Share

Kabanata 9

Mukhang napahiya ng sobra si Katrina sa likuran dahil sa pwersahang pagpasok ng mag-ina. Nandilim naman ang mukha ni Sebastian.

Marami na siyang nakitang mga tao na walang hiya kung kumilos pero ito ang unang beses na makatagpo siya ng sobra ang kagaspangan. Kung aaminin niya ang tungkol kay Allison Villareal, alam niyang ang dalawang babaeng ito ay siguradong masasabik na lapitan si Allison dahil sa kanyang status sa buhay.

“I am so disappointed to all of you. Allison Villareal is my boss. She just came to see me yesterday just because of work and immediately left after she discussed her tasks,” aniya na hindi sinabi ang buong katotohanan sa mga ito.

Agad na nagbago ang reaksyon sa mukha ni Cynthia at ng ina niyang si Elizabeth nang marinig ang sinabi ni Sebastian.

“Anong sinabi mo? Siya ang boss mo? Paanong ang isang katulad ni Allison Villareal ay magkaka-interest sa isang nobody na tulad mo?”

“Pinasaya mo kami sa walang kabuluhan! Malas ka talaga!”

Galit na sabi ng mag-ina sa kanya at agad namang umalis habang dala-dala ang mga regalong bitbit nila.

Nakatanggap naman bigla ng isang text message si Sebastian na nanggaling kay David.

“Limang bilyon ang ipinasok sa card mo, Hades. Malaya mo 'yang magagamit sa kung ano ang gusto mong gawin sa pera.”

Hindi napigilan ni Sebastian na mapailing sa kanyang ulo. Mahilig si David na gumawa ng magarbong pagsalubong sa kanya.

“Huwag mo na silang pansinin, Sebastian. Nag-alala ako sa 'yo kagabi. Saan ka ba nagpunta?” nag-aalalang tanong ni Katrina sa kanya.

Ngumiti si Sebastian upang ipakita sa ina na maayos lang ang lahat saka ito sinagot.

“Hindi ka dapat mag-alala dahil hindi ako sa kalsada natulog kagabi. At isa pa, may utang pa tayo, hindi ba? Gusto mo bang gamitin ko ang pera ko para mabayaran 'yon?” ani Sebastian sa ina.

“Maliit lang ang kita mo sa pagiging clerk mo. Hindi sasapat ang halos limang daan na sahod mo kada linggo para mabayaran natin ang ganoon kalaking utang. Saan ka hahanap ng malaking pera para mabayaran ang utang natin? May masama ka bang binabalak?” kinabahang tanong ng ina sa kanya.

“Of course not. You're thinking too much, Mom,” ani Sebastian at sinigurado ang ina na wala siyang gagawin.

“Mabuti naman kung gano'n. Ang ama mo naman ay gustong magkapera ng malaki kaya bumalik siya sa site ng minahan pero bigla itong pinasara at kailangan sumunod sa batas,” sagot ni Katrina sa anak. “Pagtulungan natin na makahanap ng sapat na kita para sa bayarin natin na hindi kailangan mag-alala ka nang husto.”

Tumango na lamang si Sebastian bilang tugon dito. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang ina kaya maghahanap siya ng paraan kung saan makakahanap ng pera na hindi niya kailangang gamitin ang pera na nasa kanyang private card.

Pagkatapos niyang pakalmahin ang ina, umalis na si Sebastian upang pumasok sa kanyang trabaho. Nagtatrabaho siya sa sales department ng Villareal Company. Kahit hindi ito kalakihan ngunit ang pressure na mapanatiling maganda ang performance ay meron doon.

Pagkarating niya sa opisina, agad niyang nakita ang mga kasamahan na ngayon ay pinapagalitan ng kanilang supervisor na si Dominic Legaspi.

“Halos dalawang buwan na magkakasunod ay bumababa ang benta natin at hindi na nasunod ang target nating makuha. Wala talaga kayong mga silbi at 'yang mga kukute niyo ay walang mga laman!” sigaw nito sa mga tauhan.

Ang dalawang malalapit na kaibigan ni Sebastian na sina Henry at Liam ay nasama sa pinagalitan nang lubusan lalo na si Henry. Sinampal pa talaga ito ng supervisor at ngayon ay namula na ang kanyang pisngi.

Hindi kinaya ni Sebastian ang kanyang nakita kaya lumapit na siya sa supervisor.

“I remember that one of the company's regulations is to prevent insulting and hurting the workers, Mr. Dominic Legaspi,” ani Sebastian sa kanya.

Tinitigan nang masama ni Dominic si Sebastian dahil sa kanyang sinabi.

“Bago ka lang dito at hindi mo pa nga natatapos iyang internship mo sa kumpanyang ito para pagsabihan mo ako ng ganiyan. Huwag mong kalimutan ang tungkol sa mababang performance mo kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako. Gusto mo bang mapaalis, Sebastian Lazarus?” galit na sabi ng supervisor.

“Kalma ka lang, Sebastian. Okay lang naman kami.”

Agad siyang pinigilan ni Henry at Liam habang nagsusumamo ang tono ng mga ito. Kaya nilang tiisin ang galit ng supervisor sa loob ng ilang araw dahil regular na sila sa kumpanyang ito pero si Sebastian ay na sa internship pa lang. Madali siyang mapapaalis kapag sinuway niya si Dominic.

“Walang karapatan ang kahit na sino na manakit at mang-abuso ng mga trabahante. Kahit ikaw pa ang boss ay kailangan mong humingi ng tawad, Mr. Legaspi!” pagmamatigas ni Sebastian. Kilala niya ang supervisor. Magaling itong mang-uto lalo sa mga baguhan at bastos ito sa mga babaeng empleyado.

Si Dominic na sanay sa pananakot sa mga empleyado ay ngumisi lang.

“Gusto mo akong humingi ng tawad? Ilang taon ka na ba?” tanong ni Dominic kay Sebastian.

“Nakalagay sa patakaran ng kumpanya na lahat ay dapat tratuhin ng patas kahit pa man sa kung anong posisyon sa kumpanya. Sa tingin mo ba ay mas mataas ka pa sa patakaran, Mr. Legaspi?” tanong ni Sebastian sa kalmadong tono niya.

“Do you really think that piece of paper can startle me? But if you want to defend them, then it's fine and because you're standing up for them, you should help them meet their target sales within three days. I will let them go once you succeed, but if you're not, I want you to leave this department as soon as possible!” sabi ng supervisor na ngayon ay humupa na ang galit nito.

Namutla naman si Liam nang marinig niya 'yon at agad na sumabat.

“Napaka-imposibleng mangayari 'yan, Sebastian. Ang task natin ay maibenta ang bagong health product ng grupo na Barley. Matumal ang pag-avertise nito at walang benta. Isang buwan ang palugit ni Sir Dominic na makabenta tayo ng isang milyon pero isang daan lang ang nabenta ngayong buwan. Kung titignan, imposibleng maabot natin 'yan sa loob lamang ng tatlong araw!”

Nanatili si Sebastian sa kanyang posisyon at saka sinabing, “Paano kung makuha ko 'yan sa loob ng isang araw?”

Natigilan ng ilang segundo si Dominic at biglang tumawa ng malakas.

“Dalawang milyon isang araw lang? Sa tingin mo ay kaya mong gawin 'yan? Pero kung sakali man na maabot mo 'yan, bukod sa hindi kita paaalisin ay luluhod at yuyuko pa ako sa 'yo para humingi ng tawad!” natatawang sabi ni Dominic.

“What if I do it in just five minutes? Are you willing to kneel and bow three times while apologizing?” tanong ni Sebastian.

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Sebastian. Ilan sa kanila ay hindi maiwasang mapatanong kung iyon ba ang paraan ng isang intern para umiwas sa gulo.

Kumunot naman ang noo ni Dominic at saka ngumisi. “Talaga bang nandito ka para maghanap ng gulo?”

“Sebastian, imposible 'yang sinasabi mo. Ang magkaroon ng dalawang milyon sa loob ng limang minuto ay isang kathang isip lamang!” sambit ng kanyang mga kaibigan.

“Gagawin ko kung ano man ang sinabi ko. Natatakot ka na ba, Mr. Legaspi?” tanong ni Sebastian dito.

Ang ginawang pangmamaliit ni Dominic ay sobrang nagpagalit kay Sebastian. Nasindihan na ang apoy at mahirap na itong patayin.

“Kung gusto mo talagang mapahiya, gagawin ko ang gusto mo. Kapag nagawa mo 'yan, luluhod ako kaagad!” nakangising sabi ni Dominic. Gagawin niya itong bitag para kay Sebastian.

Kaninang umaga ay nagpunta si Albert Villareal sa opisina at nagbigay ng isang milyon para mapaalis si Sebastian at ngayon ay hindi na siya mahihirapan dahil si Sebastian na mismo ang naglagay sa sarili niya sa bitag.

Kinuha ni Dominic ang kanyang cellphone at sinimulang paandarin ang timer at saka sinabing, “Your five minutes starts now, Sebastian Lazarus.”

Base sa nalaman ni Dominic tungkol kay Sebastian noong nakaraang mga buwan, mababa ang performance nito kung ikukumpara kay Henry. Alam niyang ang intern na katulad ni Sebastian ay mabibigo nang sobra.

Subalit kalmado lang si Sebastian nang kunin niya ang cellphone sa bulsa saka hinanap ang cellphone number ng kanyang kakilala sa Makati. Maaaring tulungan siya ng taong ito.

“Is this Alejandro Fernandez? This is Sebastian Lazarus, and I have a task for you to do,” aniya sa kabilang linya.

‘Alejando Fernandez?’

Nang marinig nila ang pangalan na 'yan, lahat ay napatulala.

“Alejandro Fernandez? Hindi ba siya 'yong kilalang makapangyarihang tao sa lugar ng Makati?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status