Masasabi kong nagkaroon na kami ng closure ni Lawrence matapos naming magkausap. Kagaya noong nasa high school pa lang kami. Kaming apat ang naging magkakaibigan. Noong una ay medyo na ilang pa ako. Syempre? Ex ko pa rin siya kahit papaano. Lalo na no'ng nalaman ko na talaga pa lang nag-transfer sa university namin si Lawrence para lang magkausap kami. Bigla tuloy akong nakonsensya. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin ako sa kanya nakipagbalikan. Tsaka sabi naman niya ay ayos lang iyon dahol naging magkaibigan naman kami ngayon.
Madalas ay napunta silang dalawa sa kwarto namin. Sabay-sabay kaming apat kumakain palagi. Never kong na imagine na magiging masaya pala nang ganito ang last year ko sa college.Swerte pa namin na palagi kaming magkakasamang apat tuwing reporting.Kagaya ngayon, nandito si Lawrence at Carlo sa kwarto namin. Report kasi namin bukas kaya kailangan na naming matapos ang kakailanganin namin.Ako, na nasa higaan ko ay naghahanda ng mga questionnaire. Sina Carlo naman at Lana ay busy sa pagsusulat ng mga output namin. Nakapwesto sila sa lemasang dinala namin sa gitna ng pagitan ng mga higaan namin. Si Lana nakaupo sa higaan ko. Si Carlo ay kay Lana kung saan nakapwesto si Lawrence. Ito ang nakatoka sa pagre-research sa iba naming ire-report.“Ano ba 'yan, Carlo? Ayusin mo naman!” reklamo ni Lana. Pagtingin ko sa kanya ay nakabusangot na siya at masamang tinitingnan si Carlo.“Ayos naman, ah? Lagyan natin ng smiley para matuwa si Ma'am sa atin.” Ngumisi si Carlo at pinagpatuloy ang pagsusulat sa manila paper.Napailing na lang ako habang nakangiti. Kanina pa kasi sila nag-aaway sa ginagawa nila.“Carlo, h'wag mo ngang ini-stress niyan ni Lana. Hindi ka sasagutin niyan sige,” biro ni Lawrence.“Eww!”“Ano?!” magkasabay na sabi nilang dalawa.Lalo akong natawa dahil nanlaki ang butas ng ilong ni Carlo. Lumapit pa siya kay Lawrence para paluin ang tuhod nito. Ayon, sinapak tuloy ni Lawrence.“Hoy! Tama na 'yan at tapusin na nating 'to. Inaantok na ako,” saway ko sa kanila.“Ito kasing si Carlo eh!”“Parang-awa niyo na po!”Natigilan ako noong may narinig akong isa pang boses na sumabay sa pagsasalita ni Lana. Napatingin ako sa binata namin na bahagyang nakabukas. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil doon.“Ayusin mo na kasi!”“May narinig ba kayo?” tanong ko. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at yellow pad saka bahagyang lumapit sa may bintana.“Ano 'yon, Jane?” nagtatakang tanong ni Lawrence. Sumenyas ako na tumahimik sila at nakiramdam.“Hayop ka!”Parang may sumuntok sa dibdib ko noong lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mahina ang boses. Napakahina. Pero mababakas doon ang matinding takot. Wala sa sarili na napatayo ako at lumapit sa bintana.“Jane, bakit?”Boses na ni Lana ang narinig ko. Sinenyasan ko lang sila ng wait lang at nakiramdam. May naririnig akong mga ungol na para bang nasasaktan. Pagsilip ko sa bintana ay madilim ang labas. Iyong bintana ay sliding na gawa sa salamin. May makapal na kurtina ang nakatakip doon para hindi kami kita sa loob. Bukas ang kalahati niyon kaya siguro may naririnig ako sa labas.Lalo akong kinabahan noong hinawakan mo na ang kurtina at bahagyang sumilip doon.Kitang-kita ko muna sa pwesto ako ang ilang tao sa may 'di kalayuan. Hindi ko mabilang kung ilan dahil madilim talaga ang paligid. Tapos may nagtataasang mga damo pa. Siguro kung wala kami sa fourth floor ay 'di ko makikita ang mga ito.Iyong tatlo sa kanila ay may hawak na flashlight. Noong matitigan ko kung ano ang iniilawan nila ay napanganga ako. May lalakeng nakaluhod at nakagapos ang mga kamay patalikod. Ilang sandali pa ay halos mapalundag ako noong makarinig ako nang malakas na mga putok. Nabitawan ko ang kurtina at napalayo ako sa bintana.Did I just see a man get killed?“Jane?”Agad akong napaiwas noong may maramdaman akong humawak sa balikat ko. Pagtingin ko ay si Lawrence iyon na labis na nag-aalala.“Ayos ka lang ba? Ano 'yon? May narinig kaming putok?”“H-Ha?”“Jane. Namumutla ka? Ano 'yon?” tanong naman ni Lana. Akma itong lalapit ng bintana pero mabilis kong iniharang ang sarili ko sa bintana.“W-Wala! Wala.”Tumalikod ako sa kanila at huminga nang malalim. May pinatay! Pinatay nila yung lalake! Pinilit kong ikalma ang sarili kahit na ramdam ko na ang panginginig ng mga kamay ko. Habang hindi binubuksan ang kurtina ay isinara ko ang bintana at ini-lock iyon. Noong muli akong lumingon sa kanila ay tatlo na silang nakatingin sa akin na puno ng pag-aalala.“A-Alam niyo, bukas na lang natin 'to gawin. B-Biglang sumama ang pakiramdam ko eh.” Pinilit kong ngumiti sa kanila.“Ano'ng masakit sa 'yo? Kailangan mo ba ng gamot? Teka. Bibili ako.” Tumalikod si Lawrence at akma nang lalabas ng kwarto. Pero hinawakan ko agad damit niya saay likurang parte upang hindi siya makapaglakad.“H-Hindi na! Sige na. Gusto ko na matulog. Magpahinga na tayo.” Pinilit ko ulit ngumiti.Hindi pa sila naniwala sa akin na kailangan ko lamg matulog para maging maayos. Pero kalaunan ay nakinig din sila. Lalo na noong may narinig kaming nagsisigwan sa labas ng kwarto namin. Kinakabahan pa ako dahil akala ko nakita ako noong mga tao sa ibaba. Pero may nag-aaway lang pa lang magkasintahan.Noong makapagligpit kami ay nahiga na rin kami agad. Ako naman ay hindi agad dinalaw ng antok.I can't believe what I saw! May pinatay sila sa likod ng dorm namin! Sino naman ang gagawa no'n? Bakit sa likod pa ng building namin? At higit sa lahat, bakit nila pinatay?!Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Pero buong gabi ay hindi na nawala ang takot ko dahil sa nakita ko.Kinabukasan. Paggising na paggising ko ay sumilip ako kaagad sa bintana. Wala na akong nakitang mga tao pero may nakita akong part na tumba ang mga nagtataasang mga damo. Hindi ko na lang sana papansinin iyon pero hanggang sa makapasok na lang kami ay hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko na gusto kong puntahan iyon. Parang may kung anong tumatawag sa akin na silipin ang pinangyarihan.Kaya heto ako, nagpaalam ako sa third subject namin ngayong araw para lang pumunta rito sa likod. Halos lahat sa amin ay may pasok kaya sigurado ako na walang mga tao sa mga kwarto ngayon. Kabadong-kabado pa ako habang hinahawi ang mga damo habang naglakakad ako.Sana naman walang makakita sa akin.Makalipas ang ilang sandali ay natunton ko rin ang mga natumbang mga damo. Muli akong binundol ng kaba noong makita ko ang pulan likido na basa pa. Sariwang-sariwa pa ang dugo- ibig sabihin ay hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Nakagat ko ang labi ko habang nakatitig doon. Kung sino ka man, bakit ka kaya nila pinatay? At bakit parang wala manlang ibang nakarinig sa nangyari.Tumingin ako sa building namin. Hindi masyadong malayo ang pinangyarihan. Kung ako na nasa fourth floor ay nakita at narinig ko iyon, siguro naman ang mga nasa first floor ay gano'n din. Sila kasi ang malapit. Pero bakit parang wala akong narinig na usapan kanina. Imposible na hindi magtanong ang mga estyudante tungkol sa tatlong putok na iyon.Napabuntonghininga ako at muling tumingin sa dugo. Ano ba ang ginagawa ko rito? May pinatay. Ibig sabihin may panganib. Bakit ba nangingialam pa ako?Tumalikod na ako at akma nang maglalakad. Pero napatigil ako noong maalala ko ang isang nakaumbok na bagay sa gitna ng maraming dugo. Muli akong tumingin doon at tinitigan iyon. Nagtingin-tingin ako sa paligid. Noong may nakita akong stick ay kinuha ko iyon at dinutdot ang nakaumbok sa gitna ng dugo. Napakunot ang noo ko noong may maramdaman akong matigas na bagay. Gamit ang stick na hawak ko ay hinila ko ang bagay na iyon sa parte kung saan walang dugo. Kinuha ko ang panyo ko at pinantakip iyon sa kamay ko para makuha ang bagay na iyon.“Wallet?” aniko noong mapunasan ko iyon.Coin purse pala iyon. Napakaliit lang niyon at pula rin ang kulay kaya hindi agad mapapansin. Muli kong tiningnan ang dugo. Pagkatapos ay ang wallet naman ang tinitigan ko.Ano kaya ito?Dali-dali akong bumalik sa building namin noong makuha ko na ang wallet. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang kaba ko habang naglalakad. Pakiramdam ko kasi ay hawak-hawak ko ang pinaka importanteng gamit ngayon sa school. Papaliko na sana ako sa room namin noong bigla akong may nakabunggo. Napangiwi ako at magagalit na sana pero natigilan ako noong matitigan ko kung sino ang nakasalubong ko. “I'm sorry. Ayos ka lang ba, hija?” nag-aalalang tanong ng matandang lalaking nasa harapan ko.Napaatras ako at agad na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. “A-Ayos lang po ako! Sorry!” kinakabahang sabi ko at agad na tumungo. “Ayos lang. Nagmamadali rin ako. Mag-iingat ka sa dinadaanan mo. Baka mapahamak ka lalo.”Agad kong napatingin sa kanya. Bigla akong binalot ng takot dahil sa kaniyang mga ngiti. Pakiramdam ko ay may kakaibang kahulugan ang kaniyang sinabi. Tumango na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Kilala ko siya. Madilim ang paligid kagabi ngunit tanda ko ang pustu
Tulala ako sa buong klase namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong mapanood ang video ni James. Hindi ako makapaniwala na ang isang Rodrigo Navarro ay isa pa lang mamamatay tao. Nakita ko siya noon dahil siya ang may-ari ng eskwelahan na ito. Once a year nagpupunta siya rito para bisitahin ang buong school. Noong unang kita ko sa kanya ay masasabi ko naman na mabait siya. Napaka galang niya sa mga tao at marespeto sa mga babae. Kaya nakagugulat nagbabalat-kayo lang pala siya. Halang ang kaluluwa. Muling bumalik ang ulirat ko noong marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Agad na napuno ng bulungan ang loob ng classroom namin. “That's it for today, class. Don't forget your assignment for our next meeting,” paalam ng prof namin. Agad na sumagot ang mga kaklase ko ng “Yes ma’am!” at nagsipaghandaan na para sa paglabas. Pero ako? Nanatili akong tulalang nakatingin sa unahan namin. Hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na lumabas ng silid na ito. “Hoy, Ja
Buong magdamag ay hindi ako mapakali. Paulit-ulit na nagpi-play sa isipan ko ang video ni James. Palagi ko rin na aalala ang mukha ni Rodrigo Navarro. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako dahil hindi ako mapakali!Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Rodrigo na magkikita raw ulit kami. Sa totoo ang ay natatakot na ako. Baka nalaman na niyang may alam ako. Paano kung patayin niya rin ako? Diyos ko! Hindi pa ako handang mamatay! Binabagabag din ako ng konsensya ko dahil kay James. Na aawa ako sa sinapit niya. Alam ko na sinubukan niya lang itama ang mali ngunit siya pa ang may mas sinapit na mapait. Ni hindi nga siya binigayan nang maayos na libing ng mga gumawa sa kaniya niyon. Itinapon nila si James na para bang basura na wala nang pakinabang. Kaya naman, maaga pa lang kinabukasan ay maaga na akong gumayak. Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt na pinatungan ko ng jacket. Nag-rubbed shoes na rin ako at wala nang ibang nilagay na kolokerete sa katawan ko. Tanging bag lang maliit ang dala ko
Gabi na noong makabalik ako sa boarding house. Mabuti at nakaabot pa ako bago mag-curfew dahil ayaw ko nang dumaan pa sa likod ng school. Nakakatakot ang gubat kapag gabi na. Bago ako umalis sa apartment kanina ay nag-edit ako ng video para ilabas ang ilan sa mga nalaman ko. Sinabi ko roon na ang mga Navarro ang pumatay kay James dahil nalaman nito ang balak na gawin ng mga Navarro. Oo, tanga na kung tanga. Ngunit ginawa ko iyon para naman mabigyan ng hustisya si James. Hindi rin ako matatahimik kung tatahimik lang ako. Sigurado ako na hindi ako titigilan ng konsensya ko. Naghanap din ako ng bangkong mapagtataguan ko ng mga gintong nakita ko. Noong una ay takot na takot pa ako dahil baka tanungin ako kung saan ko iyon nakuha. Pero mabuti na lang ay hindi sila nag-usisa sa akin at pinaupa ako agad sa safe deposit locker nila. Kumuha pa ako ng ilang ginto sa isang bag dahil masyadong malaki ang fee na hiningi sa akin. Tiwala naman ako na hindi iyon mawawala dahil finger prints ko ang g
“T-Teka, ano’ng kailangan niyo? Legal ba ‘to? Nasa loob kayo ng school!” aniko noong makita ko ang mga lalakeng nasa labas ng kwarto namin. Tiningnan lang nila ako at walang ano-anong pumasok sa loob. “Labas,” utos nila.Humigpit ang kapit ni Lana sa braso ko. “J-Jane. Ano ‘to?” “B-Bakit? Sino ba kayo?” Pinatapang ko pa rin ang boses ko kahit dinig na dinig ko na ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi sumagot ang mga lalake. Bagkus ay bigla na lamang nilang inangat-angat ang mga gamit namin na para bang mayroong hinahanap. Napanganga ako noong kinakalat nila ang mga gamit namin at itinatapon sa lapag. “Teka, kuya! Ano ang ginagawa niyo? Mga gamit namin-” “Tahimik!” Biglang humarap sa amin ang isa at itinutok ang baril. Napaatras kaming dalawa ni Lana. Umiyak na si Lana habang nakakapit sa akin. “Kapag hindi kayo tumigil papasabugin ko ang bungo niyo!” banta pa nito. Napaatras na ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Lana at nagmamadaling hinila ito palabas. Bahala
From now on, you are mine. Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga salitang iyon ni Rodrigo Navarro. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa mga salitang iyon ngunit hindi ko iyon nagugustuhan. Nararamdaman ko pa rin ang marahas niyang mga halik. Para ngang bahagyang namamaga ang ilalim na labi ko dahil doon. “Jane? Sabihin mo lang kung may ginawa sa ‘yo, ‘yon. Ire-report natin agad,” nag-aalalang sabi ni Lawrence. Tulalang nakaupo lang ako sa may kainan namin habang silang tatlo ay nililigpit ang mga ginulo ng tatlong lalake kanina. Maingay pa rin sa labas dahil sa ginagawang maghahalughog ng mga tauhan ni Rodrigo Navarro. Ramdam ko ang takot sa mga sigaw ng mga estyudante sa labas. Sino bang hindi matatakot sa mga kalalakihang may dala-dala pang baril? Para silang sasabak sa gyera kahit na sa eskwelahan lang naman. “Kanino? Paano? Governor si Rodrigo Navarro. Ano ang magagawa natin?” diskumpyadong sabi ko. Bumuntonghininga si Lawrence at lumapit sa akin. “Kah
Wala akong tigil sa pag-iyak habang nagbabyahe kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil wala rin namang sinasabi si Rodrigo. Nakasiksik lang ako sa gilid ng kotse. Sinubukan ko nga iyong bukas ngunit naka-lock iyon. Napigtad ako noong biglang ipinatong ni Rodrigo ang kamay niya sa kaliwang hita ko. Agad ko iyong tinanggal at mas sumiksik pa sa gilid. “A-Ano'ng ginagawa mo? Ano ba ang kailangan?!” nahihintakutan kong tanong. Tumingin sa akin si Rodrigo. Nangilabot ako agad noong makita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Bumaba ang kaniyang mga tingin sa katawan ko kaya lalo akong nakaramdam ng pagkailang. Lalo akong napaiyak. Wala pa man siyang sinasabi ngunit parang alam ko na kung ano ang balak niyang gawin. Napakalamig ng mga titig niya na lalong nagpapanginig ng laman ko. Gusto ko nang bumaba ng sasakyang ito!“Bakit ba parang takot na takot ka sa akin? Hindi ba dapat matuwa ka dahil nasa loob ka ng sasakyan ko kasama ako? A lot of women want to be in your posit
Tulala ako habang nakasiksik pa rin sa headboard ng kama ni Rodrigo. Hindi ko na malaman kung saang parte ng katawan ko ang masakit. Pakiramdam ko kasi mula sa ulo hanggang talampakan ay nasasaktan ako. “Ihahatid ka ng tauhan ko mamaya-maya. Ipapasundo na lang kita ulit kapag kailangan kita,” aniya habang nagsusuot ng pantalon. Gigil na tiningnan ko si Rodrigo. “Ano'ng akala mo sa akin? Bayarang babae?!” galit na sigaw ko. “Ito ang una at huling beses na masasaktan mo ako!”Biglang tumingin sa akin si Rodrigo. Napalunok ako noong unti-unti siyang lumapit sa akin. Nag-iwas ako nang tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin. Napaka lamig niyon at wala manlang kabuhay-buhay. Napasinghap ako noong bigla niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap sa kaniya. Napaungol ako agad noong makaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko. Sa higpit nang pagkakahawak niya ay parang masisira na ang panga ko. Napaluhod ako dahil bahagya niya akong hinila kaya nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa
Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan
Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba
Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin
Napasinghap si Rodrigo noong bigla siyang nagising. Masakit pa ang kaniyang ulo at medyo nahihilo pa. Dahan-dahan siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang na para bang binibiyak sa dalawa. What happened? nagtatakang tanong niya sa sarili. Ang huli niyang na aalala ay kausap niya ang kaniyang tiyuhin. May pinagtatalunan sila ngunit hindi niya maalala kung ano. Napabuga ng hangin si Rodrigo at muling nahiga. Dadapa sana siya noong may matamaan ang kamay niyang malambot at mainit na bagay. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi at napaupo noong may makita siyang babae sa kaniyang tabi. Did I just– “Jane?!” gulat na sabi ni Rodrigo noong mapagsino niya ang babaeng katabi niya. Hinawakan niya ang balikat nito at akmang ihaharap sa kaniya noong biglang naupo ang kaniyang asawa at pinandilatan siya ng mga mata. Nakaramdam siya nang pagkalito noong makita niya ang matinding takot sa mga mata nito. Kapansins-pansin din ang pamumula ng mga pisngi nito at mga mata na pa
Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon
“What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k