Share

Governor's Possession (Savage Men Series)
Governor's Possession (Savage Men Series)
Author: annerie15

Chapter 1

Author: annerie15
last update Huling Na-update: 2022-09-09 19:19:32

Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw sa labas ng bintana ng classroom namin. It's our first day pero hindi ko maipaliwanag kung bakit kanina pa mabigat ang pakiramdam ko. Mula no'ng lumabas ako ng dorm namin hanggang sa makarating kami rito ay hindi mawala ang kakaibang pakiramdam na 'yon.

“Ang tagal naman ni Ma'am!”

Napatingin ako sa katabi kong babae. Siya si Lana. My best friend slash enemy at the same time. Mula pa high school ay magkaibigan na kami. Tapos parehas pa kami ng course kaya hindi na kami napaghiwalay.

Hindi ko na lang siya pinansin at muling tumingin sa labas ng bintana. Kita ko ang quadrangle kung saan maraming mga estyudante na naglalakad.

“Jane, tignan mo, oh!”

Muli akong napatingin kay Lana no'ng kinalabit niya ako.

“Ano?” nakakunot ang noong sabi ko.

Hindi ako nilingon ni Lana. Nakanguso lang siya kaya sinundan ko 'yon ng tingin.

Lawrence?

Natigilan ako nang makita ko kung sino 'yong nginunguso siya. Bakit andito rin siya? Papasok siya sa loob ng classroom. Umupo siya kaagad sa may unahang upuan sa tabi ng pinto na pinasukan siya. Kasunod niya ang isang lalake pa na mas mababa kaysa sa kanya. Lalo akong natigilan. Si Carlo. Best friend ni Lawrence.

Napalunok ako at umayos ng upo. Naging boyfriend ko si Lawrence noong high school pa lang kami. Nagkahiwalay lang kami kasi nag-transfer na ako pa-Cavite.

“Classmate natin sila?” gulat na tanong ni Lana. Tumingin na siya sa akin habang namimilog ang mga mata. Nakaawang din ang bibig niya na para bang gulat na gulat.

Inirapan ko lang si Lana at muling tumingin sa bintana. “Tigilan mo ako sa mga tingin mo, Lana. Alam ko na 'yan.”

“Sus!” Mahina siyang hinampas ang braso kong nakapatong sa hand rest ng upuan ko. “Parang sinasabi lang eh. Ang sungit mo talaga!” may himig na pagtatampo na sabi niya.

Bahagya akong napatawa at nakapangalumbabang tiningnan siya. Nakanguso na siya habang nakatitig sa de keypad niyang cellphone. Napailing na lang ako at pasimpleng tinginan si Lawrence.

Hindi ko naman masisisi si Lana kung nagtataka siya. Fourth year na kami pero ngayon lang namin nakita yung dalawa. Pero ano pa ba ang pakialam ko? Muli akong tumingin sa labas ng bintana.

Matagal na kaming tapos.

Ilang sandali pa ay halos mapuno na kami sa classroom. Hindi na rin magtagal at may pumasok na sa aming prof. Si Miss Avilla.

“Good morning, class!” aniya at tumigil sa lamesang nasa unahan. Inilapag ni Miss Avilla ang mga dala niyang gamit sa ibabaw ng lamesa.

Napansin ko agad na napasimangot ang mga kaklase ko. Isa kasing terror teacher si Miss Avilla kaya ayaw ng mga kaklase ko sa kanya. Ako naman, ayos lang. Mas maige na 'yon para magseryoso na ang lahat.

Nasa mid forties na si Miss Avilla. Nakasuot siya ng slacks at long sleeve na polo shirt na pang babae. Mayroon din siyang suot na salamin at maayos na naka-pony tail ang buhok sa likod ng ulo. Ang lakas maka-CEO ang datingan niya palagi at awra. Pero ang mga kaklase ko ay sinasabing lesbian daw si Ma'am. Ayos lang sa akin, ang pogi kaya ni Ma'am.

“I know you already know me, but I will still introduce myself.” Inilibot niya ang kanyang paningin sa amin. “I will be your teacher in Com. Arts three and will be your class adviser. So, we will see a lot of times.” Ngumiti siya sa amin.

Agad akong akong nakarinig ng mga pag-angal dahil sa sinabi ni Ma'am. Marami talagang may ayaw sa kanya. Papaano, may isang batch na binigyan niya ng tres lahat noon dahil hindi nagpasa ng mga assessment. Kung tutuusin ay mali ng mga estyudante.

“Ay ano ba 'yan! Hindi tayo makakapag-party kapag si Ma'am adviser natin!” inis na sabi ni Lana.

Napangisi lang ako sa sinabi niya. “Okay lang 'yon. Baka mamaya may kung sino-sinong lalake na naman kasi jowain mo.”

Iniikot ni Lana ang kanyang mga mata. “So what? I love boys!”

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong si Lana. Hindi nadadala. Sa amin kasing dalawa ay siya ang mahilig makipagrelasyon. Wala rin namang hihindi sa kanya dahil maganda siya. Chubby pero kitang-kita ang hulma ng katawan niya. Hindi kagaya sa akin na sakto lang ang katawan.

"Okay. I was late because there will be new changes in your while living in your hostel. Each building will be occupied by one course, at sa bawat isang floor ay para sa isang year level.”

Natahimik kaming lahat. Pero si Lana ay malapad na ang mga ngiti. Dito kasi sa university ay pwedeng mag-dorm ang mga estyudante. Lalo na ang mga nasa college. Pabor sa akin ‘yon dahil kahit na may mga kamag-anak ako rito sa probinsya ay mas gusto ko pa ring mag-isa lang ako. Kasama na rin sa tuition namin ang accomodation fee kaya hindi na mahirap.

“Ibig sabihin ay kayong magkakaklase ay magkakalapit lang ang mga kwarto. Sa isang block ay ang mga babae at ang sa kabila ay ang mga lalake. Two students per room.” Sumeryoso ang mga tingin ni Ma’am. “At malalaki na kayo at graduating, okay? Sana naman hanggang sa maka-graduate kayo ay walang mabubuntis.”

Agad na nagtawanan ang mga kaklase ko. May ibang biglang nahiya at tumikom lang. Habang si Lana ay hindi na mapakali sa saya.

Tumikhim si Ma’am Avilla. “Okay, enough. Bago tayo mag-umpisa ay ibibigay ko muna ang designated rooms niyo. After this, you can go out and fix your room, first.”

“Ay, ma’am!” Biglang nagtaas ng kamay si Lana. Napatitig sa kanya si Ma’am at ang mga kaklase namin. Ano na naman kaya ang naiisip nitong gawin? Wala sa sarili na napatingin ako sa gawi nila Lawrence. Hindi siya nakatingin sa amin pero si Carlo ay nakangisi na agad.

Feeling ko alam niya na kaklase niya ako. Nag-iwas na lang ako ng tingin at humarap sa harapan.

Dahan-dahang tumayo si Lana. “Pwede po bang mag-request? Gusto ko po sanang kasama ang friend ko sa kwarto.”

Napatingin ako sa kaibigan ko. Hindi manlang siya na hiya sa request niya. Noon kasi hindi kami magkasama sa room dahil nga school ang nagbibigay ng kwarto. Noong tumingin ako kay Ma’am ay seryoso lang siyang nakatingin. Tumingin siya sa akin at muling binalik ang tingin kay Lana.

“Okay.”

“Thank you, ma’am!” magiliw na sabi ni Lana.

Napangiti na lang at hindi makapaniwalang umiling. “Ikaw talaga!” saway ko sa kanya.

Tumawa lang siya nang mahina. “Magkasama tayo!” excited na sabi niya at pinalo-palo pa ang braso ko. Hindi na lang ako umangal sa kanya. Hindi na siya ngayon mahihirapan na pumunta-punta sa akin kagaya noon.

Naubos ang oras ni Ma’am Avilla sa pagbibigay sa amin ng mga kwarto. Mayroon pa kaming iilang mga kaklase na nag-request din na magkasama sila sa kwarto na pinagbigyan ni Ma’am.

Room 3205 kami ni Lana. Kaso… kung minamalas ka nga naman. Katapat pa pala ng kwarto namin ang kwarto nila Lawrence.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bts Lexba
gov. anditO n ako,.,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 2

    “Hoy, ano’ng nangyari sa ‘yo?” puno nang pagtatakang tanong ni Lana sa akin. “Bakit mo sinungitan yung dalawa?” Hindi ko siya sinagot. Kunyari ay wala akong narinig habang inilalabas ko ang mga damit ko mula sa maleta ko. Nasa loob na kami ng kwarto namin at sa sobrang kamalasan ko pa ay katapat ng kwarto namin ang kwarto nila Lawrence. Bakit ba kasi gano’n? Bakit na isip pa ng dean ‘yon? Hindi ba niya alam na hindi tama na pinagtatabi ang mga kwarto ng babae’t lalake? Naka-move on na ako kay Lawrence. Kaso, ewan ko. Hindi mawala yung guilt na nararamdaman ko. Alam kong matagal na ‘yon. Diyos ko! Five years na ang nakalipas! Siguro naman ay napatawad na niya ako, ‘di ba? “Jane!” tawag ulit sa akin ni Lana. Pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na pala siya sa tabi ko at nakapamaywang pa. Itinigil ko ang ginagawa ko at tiningnan siya. “Bakit ba?” “Nakakahiya!”“Ano’ng nakakahiya ro’n? Ayaw ko silang makausap. Kung gusto mo siyang kausapin edi pumunta ka sa kwarto nila.” Itinuro ko

    Huling Na-update : 2022-09-09
  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 3

    Masasabi kong nagkaroon na kami ng closure ni Lawrence matapos naming magkausap. Kagaya noong nasa high school pa lang kami. Kaming apat ang naging magkakaibigan. Noong una ay medyo na ilang pa ako. Syempre? Ex ko pa rin siya kahit papaano. Lalo na no'ng nalaman ko na talaga pa lang nag-transfer sa university namin si Lawrence para lang magkausap kami. Bigla tuloy akong nakonsensya. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin ako sa kanya nakipagbalikan. Tsaka sabi naman niya ay ayos lang iyon dahol naging magkaibigan naman kami ngayon. Madalas ay napunta silang dalawa sa kwarto namin. Sabay-sabay kaming apat kumakain palagi. Never kong na imagine na magiging masaya pala nang ganito ang last year ko sa college. Swerte pa namin na palagi kaming magkakasamang apat tuwing reporting. Kagaya ngayon, nandito si Lawrence at Carlo sa kwarto namin. Report kasi namin bukas kaya kailangan na naming matapos ang kakailanganin namin. Ako, na nasa higaan ko ay naghahanda ng mga questionnaire. Sina Carl

    Huling Na-update : 2022-09-09
  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 4

    Dali-dali akong bumalik sa building namin noong makuha ko na ang wallet. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang kaba ko habang naglalakad. Pakiramdam ko kasi ay hawak-hawak ko ang pinaka importanteng gamit ngayon sa school. Papaliko na sana ako sa room namin noong bigla akong may nakabunggo. Napangiwi ako at magagalit na sana pero natigilan ako noong matitigan ko kung sino ang nakasalubong ko. “I'm sorry. Ayos ka lang ba, hija?” nag-aalalang tanong ng matandang lalaking nasa harapan ko.Napaatras ako at agad na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. “A-Ayos lang po ako! Sorry!” kinakabahang sabi ko at agad na tumungo. “Ayos lang. Nagmamadali rin ako. Mag-iingat ka sa dinadaanan mo. Baka mapahamak ka lalo.”Agad kong napatingin sa kanya. Bigla akong binalot ng takot dahil sa kaniyang mga ngiti. Pakiramdam ko ay may kakaibang kahulugan ang kaniyang sinabi. Tumango na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Kilala ko siya. Madilim ang paligid kagabi ngunit tanda ko ang pustu

    Huling Na-update : 2022-09-09
  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 5

    Tulala ako sa buong klase namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong mapanood ang video ni James. Hindi ako makapaniwala na ang isang Rodrigo Navarro ay isa pa lang mamamatay tao. Nakita ko siya noon dahil siya ang may-ari ng eskwelahan na ito. Once a year nagpupunta siya rito para bisitahin ang buong school. Noong unang kita ko sa kanya ay masasabi ko naman na mabait siya. Napaka galang niya sa mga tao at marespeto sa mga babae. Kaya nakagugulat nagbabalat-kayo lang pala siya. Halang ang kaluluwa. Muling bumalik ang ulirat ko noong marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Agad na napuno ng bulungan ang loob ng classroom namin. “That's it for today, class. Don't forget your assignment for our next meeting,” paalam ng prof namin. Agad na sumagot ang mga kaklase ko ng “Yes ma’am!” at nagsipaghandaan na para sa paglabas. Pero ako? Nanatili akong tulalang nakatingin sa unahan namin. Hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na lumabas ng silid na ito. “Hoy, Ja

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 6

    Buong magdamag ay hindi ako mapakali. Paulit-ulit na nagpi-play sa isipan ko ang video ni James. Palagi ko rin na aalala ang mukha ni Rodrigo Navarro. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako dahil hindi ako mapakali!Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Rodrigo na magkikita raw ulit kami. Sa totoo ang ay natatakot na ako. Baka nalaman na niyang may alam ako. Paano kung patayin niya rin ako? Diyos ko! Hindi pa ako handang mamatay! Binabagabag din ako ng konsensya ko dahil kay James. Na aawa ako sa sinapit niya. Alam ko na sinubukan niya lang itama ang mali ngunit siya pa ang may mas sinapit na mapait. Ni hindi nga siya binigayan nang maayos na libing ng mga gumawa sa kaniya niyon. Itinapon nila si James na para bang basura na wala nang pakinabang. Kaya naman, maaga pa lang kinabukasan ay maaga na akong gumayak. Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt na pinatungan ko ng jacket. Nag-rubbed shoes na rin ako at wala nang ibang nilagay na kolokerete sa katawan ko. Tanging bag lang maliit ang dala ko

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 7

    Gabi na noong makabalik ako sa boarding house. Mabuti at nakaabot pa ako bago mag-curfew dahil ayaw ko nang dumaan pa sa likod ng school. Nakakatakot ang gubat kapag gabi na. Bago ako umalis sa apartment kanina ay nag-edit ako ng video para ilabas ang ilan sa mga nalaman ko. Sinabi ko roon na ang mga Navarro ang pumatay kay James dahil nalaman nito ang balak na gawin ng mga Navarro. Oo, tanga na kung tanga. Ngunit ginawa ko iyon para naman mabigyan ng hustisya si James. Hindi rin ako matatahimik kung tatahimik lang ako. Sigurado ako na hindi ako titigilan ng konsensya ko. Naghanap din ako ng bangkong mapagtataguan ko ng mga gintong nakita ko. Noong una ay takot na takot pa ako dahil baka tanungin ako kung saan ko iyon nakuha. Pero mabuti na lang ay hindi sila nag-usisa sa akin at pinaupa ako agad sa safe deposit locker nila. Kumuha pa ako ng ilang ginto sa isang bag dahil masyadong malaki ang fee na hiningi sa akin. Tiwala naman ako na hindi iyon mawawala dahil finger prints ko ang g

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 8

    “T-Teka, ano’ng kailangan niyo? Legal ba ‘to? Nasa loob kayo ng school!” aniko noong makita ko ang mga lalakeng nasa labas ng kwarto namin. Tiningnan lang nila ako at walang ano-anong pumasok sa loob. “Labas,” utos nila.Humigpit ang kapit ni Lana sa braso ko. “J-Jane. Ano ‘to?” “B-Bakit? Sino ba kayo?” Pinatapang ko pa rin ang boses ko kahit dinig na dinig ko na ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi sumagot ang mga lalake. Bagkus ay bigla na lamang nilang inangat-angat ang mga gamit namin na para bang mayroong hinahanap. Napanganga ako noong kinakalat nila ang mga gamit namin at itinatapon sa lapag. “Teka, kuya! Ano ang ginagawa niyo? Mga gamit namin-” “Tahimik!” Biglang humarap sa amin ang isa at itinutok ang baril. Napaatras kaming dalawa ni Lana. Umiyak na si Lana habang nakakapit sa akin. “Kapag hindi kayo tumigil papasabugin ko ang bungo niyo!” banta pa nito. Napaatras na ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Lana at nagmamadaling hinila ito palabas. Bahala

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Chapter 9

    From now on, you are mine. Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga salitang iyon ni Rodrigo Navarro. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa mga salitang iyon ngunit hindi ko iyon nagugustuhan. Nararamdaman ko pa rin ang marahas niyang mga halik. Para ngang bahagyang namamaga ang ilalim na labi ko dahil doon. “Jane? Sabihin mo lang kung may ginawa sa ‘yo, ‘yon. Ire-report natin agad,” nag-aalalang sabi ni Lawrence. Tulalang nakaupo lang ako sa may kainan namin habang silang tatlo ay nililigpit ang mga ginulo ng tatlong lalake kanina. Maingay pa rin sa labas dahil sa ginagawang maghahalughog ng mga tauhan ni Rodrigo Navarro. Ramdam ko ang takot sa mga sigaw ng mga estyudante sa labas. Sino bang hindi matatakot sa mga kalalakihang may dala-dala pang baril? Para silang sasabak sa gyera kahit na sa eskwelahan lang naman. “Kanino? Paano? Governor si Rodrigo Navarro. Ano ang magagawa natin?” diskumpyadong sabi ko. Bumuntonghininga si Lawrence at lumapit sa akin. “Kah

    Huling Na-update : 2022-10-12

Pinakabagong kabanata

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Author's Note

    Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 30 - The Ending

    8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 29

    Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 28

    Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 27

    Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 26

    Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 25

    Napasinghap si Rodrigo noong bigla siyang nagising. Masakit pa ang kaniyang ulo at medyo nahihilo pa. Dahan-dahan siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang na para bang binibiyak sa dalawa. What happened? nagtatakang tanong niya sa sarili. Ang huli niyang na aalala ay kausap niya ang kaniyang tiyuhin. May pinagtatalunan sila ngunit hindi niya maalala kung ano. Napabuga ng hangin si Rodrigo at muling nahiga. Dadapa sana siya noong may matamaan ang kamay niyang malambot at mainit na bagay. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi at napaupo noong may makita siyang babae sa kaniyang tabi. Did I just– “Jane?!” gulat na sabi ni Rodrigo noong mapagsino niya ang babaeng katabi niya. Hinawakan niya ang balikat nito at akmang ihaharap sa kaniya noong biglang naupo ang kaniyang asawa at pinandilatan siya ng mga mata. Nakaramdam siya nang pagkalito noong makita niya ang matinding takot sa mga mata nito. Kapansins-pansin din ang pamumula ng mga pisngi nito at mga mata na pa

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 24 - R18+ Trigger Warning!

    Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 23

    “What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k

DMCA.com Protection Status