“Magsabi ka ng totoo, Sebastian. Kagagawan mo ba ang lahat nang ito?” tanong ni Allison sa kanya habang magkasalubong ang kilay. “Alam ko na hindi mo gusto ang ginawa ni Manager Bella kanina,” sambit pa ni Allison. “Pero hindi mo dapat dinaan ang lahat dito para ayusin ang gulo.”Natuod sa direksyon si Sebastian at hindi niya inaasahan na ang ginawa niyang pagpanig kay Allison ay siya ring magiging dahilan para hindi siya nito maintindihan at sa iba pumanig. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang dibdib at bigla siyang napangisi. “So, hindi ka naniniwala sa 'kin? Kung ano man ang sinasabi ni Mr. Villareal na ginawa ko ay 'yon na.”Kahit ano pang gawin niyang paliwanag, wala rin namang makikinig sa kanya.“Hindi ko naman sinabi na ginawa mo 'yon. Gusto ko lang magtanong,” ani Allison habang ang kanyang dibdib ay napatigil sa pagkabog ng ilang segundo.“Ang tapang mo naman na pagsalitaan ng ganiyan si Ms. Villareal. Sino ka ba sa akala mo? Ang lalaking ito ay dapat lang na napaa
Nang dahil sa sinabi ni Sebastian, biglang nagkagulo ang lahat. Nagsimulang magkaroon ng pag-uusap mula sa mga nandoon at makikitang natuwa ang mga ito.Nagulat naman ang may-ari ng ilang sandali pero kaagad din namang nakabawi. Biglang nabalot ng galit ang kanyang mata nang tignan niya si Sebastian.“Sino ka ba para sabihin 'yan? Kung hindi mo naman kaya ang presyo ng mga ito, mas mabuti pang umalis ka na dito at 'wag ka na magsalita ng mga walang katuturan. Nilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan!” galit na sigaw ng may-ari kay Sebastian. “I am just offering a suggestion. If you believe it or not, then it's up to all of you,” kalmadong sagot naman niya. Ang lalaking kalbo na kanina pa malaki ang napusta ay tinitigan nang maigi si Sebastian at tila ba kinikilala niya ito.“Sinasabi mo bang ang magandang bato na ito ay fake? Ano naman ang batong 'yan? Iyan na ba ang fire coral?” tanong ng lalaki kay Sebastian. Tinitigan muna ni Sebastian ang bato na nasa isang tabi saka
Ang isang ordinaryong fire coral ay light lang ang pagkapula nito pero itong Imperial Flame Red Coral ay dark red ang kulay. Kapag ito ay naliwagan ng araw, nagiging kulay ginto ito. Dahil sa taglay nitong kagandahan, halos ikabaliw ito ng mga nakakakita.Dalawang beses sa halos isang dekada lamang makikita itong pambihirang coral na minsan ay ginagawang regalo para sa isang bansa at minsan naman ay naka-display ito sa isang auction na halos tatlumpung bilyon ang halaga. Gulat, saya, at pagkamangha ang naging reaksyon ng lahat nang makita ito sa personal.Sakay sa isang Rolls-Royce Phantom na sasakyan, inayos ng tuwid ni Nicole ang kanyang maputing mga paa dahil sa paghanga niya sa pinakita ni Sebastian.“I never expected Sebastian to be this remarkable as I thought,” aniya na puno pa rin ng pagkamangha ang itsura.”Malakas ang kanyang kutob na may tinatago sa kanya si Allison at hindi basta-bastang tao lamang itong si Sebastian.Napukaw ni Sebastian ang interest ni Nicole na malaman a
“Ang lalaking 'yan ay si Adrien Castro, ang batang Castro. Malaking grupo din ang mga Castro na kilala sa buong Makati City sa loob ng maraming taon. Parehong legal at illegal ang kanilang operasyon at maging ako ay ingat na ingat sa kanila,” paliwanag ni Andrew kay Sebastian.Nanatiling blanko ang ekspresyon ni Sebastian at saka nagsalita. “Wala akong pakialam kung sino at ano siya. Ang gusto kong malaman ay kung papasok ba sila diyan sa loob!”Bigla namang natakot si Andrew na parang kaharap niya si kamatayan dahil sa mga binitawang salita ni Sebastian.“Ang hotel na ito ay kilala sa pangalang CG Hotel na isa sa pagmamay-ari ng mga Castro. Isa ito sa mga malalaking Love Hotel ng Makati City. Ang pagkakaalam ko ay dito palaging dinadala ni Adrien Castro ang mga babae niya,” paliwanag ni Andrew sa kanya.Napatitig si Sebastian sa mga ito. Ang pagkakatanda ni Sebastian ay sinabi ni Allison na may pag-uusapan silang billion project kasama si Adrien Castro subalit masama ang kanyang pakir
Biglang nagbago ang reaksyon sa magandang mukha ni Allison at sinipa niya si Adrien kaya nakaalis siya mula sa pagkakahiga.“Ano bang ginagawa mo, Adrien!?” gulat niyang tanong sa lalaki.“Anong ginagawa ko?” aniya na ngayon ay nakangisi na habang naglalakad patungo sa direksyon ni Allison.“Anong klaseng tao ka para magpanggap sa harapan ko? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam na nagpagawa ka ng certificate sa lalaking nagngangalang Sebastian Lazaruz?” usal ni Adrien. “Dudurugin ko muna ang mga buto ng lalaking 'yon bago niya ako maunahan. Ngayon, papatunayan ko sa 'yo kung ano ang totoong lalaki!”Agad namang sinunggaban si Allison ni Adrien na parang isang gutom na lobo. Mabilis na tumakbo si Allison patungo sa pinto pero sarado ang pinto at hindi niya ito mabuksan.Namutla si Allison dahil doon. Sinisisi niya ang sarili dahil sa katangahan. Ang akala niya ay kahit gaano pa man kayabang si Adrien Castro ay aalagaan nito ang kanyang pangalan at hindi siya gagawa ng kahit anong gulo. Sub
Biglang natahimik ang kabilang linya subalit pagkatapos ng ilang segundo ay muling nagsalita si David na kinakabahan.“Is this for real? Are you finally back, Hades?” gulat na tanong ni David sa kanya. “Yes, and I want to start today!” aniya at pagkatapos niyang sabihin ito, mabilis niyang pinatay ang cellphone. Parang isang pumuputok na bulkan ang dibdib ngayon ni Sebastian, ang kanyang tainga ay napuno ng mga sigaw ni Allison na humihingi ng tulong, at dahil do'n hindi na kinaya pa Sebastian. Humingi ng tawad si Allison sa kanya at hindi sila magkakampi ni Adrien. Naayos na ang kanilang hindi pinagkakaunawaan ngunit na sa panganib pa rin ang buhay nito. Kailangan niyang iligtas ang babae. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng isang malakas na kumpyansa sa kanyang sarili na halos ito na lamang ang laman ng kanyang isip. Ililigtas niya ito dahil sisiguraduhin niyang siya ang unang lalaki ni Allison.Ngayon, hindi na siya isang malabong clerk dahil muli na ni
“Inuutusan kitang iwanan mo na ako ngayon din at bilang boss mo, kailangan mong sumunod sa 'kin. Tumakas ka na habang may pagkakataon pa!”Mas lalo lamang lumakas ang takot na nadarama ni Allison sa mga oras na ito habang ang kanyang katawan ay nanginginig pa.Nanatiling tikom ang bibig ni Sebastian at wala man lang itong sinabi kay Allison. Bigla niya na lang hinila ang baywang ni Allison gamit ang kanyang isang kamay. Sa walang pagdadalawang isip, binuhat niya ito gamit ang kanyang braso.“Magulo na ang buhay ko ngunit sigurado akong hindi ako basta-bastang mapapatay,” ani Sebastian sa nakangising mukha.Mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang seksing mga paa ni Allison gamit ang kanyang dalawang mga kamay. Ang magaspang at malaking kamay ni Sebastian ay biglang nahawakan ang malambot at makinis na balat ni Allison. Higit sa lahat ay hindi sinasadyang masagi ni Sebastian ang kanyang mabibilog na puwet.Biglang namula ang pisngi ni Allison na para bang hindi siya makapaniwala at kahit
“Maaari mong gawin lahat ng gusto mong gawin sa kanya. Pwede mo siyang panuorin habang hinuhubad ang kanyang mga saplot hanggang sa lumantad na ang kanyang hubad na katawan, habang siya ay naliligo, at higit sa lahat pwede mo siyang gawing pampainit sa kama. Iyan ba ang kinagagalit mo ngayon?” sabi ni Adrien. “Hindi ba ito naman ang gusto mong mangyari diyan sa kalooban mo?”Nang marinig naman ito ni Allison, pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Ang kanyang mukha ay muli na namang namutla na para bang nawawalan na siya ng dugo.Mabilis niyang inayos ang butones ng kanyang suot ngayon upang itago ang kanyang katawan. Sa isip ni Allison ay alam niyang walang sinong lalaki ang maaaring tumanggi sa sinabi ni Adrien.Samantala, rinig na rinig naman ni Allison ang mabibilis na paghinga ni Sebastian at alam niyang namangha ang lalaki sa mga sinabi ni Adrien kaya naman ganoon na lang ang paninikip ng dibdib niya.“Miss Villareal,” ani Sebastian kaya naman bigla siyang kinabaha