Share

Kabanata 2

Kinuha ni Cynthia ang kanyang bag at saka galit siyang sininghalan.

“My name is Cynthia Agoncillo, a higher degree graduate and also a senior employee at a top 100 domestic company! My salaray reaches 20,000. I also have two cars and a suite!” aniya sa galit na boses at saka nagpatuloy, “Your salary of less than 4,000 weekly is so stinky. Where do you get the courage to go on a blind date with me!?”

“Akala ko ay isa kang mayaman at talentado. Sa edad mong twenty-five ay wala ka pang bahay o sasakyan man lang. Paanong ang isang walang kwentang katulad mo ay nabubuhay pa sa mundong ito?” pagpapatuloy ng babae na may kasamang pangungutya.

Nakaduro pa ang daliri nito sa direksyon ng ilong ni Sebastian habang sinasabi ang masasakit na salitang 'yon. Mabilis namang lumamig ang ekspresyon ni Sebastian at kung parte lang talaga ang babaeng ito sa mga naging kalaban niya, sigurado siyang pinapahirapan na ito ngayon.

Agad namang pumagitna si Katrina nang makita ang eksenang 'yon.

“Alam kong wala pang bahay at sasakyan si Sebastian, Cynthia, pero mapagkumbabang tao ito. Maraming pagkakataon na pwede niyang pagbutihin ang sarili.”

“Ano ba! 'Wag na 'wag mo akong hahawakan, Matanda!” Malakas na itinulak ni Cynthia palayo si Katrina.

“You are not allowed to hold my mother!” galit na sigaw naman ni Sebastian.

Isang matandang babae na may makapal na make-up sa mukha nito ang tumayo mula sa tabi ni Cythia at tumawa.

“Alam mo bang ang anak ko ay hindi isang ordinaryo lamang? Karapat-dapat ba ang anak mo sa mga kondisyon niya?” aniya, at nagpatuloy sa sinasabi, “Kung hindi ka lang nagmakaawa, sa tingin mo ba ay papayagan ko siyang pumunta para lang sa isang blind date? Wala ka man lang sinseridad!”

Si Cynthia at ang ina nitong si Elizabeth ay siyang nagsasalita na parang ang tingin sa sarili ay napakataas.

Natawa naman si Katrina at saka sumagot, “What are you saying, Mrs. Agoncillo?”

“Is there anything you can offer to us? Don't you have at least a small land in your family?” tanong ni Elizabeth. “Maaaring lupa na lang ang ibigay niyo bilang kabayaran kapalit ng anak ko dahil wala naman kayong pera, at baka sakaling pwedeng magbago ang isip ng anak ko.”

Ngumiti pa ito nang malapad saka nagpatuloy, “Oo nga pala, ang dating bahay niyo ay malapit na ipagiba kaya pwede itong maging daan para sa bagong bahay at magsilbing bahay nilang dalawa pagkatapos ng kasal.”

“Kung ibibigay ko ang maliit naming lupa, at magigiba ang bahay namin, saan matutulog ang ina ko? Sa tabi ng kalsada?” galit na tanong ni Sebastian.

Ang tuwa sa mukha ni Mrs. Agoncillo ay mas lalong lumapad nang duruin niya si Sebastian.

“Oh, ano? Isa pa lang ang nasasabi kong kondisyon pero ganyan na ang asal niya. Sa tingin mo ba ay maaalagaan niya ang anak ko paglipas ng panahon?”

Bigla namang napahiya si Katrina at saka nagsalita. “'Wag naman kayong magsalita nang ganiyan, Mrs. Agoncillo. O, sige, pinapangako ko sa inyo.”

“Ma!” gulat na sabat ni Sebastian.

Natawa naman si Mrs. Agoncillo. “May nakababatang kapatid ako na nakagawa ng ilang pagkakamali noon at kalalabas niya lang dalawang taon na ang lumipas. Nalaman ko na may anak ka pala na babae at tamang-tama dahil single ang kapatid ko. Mas maganda rin na ipagkasundo natin sila. Mas magandang ipakasal mo ang babaeng anak mo sa kapatid ko.”

Namutla bigla ang mukha ni Katrina. Ang kapatid ni Sebastian na si Sabrina ay bago lang nakatuntong sa legal na edad at kasalukuyang na sa kolehiyo na.

Ang kapatid naman ni Mrs. Agoncillo ay nakulong ng dalawampung taon dahil sa kasong pagnanakaw at pagpatay. Higit sa lahat ay wala pa itong trabaho dahil iniiwasan ito ng lahat.

“M-Mrs. Agoncillo, I...I...” nauutal na sabi ni Katrina.

Hindi pa man siya nakakatapos sa kanyang sasabihin ay biglang sumabat si Mrs. Agoncillo. “Ang anak ko ay maselan at higit sa lahat ay napakamahal. Kailangan ang anak mo ang bahala sa mga trabaho sa loob ng bahay at ang sahod niya ay babayaran lang kada isang buwan pagkatapos ng kasal. Natatakot ang anak ko na masaktan kaya hindi siya pwedeng galawin lalo na kapag wala ang permiso niya.”

“Magpapakasal ka ba ng anak o magbebenta? Kung bibili ka lang rin ng kalabaw ay dapat marunong kang mag-aararo ng lupa. Dapat ba mag-uwi ako ng isang pangalawang tagapagmana?” Hindi na kaya pang marinig ni Sebastian ang mga sinasabi nito kaya sumabat na rin siya.

“Hindi ako magpapakasal sa pagkakataong ito, ma. Bitiwan mo na sila!” mariing sabi ni Sebastian sa kanyang ina.

Agad namang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Cynthia habang pinagsasabihan niya.

“Ang kapal mo din para pagalitan ako! Nagpunta lang naman ako dito para makita ka at wala akong kaalam-alam na malapit na pala magiba 'yang pamamahay niyo!”

Umismid naman si Mrs. Agoncillo at saka sinabi, “Ang kapal naman ng mukha niyong kumain ng karne ng manok na hindi man lang nagbabayad!”

“Kung wala ka na ibang sasabihin, mas mabuting umalis ka na. Wala kang kwentang lalaki!” sigaw ni Cynthia.

Kinuha na ni Sebastian ang kamay ni Katrina at tumalikod para umalis na.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang dalawang babae sa likuran nila at nang sandaling iyan, isang Bently na sasakyan ang huminto sa tapat ng restaurant. Dahil dito, nagsimulang umingay ang mga tao sa loob ng restaurant. At sino bang hindi dahil isang pambihirang sasakyan na biglang dumating. Isang sasakyan na 728 at nagkakahalaga ng halos 12.88 milyon pesos. Kasalukuyan din itong walang market value sa ngayon.

Sa isang sasakyan, bumaba ang isang napakaganda at kaakit-akit na babae habang ang kanyang tindig ay kaaya-aya at tila umiindayog pa. Nakasuot ito ng isang pormal na professional uniform skirt na pinaresan ng isang black silk leggings.

Gulat ang rumihestro sa mukha ni Cynthia. Akala niya ay kahanga-hanga na ang kanyang kalagayan pero kung ikukumpara sa babaeng na sa harapan niya, pakiramdam niya ay isa siyang probinsyana. Bigla tuloy siyang nalula dahil sa hiya.

Pero higit sa lahat, si Sebastian itong mas nagulat dahil ang babaeng na sa harapan ay ang kanyang boss. Walang iba kung hindi si Allison Villareal.

Nagsimulang ihakbang ni Allison ang kanyang mahabang mga paa patungo sa direksyon ni Sebastian at saka nagsalita.

“Sebastian Lazarus, you are coming with me.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status