"I am the one in charge, baby; I can do whatever I want," he said softly to Xianna, lightly biting her ears. She closed her eyes and remembered that the sexy male dancer she bought a year ago from that exclusive gay bar was the same guy who bought her from the Mafia, where her mother sold her. The man resembles her deceased boyfriend.
View MoreIlang araw na siya sa ospital at pakiramdam niya ay magaling na siya. Pero sa mga araw na inilagi niya rito ay hindi man lamang niya nakita ni anino ni Raj. Sabagay, sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng panahon? Pasalamat na nga lang siya at dinala pa siya nito sa ospital, kung hindi ay baka ang islang iyon na ang naging huling hantungan niya. Nagkaroon kasi siya ng malaria, kaya pala ganoon na lamang ang panghihina ng katawan niya."Ma'am makakalabas na ho kayo ngayong araw," salubong sa kaniya ng nurse na kukuha ng vital signs n'ya."S-salamat," aniya. Malakas na naman siya, kahit nga noong isang araw pa ay kayang kaya na niya ang sarili. Tumagal lamang dahil sa mga test na isinagawa para masigurong walang impeksyon sa katawan niya.Ayon sa nurse ay nasa labas na raw ang sundo niya kaya dumiretso na rin siya sa main entrance ng ospital. Mabilis namang pumarada sa harap niya ang isang kulay itim na Toyota Alphard."Miss Xianna sakay na po, ako po ang maghahatid sa inyo,"
Kanina pa siya nakatingin sa malawak na karagatan mula sa kaniyang verandah. Hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang mga bagay bagay. Taliwas kasi ang mga nakalap niyang impormasyon sa mga sinabi ng kaniyang ama."Hello," aniya nang angatin ng nasa kabilang linya ang telepono."Mr. Shah," sagot ng boses lalaki sa kabilang linya."Me I speak with Violet?" Aniya nang mapagtantong hindi ito ang kausap niya. "Miss Chavez is out of town, she will be back in a few days," sabi nito."You can contact our agent who handled your case, directly," dagdag pa nito.Matapos nitong ipaliwanag ang ilang detalye ay ibinaba na nito telepono.Maya maya pa ay kausap na niya ang naturang agent."Diego Santiago," aniya."Would you mind if we met sometimes?" Patuloy niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito."Friday, nine in the morning," siya muli."N-no problem!" Iyon lamang ang nasabi ng kausap niya dahil hindi na niya ito hinayaang makasagot pa. Tila inaasahan naman yata nito ang kaniyang sasabih
Nagising siyang hindi halos maigalaw ang buong katawan. Masakit, makirot lalo na sa bahaging iyon. Parang mabibiyak ang buong pagkato niya nang subukang bumangon. Muli siyang napahiga. Masakit din ang ulo niya. Tatrangkasuhin pa yata siya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog baka sakaling mawala ito pag-gising niya. Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya dumilat dahil alam naman niyang si Raj iyon. Tatawanan ba siya nito? Ipapamukha sa kaniya na nakuha nito ang kay tagal niyang iningatan? Hindi naman siguro, ayaw niyang isipin na ganoong klaseng tao ang binata, kahit paano ay mabuti ang ipinakikita nito sa kaniya at isa pa, hindi naman siya nito pinilit sa nangyari.Nakikiramdam lang siya, ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya. Kahit na nakapikit siya ay iba ang epekto ng presensya at titig ito sa kaniya. Narinig niya ang yabag nito palapit sa kama. Tiniis niyang hindi gumalaw. Mamaya pa ay hinawi nito ang mga hibla ng buhok niyang tumatakip sa mukha niya p
Blangko ang ekspresyong nakatingin lamang siya sa puting kisame. Hindi niya alam ang sasabihin. Matutuwa ba siya? Magagalit? Anyway, wala namang nangyaring hindi maganda sa dalaga, hindi tulad ng akala niya. She is virgin! He hate virgin. Pero bakit parang hindi sa pagkakataong ito?Malalim na butong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang tumayo mula sa kama. Nakahiga ng patagilid at nakatalikod sa kaniya si Xianna. Hindi niya alam kung umiiyak ba ito o natutulog na. Pero imposible namang makatulog ito agad sa nangyari. Sigurado siyang dulo lamang ng daliri nito ang hindi masakit. Well, ayon lang naman sa karanasan niya at mga naririnig niyang kuwento."Get some rest," malumanay ang boses niya nang sabihin iyon. Hindi rin niya alam kung saan nanggagaling ang kalmado niyang boses tuwing kausap ang dalaga. 'Sh*t'! Namura niya ang sarili nang tuluyang makalabas ng silid at maisara ang pinto.Dumiretso siya sa mini bar sa kaniyang sala at naglagay ng yelo sa baso saka sinalinan ng mam
Marahas siya nitong kinabig at walang sabi sabing siniil ng mariing halik sa labi. Napapikit na lamang siya."R-raj," aniya nang sandaling makawala ang mga labi niya. Pero hindi niya alam kung protesta ba iyon sa ginawa nito o hiling na ituloy nito?Aaminin niya, matagal na niyang inasahan ang ganitong sitwasyon. Sino nga ba naman ang magbabayad ng napakalaki para lang sa wala? Pero kahit alam niya na ito lamang ang dahilan ng lahat, bakit pakiramdam niya ay handa at bukal sa loob niya ang magpaubaya? Hindi dahil gusto ng katawan niya, pero dahil gusto niya.Nagmulat siya nang maramdamang walang reaksyon mula rito. Namamalikmata lang ba siya? Si Raj ay matamang nakatitig sa kaniya, sa mukha niya. Wala sa mukha ang pagiging istrikto at kinatatakutang amo ng mga tauhan nito."Please say no," halos bulong nito na nanatiling nakatitig sa kaniya. Tila may pinipigilan na kung ano na ayaw ipahalata sa kaniya. Hawak pa rin siya nito sa beywang at ramdam niya ang maumbok nitong hinaharap sa ban
Habang tumatagal ay nasasanay na ang dalaga sa buhay sa Isla. Tila normal na sa kaniya ang makakita ng mga kakaibang pangyayari sa paligid. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang mga pinag-gagawa ng grupo ni Raj. Halos makilala na rin niya ang lahat ng kasamahan nito dahil sa mga naririnig niyang usap-usapan sa paligid. Malaya rin naman kasi siyang maglalabas sa lungga ni Raj kaya bukas rin siya sa mga nangyayari sa paligid.Nalaman din niya na hindi sila ang huling babaeng dinala sa casa. Halos kada linggo ay iba't- ibang babae ang dinadala rito. At hindi iyon sapilitan! Karamihan sa kanila ay boluntaryong sumasama sa isla! Pakiramadam niya ay siya lamang ang dinala sa lugar na ito nang hindi bukal sa kaniyang kalooban. At take note, siya pa lamang ang pinaka matagal na nanatili sa isla nang walang nangyayari na labag sa kalooban niya. In other words, siya ang pinaka maswerte.Mabilis na lumipas ang mga araw, halos anim na buwan na mula nang dalhin siya sa islang ito. Datnan-iwanan la
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. "What?!" Aniyang hindi makapaniwala. "I want you to join me for dinner, nakahanda na at malapit na ring lumamig." Ngumisi itong muli at binigyan siya ng tila nakakalokong tingin. "O-okay," aniyang nakahinga nang maluwag. Hindi nalamang niya pinansin ang pang-iinis nito sa kaniya. At least, hindi pa niya katapusan. Muli niyang isinara ang pinto at inayos ang sarili. Naka t-shirt lamang siya at shorts dahil iyon lamang naman ang available na damit. Isinuot ang fluffy slippers na bigay rin ng naghahatid ng pagkain niya. Dito kasi siya nagsasabi tuwing may mga personal na gamit siyang kailangan. Okay lang naman daw dahil kay Raj. Hindi naman siya umabuso, mga pangunahing pangangailangan lamang ang hiningi niya rito. Ni hindi nga rin siya humingi ng damit pero ito ang kusang nagdala dahil siguro iyon at iyon na lang ang nakikita nitong sinusuot niya. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan na niyang nakaupo sa dining area si Raj. Bihis na ito, hi
"At last!" Hindi mapigilang bulalas niya nang lumapag ang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Hindi niya akalaing matatagalan siya roon ng halos isang buwan. Halos makalimutan na niya ang mga naiwan niya rito sa dami ng problemang hinarap niyang sa India.Gusto pa sana niyang dumaan sa condo niya pero naghihintay na ang helicopter na maghahatid sa kaniya sa Isla kaya dideretso na lang siya at sa ibang araw na lang babalik dito."Maam," tawag ni Tonyo sa kaniya habang dinidiligan ang mga bagong tanim na halamang namumulaklak."Okay na ako, hayaan mo na akong gumawa nito at nababato na talaga ako sa lugar na ito," sagot ni Xianna na hindi man lang nilingon si Tonyo."Pabalik na po si Sir," maya maya ay patuloy nito.Nabitiwan n'ya ang hose ng tubig pero agad ding pinulot iyon, hindi niya ipinahalata ang pagkataranta sa kausap."Oh, eh ano naman ngayon? Hindi naman ako tumakas 'di ba? Buhay pa naman ako sa awa ng tigreng 'yon," aniyang tinutukoy ang tigreng humabo
Hindi siya nagyayabang, talagang ayaw lamang niyang makipag-transaction sa mga taong akala mo diyos ang tingin sa sarili. Kahit pa malaki ang ipapasok nitong pera sa kumpanya ay hindi niya ibababa ang pride sa ganitong klaseng mga tao."Well then, see you around!" Sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng pinto.Ipinatawag niya ang mga tauhang kanina lamang ay pinalabas niya ng silid."Everyone, any transaction which is connected to that group, just decline," sabi niya sa mga ito."No need my approval, decline! Cancel! Simple as that!" Utos niya.Tumango tango naman ang mga ito bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.Dumiretso siya sa sarili niyang opisina pagkatapos ng kanilang meeting. Kinuha na rin niya ang pagkakataon para pasalamatan ang kaniyang mga tauhan sa patuloy na pagiging tapat sa kaniya. Paano ba namang hindi magiging tapat ang mga ito eh nakita at nasaksihan nila kung ano ang ginagawa niya sa mga tiwaling empleyado. Galante siya pagdating sa pagpapa suweldo sa mga ito kaya inaa
"Raj, im not your real mom," ito ang mga katagang sumagot sa matagal nang tanong sa isip ng 21 anyos na si Raj.Halos hilo na siya sa alak ngunit tila paulit-ulit pa rin itong umaalingawngaw sa kaniyang tainga. Kasama niya ang kaibigang si Sandeep sa isang bar, nagpapakalunod sa alak umaasang kahit kaunti ay maibsan ang kaniyang sama ng loob. Si Sandeep ay kababata niya at alam nito ang lahat ng tungkol sa kanya. Very supportive naman ito, sinasamahan siya sa lahat ng drama niya sa buhay, maging sa kalokohan."Cheers for my best friend's freedom!" tila nang-aasar na itinaas nito ang bote ng beer."Cheers!" sang-ayon naman niya kahit masama pa ang loob sa mga pangyayari sa kanyang buhay."Hey guys," malanding bati ng dalawang seksing babae sa kanila habang diretsong pumulupot ang mga kamay ng mga ito sa kanila ng kaibigan. Nasa mamahaling bar sila noon at nasa exclusive room. Ang balak nila ay maglasing lang talaga pero hindi na yata maiiwasan ang mga babae sa lugar na tulad nito.N...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments