Kinuha ni Cynthia ang kanyang bag at saka galit siyang sininghalan.“My name is Cynthia Agoncillo, a higher degree graduate and also a senior employee at a top 100 domestic company! My salaray reaches 20,000. I also have two cars and a suite!” aniya sa galit na boses at saka nagpatuloy, “Your salary of less than 4,000 weekly is so stinky. Where do you get the courage to go on a blind date with me!?”“Akala ko ay isa kang mayaman at talentado. Sa edad mong twenty-five ay wala ka pang bahay o sasakyan man lang. Paanong ang isang walang kwentang katulad mo ay nabubuhay pa sa mundong ito?” pagpapatuloy ng babae na may kasamang pangungutya.Nakaduro pa ang daliri nito sa direksyon ng ilong ni Sebastian habang sinasabi ang masasakit na salitang 'yon. Mabilis namang lumamig ang ekspresyon ni Sebastian at kung parte lang talaga ang babaeng ito sa mga naging kalaban niya, sigurado siyang pinapahirapan na ito ngayon.Agad namang pumagitna si Katrina nang makita ang eksenang 'yon. “Alam kon
“What?”Nagtataka si Sebastian habang nakatingin sa babae.“Why do you look like you're in a daze? Can't you recognize my face? We just met, right?”Nang mapansin ni Allison na nanatiling walang reaksyon si Sebastian at magkasalubong lang ang kilay nito, pasimple niyang hinablot ang kamay nito saka nagsimulang maglakad patungo sa Bentley niyang sasakyan. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan paalis. Halos lahat ng tao ay hindi makapaniwala at nanatiling nakanganga. Hindi nila inakala na ang magandang babaeng 'yon na dumating para kay Sebastian ay talaga namang nakakagulat.Pakiramdam ni Cynthia ay halos malaglag na ang kanyang panga sa nasaksihan. Hindi niya lubos maisip na ang babaeng 'yon ay nagkainteres sa tinatawag niyang mabahong pangit na si Sebastian.Gulat pa rin ang mukha ni Mrs. Agoncillo at halatang may bahid na ng takot ang mukha. “It seems that your son has been on the blind date list already, Katrina. What kind of blind date did you try to play with us, huh?”Kah
At dahil ang kabilang partido ay ang Hades King ng hilaga, isa sa nagpapatibay sa isang lugar, at higit sa lahat, ito ay ang nagdadala sa isang grupo kaya ganoon na lang kalaki ang pusta para dito. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa King of Hades, alam nilang mas mataas pa ang kanilang mararating at ang kanilang mga pag-asa sa hinaharap ay hindi limitado.“Mukhang natanggap niyo rin ang balitang nandito ang Hades at kamakailan lang ay nakikipag-blind date,” ani Tristan, ang leader ng siyudad. “Kailangan kong magbantay sa susunod dahil hindi ko hahayaang maunahan niyo ako!”Alam ng tatlong lalaki kung gaano nakakatakot ang Hades na ito. Na kahit ang ibang leader sa ibang mga lugar ay walang binatbat sa kanya. Mahirap man ang makipaglapit sa Hades ngunit nakaimportante naman nito. Kapag nagalit ang Hades ay maaaring maging isang sakuna dahil maraming buhay ang pwedeng malagay sa alanganin. Sa isang iglap ay maaaring mawala ang tatlong malalaking leader dito sa bansa sa isang pag-
Saglit na natigilan si Sebastian, namumula ang pisngi dahil sa hiya.“Hindi mo ba ako narinig? Bilisan mo na o baka masesante pa kita!” diing sabi ni Allison sa mahinang boses. Sinadya niya talagang lapitan si Sebastian habang ang magandang hubog na katawan ay tila ba mapanuksong umiindayog sa kanyang harapan.Sebastian gritted his teeth with no choice. Ininat niya ang kanyang kamay at matapang na pinisil ang sensitibong parte ng katawan ni Allison.Nagbago bigla ang reaksyon ni Allison. Nanginig naman ang kanyang katawan, at dahil diyan ay tinapunan niya nang masamang tingin ang lalaki. Isang casual na hawak lang ang gusto niyang gawin ng lalaki pero napa-sobra naman ito at ang mas malala pa ay sa sensitibong parte pa ng kanyang katawan.Pinilit niyang pinigilan ang kanyang sarili at ngpanggap na kalmado lang. “Nakita niyo ba? Mahal namin ang isa't-isa. Wala kayong magagawa sa nararamdaman ko!” diing sabi ni Allison sa kanila.“I don't care whatever relationship you had with
Nang marinig ng pamilya Villareal ang sinabi ni Sebastian, lahat ay sila ay galit na galit sa kanya.“Saan ba galing ang lalaking ito? Wala talagang kalidad!”“Sige buksan mo pa 'yang bibig mo at isumpa si Don Romulo!”“Ang isang kagaya niya na parang aso ay walang silbi. Bakit naman siya bibigyan pa ng pera dahil sa ginawa niya kay Ramon kanina!”“Isa siyang basura sa baba. Sayang ang oras kapag tinignan lang natin siya!”Bumaba ang tingin ni Romulo at saka ito nagsalita. “Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo, Lalaki? Humingi ka ng tawad para matapos na ang lahat nang ito.”Bilang isang nakakatanda, ang isumpa ng kamatayan sa harap ng mga tao ay sobrang nakakagigil. Napailing naman si Sebastian at hindi niya mapigilang sumimangot.“Nagsasabi ako ng totoo. Malapit ka na mamatay,” aniya kay Romulo.Nandilim naman ang ekspresyon ni Romulo Villareal nang sobrang bilis. Sa kabila no'n, pinigilan niya ang kanyang galit at nagsalita, “Anong sinabi mo?”“L-Lolo Romulo, 'wag niyo pon
Natuod sa tinatayuan ang buong pamilya Villareal pero kalaunan ay tumawa naman ang mga ito nang napakalakas. “Huwag kayong magbiro nang ganiyan, Doctor Alfonso. Ilang beses niya lang diniin ang katawan ng ama namin at paanong ang nakakamatay na sakit ay posibleng nagamot niyan?” “Walang kinalaman ang medisina sa ginawa niya ngunit isa 'yong teolohiya,” ani ng doctor.“Ano bang sinasabi mo?”Napakunot ang noo ng doctor saka nagsalita ulit. “Kahit pa isa lang 'yong paghilot, isa pa rin 'yong tradisyonal na panggagamot at hindi iyon gano'n kadaling gawin...”Sumabat naman agad si Romulo sa pamamagitan nang pagkumpas sa kamay.“Huwag na natin itong pag-usapan pa. Mabuti pang uminom ka na muna ng tsaa, Doctor Alfonso. Marami kaming stock ng masasarap na tsaa dito,” ani Don Romulo sa doctor. Walang ibang nagawa si Doctor Alfonso kung hindi ang sumuko na lang. Nagdesisyon siyang hayaan na lang ito dahil nahihirapan siyang kumbinsihin ang mga taong may ibang paniniwala at opinyon. Ku
Mabilis ang galaw ng mga mata ni Sebastian at sa isang iglap ay isang matulis na patalim ang biglang lumipad sa kanyang direksyon. Mabilis niyang nasalo ito bago pa man tuluyang tumama sa kanya.Napaatras ng halos pito o walong hakbang ang may-ari ng aninong iyon kaya nagulat si Sebastian. Ang ginawa niyang pagsalo ay isa pa lang sa kakayanan niya at walang sinuman ang makakagawa no'n sa ganoong sitwasyon. “Magaling ang lalaking ito. Sino naman kaya ang nagawan ng kasalanan ni Allison para gawin ang ganitong kalupitan?” Hindi nagsalita ang lalaki kay Sebastian at mabilis itong umalis patungo sa ikalawang palapag. Nanlamig ang buong katawan ni Sebastian dahil masama ang kanyang kutob. Hindi siya pwedeng umakyat sa ikalawang palapag pero mamamatay si Allison. Nagdadalawang isip siyang pumunta doon dahil sinabihan siya ni Allison na hindi siya pwedeng pumunta sa second floor. Subalit wala na siyang pakialam. Kailangan niyang iligtas ang buhay nito at 'yon ang mas importante. Wala
Mukhang napahiya ng sobra si Katrina sa likuran dahil sa pwersahang pagpasok ng mag-ina. Nandilim naman ang mukha ni Sebastian.Marami na siyang nakitang mga tao na walang hiya kung kumilos pero ito ang unang beses na makatagpo siya ng sobra ang kagaspangan. Kung aaminin niya ang tungkol kay Allison Villareal, alam niyang ang dalawang babaeng ito ay siguradong masasabik na lapitan si Allison dahil sa kanyang status sa buhay.“I am so disappointed to all of you. Allison Villareal is my boss. She just came to see me yesterday just because of work and immediately left after she discussed her tasks,” aniya na hindi sinabi ang buong katotohanan sa mga ito.Agad na nagbago ang reaksyon sa mukha ni Cynthia at ng ina niyang si Elizabeth nang marinig ang sinabi ni Sebastian.“Anong sinabi mo? Siya ang boss mo? Paanong ang isang katulad ni Allison Villareal ay magkaka-interest sa isang nobody na tulad mo?”“Pinasaya mo kami sa walang kabuluhan! Malas ka talaga!”Galit na sabi ng mag-ina sa kanya
Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik
Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany
“Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.
“Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal
Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay
“Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n
Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong
Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit
“Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k