Napanganga si Nicole dahil sa narinig niyang salita mula kay Sebastian. Isa na namang suntok ang pinakawalan niya na siyang dahilan sa paglipad palayo sa manyak na lalaking humahabol kay Nicole.Agad namang hinarap ni Sebastian si Nicole at tila nagtataka nang magsalita siya. “Nasaan si Allison, Miss Nicole? Bakit hindi mo siya kasama?”“Oo nga pala kailangan kong bumalik para iligtas si Allison. Hawak siya ngayon ng kasamahan ng manyak na lalaking humahabol sa 'kin. Na sa panganib ang buhay niya, Sebastian!” usal ni Nicole at tila bigla siyang nabuhayan nang bigla niyang maalala si Allison.“Dalhin mo ako sa lokasyon niya!” ani Sebastian na tila natitigilan pa rin.Hindi niya akalain na dalawa pala ang mga lalaki. Aalis na sana sina Nicole at Sebastian upang puntahan si Allison nang biglang bumalik ang lalaking sinuntok kanina ni Sebastian. Tumalon ito sa kanilang harapan na parang walang nangyari sa kanya.Halos hindi na maipaliwanag ang mukha ng lalaki dahil sa sugat na natamo pero
“Alright,” sambit ni Sebastian at hindi hinayaang matapos sa pagsasalita ang lalaki. “May rason naman pala talaga na patayin kita.”“Ikaw?” natatawang sabi ng lalaki na tila minamaliit si Sebastian. “Kaya mo bang pumatay ng halos isang daan na tao sa isang laban lang?”Ilang sandali pa ay may biglang dumating na mga kalalakihan sa lugar.“Hindi dapat nandito ang mga sibilyan kaya umalis na kayo!”Isang matangkad na babae, nakasuot ng isang uniporme ay confident na naglakad sa kanyang suot na boots at may tila isang malakas na presensya.Sa likod ng babae, nakasunod si Isagani at biglang sumigaw kay Sebastian. “Ikaw na naman? Bakit ba palagi kitang nakikita sa mga delikadong lugar tulad nito? Mabuti pang umalis ka na at bigyan ng daan si Abigail Fernandez!”Pagkatapos makatakas ni Isagani kanina ay agad siyang nagtungo sa kanilang headquarters upang sabihin ang insidente kaya naman ang mga matataas na opisyal ng law enforcement ay lumabas sa kanilang lungga upang wakasan ang paglaganap
“Bastos! Makapal ang mukha! Nakakahiya ka!”Ilan lamang ito sa mga salitang lumabas sa bibig ni Abigail nang marinig niya ang sinabi ni Sebastian. Halos sumabog na ang kanyang dibdib dahil sa sobrang galit sa lalaki.Nanatiling matigas ang reaksyon ni Sebastian at saka nakatitig pa rin sa babae.“Bibigyan kita ng tatlong segundo para humingi ng tawad sa 'kin at kung hindi mapipilitan akong gawin 'yon sa 'yo!” ani Sebastian sa babae ngunit hindi ito gumalaw.“Isa...”Nagsimulang magbilang si Sebastian pero wala pa rin ginawa ang babae.“Dalawa...”“Tat—”“Okay, fine, I'm sorry!” ani Abigail na ngayon ay masamang nakatitig kay Sebastian at tila ba gusto niya na patayin ang lalaki sa harapan niya.Binitawan ni Sebastian si Abigail at saka binaluktot ang ulo ng lalaki.“Akala mo naman talaga ay malaki 'yang sa 'yo!” galit na sigaw ni Abigail kay Sebastian.Sa tanang buhay niya ngayon lamang siya trinato ng isang lalaki nang ganito.Samantala, itinuon naman ni Sebastian ang kanyang atensyon
Agad namang nagpunta sa kwarto ng mga bisita si Daniel Castro upang salubungin ang pagdating ni Gabriel ngunit boses ng babae na pilit kumawala ang kanyang narinig sa loob.“Ano ba ang gusto mo, Gabriel? Huwag mo akong hawakan!” sigaw ng babae kay Gabriel.“Pero tauhan ako ni Mr. Castro at hindi ka pwedeng huminto!” sagot naman ni Gabriel sa babae.Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Daniel at nang pumasok siya sa loob, isang naka-suit na lalaki ang kanyang nakita na ngayon ay naglalaro sa bagong babae ni Daniel Castro.Nakakalat ang kanilang mga saplot sa iba't-ibang direksyon. Ilan na lang ang naiwang mga damit sa kanilang katawan ngunit hindi 'yon sapat para matabunan ang kanilang mga katawan.Ilang taon na rin siya ngunit wala pa rin siyang panahon para magsaya. Nang makita naman siya ng kanyang babae, agad itong tumakbo sa kanyang direksyon at niyakap siya saka umiyak.“Babaero ka pa rin, Gabriel, pero babae ko ito. Hindi ko siya pwedeng ibigay sa 'yo pero huwag kang mag-aalal
“You are fired!”Isang matangkad na may magandang pigura, nakasuot ng isang itim na hip skirt, at nababalot ng yelo ang reaksyon nito ay bigla na lamang nagsalita. Walang nagawa si Sebastian kung hindi ang mapatitig sa seksing babae na may nakakaakit na pangangatawan. Hindi niya napigilan ang sarili na mapalunok.Si Allison Villareal ay ang vice president ng Villareal Group. Ang babaeng amo niya ay na sa edad dalawampu't pito. Isa itong nagbabalik doctor na may hawak na dalawang degree. Tinatala ring lagpas sa isang bilyon ang sinasahod nito sa isang taon lang. Nang makarating ito sa kumpanya ay nagsimula siyang makipag-usap at magtanggal ng mga empledyo nang may labis na kagalakan.“Sebastian Lazarus, you're next!” May biglang lumapit kay Sebastian para sabihan na siya na ang susunod. Sa wakas ay siya na rin ang sunod na pinatawag at kinakabahang pumasok si Sebastian sa loob ng opisina. “Miss Villareal, pinapatawag niyo raw po ako?” Pagkapasok niya sa loob, naabutan niyan
Kinuha ni Cynthia ang kanyang bag at saka galit siyang sininghalan.“My name is Cynthia Agoncillo, a higher degree graduate and also a senior employee at a top 100 domestic company! My salaray reaches 20,000. I also have two cars and a suite!” aniya sa galit na boses at saka nagpatuloy, “Your salary of less than 4,000 weekly is so stinky. Where do you get the courage to go on a blind date with me!?”“Akala ko ay isa kang mayaman at talentado. Sa edad mong twenty-five ay wala ka pang bahay o sasakyan man lang. Paanong ang isang walang kwentang katulad mo ay nabubuhay pa sa mundong ito?” pagpapatuloy ng babae na may kasamang pangungutya.Nakaduro pa ang daliri nito sa direksyon ng ilong ni Sebastian habang sinasabi ang masasakit na salitang 'yon. Mabilis namang lumamig ang ekspresyon ni Sebastian at kung parte lang talaga ang babaeng ito sa mga naging kalaban niya, sigurado siyang pinapahirapan na ito ngayon.Agad namang pumagitna si Katrina nang makita ang eksenang 'yon. “Alam kon
“What?”Nagtataka si Sebastian habang nakatingin sa babae.“Why do you look like you're in a daze? Can't you recognize my face? We just met, right?”Nang mapansin ni Allison na nanatiling walang reaksyon si Sebastian at magkasalubong lang ang kilay nito, pasimple niyang hinablot ang kamay nito saka nagsimulang maglakad patungo sa Bentley niyang sasakyan. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan paalis. Halos lahat ng tao ay hindi makapaniwala at nanatiling nakanganga. Hindi nila inakala na ang magandang babaeng 'yon na dumating para kay Sebastian ay talaga namang nakakagulat.Pakiramdam ni Cynthia ay halos malaglag na ang kanyang panga sa nasaksihan. Hindi niya lubos maisip na ang babaeng 'yon ay nagkainteres sa tinatawag niyang mabahong pangit na si Sebastian.Gulat pa rin ang mukha ni Mrs. Agoncillo at halatang may bahid na ng takot ang mukha. “It seems that your son has been on the blind date list already, Katrina. What kind of blind date did you try to play with us, huh?”Kah
At dahil ang kabilang partido ay ang Hades King ng hilaga, isa sa nagpapatibay sa isang lugar, at higit sa lahat, ito ay ang nagdadala sa isang grupo kaya ganoon na lang kalaki ang pusta para dito. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa King of Hades, alam nilang mas mataas pa ang kanilang mararating at ang kanilang mga pag-asa sa hinaharap ay hindi limitado.“Mukhang natanggap niyo rin ang balitang nandito ang Hades at kamakailan lang ay nakikipag-blind date,” ani Tristan, ang leader ng siyudad. “Kailangan kong magbantay sa susunod dahil hindi ko hahayaang maunahan niyo ako!”Alam ng tatlong lalaki kung gaano nakakatakot ang Hades na ito. Na kahit ang ibang leader sa ibang mga lugar ay walang binatbat sa kanya. Mahirap man ang makipaglapit sa Hades ngunit nakaimportante naman nito. Kapag nagalit ang Hades ay maaaring maging isang sakuna dahil maraming buhay ang pwedeng malagay sa alanganin. Sa isang iglap ay maaaring mawala ang tatlong malalaking leader dito sa bansa sa isang pag-