Share

Kabanata 10

“It's about the health care product named as Barley that was produced by the Villareal Group meets the national quality inspection standards. This is made from plants rich in high fiber and can reduce any type of disease.”

Hindi pinansin ni Sebastian ang ingay sa paligid nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Dagdag pa niya, “Give me two millions within five minutes only.”

Sa mga oras din na 'yon, sa opisina ni Alejandro Fernandez, ang isa sa mga makapangyarihang leader ng Makati City ay mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone.

Nanginginig pa ang kanyang boses nang sagutin niya ang kabilang linya. “It's Hades! He never forgotten me, and it's actually the Hades!”

Noon ay nagtatrabaho lamang si Alejandro bilang isang private cook ni Sebastian sa kampo niya. Napahanga niya si Sebastian dahil sa galing niyang magluto at nakuha niya ang paghanga ni Sebastian. Kalaunan ay tinulungan siya ni Sebastian at binigyan ng magandang trabaho. Kalaunan napadpad siya sa Makati City at naging isang sikat na negosyante at ngayon, siya ang namumuno sa isa sa sikat na organization ng mga negosyante.

Alam niyang ang kabutihang ginawa ni Sebastian sa kanya ay maaaring makalimutan nito pero para sa kanya ay hindi iyon mawawala kailan man. Bago siya umalis sa grupo nito, iniwan niya ang kanyang cellphone number at ngayon hindi niya lubos maisip na tatawag mismo ang Hades sa kanya.

“Xander,” sambit niya sa pangalan ng sekretarya habang inaalala ang mga nakaraan. “Hindi ba naghahanap ng mga healthy supplement ang kumpanya natin?”

“Opo, Sir Alejandro. Katunayan ay mayroon na tayong listahan para sa mga magaganda ang kalidad at sikat na mga supplements sa bansa,” sagot sa kanya ng secretary.

“I want you to remove all of that because we are going to purchase the supplement of the Villareal Group. You should order now and do it quickly!” utos niya dito.

Natawa naman nang mahina si Xander dahil sa gulat. Kilala niya si Alejandro at hindi ito basta-basta nangingialam tungkol sa mga produktong pumapasok sa kanila noon.

Marami na ring malalaking mga negosyante ang gustong makuha ang pagpayag ni Alejandro Fernandez sa pagbili sa kanilang mga produkto. Ang iba nga ay nagbibigay pa ng mga regalo at gumagamit ng connection pero walang nangyari. Ngunit ngayon, isang tawag lang ay bigla itong nagbago. Hindi siya makapaniwala sa impluwensya ng tumatawag.

*****

Pinatay naman agad ni Sebastian ang cellphone pagkatapos niyang magpaliwanag sa kabilang linya.

“Talaga bang si Alejandro Fernandez ang leader ng isa sa sikat na organization sa Makati ang na sa kabilang linya, Sebastian?” takang tanong ni Henry sa kanya.

“Dati ko siyang kasamahan sa militar noon. Nalaman kong ipinasa siya sa Makati City at kalaunan ay naging isang sikat na negosyante. Isa na rin siyang leader ng Makati at walang kwestyon sa kanyang pagiging pinuno dahil marami na rin siyang naabot,” sagot naman ni Sebastian.

Napasandal naman sa pader si Dominic habang nakangisi ito kay Sebastian.

“Napahanga ako diyan sa ginawa mo, ha? Sa isang tawag mo lang ay napabili mo na ng dalawang milyon na Barley si Alejandro Fernandez, at sino ka ba sa palagay mo? Anak ka ba ng presidente para magkaroon ng ganiyang kapangyarihan?”

“Alejandro used to be my junior before,” sagot niya sa makatotohanang boses pero naging dahilan lang ito upang kutyain siya lalo.

“Akala ko ba ay isang katamtaman na baguhan lamang itong si Sebastian pero ang mga sinasabi niya ay mukhang hindi na kapani-paniwala,” sabat ng isa sa kanyang mga kasamahan.

“Kabataan nga naman ngayon ay ang hilig mangarap ng gising!” ani pa ng isa.

“Ang ayaw talaga namin sa loob ng trabaho ay 'yong taong malaki ang kumpyansa sa sarili!” dagdag pa ng iba.

Nakaramdam naman ng pagkapahiya sina Henry at Liam dahil mukhang hindi na makatotohanan ang sinasabi ni Sebastian kanina.

“Okay ka lang ba, Sebastian? Paano kung humingi ka na lang ng tawad kay Sir Dominic? Marami ka naman nagawa para sa kumpanya kaya alam namin nagbibiro lang 'yon,” saad ng isa sa mga kaibigan niya.

“Ako hihingi ng tawad sa kanya? Malaking biro yata 'yan. Gusto niyang makipagpustahan sa akin, ngayon ay kailangan niyang tuparin 'yon!” saad ni Sebastian sa mga kaibigan.

Agad namang sumabat si Dominic sa usapan nila. “Ang mga taong wala namang kakayahan at patuloy na igiit ang pagpapanggap ay dapat lang harapin ang kaparusahan na nararapat para sa kanya!”

“Sir Dominic,” sabat ng isa sa mga trabahante na siyang nakatoka sa pagsagot sa mga tawag ng department office nila ay biglang tumayo para sabihin ang kanyang nalaman sa malakas na boses. “Katatawag lang po ng secretary ng city government at gusto nilang kumuha ng mahigit 40,000 na box ng Barley sa atin at nagbayad ng 20 million!”

Ang balitang narinig nila mula sa kasamahang employee ay parang isang kulog na biglang dumagundong sa kanilang mga tainga na siyang dahilan upang matigilan ang lahat. Ang order na galing mula sa city government at binayaran nila ng mahigit 20 million!

Bigla nilang naisip na baka maaaring nagsasabi si Sebastian ng totoo at talagang si Alejandro Fernandez nga ang kausap nito sa cellphone kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status