“T-Teka, ano’ng kailangan niyo? Legal ba ‘to? Nasa loob kayo ng school!” aniko noong makita ko ang mga lalakeng nasa labas ng kwarto namin. Tiningnan lang nila ako at walang ano-anong pumasok sa loob. “Labas,” utos nila.Humigpit ang kapit ni Lana sa braso ko. “J-Jane. Ano ‘to?” “B-Bakit? Sino ba kayo?” Pinatapang ko pa rin ang boses ko kahit dinig na dinig ko na ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi sumagot ang mga lalake. Bagkus ay bigla na lamang nilang inangat-angat ang mga gamit namin na para bang mayroong hinahanap. Napanganga ako noong kinakalat nila ang mga gamit namin at itinatapon sa lapag. “Teka, kuya! Ano ang ginagawa niyo? Mga gamit namin-” “Tahimik!” Biglang humarap sa amin ang isa at itinutok ang baril. Napaatras kaming dalawa ni Lana. Umiyak na si Lana habang nakakapit sa akin. “Kapag hindi kayo tumigil papasabugin ko ang bungo niyo!” banta pa nito. Napaatras na ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Lana at nagmamadaling hinila ito palabas. Bahala
From now on, you are mine. Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga salitang iyon ni Rodrigo Navarro. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa mga salitang iyon ngunit hindi ko iyon nagugustuhan. Nararamdaman ko pa rin ang marahas niyang mga halik. Para ngang bahagyang namamaga ang ilalim na labi ko dahil doon. “Jane? Sabihin mo lang kung may ginawa sa ‘yo, ‘yon. Ire-report natin agad,” nag-aalalang sabi ni Lawrence. Tulalang nakaupo lang ako sa may kainan namin habang silang tatlo ay nililigpit ang mga ginulo ng tatlong lalake kanina. Maingay pa rin sa labas dahil sa ginagawang maghahalughog ng mga tauhan ni Rodrigo Navarro. Ramdam ko ang takot sa mga sigaw ng mga estyudante sa labas. Sino bang hindi matatakot sa mga kalalakihang may dala-dala pang baril? Para silang sasabak sa gyera kahit na sa eskwelahan lang naman. “Kanino? Paano? Governor si Rodrigo Navarro. Ano ang magagawa natin?” diskumpyadong sabi ko. Bumuntonghininga si Lawrence at lumapit sa akin. “Kah
Wala akong tigil sa pag-iyak habang nagbabyahe kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil wala rin namang sinasabi si Rodrigo. Nakasiksik lang ako sa gilid ng kotse. Sinubukan ko nga iyong bukas ngunit naka-lock iyon. Napigtad ako noong biglang ipinatong ni Rodrigo ang kamay niya sa kaliwang hita ko. Agad ko iyong tinanggal at mas sumiksik pa sa gilid. “A-Ano'ng ginagawa mo? Ano ba ang kailangan?!” nahihintakutan kong tanong. Tumingin sa akin si Rodrigo. Nangilabot ako agad noong makita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Bumaba ang kaniyang mga tingin sa katawan ko kaya lalo akong nakaramdam ng pagkailang. Lalo akong napaiyak. Wala pa man siyang sinasabi ngunit parang alam ko na kung ano ang balak niyang gawin. Napakalamig ng mga titig niya na lalong nagpapanginig ng laman ko. Gusto ko nang bumaba ng sasakyang ito!“Bakit ba parang takot na takot ka sa akin? Hindi ba dapat matuwa ka dahil nasa loob ka ng sasakyan ko kasama ako? A lot of women want to be in your posit
Tulala ako habang nakasiksik pa rin sa headboard ng kama ni Rodrigo. Hindi ko na malaman kung saang parte ng katawan ko ang masakit. Pakiramdam ko kasi mula sa ulo hanggang talampakan ay nasasaktan ako. “Ihahatid ka ng tauhan ko mamaya-maya. Ipapasundo na lang kita ulit kapag kailangan kita,” aniya habang nagsusuot ng pantalon. Gigil na tiningnan ko si Rodrigo. “Ano'ng akala mo sa akin? Bayarang babae?!” galit na sigaw ko. “Ito ang una at huling beses na masasaktan mo ako!”Biglang tumingin sa akin si Rodrigo. Napalunok ako noong unti-unti siyang lumapit sa akin. Nag-iwas ako nang tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin. Napaka lamig niyon at wala manlang kabuhay-buhay. Napasinghap ako noong bigla niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap sa kaniya. Napaungol ako agad noong makaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko. Sa higpit nang pagkakahawak niya ay parang masisira na ang panga ko. Napaluhod ako dahil bahagya niya akong hinila kaya nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa
Napalo ni Clarixto ang kaniyang lamesa noong marinig ang balita sa kaniya ng kanilang mga tauhan. “Ang bobobo niyo! Imposibleng wala kayong nakita!” galit na galit na sigaw niya. Agad na nagsitunguan ang ilang kalalakihang nakatayo sa kaniyang harapan. Ibinalita ng mga ito na walang nakitang kakaiba sa mga kwartong kanilang hinalughog. Wala silang nakitang kahit na anong bagay na pwedeng magbigay ng kaugnayan sa video na kumakalat ngayon sa internet. Mabuti na lamang ay hawak nila ang mga pulis sa buong Samar kaya walang kahit na sino man ang nag-iimbestiga sa kanila ngayon. Kumakalat ngayon ang video ng lalakeng ipinaligpit ng kaniyang pamangking si Rodrigo Navarro. Si Clarixto mismo ang nakakita sa lalakeng iyon dahil siya ang bumaril dito noong gabing iyon. Hindi niya akalain na nagawa pa nitong mag-video at mayroon pa lang tinatagong video. Sigurado si Clarixto na nasa loob lamang ng unibersidad nila ang kung sino mang nag-upload niyon. “W-Wala po talaga, sir. Lahat ng kwarto a
“Dapat ireklamo na natin siya sa mga pulis! Hindi tama ‘yang ginawa niya sa ‘yo!” galit na sabi ni Lana. “Sorry, Jane. Dapat talaga hindi na kita hinayaang sumama sa kaniya,” ani Carlo na may himig ng pag-aalala. Nagpunta silang dalawa agad sa kwarto namin noong tinawag sila ni Lana pagkarating ko. Galit na galit si Lawrence at gusto nang sugurin si Rod ngunit mariin ko siyang pinigilan. Napasinghot ako. “At ano naman ano naman ang magagawa natin? Nangyari na 'to. Sa tingin niyo ba may makikinig sa akin?” naluluhang sabi ko. “Pero hindi naman natin pwedeng hayaan na ganito ang ginawa niya sa ‘yo. Tingnan mo ang hitsura,” ani naman Lawrence. Kaharap ko siya sa may kama. Tiningnan ko siya. “Hindi ko makakayan kung pati kayo mapahamak nang dahil sa akin! Nakita mo naman ang ginawa niya sa 'yo, hindi ba?” aniko. “Eh paano 'to? Ano ang sasabihin natin kay Tita kapag makita kang ganito?” nag-aalala pa ring tanong ni Lana. Hinawi noya ang buhok ko. “Grabe ang ginawa niya sa ‘yo! Akala
Mariing nakatitig si Rodrigo Navarro, o Rod sa mga nakakikilala sa kaniya sa mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor. May ilan na siyang natatanaw sa gilid-gilid ng club na mga magkakaparehang nag-uumpisang uminit ang gabi. Hindi na nakapunta sa mga silid ang mga ito at doon na lamang piniling magtagpo. Wala naman itong problema kay Rod. Ngunit lahat na lang ata ay napapansin niya ngayon. Wala sanang problema ang pera sa kaniya. Sa dami ng kanilang mga negosyo. Mapa-legal o illegal ay buhay na kahit magkaapo pa siya. Hindi niya lang matanggap ngayon na naisahan siya ng kaniyang tauhan. Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Si James. Pinagkakatiwalaan pa naman niya ang lalaking ito dahil halos ituring na niya itong kapatid. Ngunit trinaydor lamang siya nito.“Gov. Do you want to have some fun too?” mapang-akit na tanong ng isang babaeng kanina pa idinidikit ang malalaking dibdib sa braso ni Rod. Humithit mula sa sigarilyong hawak niya si Rod at tiningnan ang babae. Agad na ngumiti a
Pagkaalis ni Rodrigo sa kwarto namin ay nagkulong na ako sa banyo. Iyak ako nang iyak dahil pakiramdam ko ay dumi-dumi ko na lalo. Napaka baboy niya! Lahat na lang nang kasamaan ay nasa kaniya na! Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ako pa? Pinaparusahan ba ako dahil sa ginawa kong pagtulong kay James? Kasalanan naman iyon ng mga Navarro ah? Pinatay nila si James. Napaka rami rin nilang ibang pinatay. Wala silang mga kaluluwa! Nagbuhos ako nang nagbuhos ng tubig sa katawan habang umiiyak. Pakiramdam ko ngayon ay may nakadikit sa aking putik. Na kahit na anong gawin kong pagbuhos ng tubig. Pagsasabon sa katawan ay hindi iyon mawala-wala. Nandidiri ako sa sarili ko. Aalis na ako sa lugar na ito. Hindi ko na makakaya pa ang ginagawa sa akin ni Rod. Lumabas na ako ng banyo na nakabihis na. Mabigat na ang talukap ng mga mata ko dahil sa kaiiyak. Halos hindi ko na nga iyon maimulat. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa maleta ko.Wala na akong pakealam kung paga
Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan
Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba
Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin
Napasinghap si Rodrigo noong bigla siyang nagising. Masakit pa ang kaniyang ulo at medyo nahihilo pa. Dahan-dahan siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang na para bang binibiyak sa dalawa. What happened? nagtatakang tanong niya sa sarili. Ang huli niyang na aalala ay kausap niya ang kaniyang tiyuhin. May pinagtatalunan sila ngunit hindi niya maalala kung ano. Napabuga ng hangin si Rodrigo at muling nahiga. Dadapa sana siya noong may matamaan ang kamay niyang malambot at mainit na bagay. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi at napaupo noong may makita siyang babae sa kaniyang tabi. Did I just– “Jane?!” gulat na sabi ni Rodrigo noong mapagsino niya ang babaeng katabi niya. Hinawakan niya ang balikat nito at akmang ihaharap sa kaniya noong biglang naupo ang kaniyang asawa at pinandilatan siya ng mga mata. Nakaramdam siya nang pagkalito noong makita niya ang matinding takot sa mga mata nito. Kapansins-pansin din ang pamumula ng mga pisngi nito at mga mata na pa
Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon
“What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k