa kanyang nadatnan ngunit muling nagpatuloy. “Kung alam mo lang, sobrang gulo ng mga pangyayari kagabi. Binuhat ka ni Sebastian pauwi at sobrang lasing na las
Napakurap pa si Sebastian at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.“Am I hearing it right?” tanong niya. “You’re asking me to come inside to eat soup, Allison?”‘Ano naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito?’ ani Sebastian sa kanyang isip.“Oo naman,” sagot ni Allison sa kanya, sabay na hinawi ang buhok sa balikat. Napadako naman ang tingin niya kay Isagani at saka nagsalita. “Captain Madrid, anong ginagawa niyo rito?”Napaubo naman si Isagani at pilit na ngumiti saka nagsalita. “I came here because I want to check you after what happened last night and I brought healthy food like fruits and medicine to help you recover fast.”“Hindi na kailangan pa at mabilis ka pala tumakbo. Kung nakatulong lang ang pagtakbo mo nang mabilis ay siguro mas madali lang namin natakasan ang mga lalaking 'yon,” ani Allison sa kanyang blankong ekspresyon.Dahil sa sinabi ni Allison, tila biglang namutla si Isagani at nagulantang.“H-Hindi ako tumakbo. Ang totoo niyan ay humingi ako ng backup!” nauutal na sa
Mas lalong umusbong ang galit sa mukha ni Allison dahil sa sinabi sa kanya ni Sebastian.“Will you stop playing like a victim here, Sebastian? You should not forget to thank Captain Abigail. If it's not because of her, I swear your life was in danger last night!” galit na usal ni Allison. “And if you hadn't helped a little, I would have already kicked you out long ago!”Bago pa man lumala ang sitwasyon, agad namang dumating si Nicole sa pinto ng bahay at magiliw na nagsalita.“Nakahanda na ang soup kaya pumasok na kayo sa loob para kainin na natin ito bago pa tuluyang lumamig!”Walang pagdadalawang-isip, agad na tumalikod si Allison mula kay Sebastian at saka naglakad papasok sa bahay nito. Naupo siya sa harap ng hapag-kainan at kinuha ang nakalapag na bandehadong soup saka dahan-dahan itong hinigop.Hindi naman nagpatinag si Sebastian at sinundan si Allison sa loob ng bahay.“Miss Allison,” aniya sa babae na ngayon ay nakatayo sa tabi ng lamesa. “May kailangan akong sabihin sa 'yo.”W
“Ma'am Sophia, hindi—”Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay agad na nag-react si Sophia sa pamamagitan ng pagtawa.“Huwag kang mag-alala. Binibiro lang naman kita,” sagot ng babae at napatingin sa relo nito. “Marami pa pala akong gagawin sa araw na ito. Pumunta ka muna sa opisina ko mamaya bago ka umuwi, ha?”Nang tumalikod na ito para umalis, ang coca-cola nitong pangangatawan ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Liam na ngayon ay nakatingin kay Sebastian habang nakangisi.“Parang nakuha mo ang atensyon ni Ma'am Sophia, Sebastian,” ani Liam sa kanya at saka nagpatuloy. “Napansin mo ba kung paano ka niya tignan? Parang gusto ka na niyang kainin habang buhay pa!”Nakisali na rin si Henry na ngayon ay parang kinikilig pa. “Ang alam ko ay tatlumpu't taong gulang pa lamang siya at dalawang taon nang divorced sa dating asawa nito. Baka magka-interest ka sa kanya?”Namula naman ang mukha ni Sebastian dahil sa mga pinagsasabi ng dalawa.“Ang hilig niyong sumagap ng tsismis. Ginagawa lang n
“What the hell are you still doing here, Sebastian!?”Bakas sa boses ni Bella ang galit nang mapansin niyang nakatayo pa rin hanggang ngayon si Sebastian at hindi pa umaalis.“Ang isang hamak na employee na tulad mo ay hindi dapat nandito. Nakikita mo naman na ang mga executives ng kumpanyang ito ay nag-uusap, hindi ba?” dagdag pa nito kay Sebastian na sinamahan pa ng isang masamang tingin.Ngunit hindi nagpakita ng reaksyon si Sebastian at saka matapang na nagsalita. “Iyan ba ang sinasabi mong pag-uusap kung saan nanghahamak ka ng isang kasamahan sa trabaho, Manager Bella? Sa ginagawa mo ay isa lamang 'yang patunay na nilabag mo ang polisiya ng kumpanya. Alam mong maaari mong ikatanggal ang panghahamak ng kasamahan.”Ang kaninang mataas na kumpiyansa ni Bella sa sarili ay bigla na lamang napalitan ng inis. Nang mapagtanto niyang na-corner na siya, tumigil na lamang siya at unti-unting nawawala ang kanyang pagiging arogante.Tila biglang nakahinga nang maluwag si Sophia at binigyan niy
“Ngayon alam mo na kung anong pwedeng mangyari sa 'yo kapag ininom mo ang gamot na 'yon. Siguradong katapusan mo na, Miss Sophia."Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia dahil sa sinabi ni Sebastian at bakas sa mukha ang pagtataka.“Paano nangyari 'yon? Ang gamot na 'yon ay gawa sa mga herbal...” aniya sa nagtatakang tono. “Paano naging lason?”Nagbuntong-hininga si Sebastian at saka nagsalita. “Kung titignan, parang simpleng gamot lang ang binigay sa 'yo, ngunit hindi mo napansin na may isang ingredient na nilagay doon na siguradong nakakalason.”Napatakip sa bibig si Sophia dahil sa kanyang narinig. Walang salitang gustong lumabas dito at hinayaan na muna niyang magpatuloy si Sebastian sa kanyang sinasabi.“Kapag nainom mo ang gamot na 'yon, ang ingredient na kasama doon ay siguradong mabilis lamang kakalat. Bigla ka na lang magiging obsessed sa isang tao na hindi mo na kayang ma-kontrol,” ani Sebastian sa kanya.Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Sophia nang may bigla siyang maalala.
Naglakad na patungo sa kanilang direksyon si Allison. Ang taglay niyang presensya ay tila ba nag-uutos ng atensyon nang lumabas siya mula sa likuran. Suot ang isang professional OL skirt, itim na stockings, at mala-crystal na sapatos, tila may dalang makapangyarihang awra na nagpapalamig sa paligid.Natuod ang lahat sa kanilang kinatatayuan at tila bigla silang nakaramdam ng takot.“H-Hindi, hindi... Paalis na rin po kami!”Isa sa mga trabahante ang lakas-loob na sumagot sa tanong ni Allison. Walang sinuman ang nag-akala na ang isang mataray at walang awa na si Allison Villareal ay bigla na lamang susulpot.Nagpatuloy siya sa paglakad patungo sa kanila habang dala-dala ang blankong ekspresyon sa mukha.“Gusto niyo bang magpakita ng pag-aagawan na eksena dito?” galit na sabi ni Allison. “Tandaan niyo na kayong dalawa ay may mataas na posisyon dito sa kumpanya at inaasahang magsilbi kayong modelo sa lahat. Hindi ko gusto ang ganitong pag-uugali na makasisira sa imahe ng kumpanya!”Biglan
“Hangga't gusto mo, tutuparin ko 'yon…”Nang sabihin iyon ni Cynthia, ang boses niya ay tila ba nang-aakit at puno ng pagnanasa.“Kaya ko rin gumanap ng isang karakter na gusto mo…” dagdag pa niya, sinasadyang ibaba pa ang tono ng boses na tila ba humihiling.Agad namang inalis ni Sebastian ang kamay ni Cynthia mula sa kanyang katawan at inilayo ito.“Even if you totally get naked or let me do whatever I want to do with you, I would never be interested in you, so get lost!” singhal ni Sebastian kay Cynthia.Malakas pa niyang itinulak ang babae palayo sa kanya at mabilis na lumabas ng kwarto. Para kay Sebastian, wala siyang pakialam kung gaano pa kaganda si Cynthia. Hindi maaatim ng sikmura niya ang babaeng 'yon.Samantala, wala namang nagawa si Cynthia kung hindi masamang titigan ang papaalis na si Sebastian.“Ang kapal ng mukha mong tanggihan ako. Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginawa mo sa 'kin ngayong araw na ito, Sebastian Lazarus!” galit na sigaw niya habang nakakuyom ang
Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik
Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany
“Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.
“Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal
Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay
“Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n
Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong
Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit
“Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k