Chapter: 5. EricNagulat siya sa biglang pagtunog ng cellphone sa tabi n'ya. Mabilis siyang bumalik sa kasalukuyan pero laman pa rin ng isip niya si Austine. Ang gabing iyon ang huli nilang pagkikita ng dalaga. At heto ngayon, makikita n'ya sa litrato kasama ang ex lover ni Violet! This things making him crazy! Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag bumagsak ang babaeng espesyal sa puso n'ya sa mga taong nasa empyerno na ang kaluluwa! "Hello!" Malakas niyang sagot. Ni hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hey! Are you okay?" Takang tanong ng tinig sa kabilang linya, si Violet iyon. "Oh! Sorry, medyo naguguluhan lang ako. I saw Austine with your ex lover, sa mga binigay mong pictures," paliwanang niya. "What? Anong ugnayan nila ni Eric?" Kahit ito ay nagtaka rin. "That's what I want to find out," tugon niyang naguguluhan pa rin. "Anyway, napatawag ka?" Aniya."Oh, never mind, nakalimutan ko na rin ang sasabihin ko. Tatawagan na lang kita later," sabi nito saka nagpaalam at ibinaba n
Huling Na-update: 2023-07-07
Chapter: 4.The ReasonHindi niya makakalimutan ang gabing 'yon.Nang ihatid niya sa impyerno ang mag-asawang Escobar. When he entered their illegal laboratory. Nasa malayong probinsya iyon sa bandang norte, sa isang liblib na lugar at malayo sa kabihasnan.Kitang kita niya ang ilang katawan ng kawawang mga paslit. Nakahanda na nila itong itapon nang abutan niya. He was shocked na ganito kademonyo ang gawain ng mag-asawang ito. Doktor si Mrs. Escobar at businessman naman si Mr. Escobar. No wonder na ganito na lang kayaman ang pamilya ng mga ito dahil sa kademonyohang ginagawa. Ayon sa source ng Alpha ay nag-oopera ang Doktora ng mga mayayamang pasyente sa pribadong clinic nito. At hindi lamang operasyon ang nagaganap doon, organ transplant! An illegal organ transplant. And there! Ang mga patay na katawan ng mga batang walang muwang na kinunan ng iba't ibang parte ng katawan at internal organ. Nasakripisyo ang mga buhay para iligtas ang mga demonyo ring kliyente! Hinintay muna niyang maka-alis ang mga ito p
Huling Na-update: 2023-02-17
Chapter: 3.InitiationHe's done, done with two parts of initiation. Ngayon ay panahon na para gawin ang pangatlo at pinal ng parte. Kahahatid lamang niya kay San Pedro ang dalawang kilalang notorious drug lord sa Maynila. Sabi nga niya ay sisiw lang ang bahaging ito. Ngayon ay kinakabahan ako siya sa tinatawag nilang 'orgy'. Minalas siyang hindi nakasabay sa ibang aspiring members ng Foedus, atleast sana ay may idea naman siya kung ano ang mayroon sa orgy na 'yun. Matagal kasi niyang ininda ang mga sugat at latay sa katawan dala ng hundred lashes sa unang bahagi ng initiation. Matagal siyang nagpagaling. Halos hindi nga siya makagalaw nang araw na makumpleto ito. Walang katumbas na sakit at hapdi ang bawat latay ng latigong iyon sa kaniyang likuran, pero kinaya naman niya at heto para na naman isasalang isasalang sa kung anong pagsubok. Tulad ng dati, naroon ang buong grupo. The seven founders and some members. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang ngiti ni Raj na may kasama pang tango na para ba
Huling Na-update: 2023-02-15
Chapter: 2.DiegoAGRIANTHROPOS 2020"Ughhh!"Halos maihi siya sa sakit sa unang hampas ng latigo sa kaniyang likod. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong sakit. Gusto man niyang magsisi sa pinasok, pero huli na ang lahat. There is no turning back, lalo na ngayong nasa Isla na siya ng Agrianthropos-ang tahanan ng Foedus.Foedus na higit na nakakatakot at mas mapanganib kaysa Alpha. he's been with Alpha for three years pero hindi niya naranasang maghirap ng ganito bago pumasok sa organisasyon. Ngayon ay napapatanong siya sa sarili, `is it worth na mahirapan ng ganito sa pagpasok sa Foedus?' Hindi rin niya maintindihan pero nandito na ito, wala sa lahi ng Santiago ang umuurong sa laban!Tiniis niya ang hapdi at sakit sa bawat hampas sa kaniyang likuran. Gusto niya ng protection, ang halaga na ipinagkait sa kaniya ng sariling pamilya at kapangyarihan para ipaglaban ang sarili niyang karapatan! At lahat ng ito ay makukuha lamang niya sa mabilis na paraan, ang pagpasok sa organisa
Huling Na-update: 2023-02-15
Chapter: 1.Prologue"Congratulations iho!" Salubong sa kaniya ng ina nang pumasok siya sa mala-palasyong bahay na nakatirik sa napakalawak na lupain ng mga Santiago. Nabungaran niya itong tila hinihintay talaga siya."Thanks Ma," tugon niya, hinalikan ito sa pisngi at inakbayan papasok ng kabahayan.Sa loob ay naroon si Don Santiago-ang kaniyang ama at ang dalawang nakatatanda niyang kapatid."Hey bro! Congratulations! Akala namin hindi mo na maitatawid ang college!" Biro ng mga ito sa kaniya, malakas pang tinapik ang kaniyang balikat."Oh, come on! Sisiw," ganting biro niya, kahit halos puro tres ang naging grado niya. Hindi naman kasi niya gusto ang kursong iyon at sila lang ang mapilit lalo na ang kaniyang ama na ngayon ay nakamasid lamang sa kanila. Seryoso ang mukha at hindi mo mababasa kung natutuwa ba ito presensya niya o hindi."I told you so," sabad nito kapag kuwan. Speaking of the king of the devil!"Hindi naman importante ang mga grado mo, ang mahalaga ay gumraduate ka, matutunan mo rin ang la
Huling Na-update: 2023-02-15
Chapter: 29.FeedomIlang araw na siya sa ospital at pakiramdam niya ay magaling na siya. Pero sa mga araw na inilagi niya rito ay hindi man lamang niya nakita ni anino ni Raj. Sabagay, sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng panahon? Pasalamat na nga lang siya at dinala pa siya nito sa ospital, kung hindi ay baka ang islang iyon na ang naging huling hantungan niya. Nagkaroon kasi siya ng malaria, kaya pala ganoon na lamang ang panghihina ng katawan niya."Ma'am makakalabas na ho kayo ngayong araw," salubong sa kaniya ng nurse na kukuha ng vital signs n'ya."S-salamat," aniya. Malakas na naman siya, kahit nga noong isang araw pa ay kayang kaya na niya ang sarili. Tumagal lamang dahil sa mga test na isinagawa para masigurong walang impeksyon sa katawan niya.Ayon sa nurse ay nasa labas na raw ang sundo niya kaya dumiretso na rin siya sa main entrance ng ospital. Mabilis namang pumarada sa harap niya ang isang kulay itim na Toyota Alphard."Miss Xianna sakay na po, ako po ang maghahatid sa inyo,"
Huling Na-update: 2023-09-29
Chapter: 28. 'Love'?Kanina pa siya nakatingin sa malawak na karagatan mula sa kaniyang verandah. Hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang mga bagay bagay. Taliwas kasi ang mga nakalap niyang impormasyon sa mga sinabi ng kaniyang ama."Hello," aniya nang angatin ng nasa kabilang linya ang telepono."Mr. Shah," sagot ng boses lalaki sa kabilang linya."Me I speak with Violet?" Aniya nang mapagtantong hindi ito ang kausap niya. "Miss Chavez is out of town, she will be back in a few days," sabi nito."You can contact our agent who handled your case, directly," dagdag pa nito.Matapos nitong ipaliwanag ang ilang detalye ay ibinaba na nito telepono.Maya maya pa ay kausap na niya ang naturang agent."Diego Santiago," aniya."Would you mind if we met sometimes?" Patuloy niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito."Friday, nine in the morning," siya muli."N-no problem!" Iyon lamang ang nasabi ng kausap niya dahil hindi na niya ito hinayaang makasagot pa. Tila inaasahan naman yata nito ang kaniyang sasabih
Huling Na-update: 2023-09-26
Chapter: 27. RevelationsNagising siyang hindi halos maigalaw ang buong katawan. Masakit, makirot lalo na sa bahaging iyon. Parang mabibiyak ang buong pagkato niya nang subukang bumangon. Muli siyang napahiga. Masakit din ang ulo niya. Tatrangkasuhin pa yata siya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog baka sakaling mawala ito pag-gising niya. Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya dumilat dahil alam naman niyang si Raj iyon. Tatawanan ba siya nito? Ipapamukha sa kaniya na nakuha nito ang kay tagal niyang iningatan? Hindi naman siguro, ayaw niyang isipin na ganoong klaseng tao ang binata, kahit paano ay mabuti ang ipinakikita nito sa kaniya at isa pa, hindi naman siya nito pinilit sa nangyari.Nakikiramdam lang siya, ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya. Kahit na nakapikit siya ay iba ang epekto ng presensya at titig ito sa kaniya. Narinig niya ang yabag nito palapit sa kama. Tiniis niyang hindi gumalaw. Mamaya pa ay hinawi nito ang mga hibla ng buhok niyang tumatakip sa mukha niya p
Huling Na-update: 2023-08-24
Chapter: 26. He likes herBlangko ang ekspresyong nakatingin lamang siya sa puting kisame. Hindi niya alam ang sasabihin. Matutuwa ba siya? Magagalit? Anyway, wala namang nangyaring hindi maganda sa dalaga, hindi tulad ng akala niya. She is virgin! He hate virgin. Pero bakit parang hindi sa pagkakataong ito?Malalim na butong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang tumayo mula sa kama. Nakahiga ng patagilid at nakatalikod sa kaniya si Xianna. Hindi niya alam kung umiiyak ba ito o natutulog na. Pero imposible namang makatulog ito agad sa nangyari. Sigurado siyang dulo lamang ng daliri nito ang hindi masakit. Well, ayon lang naman sa karanasan niya at mga naririnig niyang kuwento."Get some rest," malumanay ang boses niya nang sabihin iyon. Hindi rin niya alam kung saan nanggagaling ang kalmado niyang boses tuwing kausap ang dalaga. 'Sh*t'! Namura niya ang sarili nang tuluyang makalabas ng silid at maisara ang pinto.Dumiretso siya sa mini bar sa kaniyang sala at naglagay ng yelo sa baso saka sinalinan ng mam
Huling Na-update: 2023-06-05
Chapter: 25.Say 'please'Marahas siya nitong kinabig at walang sabi sabing siniil ng mariing halik sa labi. Napapikit na lamang siya."R-raj," aniya nang sandaling makawala ang mga labi niya. Pero hindi niya alam kung protesta ba iyon sa ginawa nito o hiling na ituloy nito?Aaminin niya, matagal na niyang inasahan ang ganitong sitwasyon. Sino nga ba naman ang magbabayad ng napakalaki para lang sa wala? Pero kahit alam niya na ito lamang ang dahilan ng lahat, bakit pakiramdam niya ay handa at bukal sa loob niya ang magpaubaya? Hindi dahil gusto ng katawan niya, pero dahil gusto niya.Nagmulat siya nang maramdamang walang reaksyon mula rito. Namamalikmata lang ba siya? Si Raj ay matamang nakatitig sa kaniya, sa mukha niya. Wala sa mukha ang pagiging istrikto at kinatatakutang amo ng mga tauhan nito."Please say no," halos bulong nito na nanatiling nakatitig sa kaniya. Tila may pinipigilan na kung ano na ayaw ipahalata sa kaniya. Hawak pa rin siya nito sa beywang at ramdam niya ang maumbok nitong hinaharap sa ban
Huling Na-update: 2023-05-25
Chapter: 24.Island lifeHabang tumatagal ay nasasanay na ang dalaga sa buhay sa Isla. Tila normal na sa kaniya ang makakita ng mga kakaibang pangyayari sa paligid. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang mga pinag-gagawa ng grupo ni Raj. Halos makilala na rin niya ang lahat ng kasamahan nito dahil sa mga naririnig niyang usap-usapan sa paligid. Malaya rin naman kasi siyang maglalabas sa lungga ni Raj kaya bukas rin siya sa mga nangyayari sa paligid.Nalaman din niya na hindi sila ang huling babaeng dinala sa casa. Halos kada linggo ay iba't- ibang babae ang dinadala rito. At hindi iyon sapilitan! Karamihan sa kanila ay boluntaryong sumasama sa isla! Pakiramadam niya ay siya lamang ang dinala sa lugar na ito nang hindi bukal sa kaniyang kalooban. At take note, siya pa lamang ang pinaka matagal na nanatili sa isla nang walang nangyayari na labag sa kalooban niya. In other words, siya ang pinaka maswerte.Mabilis na lumipas ang mga araw, halos anim na buwan na mula nang dalhin siya sa islang ito. Datnan-iwanan la
Huling Na-update: 2023-05-25
Chapter: 17.New life"You may now kiss the bride," deklara ng pari hudyat na tapos na ang seremonyas ng kasal.Hinawi ni Alex ang belong tumatakip sa mukha ng nobya saka marahang hinalikan sa labi. Sigawan at palakpakan ang tanging maririnig sa paligid."I love you," masuyong bulong ni Alex sa nakangiting nobya na ngayon ay asawa na."I love you too," tugon ni Ariah habang nakatitig sa asawa. Muli siya nitong h******n kaya muling nagpalakpakan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Naroon si Mia na masayang masaya para sa kaniyang kuya at Liah na proud naman sa kaniyang Ate.Sa lahat ng pinagdaanan at nalagpasan ni Ariah ay daig pa nito ang nagkaroon ng pangalawang buhay. Tila nagising siya nang araw na iyon sa isang bangungot. Sa mahabang pagkakakulong niya sa ICU ay pawang masasamang ala-ala ang dumalaw sa kaniya. Naririnig niya ang paligid at mga taong naroon para sa kaniya ngunit hindi siya makagalaw kaya tanging luha ang sagot niya sa mga pakiusap ng mga ito. At ang araw na maigalaw niya ang kaniyang
Huling Na-update: 2023-02-22
Chapter: 16.Sweet GoodbyeKanina pa paikot-ikot doon ang mga tauhan ni Don Arthur. Hindi sila makapasok sa subdivision kung nasaan si Violet. Nangako pa naman sila sa amo na hindi pababayaan ang anak nito. Nagkasya na lamang silang bantayan ang gate ng subdibisyon kung saan naroon ang bahay ni Alex habang naroon si Violet. Siniguro nilang hindi makakapasok ang grupo ng kalaban sa loob. Mahigpit ang seguridad dito kaya kampante silang naghintay na lamang sa labas."Violet!" si Alex nang bigla siyang yakapin ng nobya. Hawak kasi niya sa magkabilang kamay ang bote ng inumin. Beer pa nga iyon dahil iyon na lamang ang natira sa ref."Hmm.. Do you think we should try to make here?" tila nang-aakit na tugon ng dalaga."Seriously?" hindi makapaniwalang tugon ni Alex sa nobya. Parang kakaiba kasi ito ngayon, masyadong hot."Yes, why not?" muli nitong inilapat ang hubad na katawan sa katawan ng nobyo. Bahagya naman siyang itinulak ni Alex sa isang sulok ng counter saka inilapag ang hawak na inumin doon. Niyakap siya nit
Huling Na-update: 2022-11-01
Chapter: 15.Last/lust nightKinausap ni Violet ang ama nang masigurong nakapasok na ang ina sa silid."What's wrong?" simula niya. Alam niyang malaking problema ang bumabagabag dito."I want you to stay away from this, pero sasabihin ko pa rin sa'yo dahil alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nalalaman ang totoo," tugon nito."Anak, magkakaroon na ng katarungan ang pagkaka-kidnap mo noon," kuwento nito."Pero hindi ganoon kasimple, alam mong napakadelikado ng Alpha. Hindi ko kontrolado ang lahat dito," aniya."Ano naman ang kinalaman ng Alpha sa mga dumukot sa akin?" kuwari ay tanong ng dalaga pero nakukuha na niya ang punto ng ama."My partners, sila ang pinuno ng sindikatong kumikidnap ng mga bata noong panahong mawala ka, hinihintay ko lang ang confirmation from my source para masigurong may kinalaman nga sila sa nangyari sa'yo noon," paliwanag nito."Hindi ako magdadalawang-isip na buwagin ang Alpha para sa kanila," banta ng kaniyang ama. Maraming koneksyon sa gobyerno ang ama kaya balewala lang sa kan
Huling Na-update: 2022-11-01
Chapter: 14. HomeNang tuluyang gumaling at umuwi na sa kanilang mansion si Alex ay umuwi na rin sa mansion ng mga Chavez si Violet. Hindi pumayag si Donya Eloisa na hindi siya nito ma-uwi sa kanilang tahanan. Sabik na sabik ang Donya na makasama ang kaniyang anak na nawalay ng napakatagal."Mama ang itawag mo sa akin," nakangiting wika ni Eloisa sa anak nang mapansing asiwa pa rin ito at minsan ay tinatawag pa siyang 'maam'. "Masanay ka na iha," anito at saka hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyan itong nasa silid niya. Naka-upo siya sa harap ng salamin habang dahan dahang sinusuklay ng kaniyang ina ang kaniyang buhok."Oho, M-mama," tugon ng dalaga kahit naninibago pa. Napakasarap pala ng pakiramdam nang mayroon kang matatawag na Mama, sa loob-loob ng dalaga."Darating sa susunod na linggo ang kapatid mo, excited na siyang makita ka anak," balita ng butihing ginang sa dalaga.Kahit paano ay natutuwa siya, hindi lang pala magulang ang mayroon siya. May kapatid din siya. Tila unti-unting lu
Huling Na-update: 2022-11-01
Chapter: 13.Finally foundTHIRD PERSON POV "Are you sure about this?" hindi pa rin makapaniwala ang Don sa ibinalita ng asawa. "Yes, of course! My private detective finally found our daughter!" bakas sa tinig ng Donya ang tuwa at excitement. "I know you have not given up sa anak natin, ako man ay umaasa pa rin na mahanap s'ya," tugon naman ng Don sa asawa. Hindi nga ba't itinayo pa niya ang Alpha para pagbayarin ang mga kumidnap sa anak nila?Nang mahuli ang mga kidnapers ay ibang mga bata ang hawak ng mga ito. Hindi rin nila sigurado kung isa nga si Ariah sa mga batang kinuha nila. Hanggang sa unti-unting naglalaho ang mga nahuhuling miyembro ng sindikatong iyon, para bang mayroon talagang humahadlang para mahuli ang pinuno nito. Wala ring nagawa ang mga awtoridad nang mga panahong iyon kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para magbayad ang mga taong iyon.Maagang dumating and mag-asawang Arthur at Eloisa Chavez sa bahay ampunan ng San Juaquin. Kapwa sabik mayakap ang matagal na nawalay na anak.Dala ang
Huling Na-update: 2022-11-01
Chapter: 12.Love conquers allVIOLET POVDalawang araw na mula nang ikulong ako rito, hindi ko malaman kung ano talaga ang binabalak ng Alpha sa akin. Laging may kausap sa cellphone ang mga lalaking nagbabantay sa akin. Naulinigan kong parating na ang isa sa mga founder ng grupo kaya kinakabahan ako, paano kung pati si Alex ay pinatay na rin nila? Siguradong hinahanap rin siya ng mga ito.Hindi ako nagkamali, mamaya pa ay narinig ko ang mga ugong ng sasakyang palapit.Bahagya akong sumiksik sa gilid. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tinakasan na yata ako ng tapang, o sadyang wala lang akong lakas dahil halos dalawang beses pa lamang akong kumakain mula nang dalhin ako sa lugar na ito. "Lucy!" malakas na bulyaw ng isa sa mga nagbabantay sa amin saka lumapit at pahablot akong itinayo. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa agos. Nanghihina ako at masakit na rin ang katawan ko dahil sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko."Kakausapin ka ni boss!" aniyang kinaladkad ako palabas ng bodega. Nasilaw ako sa li
Huling Na-update: 2022-11-01