Share

Kabanata 32

Biglang nandilim ang reaksyon ni Christian dahil sa sagot ni Sebastian.

“Mukha namang may kaya ka,” ani Christian at nagpatuloy, “Anong kumpanya mo at umaabot din ba ang kita mo ng milyones sa isang buwan?”

“Nagtatrabaho ako bilang isang empleyado sa sales department ng kumpanya ng mga Villareal at katatanggap ko lang bilang isang regular sa kanila. Sumasahod lang ako ng ilang libo sa loob ng isang buwan,” agad namang sagot ni Sebastian sa nagtanong.

Nang marinig ito ng mga kaibigan ni Christian, tila biglang napalitan ng pagkagulat ang kanilang reaksyon.

“Ilang libo lang!?” sabay na sabi nila.

Tila hindi sila makapaniwala na may isang mababa na tao ang humalo sa kanilang grupo kung saan halos lahat sila ay milyones ang kinikita samantala si Sebastian ay libo lang ang kinikita sa loob ng isang buwan.

Nagtawanan naman ang lahat dahil sa kanilang nalaman at isa-isang nagkomento.

“'Yang libo mong sahod ay pambili ko lang ng isang damit ‘yan!”

“Ang alaga ko namang aso ay libu-libo din ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status