Mabilis ang galaw ng mga mata ni Sebastian at sa isang iglap ay isang matulis na patalim ang biglang lumipad sa kanyang direksyon. Mabilis niyang nasalo ito bago pa man tuluyang tumama sa kanya.Napaatras ng halos pito o walong hakbang ang may-ari ng aninong iyon kaya nagulat si Sebastian. Ang ginawa niyang pagsalo ay isa pa lang sa kakayanan niya at walang sinuman ang makakagawa no'n sa ganoong sitwasyon. “Magaling ang lalaking ito. Sino naman kaya ang nagawan ng kasalanan ni Allison para gawin ang ganitong kalupitan?” Hindi nagsalita ang lalaki kay Sebastian at mabilis itong umalis patungo sa ikalawang palapag. Nanlamig ang buong katawan ni Sebastian dahil masama ang kanyang kutob. Hindi siya pwedeng umakyat sa ikalawang palapag pero mamamatay si Allison. Nagdadalawang isip siyang pumunta doon dahil sinabihan siya ni Allison na hindi siya pwedeng pumunta sa second floor. Subalit wala na siyang pakialam. Kailangan niyang iligtas ang buhay nito at 'yon ang mas importante. Wala
Mukhang napahiya ng sobra si Katrina sa likuran dahil sa pwersahang pagpasok ng mag-ina. Nandilim naman ang mukha ni Sebastian.Marami na siyang nakitang mga tao na walang hiya kung kumilos pero ito ang unang beses na makatagpo siya ng sobra ang kagaspangan. Kung aaminin niya ang tungkol kay Allison Villareal, alam niyang ang dalawang babaeng ito ay siguradong masasabik na lapitan si Allison dahil sa kanyang status sa buhay.“I am so disappointed to all of you. Allison Villareal is my boss. She just came to see me yesterday just because of work and immediately left after she discussed her tasks,” aniya na hindi sinabi ang buong katotohanan sa mga ito.Agad na nagbago ang reaksyon sa mukha ni Cynthia at ng ina niyang si Elizabeth nang marinig ang sinabi ni Sebastian.“Anong sinabi mo? Siya ang boss mo? Paanong ang isang katulad ni Allison Villareal ay magkaka-interest sa isang nobody na tulad mo?”“Pinasaya mo kami sa walang kabuluhan! Malas ka talaga!”Galit na sabi ng mag-ina sa kanya
“It's about the health care product named as Barley that was produced by the Villareal Group meets the national quality inspection standards. This is made from plants rich in high fiber and can reduce any type of disease.”Hindi pinansin ni Sebastian ang ingay sa paligid nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Dagdag pa niya, “Give me two millions within five minutes only.”Sa mga oras din na 'yon, sa opisina ni Alejandro Fernandez, ang isa sa mga makapangyarihang leader ng Makati City ay mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone.Nanginginig pa ang kanyang boses nang sagutin niya ang kabilang linya. “It's Hades! He never forgotten me, and it's actually the Hades!”Noon ay nagtatrabaho lamang si Alejandro bilang isang private cook ni Sebastian sa kampo niya. Napahanga niya si Sebastian dahil sa galing niyang magluto at nakuha niya ang paghanga ni Sebastian. Kalaunan ay tinulungan siya ni Sebastian at binigyan ng magandang trabaho. Kalaunan napadpad siya sa Makati City at naging isang
Nawala ang ngiti sa labi ni Dominic at pakiramdam niya ay sinampal siya ng malakas. Iyong tipo na ramdam niya ang sakit ng sampal.Biglang natahimik ang buong paligid. Sa kabilang banda naman ay ikinatuwa ni Henry at Liam ang kanilang narinig at hindi napigilan ang mga sariling mag-react.“Ang galing naman, Sebastian!” tuwang sabi ni Henry at ni Liam.Nagkibit ng balikat si Sebastian dahil naisip niya na isang tusong tao si Alejandro. Dalawang milyon lang ang hiningi niya subalit 20 million naman ang binigay nito. Alam ni Sebastian na gustong patunayan ng lalaki ang sarili sa kanya.Naglakad si Sebastian sa direksyon ni Dominic na ngayon ay namumutla na.“Paano ba 'yan, Mr. Legaspi. Nagawa ko na ang sinabi ko sa 'yo. Siguro naman ay gagawin mo rin ang pinangako mo sa 'kin kanina?” tanong ni Sebastian dito.Nanginig ang labi ni Dominic Legaspi pero pinanatili niya pa rin ang sarili na ngumiti saka ito nagsalita. “Sabi mo sa cellphone kanina ay dalawang milyon lang ngunit kumuha sila ng
“Ano bang klaseng tanong 'yan, Nicole?”Napaikot sa kanyang mga mata si Allison dahil sa sinabi ni Nichole.“Ginamit ko lang siya para mapigilan ko ang kasal at wala akong kahit kaonting nararamdaman para sa kanya,” malamig na sabi ni Allison. “Kung gano'n, bakit ka sobrang apektado kapag nababanggit ang pangalan niya?” ani Nicole sa nakangiting reaksyon. “Hindi ito ang Allison na kilala kong malamig pa sa yelo.”Biglang tinitigan ni Allison si Nicole na para bang gusto niya na itong tunawin sa sama ng tingin.“Nagbibiro lang ako, Allison,” mabilis na sabi ni Nicole sa kanya. Nang marinig ni Allison 'yon, agad niyang tiniklop ang hawak na notebook at saka pinaglaruan ang ballpen na hawak.“Anong ginagawa niya nang magpunta ka roon?” tanong ni Allison sa kanya.“Nang makarating ako, nakita kong sugatan ang kanyang supervisor at kapag hindi ako nakapunta sa tamang oras, baka nasesante na siya,” sagot ni Nicole.“Hindi talaga nag-iingat, mapusok, at napakatigas ng ulo kaya sobr
“Magsabi ka ng totoo, Sebastian. Kagagawan mo ba ang lahat nang ito?” tanong ni Allison sa kanya habang magkasalubong ang kilay. “Alam ko na hindi mo gusto ang ginawa ni Manager Bella kanina,” sambit pa ni Allison. “Pero hindi mo dapat dinaan ang lahat dito para ayusin ang gulo.”Natuod sa direksyon si Sebastian at hindi niya inaasahan na ang ginawa niyang pagpanig kay Allison ay siya ring magiging dahilan para hindi siya nito maintindihan at sa iba pumanig. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang dibdib at bigla siyang napangisi. “So, hindi ka naniniwala sa 'kin? Kung ano man ang sinasabi ni Mr. Villareal na ginawa ko ay 'yon na.”Kahit ano pang gawin niyang paliwanag, wala rin namang makikinig sa kanya.“Hindi ko naman sinabi na ginawa mo 'yon. Gusto ko lang magtanong,” ani Allison habang ang kanyang dibdib ay napatigil sa pagkabog ng ilang segundo.“Ang tapang mo naman na pagsalitaan ng ganiyan si Ms. Villareal. Sino ka ba sa akala mo? Ang lalaking ito ay dapat lang na napaa
Nang dahil sa sinabi ni Sebastian, biglang nagkagulo ang lahat. Nagsimulang magkaroon ng pag-uusap mula sa mga nandoon at makikitang natuwa ang mga ito.Nagulat naman ang may-ari ng ilang sandali pero kaagad din namang nakabawi. Biglang nabalot ng galit ang kanyang mata nang tignan niya si Sebastian.“Sino ka ba para sabihin 'yan? Kung hindi mo naman kaya ang presyo ng mga ito, mas mabuti pang umalis ka na dito at 'wag ka na magsalita ng mga walang katuturan. Nilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan!” galit na sigaw ng may-ari kay Sebastian. “I am just offering a suggestion. If you believe it or not, then it's up to all of you,” kalmadong sagot naman niya. Ang lalaking kalbo na kanina pa malaki ang napusta ay tinitigan nang maigi si Sebastian at tila ba kinikilala niya ito.“Sinasabi mo bang ang magandang bato na ito ay fake? Ano naman ang batong 'yan? Iyan na ba ang fire coral?” tanong ng lalaki kay Sebastian. Tinitigan muna ni Sebastian ang bato na nasa isang tabi saka
Ang isang ordinaryong fire coral ay light lang ang pagkapula nito pero itong Imperial Flame Red Coral ay dark red ang kulay. Kapag ito ay naliwagan ng araw, nagiging kulay ginto ito. Dahil sa taglay nitong kagandahan, halos ikabaliw ito ng mga nakakakita.Dalawang beses sa halos isang dekada lamang makikita itong pambihirang coral na minsan ay ginagawang regalo para sa isang bansa at minsan naman ay naka-display ito sa isang auction na halos tatlumpung bilyon ang halaga. Gulat, saya, at pagkamangha ang naging reaksyon ng lahat nang makita ito sa personal.Sakay sa isang Rolls-Royce Phantom na sasakyan, inayos ng tuwid ni Nicole ang kanyang maputing mga paa dahil sa paghanga niya sa pinakita ni Sebastian.“I never expected Sebastian to be this remarkable as I thought,” aniya na puno pa rin ng pagkamangha ang itsura.”Malakas ang kanyang kutob na may tinatago sa kanya si Allison at hindi basta-bastang tao lamang itong si Sebastian.Napukaw ni Sebastian ang interest ni Nicole na malaman a
Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik
Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany
“Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.
“Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal
Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay
“Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n
Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong
Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit
“Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k