Share

2.Diego

Author: Jc
last update Last Updated: 2023-02-15 10:54:51

AGRIANTHROPOS 2020

"Ughhh!"

Halos maihi siya sa sakit sa unang hampas ng latigo sa kaniyang likod. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong sakit. Gusto man niyang magsisi sa pinasok, pero huli na ang lahat. There is no turning back, lalo na ngayong nasa Isla na siya ng Agrianthropos-ang tahanan ng Foedus.

Foedus na higit na nakakatakot at mas mapanganib kaysa Alpha. he's been with Alpha for three years pero hindi niya naranasang maghirap ng ganito bago pumasok sa organisasyon. Ngayon ay napapatanong siya sa sarili, `is it worth na mahirapan ng ganito sa pagpasok sa Foedus?' Hindi rin niya maintindihan pero nandito na ito, wala sa lahi ng Santiago ang umuurong sa laban!

Tiniis niya ang hapdi at sakit sa bawat hampas sa kaniyang likuran. Gusto niya ng protection, ang halaga na ipinagkait sa kaniya ng sariling pamilya at kapangyarihan para ipaglaban ang sarili niyang karapatan! At lahat ng ito ay makukuha lamang niya sa mabilis na paraan, ang pagpasok sa organisasyong ito.

Unang bahagi pa lamang ito ng kaniyang paghihira, tinatawag nila itong initiation. Ayon sa mga founders ay may tatlong bahagi ito. Kung malalampasan niya ang lahat ay buong buo siyang tatanggapin sa organisasyon at ituturing na higit pa sa kapamilya. Alam naman niyang kaya niya ang mga pagsubok lalo na ang pinal na bahagi ng initiation-ang pagkitil ng tatlong buhay. Oo, madali lang ito para sa kaniya. Bakit nga ba hindi? Dito siya nabubuhay, ang trabahong ito ang naging takbuhan niya nang itakwil ng sarili niyang pamilya, partikular, ng kaniyang ama.

Akala ng mga taong nakapaligid sa kaniya kasama ang ama at ang pamilya ay mahina siya, hinayaan lamang niyang isipin kung ano ang gusto nila tungkol sa kaniya. Hindi nakaka-apekto sa kaniya ang ano mang opinion ng ibang tao. Ang mahalaga ay nakaya niyang tumayo sa sarili mga paa nang walang ano mang tulong mula sa kanila.

"That's enough!" Narinig niyang tinig mula sa isa sa mga founders na tila nag-eenjoy pa na makita siyang nagtitiis sa sakit.

'Anong klaseng tao ang mga 'to?' Tanong na lamang niya sa sarili nang pasadahan ng tingin ang nakahilerang akala mo ay mga hurado sa isang kompetisyon.

Hindi niya matandaan ang mga pangalan ng mga ito pero pamilyar ang mga pagmumukha sa kaniya. Medyo kahawig pa nga raw niya iyong tinatawag nilang 'boss Trace' katulad niya ay medyo mahaba rin ang alon-alon nitong buhok. And yes, pareho silang tila hindi nagsuklay ng isang linggo. Dito kasi siya kumportable sa hairstyle na ito. At isa nga rin ito sa ikina-aayaw sa kaniya ng ama, ni hindi nga raw niya maayos pati ang itsura, buhay pa kaya niya? Walang wala talagang tiwala ang ama sa kaniya.

Wala siyang imik matapos ang initiation. Una pa lamang ito at marami pang susunod bago maging ganap na miyembro ng samahang ito. Masakit, makirot at hapdi ang tanging nararamdaman niya.

Pagkatapos siyang dalhin sa magiging tirahan niya rito sa Isla ay hindi umalis ang guwardyang naghatid sa kaniya. Sa labas lamang ito ng pinto. Para siyang preso sa pagbabantay ng mga ito. Kahit na malabo namang tumakas ay ramdam niya ang mahigpit na seguridad na ipinapatupad sa Isla. Daig pa nga ang bilibid sa dami ng mga guwardya.

May ilang linggo pa siyang bubunuin para sa natitirang bahagi ng initiation. He will go through that 'orgy' thing, hindi niya alam kung real orgy ba talaga o tawag lang nila sa bahaging iyon ng initiation. Well, kahit ano pa 'yan, he doesn't mind at all.

Kailangan rin niyang pumatay to show his abilities, hindi niya alam kung bakit required pa ito sa kaniya samantalang alam naman nilang assassin siya at pangkaraniwan na lamang sa kaniya ang gawaing ito.

Hindi nga ba't subok na siya ni Raj? Ang mismong nagrekomenda at tumulong sa kaniya para pumasok sa organisasyong ito. Minsan na niyang naging kliyente ito att tulungan sa alanganing sitwasyon nito. Ipinatumba nito ang mga dumukot sa girlfriend. Siya rin ang nag-embistiga sa Briton na ama ng kasintahan nito.

Ganoon pa man, sinunod pa rin nya ang mga proseso para lubusang makapasok sa Foedus. Dahil kapag naging miyembro na siya ay sigurado na ang kaniyang proteksyon, malaya na siyang gumalaw para iligtas si Austine, ang babaeng hindi niya alam kung tanga o sadyang nabulagan lamang ng pagmamahal sa kinikilalang pamilya. He will prove that she is wrong about her parents!

Alam niyang high rise building ang lahat ng nakatayo sa isla pero hindi niya inaasahang napakaganda pala rito. Parang isang paraiso. Well, ngayon pa lang ay alam na niyang nang mag-eenjoy siya sa pamamalagi rito.

Hundred million pesos, ito ang halagang ibinayad niya para sa membership ng Foedus, plus initiation. Inaasahan na niya ang magarang hide-out sa halagang ibinayad pero hindi niya akalaing sariling isla pa pala ng organisasyon ang mapupuntahan.

Dumapa siya sa kama dahil kanina pa makirot ang likod niya, kakayanin pa naman siguro ng katawan niya hanggang sa huling araw ng kaniyang initiation. He need to go back to Manila, nanganganib si Austine. She don't have any idea what kind of family she has, especially her mother. She just want a revenge, nabubulagan siya sa katotohanang mula pagkabata ay ginagamit na siya ng nakagisnan niyang pamilya!

Austine is a sweet and innocent girl. Naaalala pa niya ang una nilang pagkikita...

"What are you doing in my room?" Gulat na gulat si Austine nang mabungaran si Diego na kampanteng naka-upo sa sofa, sa loob ng hotel room kung saan sila mamamalagi ng ilang araw para sa mission.

"Your room?" Nagtataka niyang tugon. Nagulat din siya sa biglang pagpasok ng babaeng ito sa kuwarto niya. He's expecting a male partner para sa mission na 'to. Austin is a male name anyway.

"Look Miss, baka nagkakamali ka lang ng pinasok na kuwarto at-," sabi niyang medyo naiinis na. Sino ba ang nagpapasok sa babaeng ito rito? Anang isip niya.

"I have a reservation!" Matigas nitong sagot. At sa nakikita ng binata ay wala itong balak sumuko.

"Okay, show me the proof na sa-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil halos ipagduldulan na nito ang malaking screen ng cellphone nito sa mukha niya, and yes, she has a reservation at iyon ay ang ipina-reserve niya.

"Austin," pagka-klaro niya sa pangalan nito.

"Y-yes, paanong-" anito na biglang naguluhan.

"Hooh!" Bumuntong hininga siya bago sabihin ang mahabang kuwento tungkol sa pagpapa-reserve ng kuwarto.

Nagulat siya sa tunog ng nabuksang pinto na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Dalawang babae ang basta na lang pumasok sa kuwarto at pumwesto sa magkabilang gilid ng kama kung saan siya nakadapa.

"Ointment lang sir para hindi masyadong makirot ang sugat n'yo," paliwanag ng isa sa mga ito. Hindi na siya nagsalita pa, hinayaan na lamang niyang pahiran ng kung anong cream ng mga ito ang kaniyang likod. Nang matapos ay umalis rin ang dalawa.

Nang mapag-isa ay muli na naman siyang nilamon ng malalim na pag-iisip, sariwa pa rin sa kaniya ang mga nangyari years back..

His dad is always good to him when he was younger. Hindi niya akalaing gagawin nito sa kaniya ang ganoon.

Wala siyang lakad nang araw na iyon kaya bago tumulak sa bagong misyon ay nililinis muna niya ang mga dadalhing armas. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang magka aberya ang misyon dahil sa mga sablay na armas. Sinisiguro niyang nasa kundisyon ang lahat bago sumabak sa alanganin. Malakas na nag-ring ang kaniyang cellphone, nagtataka man ay sinagot niya iyon kahit hindi kilalang numero ang nakarehistro sa screen.

"Diego," mahinang boses ng ama.

"Hey! Kilala mo pa pala ako?" Nanunuyang sagot niya sa rito. Hindi pa rin maalis ang sama ng loob niya rito mula nang palayasin siya sa mansion.

"Come on Diego! Napakatigas pa rin ng ulo mo! Hindi ba't sinabi ko sayong huwag na huwag kang tatapak sa Acosta!" Halata ang galit pero pigil ang boses nito na parang ayaw nang may makarinig sa sinasabi.

Ang bayan ng Acosta ay karatig bayan lamang nila kung nasaan ang kanilang hacienda at ang mansion ng pamilya Santiago. Nakakatawa na apilyedo ng mga mayayaman at makapangyarihang pamilya ang ipinangalan sa mga bayan sa lugar nila na para bang sila ang may-ari ng mga bayang iyon. Kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang maging pangalan ng bayan nila ang Santiago dahil hindi naman nila pag-aari ang buong lugar.

"Sinusundan mo ba ako?" Singhal niya sa ama, kahit sa telepono lang ay gusto niyang iparamdam ang pagrerebelde rito. Pumunta kasi siya sa Acosta kamakailan para gawin ang isang maliit na assignment, itinumba ang drug pusher na tila walang kadala dala kahit ilang beses nang nahuhuli at nakakalaya.

"Nakita ka ng tao ko, at talagang hindi mo pa rin naaalis yang kahiligan mo sa mga night club, dumarayo ka pa! Nauubusan ka na ba ng bar d'yan sa Maynila?" Galit na ito at iyon ang gusto niyang mangyari, ang galitin si Dario Santiago.

"Wait, akala ko ba hindi mo na ako pakikialaman? You thrown me out remember? Huwag kang mangaral na parang tatay ko dahil matagal mo nang itinapon ang anak mo!" Galit na pinatay niya ang telepono.

"Fuck! What's wrong with him?" Hindi niya mapigilang mahampas ng kuyom na kamao sa lamesa. Muntik nang magtalsikan ang mga balang maingat niyang inaayos sa magasin.

Galit siya sa kaniyang buong pamilya lalo na sa ama. Tapos ngayon tatawagan siya para lang sermonan?

"To hell with them!" Kunot pa rin ang noo niya habang ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi maalis ang inis.

Pinalayas siya ng ama dahil nga raw wala siyang silbi. Matuto raw muna siyang tumayo sa sariling mga paa bago bumalik sa pamamahay na iyon. Dahil nga wala siyang kahilig hilig sa negosyo, hindi katulad ng dalawa niyang kuya na may kaniya kaniya nang hawak na negosyo ng pamilya. He is the youngest at siya rin ang kakaiba sa kanila, black sheep pa nga kung tawagin siya ng mga ito. Mahilig siya sa barkada at night life. Kung titingnan nga naman ay walang direksyon ang buhay niya. Pero ang sa kaniya lang naman ay i-enjoy lamang sana muna ang buhay bago siya magseryoso at itali ang sarili sa negosyong hindi naman niya gustong pasukin. At hayun! Ang pakialamero at paladesisyon niyang ama bigla na lamang siyang itinapon na parang basahan nang hindi man lang nagtatanong kung ano ang plano niya sa buhay? Dalawampu't tatlong taong gulang lamang siya kumpara sa mga kapatid na nasa trenta na ang edad. Hahanapan siya ng accomplishments? Anong magagawa ng isang beynte tres? Ang mga kuya nga niya, noong nasa edad ring iyon ay hindi naman sila pinilit na humawak ng negosyo ng pamilya. They enjoyed their youth! At iyon ay napaka-unfair para sa kaniya!

Pero heto siya ngayon, surviving by himself. Napapakinabangan ang dati ay libangan lamang na skills niya sa paghawak ng baril. He met Violet, nagpapatakbo ng isang lihim na organisasyon. A gun-for-hire na noong una ay ayaw niyang patulan pero nang malaman niya ang kalakaran dito ay buong tapang niyang pinasok ang buhay ng isang Assassin.

Tatlong taon na siya sa ganitong buhay, at ilang buhay na rin ba ang inutang niya? He doesn't really care! As long as alam niyang karapat dapat na manahimik ay pinapatahimik niya. Wala siyang paki-alam kahit alam niyang nakasanla na kay satanas ang kalahati ng kaluluwa niya!

Ang akala ng ama ay patuloy lamang siya sa papetiks-petiks na lifestyle kaya galit pa rin ang mga ito sa kaniya. Kesyo hindi pa raw kesyo hindi pa raw siya nagbabago, kesyo walang patutunguhan ang buhay. Wala nga naman kasing naikikita ang mga ito na negosyo o kahit trabaho man lang pinagkaka-abalahan niya. Alam rin naman niyang pinasusundan siya ng ama. Kaya doble ingat siya sa mga ginagawang 'trabaho'. Sanay na siyang tumakas at magtago mula sa mga tauhan ng ama.

Katulad ngayon, medyo delikado ang misyong pupuntahan niya. Nagbigay naman ang Alpha ng makakasama niya bilang espiya sa pupuntahang Isla. Hindi siya sanay magtrabaho nang may kasama pero medyo maselan ang assignment niya ngayon, hindi basta basta nalalapitan ang Congressman na siyang target niya.

Napangisi siya nang itaas ang mahabang assault rifle, handa na ito para kay Congressman. Kung paano siya makakalapit riito ay bahala na ang magiging partner niya.

Nakaputing shorts at polong kulay asul na nakabukas pa ang pang-itaas na bitones ang suot niya nang dumating sa Isla. Bitbit ang di kalakihang bag.

Nang makababa sa pampasaherong bangka na naghatid sa kaniya rito ay dumiretso siya sa reception ng hotel. Sa bungad pa lang ay pinagkakaguluhan na siya ng mga babae. Minsan ay hindi rin nakakatuwa ang maging guwapo, anang isip niya at bahagyang napailing. Laging takaw pansin at lalong mahirap iwasan ang mga babaeng halos maghain ng sarili sa kaniya. It's not once or twice na may babaeng nagmakaawa sa kaniya just to f*ck them. Disgusting!

"H-hi Sir! W-welcome to Paradise Hotel," medyo nauutal pa ang isang staff na sumalubong sa kaniya. At heto nga, halata na naman ang pagka-interesado sa kaniya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Sanay na siya sa mga babaeng walang ginawa kung hindi ang magpapansin.

Dumiretso siya sa kuwarto nang makuha ang susi sa reception. Medyo late raw ang kasama niya ayon sa ipinadalang mensahe ni Mr. Valle dahil hindi raw ito nakahabol sa biyahe ng bangka na sinakyan niya. Halos tatlong oras din kasi ang tagal ng byahe sa bangka papunta sa Isla.

Pagpasok pa lamang niya sa kuwarto ay agad niyang ibinaba ang mga bitbit at pabagsak na naupo sa sofa. Malawak at maaliwalas ang silid. May malapad na kama sa gitna at may maliit na terrace na nakaharap sa malawak na dagat. Hindi talaga niya palalampasin ang pagkakataong ito para mag-enjoy, 'work with pleasure,' aniyang napangiti.

Related chapters

  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   3.Initiation

    He's done, done with two parts of initiation. Ngayon ay panahon na para gawin ang pangatlo at pinal ng parte. Kahahatid lamang niya kay San Pedro ang dalawang kilalang notorious drug lord sa Maynila. Sabi nga niya ay sisiw lang ang bahaging ito. Ngayon ay kinakabahan ako siya sa tinatawag nilang 'orgy'. Minalas siyang hindi nakasabay sa ibang aspiring members ng Foedus, atleast sana ay may idea naman siya kung ano ang mayroon sa orgy na 'yun. Matagal kasi niyang ininda ang mga sugat at latay sa katawan dala ng hundred lashes sa unang bahagi ng initiation. Matagal siyang nagpagaling. Halos hindi nga siya makagalaw nang araw na makumpleto ito. Walang katumbas na sakit at hapdi ang bawat latay ng latigong iyon sa kaniyang likuran, pero kinaya naman niya at heto para na naman isasalang isasalang sa kung anong pagsubok. Tulad ng dati, naroon ang buong grupo. The seven founders and some members. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang ngiti ni Raj na may kasama pang tango na para ba

    Last Updated : 2023-02-15
  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   4.The Reason

    Hindi niya makakalimutan ang gabing 'yon.Nang ihatid niya sa impyerno ang mag-asawang Escobar. When he entered their illegal laboratory. Nasa malayong probinsya iyon sa bandang norte, sa isang liblib na lugar at malayo sa kabihasnan.Kitang kita niya ang ilang katawan ng kawawang mga paslit. Nakahanda na nila itong itapon nang abutan niya. He was shocked na ganito kademonyo ang gawain ng mag-asawang ito. Doktor si Mrs. Escobar at businessman naman si Mr. Escobar. No wonder na ganito na lang kayaman ang pamilya ng mga ito dahil sa kademonyohang ginagawa. Ayon sa source ng Alpha ay nag-oopera ang Doktora ng mga mayayamang pasyente sa pribadong clinic nito. At hindi lamang operasyon ang nagaganap doon, organ transplant! An illegal organ transplant. And there! Ang mga patay na katawan ng mga batang walang muwang na kinunan ng iba't ibang parte ng katawan at internal organ. Nasakripisyo ang mga buhay para iligtas ang mga demonyo ring kliyente! Hinintay muna niyang maka-alis ang mga ito p

    Last Updated : 2023-02-17
  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   5. Eric

    Nagulat siya sa biglang pagtunog ng cellphone sa tabi n'ya. Mabilis siyang bumalik sa kasalukuyan pero laman pa rin ng isip niya si Austine. Ang gabing iyon ang huli nilang pagkikita ng dalaga. At heto ngayon, makikita n'ya sa litrato kasama ang ex lover ni Violet! This things making him crazy! Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag bumagsak ang babaeng espesyal sa puso n'ya sa mga taong nasa empyerno na ang kaluluwa! "Hello!" Malakas niyang sagot. Ni hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hey! Are you okay?" Takang tanong ng tinig sa kabilang linya, si Violet iyon. "Oh! Sorry, medyo naguguluhan lang ako. I saw Austine with your ex lover, sa mga binigay mong pictures," paliwanang niya. "What? Anong ugnayan nila ni Eric?" Kahit ito ay nagtaka rin. "That's what I want to find out," tugon niyang naguguluhan pa rin. "Anyway, napatawag ka?" Aniya."Oh, never mind, nakalimutan ko na rin ang sasabihin ko. Tatawagan na lang kita later," sabi nito saka nagpaalam at ibinaba n

    Last Updated : 2023-07-07
  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   1.Prologue

    "Congratulations iho!" Salubong sa kaniya ng ina nang pumasok siya sa mala-palasyong bahay na nakatirik sa napakalawak na lupain ng mga Santiago. Nabungaran niya itong tila hinihintay talaga siya."Thanks Ma," tugon niya, hinalikan ito sa pisngi at inakbayan papasok ng kabahayan.Sa loob ay naroon si Don Santiago-ang kaniyang ama at ang dalawang nakatatanda niyang kapatid."Hey bro! Congratulations! Akala namin hindi mo na maitatawid ang college!" Biro ng mga ito sa kaniya, malakas pang tinapik ang kaniyang balikat."Oh, come on! Sisiw," ganting biro niya, kahit halos puro tres ang naging grado niya. Hindi naman kasi niya gusto ang kursong iyon at sila lang ang mapilit lalo na ang kaniyang ama na ngayon ay nakamasid lamang sa kanila. Seryoso ang mukha at hindi mo mababasa kung natutuwa ba ito presensya niya o hindi."I told you so," sabad nito kapag kuwan. Speaking of the king of the devil!"Hindi naman importante ang mga grado mo, ang mahalaga ay gumraduate ka, matutunan mo rin ang la

    Last Updated : 2023-02-15

Latest chapter

  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   2.Diego

    AGRIANTHROPOS 2020"Ughhh!"Halos maihi siya sa sakit sa unang hampas ng latigo sa kaniyang likod. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong sakit. Gusto man niyang magsisi sa pinasok, pero huli na ang lahat. There is no turning back, lalo na ngayong nasa Isla na siya ng Agrianthropos-ang tahanan ng Foedus.Foedus na higit na nakakatakot at mas mapanganib kaysa Alpha. he's been with Alpha for three years pero hindi niya naranasang maghirap ng ganito bago pumasok sa organisasyon. Ngayon ay napapatanong siya sa sarili, `is it worth na mahirapan ng ganito sa pagpasok sa Foedus?' Hindi rin niya maintindihan pero nandito na ito, wala sa lahi ng Santiago ang umuurong sa laban!Tiniis niya ang hapdi at sakit sa bawat hampas sa kaniyang likuran. Gusto niya ng protection, ang halaga na ipinagkait sa kaniya ng sariling pamilya at kapangyarihan para ipaglaban ang sarili niyang karapatan! At lahat ng ito ay makukuha lamang niya sa mabilis na paraan, ang pagpasok sa organisa

  • DIEGO SANTIAGO (Wild Men Series #19)   1.Prologue

    "Congratulations iho!" Salubong sa kaniya ng ina nang pumasok siya sa mala-palasyong bahay na nakatirik sa napakalawak na lupain ng mga Santiago. Nabungaran niya itong tila hinihintay talaga siya."Thanks Ma," tugon niya, hinalikan ito sa pisngi at inakbayan papasok ng kabahayan.Sa loob ay naroon si Don Santiago-ang kaniyang ama at ang dalawang nakatatanda niyang kapatid."Hey bro! Congratulations! Akala namin hindi mo na maitatawid ang college!" Biro ng mga ito sa kaniya, malakas pang tinapik ang kaniyang balikat."Oh, come on! Sisiw," ganting biro niya, kahit halos puro tres ang naging grado niya. Hindi naman kasi niya gusto ang kursong iyon at sila lang ang mapilit lalo na ang kaniyang ama na ngayon ay nakamasid lamang sa kanila. Seryoso ang mukha at hindi mo mababasa kung natutuwa ba ito presensya niya o hindi."I told you so," sabad nito kapag kuwan. Speaking of the king of the devil!"Hindi naman importante ang mga grado mo, ang mahalaga ay gumraduate ka, matutunan mo rin ang la

DMCA.com Protection Status