A dark romance story. Please refrain on reading if you don't like reading stories with dark themes. **** Tahimik na gumagawa ng proyekto nila sa kanilang eskwelahan si Jane at ang kaniyang mga kasama noong bigla siyang may narinig na sigawan. Dahil sa kuryusidad ay napasilip siya sa bintana at doon nakita niya ang isang lalaki na pinatay ng mga hindi kilalang kalalakihan. Noong sumunod na araw ay nakilala niya si Rodrigo Navarro. Ang pinaka makapangyarihang tao sa kanilang lugar. Ang taong magpapabago ng tahimihik niyang buhay. Hanggang kailan kaya niya maitatago ang pag-aari ng binata kung maging siya ay inaangkin na nito? Trigger warning! This story consists of mature scenes unsuitable for very young and sensitive readers! Rape, torture, murder, and abuse. Please do not continue reading this story if you are not into this kind of story. Thank you!
View MoreHello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan
Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba
Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin
Napasinghap si Rodrigo noong bigla siyang nagising. Masakit pa ang kaniyang ulo at medyo nahihilo pa. Dahan-dahan siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang na para bang binibiyak sa dalawa. What happened? nagtatakang tanong niya sa sarili. Ang huli niyang na aalala ay kausap niya ang kaniyang tiyuhin. May pinagtatalunan sila ngunit hindi niya maalala kung ano. Napabuga ng hangin si Rodrigo at muling nahiga. Dadapa sana siya noong may matamaan ang kamay niyang malambot at mainit na bagay. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi at napaupo noong may makita siyang babae sa kaniyang tabi. Did I just– “Jane?!” gulat na sabi ni Rodrigo noong mapagsino niya ang babaeng katabi niya. Hinawakan niya ang balikat nito at akmang ihaharap sa kaniya noong biglang naupo ang kaniyang asawa at pinandilatan siya ng mga mata. Nakaramdam siya nang pagkalito noong makita niya ang matinding takot sa mga mata nito. Kapansins-pansin din ang pamumula ng mga pisngi nito at mga mata na pa
Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon
“What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k
Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw sa labas ng bintana ng classroom namin. It's our first day pero hindi ko maipaliwanag kung bakit kanina pa mabigat ang pakiramdam ko. Mula no'ng lumabas ako ng dorm namin hanggang sa makarating kami rito ay hindi mawala ang kakaibang pakiramdam na 'yon.“Ang tagal naman ni Ma'am!”Napatingin ako sa katabi kong babae. Siya si Lana. My best friend slash enemy at the same time. Mula pa high school ay magkaibigan na kami. Tapos parehas pa kami ng course kaya hindi na kami napaghiwalay.Hindi ko na lang siya pinansin at muling tumingin sa labas ng bintana. Kita ko ang quadrangle kung saan maraming mga estyudante na naglalakad.“Jane, tignan mo, oh!”Muli akong napatingin kay Lana no'ng kinalabit niya ako.“Ano?” nakakunot ang noong sabi ko.Hindi ako nilingon ni Lana. Nakanguso lang siya kaya sinundan ko 'yon ng tingin.Lawrence?Natigilan ako nang makita ko kung sino 'yong nginunguso siya. Bakit andito rin siya? Papasok siya sa loob ng classroom. Um...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments