Share

Kabanata 41

“Tama ba ang narinig ko na may marriage certificate ka na?”

Hindi makapaniwala si Katrina sa sinabi ng kanyang anak. Inilabas naman ni Sebastian ang kopya niya na marriage certificate nilang dalawa ni Allison Villareal upang ipakita ito sa kanyang ina.

Tinignan naman ni Katrina ang kopya niya na marriage certificate at tuluyan ngang natuod.

“Hindi ba ang babaeng ito ang kumuha sa 'yo noong panahon na nasa blind date ka? Paano kayo nagkakilala?” takang tanong ng ina sa kanya.

“Allison Villareal ang pangalan niya at siya ang boss ko. Ang totoo kasi niyan, Ma...” napahinto muna si Sebastian sa pagsasalita at saka nagpatuloy, “Matagal na kaming may relasyon.”

Hindi naman napigilan ni Katrina ang sarili na mapaluha dahil sa sobrang tuwa niya.

“Sa wakas nakahanap na rin ang anak ko ng mapapangasawa niya. May pag-asa pa ang pamilya Lazarus. Sigurado akong tuwang-tuwa ang ama mo habang nakatingin sa atin!” masayang sabi ng ina niya.

Pagkatapos naman sabihin 'yon ni Katrina, agad siyang tumakbo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status