Share

Kabanata 6

Nang marinig ng pamilya Villareal ang sinabi ni Sebastian, lahat ay sila ay galit na galit sa kanya.

“Saan ba galing ang lalaking ito? Wala talagang kalidad!”

“Sige buksan mo pa 'yang bibig mo at isumpa si Don Romulo!”

“Ang isang kagaya niya na parang aso ay walang silbi. Bakit naman siya bibigyan pa ng pera dahil sa ginawa niya kay Ramon kanina!”

“Isa siyang basura sa baba. Sayang ang oras kapag tinignan lang natin siya!”

Bumaba ang tingin ni Romulo at saka ito nagsalita. “Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo, Lalaki? Humingi ka ng tawad para matapos na ang lahat nang ito.”

Bilang isang nakakatanda, ang isumpa ng kamatayan sa harap ng mga tao ay sobrang nakakagigil.

Napailing naman si Sebastian at hindi niya mapigilang sumimangot.

“Nagsasabi ako ng totoo. Malapit ka na mamatay,” aniya kay Romulo.

Nandilim naman ang ekspresyon ni Romulo Villareal nang sobrang bilis. Sa kabila no'n, pinigilan niya ang kanyang galit at nagsalita, “Anong sinabi mo?”

“L-Lolo Romulo, 'wag niyo pong isipin. Pagpasensyahan niyo na dahil minsan talaga ay ganyan siya. Kung ano na lang ang kanyang sinasabi,” ani Allison at tinignan niya nang masama si Sebastian na tila hindi niya maintindihan ang sitwasyon saka ito nagpatuloy sa pagsasalita. “Ano bang sinasabi mo, Sebastian? Humingi ka ng tawad kay Lolo Romulo at umalis na tayo. Hindi ka nababagay dito!”

Dahil nagtatrabaho ito sa pamilya Villareal, pakiramdam ni Allison ay obligasyon niyang protektahan ang lalaki.

Nainip lalo si Sebastian dahil ayaw nilang maniwala sa kanya.

“Mamamatay ka at ilang ulit ko pa ba dapat sabihin ito? Bingi ba kayong lahat?” tanong ni Sebastian sa kanila.

Ang mga salitang 'yon ay mas lalo lamang nagpasiklab ng galit dahilan upang maramdaman ng bawat miyembro ng pamilya Villareal na para bang tinamaan sila ng isang kidlat.

Biglang namutla ang mukha ni Romulo Villareal, nanginig ang kanyang buong katawan, at sa isang iglap ay bigla itong napahawak sa kanyang dibdib.

“Huwag mong subukang umalis. Manatili ka rito!” utos ni Romulo sa kanya.

“He's our employee, Grandpa!” kinakabahang sigaw ni Allison.

“Tumahimik ka! Kahit siya pa ang diyos, mamamatay pa rin ako ngayong araw!” sigaw ni Romulo. Ang mga mata niya ay parang nagliliyab sa galit nang sumigaw siya. “Albert! Miguel!”

“Papa, bakit?!” sabay na sagot ng dalawa.

“Siguraduhin niyong isara lahat ng mga pinto. Tipunin lahat ng mga tauhan ng pamilya Villareal dahil dudurugin ko ang maliit na demonyong hamak na ito sa lupa!”

Galit na si Romulo Villareal. Sa sandaling ito naman ay bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang katawan.

Bumagsak siya sa lupa at biglang napabuga ng dugo.

“Papa!”

“Lolo Romulo!”

Natuod sa kanilang tinatayuan ang pamilya Villareal dahil sa biglang nangyari at saka agad nilang nilapitan si Romulo na gulat pa rin sa nangyari.

Palaging malakas si Don Romulo at hindi nila maintindihan kung bakit bigla na lang ito bumagsak at napabuga ng dugo.

“Bring him to the hospital because Grandpa is going to die!” sigaw ni Allison na ginagawa ang lahat para pangasiwaan ang sitwasyon ngayon.

Gayumpaman, mas lalong lumala ang kondisyon ni Don Romulo. Hinihingal na ito at patuloy na nawawalan ng dugo. Nagsimulang mag-panic ang pamilya Villareal dahil aabutin pa ng kalahating oras bago nila marating ang pinakamalapit na ospital sa kanilang lugar.

Nang sandaling iyan, kalmadong lumapit si Sebastian at may pinisil sa isang parte ng katawan ni Don Romulo na nagbigay sa kanya ng kaginhawaan. Hindi makapaniwala ang buong pamilya Villareal sa kanilang nasaksihan.

“Talaga bang alam niya kung paano tulungan ang papa?” ani ng isa sa kanila na puno ng pagtataka.

“Sa ngayon ako ang makakatulong sa 'yo. Kung hindi, panigurado akong mamamatay ka sa loob lang ng limang minuto,” sabi ni Sebastian.

Nanatili siyang kalmado at saka mahinahong nagsalita. “Ilang taon akong nanatili sa hilagang dapit ng Mindanao at natutunan ko ang ilang pambihirang mga kasanayang medikal doon. Napansin ko na wala sa tama ang kanyang paghinga kanina at ang ilan sa kanyang mga organs ay halos sumuko na. Noong una ay maayos lang ito pero umabot na sa sukdulan.”

“Bilisan mo at iligtas mo ang buhay ko. Bibigyan kita ng isang milyon kapag nagawa mo 'yan!” sabat naman ni Romulo Villareal sa boses na nag-uutos.

Iniling ni Sebastian ang kanyang ulo.

“Hindi ko kailangan ang pera mo. Ang gusto ko ay ipangako mo sa 'kin na hindi mo pagbabantaan at gagamitin ang pagiging vice president ni Allison sa kumpanya mo kapalit ng tulong ko,” ani Sebastian sa matanda.

Dahil sa nalalapit nitong kamatayan, walang nagawa si Romulo kung hindi ang umayon. “Okay, fine. I promise, but you have to save me!”

Nagsimula na si Sebastian sa paggamot sa matanda sa pamamagitan ng tradisyonal na pamararaan na natutunan niya. Ilang minuto ang lumipas ay muling nanumbalik sa normal ang pakiramdam ni Don Romulo.

Nagulat ang buong pamilya Villareal at hindi makapaniwala na ang isang mamamatay na pasyente ay biglang naligtas.

“I did my promise, and hoping you'll fulfill yours,” ani Sebastian na ngayon ay nakangisi na.

Ang kaninang galit na reaksyon ni Romulo ay biglang napalitan ng panghihinayang at dahil siya ang pinuno ng pamilya Villareal, kailangan niyang tanggapin.

“Mananatiling vice president si Allison sa Villareal Group at walang sinuman sa pamilya ang pwedeng kumuha sa kanyang posisyon,” aniya sa mahinang boses.

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Allison na ang kanyang makapangyarihang lolo ay biglang pumayag.

Agad namang kinuha ni Sebastian ang kamay ni Allison at saka nagsalita. “Umalis na tayo, Allison.”

Nang makaalis sila ay biglang sumabog sa galit sina Albert at Miguel Villareal habang nakakuyom ang mga kamao.

“Ang lalaking 'yon ay isang manloloko!”

“Gano'n na lang kabilis? Akala ko ba ay isa 'yong mahusay na kasanayan sa medikal? Naloko tayo!”

Bigla namang dumating ang isang katulong at nagmamadaling sinabi ang kanyang dalang balita.

“Sir, tinawagan po namin si Doctor Alfonso, ang isang kilalang manggagamot na malapit lang dito sa atin. Nandito na po siya,” sabi ng katulong.

“Ano? Sige, patuluyin siya!” gulat na sambit ni Don Romulo na may himig na panghihinayang.

Kung alam niya lang na malapit lang pala si Doctor Alfonso, hindi na sana siya pumayag sa mga kondisyon ni Sebastian.

Agad namang ngumiti na may kasamang panghihinayang si Romulo Villareal pagkarating ng doctor dala ang medicine kit nito.

“You're late, Doctor Alfonso. A young man had already treated my illness earlier. It was just a small problem that can be fixed.”

“Talaga ba? Mas mabuti naman kung gano'n pero titignan ko pa rin ang pulso niyo para mas matulungan kayong maka-recover,” ani Doctor Alfonso sa mahinahong tono.

Tumango si Romulo at sumagot, “Go ahead.”

Agad hinawakan ni Doctor Alfonso ang kamay ni Romulo upang tignan ang kanyang pulso. Bigla naman siyang natigilan dahil sa gulat at nagsimulang pawisan ng malamig.

“Ako ang palaging gumagamot sa 'yo, Mr. Villareal. Bakit mo ako niloko?”

“Ano?” takang tanong ni Romulo sa kanya.

“Malapit na akong matapos sa panggagamot sa 'yo gamit ang mga tradisyonal na medisinang alam ko, pero ngayon tuluyan na nga itong gumaling. Tanging magagaling lang na mga manggagamot na nagmula sa hilagang dapit ng Mindanao ang makakagawa niyan!” sagot ni Doctor Alfonso.

Bakas sa mukha ng doctor ang gulat nang magpatuloy ito sa pagsasalita.

“Are you telling me that it's just a young man?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status