Mukhang napahiya ng sobra si Katrina sa likuran dahil sa pwersahang pagpasok ng mag-ina. Nandilim naman ang mukha ni Sebastian.Marami na siyang nakitang mga tao na walang hiya kung kumilos pero ito ang unang beses na makatagpo siya ng sobra ang kagaspangan. Kung aaminin niya ang tungkol kay Allison Villareal, alam niyang ang dalawang babaeng ito ay siguradong masasabik na lapitan si Allison dahil sa kanyang status sa buhay.“I am so disappointed to all of you. Allison Villareal is my boss. She just came to see me yesterday just because of work and immediately left after she discussed her tasks,” aniya na hindi sinabi ang buong katotohanan sa mga ito.Agad na nagbago ang reaksyon sa mukha ni Cynthia at ng ina niyang si Elizabeth nang marinig ang sinabi ni Sebastian.“Anong sinabi mo? Siya ang boss mo? Paanong ang isang katulad ni Allison Villareal ay magkaka-interest sa isang nobody na tulad mo?”“Pinasaya mo kami sa walang kabuluhan! Malas ka talaga!”Galit na sabi ng mag-ina sa kanya
“It's about the health care product named as Barley that was produced by the Villareal Group meets the national quality inspection standards. This is made from plants rich in high fiber and can reduce any type of disease.”Hindi pinansin ni Sebastian ang ingay sa paligid nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Dagdag pa niya, “Give me two millions within five minutes only.”Sa mga oras din na 'yon, sa opisina ni Alejandro Fernandez, ang isa sa mga makapangyarihang leader ng Makati City ay mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone.Nanginginig pa ang kanyang boses nang sagutin niya ang kabilang linya. “It's Hades! He never forgotten me, and it's actually the Hades!”Noon ay nagtatrabaho lamang si Alejandro bilang isang private cook ni Sebastian sa kampo niya. Napahanga niya si Sebastian dahil sa galing niyang magluto at nakuha niya ang paghanga ni Sebastian. Kalaunan ay tinulungan siya ni Sebastian at binigyan ng magandang trabaho. Kalaunan napadpad siya sa Makati City at naging isang
Nawala ang ngiti sa labi ni Dominic at pakiramdam niya ay sinampal siya ng malakas. Iyong tipo na ramdam niya ang sakit ng sampal.Biglang natahimik ang buong paligid. Sa kabilang banda naman ay ikinatuwa ni Henry at Liam ang kanilang narinig at hindi napigilan ang mga sariling mag-react.“Ang galing naman, Sebastian!” tuwang sabi ni Henry at ni Liam.Nagkibit ng balikat si Sebastian dahil naisip niya na isang tusong tao si Alejandro. Dalawang milyon lang ang hiningi niya subalit 20 million naman ang binigay nito. Alam ni Sebastian na gustong patunayan ng lalaki ang sarili sa kanya.Naglakad si Sebastian sa direksyon ni Dominic na ngayon ay namumutla na.“Paano ba 'yan, Mr. Legaspi. Nagawa ko na ang sinabi ko sa 'yo. Siguro naman ay gagawin mo rin ang pinangako mo sa 'kin kanina?” tanong ni Sebastian dito.Nanginig ang labi ni Dominic Legaspi pero pinanatili niya pa rin ang sarili na ngumiti saka ito nagsalita. “Sabi mo sa cellphone kanina ay dalawang milyon lang ngunit kumuha sila ng
“Ano bang klaseng tanong 'yan, Nicole?”Napaikot sa kanyang mga mata si Allison dahil sa sinabi ni Nichole.“Ginamit ko lang siya para mapigilan ko ang kasal at wala akong kahit kaonting nararamdaman para sa kanya,” malamig na sabi ni Allison. “Kung gano'n, bakit ka sobrang apektado kapag nababanggit ang pangalan niya?” ani Nicole sa nakangiting reaksyon. “Hindi ito ang Allison na kilala kong malamig pa sa yelo.”Biglang tinitigan ni Allison si Nicole na para bang gusto niya na itong tunawin sa sama ng tingin.“Nagbibiro lang ako, Allison,” mabilis na sabi ni Nicole sa kanya. Nang marinig ni Allison 'yon, agad niyang tiniklop ang hawak na notebook at saka pinaglaruan ang ballpen na hawak.“Anong ginagawa niya nang magpunta ka roon?” tanong ni Allison sa kanya.“Nang makarating ako, nakita kong sugatan ang kanyang supervisor at kapag hindi ako nakapunta sa tamang oras, baka nasesante na siya,” sagot ni Nicole.“Hindi talaga nag-iingat, mapusok, at napakatigas ng ulo kaya sobr
“Magsabi ka ng totoo, Sebastian. Kagagawan mo ba ang lahat nang ito?” tanong ni Allison sa kanya habang magkasalubong ang kilay. “Alam ko na hindi mo gusto ang ginawa ni Manager Bella kanina,” sambit pa ni Allison. “Pero hindi mo dapat dinaan ang lahat dito para ayusin ang gulo.”Natuod sa direksyon si Sebastian at hindi niya inaasahan na ang ginawa niyang pagpanig kay Allison ay siya ring magiging dahilan para hindi siya nito maintindihan at sa iba pumanig. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang dibdib at bigla siyang napangisi. “So, hindi ka naniniwala sa 'kin? Kung ano man ang sinasabi ni Mr. Villareal na ginawa ko ay 'yon na.”Kahit ano pang gawin niyang paliwanag, wala rin namang makikinig sa kanya.“Hindi ko naman sinabi na ginawa mo 'yon. Gusto ko lang magtanong,” ani Allison habang ang kanyang dibdib ay napatigil sa pagkabog ng ilang segundo.“Ang tapang mo naman na pagsalitaan ng ganiyan si Ms. Villareal. Sino ka ba sa akala mo? Ang lalaking ito ay dapat lang na napaa
Nang dahil sa sinabi ni Sebastian, biglang nagkagulo ang lahat. Nagsimulang magkaroon ng pag-uusap mula sa mga nandoon at makikitang natuwa ang mga ito.Nagulat naman ang may-ari ng ilang sandali pero kaagad din namang nakabawi. Biglang nabalot ng galit ang kanyang mata nang tignan niya si Sebastian.“Sino ka ba para sabihin 'yan? Kung hindi mo naman kaya ang presyo ng mga ito, mas mabuti pang umalis ka na dito at 'wag ka na magsalita ng mga walang katuturan. Nilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan!” galit na sigaw ng may-ari kay Sebastian. “I am just offering a suggestion. If you believe it or not, then it's up to all of you,” kalmadong sagot naman niya. Ang lalaking kalbo na kanina pa malaki ang napusta ay tinitigan nang maigi si Sebastian at tila ba kinikilala niya ito.“Sinasabi mo bang ang magandang bato na ito ay fake? Ano naman ang batong 'yan? Iyan na ba ang fire coral?” tanong ng lalaki kay Sebastian. Tinitigan muna ni Sebastian ang bato na nasa isang tabi saka
Ang isang ordinaryong fire coral ay light lang ang pagkapula nito pero itong Imperial Flame Red Coral ay dark red ang kulay. Kapag ito ay naliwagan ng araw, nagiging kulay ginto ito. Dahil sa taglay nitong kagandahan, halos ikabaliw ito ng mga nakakakita.Dalawang beses sa halos isang dekada lamang makikita itong pambihirang coral na minsan ay ginagawang regalo para sa isang bansa at minsan naman ay naka-display ito sa isang auction na halos tatlumpung bilyon ang halaga. Gulat, saya, at pagkamangha ang naging reaksyon ng lahat nang makita ito sa personal.Sakay sa isang Rolls-Royce Phantom na sasakyan, inayos ng tuwid ni Nicole ang kanyang maputing mga paa dahil sa paghanga niya sa pinakita ni Sebastian.“I never expected Sebastian to be this remarkable as I thought,” aniya na puno pa rin ng pagkamangha ang itsura.”Malakas ang kanyang kutob na may tinatago sa kanya si Allison at hindi basta-bastang tao lamang itong si Sebastian.Napukaw ni Sebastian ang interest ni Nicole na malaman a
“Ang lalaking 'yan ay si Adrien Castro, ang batang Castro. Malaking grupo din ang mga Castro na kilala sa buong Makati City sa loob ng maraming taon. Parehong legal at illegal ang kanilang operasyon at maging ako ay ingat na ingat sa kanila,” paliwanag ni Andrew kay Sebastian.Nanatiling blanko ang ekspresyon ni Sebastian at saka nagsalita. “Wala akong pakialam kung sino at ano siya. Ang gusto kong malaman ay kung papasok ba sila diyan sa loob!”Bigla namang natakot si Andrew na parang kaharap niya si kamatayan dahil sa mga binitawang salita ni Sebastian.“Ang hotel na ito ay kilala sa pangalang CG Hotel na isa sa pagmamay-ari ng mga Castro. Isa ito sa mga malalaking Love Hotel ng Makati City. Ang pagkakaalam ko ay dito palaging dinadala ni Adrien Castro ang mga babae niya,” paliwanag ni Andrew sa kanya.Napatitig si Sebastian sa mga ito. Ang pagkakatanda ni Sebastian ay sinabi ni Allison na may pag-uusapan silang billion project kasama si Adrien Castro subalit masama ang kanyang pakir