Share

Kabanata 3

“What?”

Nagtataka si Sebastian habang nakatingin sa babae.

“Why do you look like you're in a daze? Can't you recognize my face? We just met, right?”

Nang mapansin ni Allison na nanatiling walang reaksyon si Sebastian at magkasalubong lang ang kilay nito, pasimple niyang hinablot ang kamay nito saka nagsimulang maglakad patungo sa Bentley niyang sasakyan. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan paalis.

Halos lahat ng tao ay hindi makapaniwala at nanatiling nakanganga. Hindi nila inakala na ang magandang babaeng 'yon na dumating para kay Sebastian ay talaga namang nakakagulat.

Pakiramdam ni Cynthia ay halos malaglag na ang kanyang panga sa nasaksihan. Hindi niya lubos maisip na ang babaeng 'yon ay nagkainteres sa tinatawag niyang mabahong pangit na si Sebastian.

Gulat pa rin ang mukha ni Mrs. Agoncillo at halatang may bahid na ng takot ang mukha.

“It seems that your son has been on the blind date list already, Katrina. What kind of blind date did you try to play with us, huh?”

Kahit si Katrina ay hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam na may kakilala ang anak sa ganoong level.

Samantala, huminto naman ang Bentley pagkatapos ng mabilisang biyahe. Pinarke ang sasakyan sa gitna ng malawak na parking lot. Si Allison na nakadamit ng isang itim at silky deep V na damit ay sobrang nakakahumaling.

Si Sebastian naman na nakaupo sa kabilang upuan ay mabilis na inilayo ang paningin. Nahihiya man ay naglakas siya ng loob na magtanong dito. “Wala akong alam kung bakit bigla kayong dumating, Miss Allison. May kailangan ba kayo?”

Pak!

Bago pa man siya sagutin ng babae, sinampal na siya nito kaagad sa pisngi at biglaan lang ang lahat.

“Walang hiya ka!" sigaw niya habang magkadikit na ang mga ngipin.

Hindi natinag si Sebastian sa sakit ng sampal. Tinakpan niya ang kanyang pisngi at mapait na ngumiti kay Allison.

“Gusto ko lang naman makatulong sa panahong 'yon, Miss Allison. Alam ko hindi ako nag-iisip kaya patawarin mo ako. Kung galit ka sa 'kin, saktan mo lang ako o mas maiging tanggalin mo na rin ako.”

Alam niyang nagpunta ito upang ayusin ang nangyari at walang nagawa si Sebastian kung hindi ang yakapin ang magiging kapalit ng kanyang ginawa. Alam niyang mahirap kapag pride na ng isang tao ang nagalaw ay sobrang magulo lalo na at kay Allison Villareal pa talaga nangyari.

Itinaas ni Allison ang kamay niya saka napahinto. Sa kabila ng kanyang malamig na ekspresyon ay nagsalita siya. “Sebastian Lazarus was your name, and you are the intern to our company's sales department, didn't you?”

“Yes,” sagot niya.

“May gusto akong ipagawa sa 'yo para sa akin at kapag nagawa mo 'yon, hindi ko na itutuloy ang nangyari noong nakaraan. Higit sa lahat ay ibabalik kita sa dati mong trabaho,” ani Allison sa kanya.

“Anong gusto mong ipagawa sa 'kin, Miss Villareal? Gusto mo bang gamitin ang katawan ko para makapagpagaling ng may mga sakit?” tanong ni Sebastian at nababalot ng pagtataka ang kanyang mukha, habang ang mga mata ay bumaba sa collarbone ng babae na ngayon ay naipakita dahil sa suot na deep V top. Hindi nakaligtas sa kanya ang naiwan niyang bakas kanina.

Damang-dama ni Allison ang kanyang galit, habang ang mga mata naman ay halos gusto ng pumatay.

“Paalalahanan lang kita na kapag sinabi mo na naman ang tungkol dito ay ipapatapon talaga kita sa labas ng sasakyan at tuluyan kang mapapaalis sa kumpanya!” galit niyang sigaw.

“You will become my fiancè for an hour, Sebastian.” Mariin niyang idineklara.

Ikinagulat ito ni Sebastian at halos pakiramdam niya ay namali lang siya ng narinig.

“Fiancè for an hour? Why? Tell me this is just a joke, right? You are acting deleterious and is it because of the lingering effects from earlier?”

“You are not allowed to ask me about it. Just follow my command!” ani Allison na ngayon ay nakataas na ang noo at ang kanyang tindig ay nag-uutos. Tinapakan niya na ang accelerator ng sasakyan at tumakbo naman ng mabilis ang Bentley palayo.

Nang mawala na ang epekto ni Allison, bumalik na ang restaurant sa pagiging kalmado habang sina Cynthia naman at ang iba ay umalis na rin.

Nang oras din na 'yon, tatlong mamamahaling sasakyan na may halagang aabot ng ilang milyones ang biglang pumarada sa labas at napapalibutan ng mga nakaitim na bodyguards. Tunay ngang kamangha-mangha ang mga nangyayari ngayon.

Tatlong lalaki ang dahan-dahan bumaba sa sasakyan at kapwa may kanya-kanyang kaibahan at nagpapakita kung gaano kalakas ang kanilang presensya. Biglang napalitan ang atmosphere ng paligid sa pagdating nila.

“Si Alejandro Fernandez, ang leader ng Maynila!”

“Si Tristan Villanueva ay ang leader naman ng Maynila!”

“At si Andrew Cuevas ang siyang leader naman ng Maynila!”

Ang presensya ng tatlong leader ng Makati City ay maaaring makalikha ng isang seismic shift sa dynamics ng lungsod. Ito ay isang hindi pa nagagawang pagtitipon at minsan lang mangyari sa loob ng mahabang panahon.

Kung ikukumpara ito, walang panama si Allison Villareal sa kanilang lahat.

“Nahuli na tayo dahil umalis na ang hari ng underworld. Sayang naman!”

Nagpalitan ng tingin ang tatlong mga lalaki. Ang tatlong bigating mga lalaki na ito ay madalas na hindi magkakasundo pero ngayon ay magkasama ang mga ito dahil lang sa iisang lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status