Share

DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)
DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)
Author: Jc

1.Prologue

Author: Jc
last update Last Updated: 2023-02-15 10:54:01

"Congratulations iho!" Salubong sa kaniya ng ina nang pumasok siya sa mala-palasyong bahay na nakatirik sa napakalawak na lupain ng mga Santiago. Nabungaran niya itong tila hinihintay talaga siya.

"Thanks Ma," tugon niya, hinalikan ito sa pisngi at inakbayan papasok ng kabahayan.

Sa loob ay naroon si Don Santiago-ang kaniyang ama at ang dalawang nakatatanda niyang kapatid.

"Hey bro! Congratulations! Akala namin hindi mo na maitatawid ang college!" Biro ng mga ito sa kaniya, malakas pang tinapik ang kaniyang balikat.

"Oh, come on! Sisiw," ganting biro niya, kahit halos puro tres ang naging grado niya. Hindi naman kasi niya gusto ang kursong iyon at sila lang ang mapilit lalo na ang kaniyang ama na ngayon ay nakamasid lamang sa kanila. Seryoso ang mukha at hindi mo mababasa kung natutuwa ba ito presensya niya o hindi.

"I told you so," sabad nito kapag kuwan. Speaking of the king of the devil!

"Hindi naman importante ang mga grado mo, ang mahalaga ay gumraduate ka, matutunan mo rin ang lahat kapag ikaw na ang hahawak sa kumpanya, nar'yan naman ang mga kuya mo para i-guide ka," sigurado at walang pakialam na pahayag pa nito. Tila ba buo na ang pasya nitong ipasa sa kaniya ang responsibilidad sa kumpanya. Ang hindi niya maintindihan ay nariyan naman ang mga kuya niya at ang mga ito ang iteresado sa kumpanya, kung bakit siya pa ang pinipilit ng ama.

Nagkatinginan ang kaniyang mga kuya at natahimik naman siya. Ang totoo ay wala pa siyang plano na pasukin ang mas magulong mundo ng business world. Gusto niyang magpahinga, gusto munang mag-relax, aaminin niyang napakalaking pressure sa kaniya ang pag-aaral ng kursong hindi naman niya gusto. Kaya panahon naman na siguro para pakinggan rin niya ang sarili kahit pansamantala lamang.

Tumango lang siya bilang tugon sa sinabi ng ama. Alam niyang hahaba na naman ang diskusyon kapag sinalungat niya ito.

After the celebration, he packed his things to go to a three-day trip with his friends. Pupunta sila sa kabundukan para mag-firing. Nakaugalian na nila ng mga kaibigan ang libangang ito. Matagal na ring hindi niya nagagawa ito mula nang mag-aral siya sa Maynila. Nakakapag firing lang siya doon sa mga indoor shooting range, mapunan lang ang kati ng kamay niyang humawak ng baril. Para na kasing bisyo ito sa kaniya.

"Nice one pare! Wala ka pa ring kupas! Still the best sharp shooter in town!" Palatak ni Damon pagkatapos niyang tamaan ang lahat ng mga latang ipinatayo nila sa di kalayuan. Si Damon ay isa sa pinaka malapit niyang kaibigan, kahit pa may alitan ang Papa niya at ama nito ay kampante at solid ang kanilang samahan. Hindi sila nakiki-alam sa away ng kanilang mga magulang. Si Damon ay anak ng Mayor at pinakamayamang pamilya sa kabilang bayan.

"Medyo kinakalawang na nga," sagot niya habang nagre-reload ng bala sa magasin.

"Pre, dalaw ka minsan sa Acosta," Anitong tinutukoy ang bayan nila.

"May bagong bukas na night club ang pinsan ko, balita ko magaganda raw ang mga chika babes n'ya," balita pa nito na parang hindi pa nagsasawa sa mga babae. Kilalang babaero si Damon kahit saan. Lantaran ang pagpapalit palit nito ng mga babae. Minsan nga ay 'nagbabaon' pa ito ng mga babae sa mga lakad ng barkada, at hindi lang para sa kaniya, kung hindi para sa lahat.

"Huwag lang tayo papakita sa matatanda at siguradong lalagutin na naman tayo ng mga gurang na 'yun," sabi nitong tinutukoy ang kanilang mga magulang.

"Yeah, hindi na nagsawa ang mga 'yun," sagot niyang natatawa sa sinabi nito. Totoo nga naman, talagang itatakwil sila ng matatandang 'yun kapag nalamang magkasama na naman sila.

Ayon sa mga kuwento, nagsimula raw ang away ng mga magulang nila nang biglaang pakasalan ng ama ni Damon ang kaniyang ina dahil sa buntis ito. Noon ay alam ng lahat na nililigawan ni Don Santiago si Mona, ang ina ni Damon. Dahil doon ay nagsimula na ang alitan nila at lalong lumala ito sa mga away sa lupa at teritoryo ng dalawang bayan, ang bayan ng Acosta at bayan ng Santiago.

Pero sa kabila ng alitan ng mga magulang nila ay naging magkaibigan sila ni Damon. Nang mag-aral sila sa iisang eskwelahan at naging magkaklase ay doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at hindi matatawarang closeness. Mas malapit pa nga siya kay Damon kaysa sa sarili niyang mga kapatid. Kahit pa anong pangaral sa kanila noon ng mga magulang na huwag kaibiganin ang isa't-isa ay hindi sila nakinig. Hanggang sa makalakihan na nila ang ganitong sistema, ang patago kung mag-bonding.

"Saan ka galing!" Dumadagundong ang boses ng kaniyang papa sa buong kabahayan pagpasok pa lamang niya sa pintuan.

"Sa Acosta," walang ano mang tugon niya na lalong nagpagalit rito.

"What the h*ll are you doing there?" Madilim ang mukhang salubong nito sa kaniya.

"Dad, bakit ba kasi hindi na lang-" hindi na niya natuloy ang sasabihin.

"-iyan ang napapala mo sa pagsama-sama sa anak ng Acosta na 'yon! Ilulubog ka sa barkada! Magiging katulad ka rin ng magkakapatid na 'yon! Walang kinabukasan!" Mahabang sermon nito. Tulad ng dati.

"Watch your back son! Traydor ang mga Acosta!" babala pa nito, tila hindi pa nakakarecover sa nangyari ilang dekada na ang nakakaraan.

"Get ready, sasama ka ngayon sa opisina," pinal na sabi nito saka tumalikod.

Wala na siyang nagawa kung hindi summama, pero hanggang doon lang 'yun dahil pagdating sa opisina ay walang paki-alam siyang humilata sa mahabang sofa doon at saka natulog.

"God d*mn it Diego! Kailan ka ba titino?" Galit na galit ang kaniyang papa nang maka-uwi. Hindi na kasi siya um-attend sa meeting nila kanina dahil natulog lang siya sa opisina nito. Pagod siya at puyat.

"Pa, I'm not ready to be part of the company, baka lalong ikapahamak lang ng kumpanya kung wala naman doon ang interest ko," matapat niyang pahayag sa ama, baka sakaling maintindihan siya nito.

"At kailan ka magiging handa? Kapag maputi na lahat ng buhok sa buo mong katawan?" Sarkastikong tugon nito. Hindi niya maintindihan bakit ba nagmamadali ito?

"Pa, twenty-three lang ako at-"

"Wala sa edad ang responsibilidad Diego!" agaw nito sa sasabihin niya. Alam niyang kahit ilang beses siyang magpaliwanag ay hindi ito makikinig. Hindi naman siya puwedeng humingi ng tulong sa kaniyang ina dahil tulad ng kaniyang mga kuya ay sunod sunuran din ito sa ama. Siya lang talaga ang may kakayahang salungatin ito.

"Alright, bigyan mo ako ng oras makapag-isip," sabi niyang itinaas pa ang dalawa kamay tanda ng pagsuko.

"Time? Halos isang taon na mula nang gumraduate ka! Alam mo ba kung magkano na ang nalulustay mo mula noon? Diego, it's time for you to learn," malamig na tugon nito na ikina kunot ng noo niya.

"Go and find a job, subukan mong buhayin ang sarili mo. That way, siguro naman ay malalaman mo kung gaano kahirap kitain ang mga nilulustay mo," sabi pa nito.

"Are you kidding me?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"You heard me right son! Aalisin ko ang lahat ng access mo sa lahat ng yaman ari-arian ng Santiago at kapag hindi mo napatunayang karapat dapat ka rito, you'll never earn it back!" mariing sabi pa nito bago tumalikod.

Naiwan siyang natitigilan. Maging ang ina na kanina pa nakikinig ay tila itinulos rin sa kinatatayuan nang marinig ang desisyon ng Don.

Maya-maya ay bumalik ang ama. "What are you waiting for? Pack your things and leave," matigas na sabi nito.

Masama ang loob niya sa ginawa ng ama. Pakiramadam niya ay para siyang hayop na pinalayas nang walang ano man. Galit din siya sa sarili, bakit hindi niya magawa ang mga bagay na nagagawa ni Mathew at Damian, ang dalawang kuya niya. Bakit hindi niya magawang sumunod sa lahat ng gusto ng kanilang ama?

Wala siyang nagawa kung hindi ang umalis at lumuwas ng Maynila. Bumalik siya sa condo kung saan siya nakatira noong nag-aaral pa. Tinotoo ng kaniyang papa ang mga sinabi nito. Naka freeze ang lahat ng account niya sa bangko na accessed ng ama. Mabuti na lang at may paersonal na account siyang binuksan noong nagsimula siyang humawak ng pera. Malaki na rin ang naipon niya doon. Malaki kung magbigay ng allowance ang noon kaya naisipan niyang ipunin iyon para sa mga personal na emergency niya sa buhay. At heto nga, parang na predicted na niya noon pa ang magiging kapalaran niya.

Wala naman siyang ginawa, hindi rin siya naghanap ng trabaho at wala siyang sinunod sa mga sinabi ng ama. Tulad ng dati, tambay sa bar, inom, paminsan minsan babae.

Kanina pa niya tinitingnan ang babaeng iyon, kanina pa kasi ito hinihipuan sa kaniyang pang-upo nung lalaki sa likuran nito. Medyo iritado na 'yung babae pero hindi maka-alis dahil tila may hinihintay. Kanina pa kasi ito palinga linga sa paligid.

Hindi siya nakatiis nang muling makita na dumapo ang kamay ng lalaki sa puwet ng babaeng iyon.

"Hey," tawag pansin niya sa medyo nakakalbo nang lalaki. May kasama itong mga alalay pero wala siyang pake.

"At sino ka?" Matapang na tanong ng isa sa mga tauhan nito.

"Diego," aniya sabay ngisi at lingon sa kanina pa iritadong babae na hinihipuan ng kanilang boss.

"Boss, baka tubuan na ng ugat yang kamay n'yo sa pw3t ni miss ganda," muli niyang baling sa kalbong matanda. Mukha pa lang ay alam mo nang hindi gagawa ng mabuti.

"Aba't bastos ka ah!" Inundayan siya ng suntok ng tauhan nito pero naging alerto siya kaya bago pa man dumapo ang kamao nito sa kaniya ay nasalo niya iyon at malakas na pinilipit ang braso nito.

"Ooohh,!" D***g nito na halos hindi maipinta ang mukha. Namilipit rin ang buo nitong katawan habang pilit na kumakawala. Malakas lang naman ang loob niya dahil alam niyang walang dalang ano mang armas ang mga ito. Mahigpit kasi sa night club na ito, bawal ang ano mang uri ng armas sa loob. Kinukumpiska kahit maliliit na metal.

"S-sir...a-ang kamay ko," anito. Hindi naman pumalag ang iba pa nitong mga kasamahan dahil sumenyas ang kanilang boss na huwag gumawa ng eksena dahil 'mainit' pa sila.

"Matapang ka bata," baling nito sa kaniya.

Kunot noong binitiwan niya ang tauhan nito.

"Pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod hindi ko maipapangako," sabi nitong kinuha ang basong may lamang alak sa mesa at inisang lagok iyon.

"Hinhintayin ko po 'yan," nang-uuyam niyang tugon. Wala siyang pakialam. Basta kumukulo ang dugo niya sa mga lalaking nagsasamantala sa kahinaan ng kababaihan.

"Men, let's go!" Sabi nitong tumayo na. Mabilis namang sumunod ang mga asungot nito.

Mabilis na nilisan ng mga ito ang lugar. Naiwan siyang umiiling.

Bumalik na lamang siya sa dati niyang inuupuan sa bandang sulok

Maya maya pa ay lumapit sa kaniya ang babaeng binabastos kanina sa kabilang mesa.

"Hey, thanks!" Nakangiting bungad nito sa kaniya.

"I saw that," dagdag pa nito.

"You're welcome," sabi niyang gumanti rin ng ngiti.

"Violet," anitong ini-abot ang kamay.

Related chapters

  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   2.Diego

    AGRIANTHROPOS 2020"Ughhh!"Halos maihi siya sa sakit sa unang hampas ng latigo sa kaniyang likod. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong sakit. Gusto man niyang magsisi sa pinasok, pero huli na ang lahat. There is no turning back, lalo na ngayong nasa Isla na siya ng Agrianthropos-ang tahanan ng Foedus.Foedus na higit na nakakatakot at mas mapanganib kaysa Alpha. he's been with Alpha for three years pero hindi niya naranasang maghirap ng ganito bago pumasok sa organisasyon. Ngayon ay napapatanong siya sa sarili, `is it worth na mahirapan ng ganito sa pagpasok sa Foedus?' Hindi rin niya maintindihan pero nandito na ito, wala sa lahi ng Santiago ang umuurong sa laban!Tiniis niya ang hapdi at sakit sa bawat hampas sa kaniyang likuran. Gusto niya ng protection, ang halaga na ipinagkait sa kaniya ng sariling pamilya at kapangyarihan para ipaglaban ang sarili niyang karapatan! At lahat ng ito ay makukuha lamang niya sa mabilis na paraan, ang pagpasok sa organisa

    Last Updated : 2023-02-15
  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   3.Initiation

    He's done, done with two parts of initiation. Ngayon ay panahon na para gawin ang pangatlo at pinal ng parte. Kahahatid lamang niya kay San Pedro ang dalawang kilalang notorious drug lord sa Maynila. Sabi nga niya ay sisiw lang ang bahaging ito. Ngayon ay kinakabahan ako siya sa tinatawag nilang 'orgy'. Minalas siyang hindi nakasabay sa ibang aspiring members ng Foedus, atleast sana ay may idea naman siya kung ano ang mayroon sa orgy na 'yun. Matagal kasi niyang ininda ang mga sugat at latay sa katawan dala ng hundred lashes sa unang bahagi ng initiation. Matagal siyang nagpagaling. Halos hindi nga siya makagalaw nang araw na makumpleto ito. Walang katumbas na sakit at hapdi ang bawat latay ng latigong iyon sa kaniyang likuran, pero kinaya naman niya at heto para na naman isasalang isasalang sa kung anong pagsubok. Tulad ng dati, naroon ang buong grupo. The seven founders and some members. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang ngiti ni Raj na may kasama pang tango na para ba

    Last Updated : 2023-02-15
  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   4.The Reason

    Hindi niya makakalimutan ang gabing 'yon.Nang ihatid niya sa impyerno ang mag-asawang Escobar. When he entered their illegal laboratory. Nasa malayong probinsya iyon sa bandang norte, sa isang liblib na lugar at malayo sa kabihasnan.Kitang kita niya ang ilang katawan ng kawawang mga paslit. Nakahanda na nila itong itapon nang abutan niya. He was shocked na ganito kademonyo ang gawain ng mag-asawang ito. Doktor si Mrs. Escobar at businessman naman si Mr. Escobar. No wonder na ganito na lang kayaman ang pamilya ng mga ito dahil sa kademonyohang ginagawa. Ayon sa source ng Alpha ay nag-oopera ang Doktora ng mga mayayamang pasyente sa pribadong clinic nito. At hindi lamang operasyon ang nagaganap doon, organ transplant! An illegal organ transplant. And there! Ang mga patay na katawan ng mga batang walang muwang na kinunan ng iba't ibang parte ng katawan at internal organ. Nasakripisyo ang mga buhay para iligtas ang mga demonyo ring kliyente! Hinintay muna niyang maka-alis ang mga ito p

    Last Updated : 2023-02-17
  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   5. Eric

    Nagulat siya sa biglang pagtunog ng cellphone sa tabi n'ya. Mabilis siyang bumalik sa kasalukuyan pero laman pa rin ng isip niya si Austine. Ang gabing iyon ang huli nilang pagkikita ng dalaga. At heto ngayon, makikita n'ya sa litrato kasama ang ex lover ni Violet! This things making him crazy! Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag bumagsak ang babaeng espesyal sa puso n'ya sa mga taong nasa empyerno na ang kaluluwa! "Hello!" Malakas niyang sagot. Ni hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hey! Are you okay?" Takang tanong ng tinig sa kabilang linya, si Violet iyon. "Oh! Sorry, medyo naguguluhan lang ako. I saw Austine with your ex lover, sa mga binigay mong pictures," paliwanang niya. "What? Anong ugnayan nila ni Eric?" Kahit ito ay nagtaka rin. "That's what I want to find out," tugon niyang naguguluhan pa rin. "Anyway, napatawag ka?" Aniya."Oh, never mind, nakalimutan ko na rin ang sasabihin ko. Tatawagan na lang kita later," sabi nito saka nagpaalam at ibinaba n

    Last Updated : 2023-07-07

Latest chapter

  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   1.Prologue

    "Congratulations iho!" Salubong sa kaniya ng ina nang pumasok siya sa mala-palasyong bahay na nakatirik sa napakalawak na lupain ng mga Santiago. Nabungaran niya itong tila hinihintay talaga siya."Thanks Ma," tugon niya, hinalikan ito sa pisngi at inakbayan papasok ng kabahayan.Sa loob ay naroon si Don Santiago-ang kaniyang ama at ang dalawang nakatatanda niyang kapatid."Hey bro! Congratulations! Akala namin hindi mo na maitatawid ang college!" Biro ng mga ito sa kaniya, malakas pang tinapik ang kaniyang balikat."Oh, come on! Sisiw," ganting biro niya, kahit halos puro tres ang naging grado niya. Hindi naman kasi niya gusto ang kursong iyon at sila lang ang mapilit lalo na ang kaniyang ama na ngayon ay nakamasid lamang sa kanila. Seryoso ang mukha at hindi mo mababasa kung natutuwa ba ito presensya niya o hindi."I told you so," sabad nito kapag kuwan. Speaking of the king of the devil!"Hindi naman importante ang mga grado mo, ang mahalaga ay gumraduate ka, matutunan mo rin ang la

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status