Share

Kabanata 14

Nang dahil sa sinabi ni Sebastian, biglang nagkagulo ang lahat. Nagsimulang magkaroon ng pag-uusap mula sa mga nandoon at makikitang natuwa ang mga ito.

Nagulat naman ang may-ari ng ilang sandali pero kaagad din namang nakabawi. Biglang nabalot ng galit ang kanyang mata nang tignan niya si Sebastian.

“Sino ka ba para sabihin 'yan? Kung hindi mo naman kaya ang presyo ng mga ito, mas mabuti pang umalis ka na dito at 'wag ka na magsalita ng mga walang katuturan. Nilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan!” galit na sigaw ng may-ari kay Sebastian.

“I am just offering a suggestion. If you believe it or not, then it's up to all of you,” kalmadong sagot naman niya.

Ang lalaking kalbo na kanina pa malaki ang napusta ay tinitigan nang maigi si Sebastian at tila ba kinikilala niya ito.

“Sinasabi mo bang ang magandang bato na ito ay fake? Ano naman ang batong 'yan? Iyan na ba ang fire coral?” tanong ng lalaki kay Sebastian.

Tinitigan muna ni Sebastian ang bato na nasa isang tabi saka siya sumagot. “Hindi lamang ito posible pero tiyak ko na iyan na nga.”

Sa ilang parte ng Mindanao, kung saan ang paniniwala doon ay karaniwan na nangyayari. Nasanay si Sebastian na alamin kung ano ang pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Alam niya kung ano ang totoo at kung ano naman ang hindi. Para sa kanya, ang pagsusugal para sa bato ay isang maliit at larong pambata lamang.

“Paano mangyayari 'yan? Ang batong ‘yan ay mababa ang kalidad at siguradong walang halaga. Siguradong ang fire coral ay malabong mahanap diyan!” natatawang sabi ng mga tao sa paligid.

“Alam kong isa lamang itong baguhan na walang alam at nandito lang para magpakitang gilas!”

“Ang pagsusugal ay isang laro na nangangailangan ng maraming karanasan at hindi nararapat para sa isang baguhan kagaya niya na walang alam kung hindi ang sumabat!”

Bakas ang pagdududa sa reaksyon ng lalaking kalbo. Ang posibilidad na ang isang low-grade na uri ng bato ay malabong nagtataglay ng fire coral kung saan bababa lamang ito sa isang milyon. Hindi kapani-paniwala ang payahag ni Sebastian.

Ang may-ari na sinasamantala ang sitwasyon ngayon ay biglang tumawa at nang-uuyam pa. “Magpustahan tayo, Bata. Kapag nakahanap ka ng fire coral diyan sa sirang bato na 'yan, wala akong kukunin kahit na ano pero kapag hindi mo 'yan nabuksan, kailangan mong umalis agad.”

Kumunot naman ang kilay ni Sebastian dahil sa kanyang narinig.

“I don't like gambling,” seryosong sagot niya.

“Gusto mo man ito o hindi ay wala ka na magagawa dahil kailangan mong pumusta ngayon!” sagot naman ng may-ari.

Tinadyak niya ang kanyang mga paa na para bang may tinatawag. Lumabas ang mga lalaking puno ng tattoo ang mga katawan at may hawak na mga baril. Nakatingin silang lahat sa direksyon ni Sebastian.

Sa hindi malayong direksyon naman ay tagong nagmamasid si Nicole na ngayon ay nakaramdam na ng takot para kay Sebastian.

“Ano naman kaya ang naiisip ng lalaking ito para pumunta sa lugar na ito at galitin ang mga nandito. Hindi niya alam na ang mga tao dito ay may mga background sa underground!” aniya sa hindi makapaniwalang reaksyon.

Ang may-ari ng stall na ito kung titignan ay alam ni Nicole na hindi ito isang mabuting tao. Malamang ito ay sangkot sa napakaraming buhay na nasayang. Subalit si Sebastian naman ay mabangis at mapalad.

“Kailangan ko na po bang lumapit, Madam Nicole?” tanong ng driver niyang si Mang Jose.

Napaisip naman si Nicole ng ilang segundo saka siya sumagot. “Sa ngayon ay obserbahan muna natin ito. Saka na lang tayo mangingialam kung may mangyaring masama kay Sebastian at para ito sa kapakanan ni Allison.”

Samantala, wala namang bahid na kung anong takot si Sebastian para sa mga malalaking lalaki na ngayon ay na sa kanyang harapan.

“Ikaw ang nagsabi nito kaya pustahan mo na lang ang sarili mo!” sabi ni Sebastian.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng may-ari at hindi nagdalawang isip na ipakita ito sa kanya.

“I said, open the stone!” sigaw ng may-ari. “Hindi ako makapaniwala na kukuha ng isang basurang bato na ito para lang maghanap ng fire coral. Matagal na ako sa pagsusugal sa industriya ng mga bato at halos tatlumpung taon na. Ngayon lang ito mangyayari!”

Isang master cutter ang lumapit at inihakbang ang kanyang paa patungo sa direksyon ng bato. Inihanda niya ang sarili para buksan ang bato at tila nag-aalangan pero kailangan niyang sundin ang utos ni Sebastian.

“Open it here.” Itinuro ni Sebastian ang parte kung saan dapat ito bubuksan.

Nagulat naman ang magbubukas ng bato sa sinabi ni Sebastian.

“Ito ang may pinakamagandang posisyon. Hindi ko akalain na mas magaling ka pa kaysa sa akin, Bata,” manghang sabi ni Nicholas.

Ngumisi naman ang may-ari ng stall at saka nagsalita. “Swerte lang naman 'yan. Makikita naman diyan sa bato kung saan ba dapat bubuksan.”

Bago pa man makapagsalita ulit ang may-ari ng stall, napasigaw na si Nicholas.

“May nakita ako!” sigaw nito at nagmadali ang lahat para makita kung ano 'yon.

Isang nakakagulat na tanawin ang biglang lumitaw pagkatapos mahiwa ito ni Nicholas. Isang matingkad at nagniningas na pulang kulay ang biglang lumitaw.

Ito ang senyales ng isang fire coral!

Hiniwa pa ito ni Nicholas. Nabiyak ang bato sa dalawa. Lumantad ang isang matingkad na kulay pulang fire coral na parang isang nagliliyab na apoy.

Napasinghap ang lahat dahil sa kanilang nakita.

“Totoo ba itong nakikita ko? Talaga bang may fire coral sa batong ito?”

“Wait...” ani ng isa sa mga nakakita. “Hindi 'yan basta-bastang fire coral lang!”

“That's not a fire coral!” sigaw nila.

“Oo, hindi 'yan fire coral, kung hindi ay isang Imperial Flame Red Coral!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status