Share

3.Father and Son

Author: Jc
last update Huling Na-update: 2022-12-28 06:41:28

Kanina pa niya gustong masolo ang ama, mabuti na lamang at umalis na ang mga asungot.

Pagkatapos mananghali ay iginiya siya nito sa napakalaking opisina nito na nasa ikalawang palapag ng kanilang mansion. Nagpahatid ito ng tsaa at kape, hindi niya alam kung bakit mas gusto niya ang lasa ng kape kaysa tsaa na nakagisnang iniinom ng mga tao sa bahay na iyon.

"Dad, I would like to know more about my mother," walang gatol na sabi niya sa ama. Tila nabigla ito, hindi inaasahang itatanong niya ang ganoon. Maya-maya ay nakabawi ito, at tila nabago ang mood.

"Your mom," anitong ngumiti. Tila biglang bumalik sa nakaraan. Kita ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

"Beatiful Marieta Guazon, she is a Filipino," patuloy nito at nagbalik-tanaw sa nakaraan.

"We met in one of my business affairs in her country. We suddenly fell in love and in few months of living together while doing my business there, she got pregnant," mahabang kuwento nito.

"I didn't know my father has set my marriage to his friend's daughter, and when I went home to tell them about your mom, they forced me to marry your 'auntie'." patuloy nito. Wala naman siyang masabi na matamang nakikinig.

"Actually, my father just sent a person to stole you from the hospital where you were born,"

Ang kanyang lolo, Rashid Shah Sr. ay hindi basta-basta, kung kailangang daanin sa dahas makuha lamang ang gusto nito. Isa itong retired five starred General ng Indian Army. Ang lola niya ay isang British businesswoman, sa ngayon ay retired na ang mga ito at naka base sa England.

"I feel so bad about that, God know's how much I love your mother," tila maiiyak na naman ito.

"That's enough," saway niya sa pagkukwento ng kanyang ama. Napaka emosyonal nito samantalang amasonang walang emosyon ang asawa nito.

"Dad, I've decided to find mom," aniya na bahagyang iknatuwa ng ama. Tila nasilayan ang bagong pag-asa.

Magaan ang pakiramdam niya nang umuwi sa condo ni Sandeep, tila nasasagot paunti-unti ang mga kakulangan sa kanyang pagka-tao.

Nasaan na kaya ang kanyang ina? Siguradong napaka lungkot nito nang sabihin ng doktor na patay ang anak nito, tulad ng habilin ng kanyang lolo sa taong kumuha sa kanya. Hahanapin niya ang ina kahit ano ang mangyari.

Mabilis na lumipas ang mga araw at babalik na naman siya sa trabaho.

Isa siya sa napiling ipadala sa isang misyon para i-rescue ang mga crew ng isang barkong na hi-jacked sa karagatan ng Somalia.

Ayon sa impormasyon isa itong Indian oil tanker ship. At halos nasa 50 katao ang nabihag kasama ang kapitan at mga crew.

Nakikipag negosasyon ang lider ng mga pirata, 500 million para sa kalayaan ng halos limampung bihag, ngunit sa halip na ibigay ang hiling ay magpapadala ang Gobyerno ng search and rescue para sa mga ito. Siniguro ng Indian Government ang kaligtasan ng mga bihag, ipinadala ang pinaka magagaling na team mula sa kanilang elite force.

Madaling araw nang marating nila ang Isla kung saan nagkukuta ang mga pirata, namataan agad nila ang barko ilang milya mula sa dalampasigan ng Isla.

Walang kahirap-hirap nilang napasok ang barko, naroon pa rin ang mga crew, ngunit bantay sarado ng mga armadong pirata.

Tahimik nilang isa-isang napatay ang mga ito.

Pumwesto siya sa isang mataas na bahagi sa labas ng barko habang pumasok naman ang kanyang mga kasama para tuluyang i-rescue ang mga bihag.

Ilang speed boat ang umiikot sa barko nang maalerto ng mga pirata ang kanilang mga kasama sa Isla.

Dahil eksperto siya sa mga moving target ay isa-isa niyang napatumba ang mga ito gamit ang barrett multi-caliber MRAD sniper rifle. Halos trenta minutos din siyang naka dapa roon nang isa-isang lumabas ang kanyang mga kasama at ang iniligtas na mga bihag.

Dumating naman ang military boat na magdadala sa kanila kung saan naghihintay ang eroplanong maghahatid sa kanila pabalik ng India.

Halos maka sakay na ang lahat nang bumaba siya sa tore ng barko kung saan siya naka puwesto. Pasakay na lamang siya ng isang putok ang pumailanlang mula sa nakahandusay na mga pirata ay isang nag-aagaw buhay ang may hawak ng isang pistol.

Bago pa man mawalan ng balanse ay nabaril pa ni Raj ang pirata na tinamaan naman sa ulo na siyang ikinamatay nito.

Humandusay sa sahig ng Military boat si Raj, tinamaan siya sa kaliwang kili-kili. Nag-aagaw buhay ito nang umabot sa ospital.

Naiwan siya roon kasama ang ilang sundalo bilang bantay niya.

Matagumpay namang naalis ang bala sa kanyang katawan, malapit na ito sa kanyang puso.

Nang malaman ng ama ang nangyari sa kanya ay agad itong nag-utos na ilipat siya sa pinaka mahusay na ospital sa England. Alam nitong hindi ito pababayaan ng kanyang lolo at lola roon.

PILIPINAS

"Diyos ko! Mark!!!..." walang patid ang hagulgol ni Xianna nang makita ang bangkay ng nobyo. Hindi na ito makilala dahil sa matagal na nakababad sa dagat.

Ngunit kilala niya ang mga suot nito, ang kuwintas na naroon ang kanyang larawan at ang suot nitong damit nang huli silang magkasama.

Positibo rin itong kinilala ng halos tulala nang ina ni Mark.

May mga tama ng bala ang katawan ni Mark na siyang ikinamatay nito.

Tinitignan ng mga pulis na away fraternity ang dahilan ng kamatayan nito, hindi lamang masiguro dahil hindi lamang isa ang kinabibilangan nitong samahan.

Halos mamatay ang buong pagkatao ni Xianna nang mawala ang nobyo. Ilang araw na wala sa sarili kahit nasa trabaho.

"Xin, what's happening?" isang araw ay tanong ng ina sa kanya na walang kaalam-alam sa nangyayari sa kanya. O mas tamang sabihin sa walang paki-alam sa kanya.

Ang importante lamang dito ay ang magarbong buhay, mamahaling mga gamit at mga barkada nito.

"Nothing mom, masama 'lang ang pakiramdam ko," aniyang tinalikuran ang ina. Napansin siguro nitong nangangayayat siya at malalim ang kanyang mga mata.

"Nag-deposit na ba ng pera ang Daddy mo?" habol nitong tanong.

"Yes, I'll transfer to your account tomorrow," sabi niyang diretsong umakyat na sa kanyang silid.

Narinig niyang may sinabi pa ang kanyang ina ngunit hindi na niya inintindi pa.

Ibinagsak ang pagod na pagod nang katawan sa kanyang malambot na kama at ipinikit ang mga mata.

"I love you Xin, hindi ako magsasawang panoorin ang pag-lubog ng araw kasama ka," si Mark habang marahang yumakap sa likod ng dalaga at ibinulong ito sa kanya.

"I love you too," nakangiting tugon niya habang hinahaplos ng marahan ang pisngi nitong nakapatong sa kanyang balikat. Nakaharap sila sa payapang karagatan habang pinapanood ang pag-lubog ng araw. Mangilan ngilan lamang ang mga tao roon at halos lahat ay magkakapareha.

Inalis ng binata ang braso sa beywang ni Xianna at dinukot ang maliit na kahon sa kanyang bulsa, lumuhod ito sa kanyang harapan.

"Xianna Hughes, will you be my wife," naka ngiti ngunit kinakabahang tanong nito.

Nabigla siya, hindi pa siya handang magpakasal ngunit heto ang lalaking mahal na mahal niya ay naka luhod at hinihingi ang kanyang permiso para maging asawa nito.

Ikinulong niya sa dalawang palad ang mukha ng binata, "Love, you know how much I love you, but-"

"Sshh...," itinakip ng binata ang daliri sa mga labi ng dalaga na noon ay hindi pa rin alam kung paano ipapaliwanag sa nobyo ang dahilan ng kanyang pag-tanggi sa alok nitong kasal.

"I know sweetheart, baka 'lang naman maka lusot," anitong tumawa pa.

Nakahinga naman siya ng maluwag sa reaksyon ng nobyo.

Hilam ng luha ang mga mata ni Xianna habang bumabalik ang nakaraan sa kanyang isipan.

Mahirap iwaglit ang mga ala-ala ng mapagmahal na nobyo. Napaka gentleman nito. Maasikaso, sweet, maalalahanin. Kahit na napakalayo ng trabaho nito sa kanyang pinagtatrabahuan ay talagang hatid sundo siya nito.

Ang lubos na minahal niya sa binata ay ang napakataas na respeto nito sa kababaihan, dahil tanging ina nito ang kasamang lumaki.

Sa tatlong taon nilang mag-nobyo ay ni minsan hindi ito humiling sa kanya ng higit pa sa isang halik. At dampi dampi lamang kung halikan siya nito.

ENGLAND

Matagal na nanatili sa ospital si Raj, ikinuha siya ng kanyang lolo at lola ng private nurse na mag-aalaga sa kanya habang nagpapagaling. Dahil cool ang kanyang lolo, pumili ito ng napaka ganda at napaka seksing nurse para raw mabilis ang kanyang recovery.

Marami pa ring naka kabit na aparato sa kanya kayat hindi pa sýa gaanong maka galaw. Sumasakit pa rin ang kanyang sugat sa tuwing tatangkain niyang bumangon. Lagi namang naka alalay ang kanyang mala anghel na tagapag alaga.

Minsan ay nahuhuli ng nurse na sinisilipan niya ito kapag yumuyuko at nililinis ang kanyang sugat.

Huh! lugi naman siya kung hindi manlang makita ang malulusog nitong cocomelon, samantalang araw-araw nitong nahahawakan ang kanyang laging galit na alaga.

Hindi siya nahihiya kapag nililinis ito ng kanyang nurse, alam niyang lihim itong natatakam sa kanya, nahuhuli niya itong lumulunok sa tuwing hawak nito ang ipinagmamalaki niyang Filipino-Indian sausage.

Kaugnay na kabanata

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   4.A good start

    Magdadalawang linggo na rin mula nang ilipat s'ya sa England. Hindi tulad ng dati puro kirot at sakit lamang ng sugat ang nararamdaman niya. Ngayon ay sakit na rin ng puson. Oo, masarap sa mata ang makita ang kanyang mala-anghel na nurse pero masakit din sa puson. Umiral ang kanyang kapilyuhan, isang mala-demonyong ngiti ang namutawi sa kanyang mapupulang labi.Kinabukasan, mabango at nakakatakam na amoy ng pagkain ang gumising kay Raj. Pagmulat ng kanyang mga mata ay ang nakatuwad na nurse ang bumungad sa kanyang paningin. Tila may inaabot ito sa plug na nasa pader, katapat mismo ng mukha niya! Bahagyang naka buka ang mga binti nito at maiksi suot na uniporme kaya kitang kita na ang tila nag-aanyayang bukana nito sa ilalim ng manipis nitong panloob. "sh*t," bulalas niya, kung sinusuwerte nga naman ang mata mo,pero minalas naman ang junior mo."Good morning Mr. Shah," nakangiti at tila nang aakit ang pungay ng mga mata nito.Sumeryoso siya, "good morning," aniya sa malamig na tono. H

    Huling Na-update : 2023-01-05
  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   5.Philippines

    Sakay ng British Airways, lumipad pabalik ng India si Raj. Nasa business class siya at wala siyang paki alam sa paligid. Malakas ang music sa kanyang suot na headphones. Naulinigan niya ang announcement ng piloto na i-turn off ang mga electronic devices kaya naman umayos na siya ng upo at inalis ang headphones sa kanyang tainga at pinatay ang kanyang cellphone. Nagsimula ang safety demo ng mga flight attendant. Nagtaas siya ng tingin sa flight attendant na halos nasa kanyang harapan, "Abby?" nagulat siya. Aba, at sumasideline rin pala ito sa pagiging flight attendant. Bahagyang napatingin ito sa kanya, sigurado siya ng ito ang kanyang nurse! Nang matapos ang demo ay inaabangan niya itong lumapit sa kanya, ngunit tila hindi siya nito nakikilala. Huh! ganoon lang ba kadaling kalimutan ang ginawa niya rito? Sa sulok ng kayang mata ay nakita niyang palapit ito, o dadaan ito sa tabi niya.Nang bahagya itong lumagpas ay walang sabi-sabing dinakot niya ang maumbok nitong likuran at

    Huling Na-update : 2023-01-06
  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   6.The Bid

    " What? are you kidding me?" gulat at natatawang si Raj sa kaibigang si Andrew. Isang men's bikini ang inabot kay Raj ng baklang floor director na nagmamando sa mga talent. "Ikaw ang pogi, ikaw ang mahuhuli sa pila. Nakuuu ke guwapo!" anito at bahagya pa siyang kinurot.Wala nang nagawa kundi isuot ang kapirasong saplot na iyon. Tulad ng iba pumila rin siya dahil isa-isa raw silang rarampa sa entablado. Ni hindi pa nga niya nasisilip kung sino nga ba ang mga naroon.Hindi naman siya nahihiya, sanay naman siyang ipinaparada ang katawan sa publiko. Hindi rin sa pagmamayabang pero tingin niya ay ang katawan 'nya pa rin ang pinaka sexy sa lahat ng naroon.Malakas na sigawan at tili ng mga babaeng naroon nang lumabas siya mula sa back stage. Sa saliw ng maharot na tugtugin ay mabagal na gumigiling ang kaniyang mga kasama. Nahiya naman siya na parang tuod lamang sa gitna kaya nagsimula na rin siyang sumabay. Lalong nagtilian ang mga naroon. Mapapatay talaga niya si Andrew! Akala niya ay

    Huling Na-update : 2023-01-07
  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   7. "Date"

    Bumaba siya mula sa kuwarto ni Xianna. Nabubuhay na naman ang kaniyang pagnanasa sa nakita. Kinalma ang nag-iinit na katawan at umupo sa malambot na sofa sa sala. Kinapa ang maliit na card sa kaniyang bulsa at inabala ang sarili sa pag dial sa kaniyang telepono. Hindi na niya natawagan ito kagabi dahil masyado nang late nang maka uwi siya. Naka ilang ring din bago inangat ang telepono sa kabilang linya."Hello, Hart law office good morning!" malambing na sagot ng isang babae sa kabilang linya. Pumikit siya, bakit ba nang-aakit pati boses ng mga babae rito. Tumayo siya at huminga ng malalim saka nagsalita. "Yes, me I speak with Atty. Elliot Hart?" aniya sa kausap, siguro ay sekretarya ito ng abogado. "Me I know who is on the line please?" muling tanong ng babae at mas nilambingan pa nito ang tono. "It's Raj Shah, owner of Ind Rifle Corporation from India," tugon niya. Maya-maya pa ay tumikhim ang babae at nagsalita na sa pormal na tono. "I'm sorry sir but Mr. Hart is not a

    Huling Na-update : 2023-01-08
  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   8.Foedus

    Chapter 8"Jaime buksan mo 'to!" aniyang kinalampag ng malakas ang pinto ng silid nito."Mag kuwento ka muna, daks ba si papa Raj, ha Xianna Hughes?" sagot ng kaibigan na hindi pa rin tuminag para pagbuksan siya ng pinto."Mapapatay talaga kita Jaime!" gigil na siya."Amoy luyang dilaw ang papa Raj mo! kaya sa'yong sa'yo na s'ya!" saka kinalampag muli ang pinto. Ang totoo nag-enjoy naman siya, napaka gentleman naman nito kahit amoy luyang dilaw. May pagka robot 'lang yata dahil kung hindi mo ito kausapin ay hindi rin ito umiimik o talagang nireresspeto lamang nito ang kaniyang pananahimik? Kahit hindi naman sila gaanong nag-usap ay tila nagkakaintindihan naman sila, charr!Biglang bumukas ang pinto at muntik na siyang masubsob sa loob ng kuwarto ni Jam. Para kasing batang naka sandal siya sa pinto."Ayyy!" tili niyang mabilis na humawak sa nabigla ring si Jam."Girl, walang palaka r'yan," si Jam habang inalalayan s'yang tumayo."Anak ng tinapa talaga oh," aniya."kapag minamalas ka na

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   9.Xianna

    "Ma, what's happening? Kalilipat ko 'lang ng halos isang milyon sa account mo, sa'n mo dinala?" naiirita at nagtatakang kuwestiyon ni Xianna sa ina."Ma, hindi sa pinakikialaman kita, but you have to watch your expense, hindi tayo namumulot ng pera," sermon pa niya" Last na 'to Xin, minamalas 'lang talaga ako. Siguradong makakabawi na ako," tinutukoy nito ay ang kaniyang pagsusugal.Nalu-lulong na ang ina sa sugal. Kahit anong paki-usap niya ay hindi ito nakikinig. Nitong nakaraan pa nga ay isinanla nito ang titulo ng kanilang bahay."At saka bakit mo ako kinukuwestiyon ha? Hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa'yo! Kung hindi ako nagdesisyon na buhayin ka eh sana marangya pa rin ang buhay ko ngayon, sabi ko na nga ba at nagkamali akong binuhay pa kita!" magkahalong inis at galit ang nasa tinig ng ina."Babalik na naman ba tayo sa topic na 'to 'ma?" aniyang medyo napipikon na rin.Lagi na 'lang kasing isinisisi ng kaniyang ina ang mga kamalasan nito sa kaniya."Last na tal

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   10.The womanizer Raj

    Malakas na tunog ng door bell ang pumukaw sa mahabang balik-tanaw ni Raj, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinagbago ng buhay niya."Come in," aniyang pinidot ang mic at unlock button sa maliit na monitor nasa tabi lamang ng kaniyang kama. Connected ito sa camera sa kaniyang pinto at lock nito.Tinatamad siyang bumangon at nagtungo sa sala."Hey, how are you bro? Where have you been?" si Keros, ang kaniyang bestfriend sa grupo. Shooting buddy niya ito, katulad niya ay isa ring sharp shooter, mahilig din sa mga armas."Any new?" excited tanong nito na tinutukoy ang mga bagong modelo ng baril."I've been busy with the new outlet, I never had chance to bring one, sorry man," sagot niya. Ito kasi ang lagi niyang kasama sa mga testing ng bagong produkto ng kumpanya. Eksperto ito sa mga armas dahil isa ito sa mga assassin ng grupo."No problem," anitong tila hindi naman iteresado sa sinabi niya. Tila may iba itong sadya sa kaniya."Bro, let's explore the Island some time," anito, napa

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   11.Xianna

    XIANNA"Xin, I need 55 million," tila walang anumang salubong sa kaniya ng ina.Muntik na siyang mahulog sa hagdan nang marinig ang sinabi ng nito. Papasok na sana siya sa trabaho nang harangin siya ng Ina."What!?" gulantang si Xianna sa narinig."You heard me right," mataray na sagot ng ina na nakataas pa ang isang kilay at tila balisang naglalakad pabalik balik sa ibaba ng hagdan, talagang hinihintay siya."Are you kidding me?" galit niyang sagot sa ina."Ma, that's too much! Saan ako kukuha ng ganiyang halaga? Sinabi ko na noon pa na itigil mo na ang pagsusugal!" dagdag pa niya."Oh, come on Xianna, alam kong binibigyan ka ng magaling mong ama! it's time to pay me back! Sa pag-aalaga at pagpapalaki ko sa'yo!" bulyaw naman nito sa kaniya.Nangilid ang kaniyang luha, "really Ma? kahit kailan talaga hindi mo ako pinahalagahan bilang anak mo? I'm just investment na balang araw ay pakikinabangan mo?" aniyang masamang masama ang loob sa ina. Palagi naman niyang naririnig dito na siya an

    Huling Na-update : 2023-01-28

Pinakabagong kabanata

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   29.Feedom

    Ilang araw na siya sa ospital at pakiramdam niya ay magaling na siya. Pero sa mga araw na inilagi niya rito ay hindi man lamang niya nakita ni anino ni Raj. Sabagay, sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng panahon? Pasalamat na nga lang siya at dinala pa siya nito sa ospital, kung hindi ay baka ang islang iyon na ang naging huling hantungan niya. Nagkaroon kasi siya ng malaria, kaya pala ganoon na lamang ang panghihina ng katawan niya."Ma'am makakalabas na ho kayo ngayong araw," salubong sa kaniya ng nurse na kukuha ng vital signs n'ya."S-salamat," aniya. Malakas na naman siya, kahit nga noong isang araw pa ay kayang kaya na niya ang sarili. Tumagal lamang dahil sa mga test na isinagawa para masigurong walang impeksyon sa katawan niya.Ayon sa nurse ay nasa labas na raw ang sundo niya kaya dumiretso na rin siya sa main entrance ng ospital. Mabilis namang pumarada sa harap niya ang isang kulay itim na Toyota Alphard."Miss Xianna sakay na po, ako po ang maghahatid sa inyo,"

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   28. 'Love'?

    Kanina pa siya nakatingin sa malawak na karagatan mula sa kaniyang verandah. Hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang mga bagay bagay. Taliwas kasi ang mga nakalap niyang impormasyon sa mga sinabi ng kaniyang ama."Hello," aniya nang angatin ng nasa kabilang linya ang telepono."Mr. Shah," sagot ng boses lalaki sa kabilang linya."Me I speak with Violet?" Aniya nang mapagtantong hindi ito ang kausap niya. "Miss Chavez is out of town, she will be back in a few days," sabi nito."You can contact our agent who handled your case, directly," dagdag pa nito.Matapos nitong ipaliwanag ang ilang detalye ay ibinaba na nito telepono.Maya maya pa ay kausap na niya ang naturang agent."Diego Santiago," aniya."Would you mind if we met sometimes?" Patuloy niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito."Friday, nine in the morning," siya muli."N-no problem!" Iyon lamang ang nasabi ng kausap niya dahil hindi na niya ito hinayaang makasagot pa. Tila inaasahan naman yata nito ang kaniyang sasabih

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   27. Revelations

    Nagising siyang hindi halos maigalaw ang buong katawan. Masakit, makirot lalo na sa bahaging iyon. Parang mabibiyak ang buong pagkato niya nang subukang bumangon. Muli siyang napahiga. Masakit din ang ulo niya. Tatrangkasuhin pa yata siya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog baka sakaling mawala ito pag-gising niya. Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya dumilat dahil alam naman niyang si Raj iyon. Tatawanan ba siya nito? Ipapamukha sa kaniya na nakuha nito ang kay tagal niyang iningatan? Hindi naman siguro, ayaw niyang isipin na ganoong klaseng tao ang binata, kahit paano ay mabuti ang ipinakikita nito sa kaniya at isa pa, hindi naman siya nito pinilit sa nangyari.Nakikiramdam lang siya, ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya. Kahit na nakapikit siya ay iba ang epekto ng presensya at titig ito sa kaniya. Narinig niya ang yabag nito palapit sa kama. Tiniis niyang hindi gumalaw. Mamaya pa ay hinawi nito ang mga hibla ng buhok niyang tumatakip sa mukha niya p

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   26. He likes her

    Blangko ang ekspresyong nakatingin lamang siya sa puting kisame. Hindi niya alam ang sasabihin. Matutuwa ba siya? Magagalit? Anyway, wala namang nangyaring hindi maganda sa dalaga, hindi tulad ng akala niya. She is virgin! He hate virgin. Pero bakit parang hindi sa pagkakataong ito?Malalim na butong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang tumayo mula sa kama. Nakahiga ng patagilid at nakatalikod sa kaniya si Xianna. Hindi niya alam kung umiiyak ba ito o natutulog na. Pero imposible namang makatulog ito agad sa nangyari. Sigurado siyang dulo lamang ng daliri nito ang hindi masakit. Well, ayon lang naman sa karanasan niya at mga naririnig niyang kuwento."Get some rest," malumanay ang boses niya nang sabihin iyon. Hindi rin niya alam kung saan nanggagaling ang kalmado niyang boses tuwing kausap ang dalaga. 'Sh*t'! Namura niya ang sarili nang tuluyang makalabas ng silid at maisara ang pinto.Dumiretso siya sa mini bar sa kaniyang sala at naglagay ng yelo sa baso saka sinalinan ng mam

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   25.Say 'please'

    Marahas siya nitong kinabig at walang sabi sabing siniil ng mariing halik sa labi. Napapikit na lamang siya."R-raj," aniya nang sandaling makawala ang mga labi niya. Pero hindi niya alam kung protesta ba iyon sa ginawa nito o hiling na ituloy nito?Aaminin niya, matagal na niyang inasahan ang ganitong sitwasyon. Sino nga ba naman ang magbabayad ng napakalaki para lang sa wala? Pero kahit alam niya na ito lamang ang dahilan ng lahat, bakit pakiramdam niya ay handa at bukal sa loob niya ang magpaubaya? Hindi dahil gusto ng katawan niya, pero dahil gusto niya.Nagmulat siya nang maramdamang walang reaksyon mula rito. Namamalikmata lang ba siya? Si Raj ay matamang nakatitig sa kaniya, sa mukha niya. Wala sa mukha ang pagiging istrikto at kinatatakutang amo ng mga tauhan nito."Please say no," halos bulong nito na nanatiling nakatitig sa kaniya. Tila may pinipigilan na kung ano na ayaw ipahalata sa kaniya. Hawak pa rin siya nito sa beywang at ramdam niya ang maumbok nitong hinaharap sa ban

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   24.Island life

    Habang tumatagal ay nasasanay na ang dalaga sa buhay sa Isla. Tila normal na sa kaniya ang makakita ng mga kakaibang pangyayari sa paligid. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang mga pinag-gagawa ng grupo ni Raj. Halos makilala na rin niya ang lahat ng kasamahan nito dahil sa mga naririnig niyang usap-usapan sa paligid. Malaya rin naman kasi siyang maglalabas sa lungga ni Raj kaya bukas rin siya sa mga nangyayari sa paligid.Nalaman din niya na hindi sila ang huling babaeng dinala sa casa. Halos kada linggo ay iba't- ibang babae ang dinadala rito. At hindi iyon sapilitan! Karamihan sa kanila ay boluntaryong sumasama sa isla! Pakiramadam niya ay siya lamang ang dinala sa lugar na ito nang hindi bukal sa kaniyang kalooban. At take note, siya pa lamang ang pinaka matagal na nanatili sa isla nang walang nangyayari na labag sa kalooban niya. In other words, siya ang pinaka maswerte.Mabilis na lumipas ang mga araw, halos anim na buwan na mula nang dalhin siya sa islang ito. Datnan-iwanan la

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   23.Getting closer

    Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. "What?!" Aniyang hindi makapaniwala. "I want you to join me for dinner, nakahanda na at malapit na ring lumamig." Ngumisi itong muli at binigyan siya ng tila nakakalokong tingin. "O-okay," aniyang nakahinga nang maluwag. Hindi nalamang niya pinansin ang pang-iinis nito sa kaniya. At least, hindi pa niya katapusan. Muli niyang isinara ang pinto at inayos ang sarili. Naka t-shirt lamang siya at shorts dahil iyon lamang naman ang available na damit. Isinuot ang fluffy slippers na bigay rin ng naghahatid ng pagkain niya. Dito kasi siya nagsasabi tuwing may mga personal na gamit siyang kailangan. Okay lang naman daw dahil kay Raj. Hindi naman siya umabuso, mga pangunahing pangangailangan lamang ang hiningi niya rito. Ni hindi nga rin siya humingi ng damit pero ito ang kusang nagdala dahil siguro iyon at iyon na lang ang nakikita nitong sinusuot niya. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan na niyang nakaupo sa dining area si Raj. Bihis na ito, hi

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   22.Master

    "At last!" Hindi mapigilang bulalas niya nang lumapag ang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Hindi niya akalaing matatagalan siya roon ng halos isang buwan. Halos makalimutan na niya ang mga naiwan niya rito sa dami ng problemang hinarap niyang sa India.Gusto pa sana niyang dumaan sa condo niya pero naghihintay na ang helicopter na maghahatid sa kaniya sa Isla kaya dideretso na lang siya at sa ibang araw na lang babalik dito."Maam," tawag ni Tonyo sa kaniya habang dinidiligan ang mga bagong tanim na halamang namumulaklak."Okay na ako, hayaan mo na akong gumawa nito at nababato na talaga ako sa lugar na ito," sagot ni Xianna na hindi man lang nilingon si Tonyo."Pabalik na po si Sir," maya maya ay patuloy nito.Nabitiwan n'ya ang hose ng tubig pero agad ding pinulot iyon, hindi niya ipinahalata ang pagkataranta sa kausap."Oh, eh ano naman ngayon? Hindi naman ako tumakas 'di ba? Buhay pa naman ako sa awa ng tigreng 'yon," aniyang tinutukoy ang tigreng humabo

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   21.Just an ordinary day

    Hindi siya nagyayabang, talagang ayaw lamang niyang makipag-transaction sa mga taong akala mo diyos ang tingin sa sarili. Kahit pa malaki ang ipapasok nitong pera sa kumpanya ay hindi niya ibababa ang pride sa ganitong klaseng mga tao."Well then, see you around!" Sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng pinto.Ipinatawag niya ang mga tauhang kanina lamang ay pinalabas niya ng silid."Everyone, any transaction which is connected to that group, just decline," sabi niya sa mga ito."No need my approval, decline! Cancel! Simple as that!" Utos niya.Tumango tango naman ang mga ito bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.Dumiretso siya sa sarili niyang opisina pagkatapos ng kanilang meeting. Kinuha na rin niya ang pagkakataon para pasalamatan ang kaniyang mga tauhan sa patuloy na pagiging tapat sa kaniya. Paano ba namang hindi magiging tapat ang mga ito eh nakita at nasaksihan nila kung ano ang ginagawa niya sa mga tiwaling empleyado. Galante siya pagdating sa pagpapa suweldo sa mga ito kaya inaa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status