Ulila si Jacob at walang maipagmamalaki sa buhay nang pakasalan niya si Adelyn. Dahil doon puro pang-iinsulto ang inabot niya mula sa pamilya nito. Kung hindi dahil sa pagmamahal sa asawa, baka matagal na siyang sumuko. Subalit umiikot ang gulong ng kapalaran… Isang taong hindi niya inaasahan ang nagbalik sa kanyang buhay ang bumago ng lahat. Now, Jacob’s up for revenge. Pero mas matimbang ba ang paghihiganti niya kaysa pagmamahal sa asawa…?
View More“JACOB!”
Napatigil siya sa paglilinis ng kotse nang marinig ang tinig ng isa sa mga kasamahan, nang lingunin niya ang direksiyong pinagmulan ng tinig ay nakita niya si Samuel na naglalakad palapit sa kanya. Hawak nito ang cellphone niyang kaagad nitong iniabot.
“Kanina pang tunog nang tunog itong cellphone mo, pare. Naiinis na si Bossing at nakakakulili na raw ng tenga,” anito.
Ikinuskos niya ang mga basang kamay sa laylayan ng kanyang pang-itaas at kinuha iyon mula kay Samuel.
“Salamat, pare. Pakisabi na rin kay Bossing na pasensiya na.”
Tumutunog pa rin ang cellphone niya, pero hindi niya iyon sinagot kaagad. Galing sa hindi kilalang numero ang tawag kaya nag-aalangan siyang sagutin iyon. Uso pa naman ang mga spam call at text message ngayon kaya nagdesisyon siyang patayin na lang iyon. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay nakatanggap ng text message si Jacob mula sa hindi kilalang numero.
Si Lily ito.
Kaagad niyang tinawagan ang numero nang makilala kung sino ang tumatawag.
“Lily, kumusta? May problema ba?” tanong ni Jacob nang sagutin nito ang tawag.
“Nangako ako kay Nanay na hindi ko sasabihin sa `yo kasi ayaw niyang dumagdag sa pasanin mo, pero hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin,” garalgal ang tinig na tugon ni Lily.
“Lily… Alam kong hindi tayo magkakadugo, pero pamilya tayo. Walang ibang magtutulungan kundi tayo-tayo rin,” aniya.
“M-may lung cancer si Nanay. Kailangan niyang maoperahan sabi ng doktor. Pagkatapos noon kailangan naman niyang sumailalim sa chemotherapy,” umiiyak na saad ng dalaga.
“Nasaan kayo?”
“Nandito kami ngayon sa ospital. Masama ang lagay niya kagabi pa dahil nahihirapan siyang huminga. Ayaw nga niyang magpadala, pero aalalang-alala na talaga ako.”
“Lily, makinig ka sa akin…” Humugot ng malalim na hininga si Jacob. “Kailangan mong tatagan ang loob mo dahil ikaw lang ang nandiyan para kay Nanay. `Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan. Okay?”
“Hm.”
“Good.”
Napatingala na lang siya at napapikit nang mariin. Oo at sinabi niyang gagawa siya ng paraan. Pero ang totoo, hindi niya alam kung saang kamay niya kukuhanin ang pera…
Mayamaya pa ay tumunog na naman ang cellphone niya, sa pagkakataong iyon ang kanyang asawang si Adelyn naman ang tumatawag.
“Jacob… nasaan ka na ba?” ani Adelyn sa kabilang linya. “Alam mo ba kung anong oras na?”
“H-ha?” Napagawi ang tingin niya ang orasang nakasabit sa dingding ng shop. “Bakit?”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito, indikasyon na dismayado ang asawa nang sandaling iyon.
“Birthday ngayon ni Lola. May party sa mansiyon mamaya. Hindi ba’t sinabi ko na sa `yo ilang araw pa ang nakakaraan na kailangan nating bumili ng damit na isusuot mo sa party?”
“A-ah… sorry, nawala sa isip ko.” Pero ang totoo wala na sana siyang balak pang dumalo sa birthday party ng matanda.
“Hihintayin kita rito sa boutique. I’ll send you the location,” wika ni Adelyn bago maputol ang tawag.
“Mukhang mapapasabak ka na naman, pare,” biro ni Samuel. “Sige na, punatahan mo na si Adelyn. Ako na ang magtutuloy nitong ginagawa mo.”
“Salamat, pare.” Tinapik niya sa braso si Samuel at naghanda na sa pag-alis.
PAPASOK na si Jacob sa boutique nang bigla siyang harangin ng guard.
“He’s with me,” ani Adelyn habang naglalakad palapit sa kanya.
Kaagad namang humingi ng pasensiya ang guard. Pero hindi nawala ang panghuhusga sa tinging ibinigay nito sa kanya. Pinili na lang ni Jacob ang manahimik. Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong uri ng panghuhusga. Sa pamilya pa lang ng asawa ay quota na siya.
Humawak si Adelyn sa braso niya at iginiya siya sa loob ng boutique.
“Jacob, sana man lang nagbihis ka nang maayos-ayos,” pabulong na saad nito.
“Pasensiya na. Galing akong trabaho. Nagmadali ako dahil ayaw kong paghintayin ka nang matagal.”
Isang buntong-hininga lang ang naging tugon ng asawa sa sinabi. Alam niyang hindi lang ito umiimik, pero ang totoo ay nadismaya na naman niya ito.
“Nakapili na ako ng design ng suit mo,” wika nang asawa niya nang sapitin nila ang private fitting room.
Nanlaki ang mga mata ni Jacob nang makita ang suit na sinasabi nito. Unang tingin pa lang masasabi na kaagad na gawa iyon sa mamahaling materyales at nasisiguro niyang hindi biro ang presyo ng damit.
“A-Adelyn… hindi naman na kailangan pang bumili, eh. M-may mga damit pa naman ako sa bahay na isang beses ko pa lang nasusuot—” Hindi niya naituloy ang sinasabi nang dumampi ang daliri ng asawa sa kanyang mga labi.
“Napag-usapan na natin ito, `di ba? Pagdating sa mga ganitong bagay… ako ang masusunod.” Itinuro ni Adelyn ang damit. “Isukat mo na para malaman natin kung babagay ba.”
Wala nang nagawa pa si Jacob kundi ang sundin ang asawa. Bibit ang suit na napili nito ay pumasok siya sa loob ng cubicle upang isukat iyon.
Hindi niya maiwasang mapangiti sa harap ng salamin nang sa wakas ay maisuot iyon. Tila ba isa siyang nilalang na nagbagong anyo nang mabihisin. Palagi ngang sinasabi sa kanya ni Adelyn na magbihis lang siya kagaya noon ay magiging mukhang kahilera rin siya ng pamilya nito, bagay na hindi niya sinunod kahit kailan. Dahil kahit ano pa man ang maging hitsura at bihis ni Jacob sa harap ng mga kapamilya ng asawa ay hindi na magbabago pa ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.
He was a nobody. Bata pa lang siya nang maulila at mapadpad sa bahay ampunan. Nang magbinata doon niya nakilala ang mabait na lolo ni Adelyn. Nagsusumula pa lang ito noon at namasukan si Jacob sa matanda bilang tagalinis. Unti-unting naging maganda ang lagay ng negosyo nito hanggang sa alukin siya ng matanda ng scholarship at kalaunan ay inampon siya nito. Doon niya nakilala si Adelyn. Naging magkaibigan sila at hindi nagtagal ay nagkaibigan. Maayos naman ang lahat noon una, ngunit nang pumanaw na ang lolo ni Adelyn nagsimula na ring magbago ang lahat. Gusto na siyang mawala ng mga Wilson sa pamilya ng mga ito. Nagsimula na ang mga itong mata-matahin siya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nanatili si Adelyn sa tabi niya.
Napakislot si Jacob nang marinig ang magkakasunod na katok sa pinto. Nasundan iyon ng tining ng kanyang asawa.
“Ano… okay ka lang ba riyan? May problema ba?”
Binuksan niya ang pinto para makita siya ni Adelyn. Kaagad naman itong ngumiti at sinapo ang kanyang mga pisngi.
“You look perfect,” anito saka siya mabilis na hinalikan sa mga labi.
“Kukunin n’yo na po ba, Ma’am?” tanong ng babaeng lumapit sa kanila mayamaya.
“Yes,” tugon ng asawa niya.
NAUNANG magtungo si Adelyn sa mansiyon ng mga Wilson, habang siya ay umuwi muna sa bahay para maligo. Nag-aabot ng regalo ang mga miyembro ng pamilya Wilson kay Donya Maria nang dumating siya.
“Jacob!” Kaagad siyang nilapitan ni Adelyn nang makita siya nitong paparating.
Napatigil ang lahat at napatingin sa kanyang direksiyon. Ah… hindi niya nagustuhan ang tinging ipinupukol ng mga ito sa kanya. Wala mang salitang lumalabas sa bibig ng mga ito batid niyang lihim siyang tinutuya ng pamilyang iyon.
“Look at you!” Napabaling siya sa nagsalita. Si Neil, pinsan ng kanyang asawa. “I wonder how you can afford such expensive suit.” Tumaas ang sulok ng labi nito, bagay na hindi niya nagustuhan. “Did you rob a bank or something?”
Pumitik ang sentido ni Jacob sa sinabi nito.
“Neil, stop!” naiinis na saad ni Adelyn na kaagad na humawak sa kanyang braso. Marahil ay naramdaman nitong hindi na maganda ang pakiramdam niya.
“Don’t you dare ruin my birthday party,” ani Donya Maria sa malamig na tinig. Nagbaling ng tingin sa kanya ang matanda mayamaya at hinagod siya mula ulo hanggang paa. Blangko ang ekspresiyon ng mukha nito nang sandaling iyon kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. “You came…”
“Y-yes.” Napalunok nang magkakasunod si Jacob. Kahit noon pa man hindi na niya gusto ang pakiramdam sa tuwing magkakaharap sila ng matanda.
She was the exact opposite of her husband.
“Empty handed.”
Bubuka pa lang ang bibig niya para magpaliwanag, pero naunahan na siya ng asawa.
“Ah, Lola… I brought a gift. Magkasama kaming namili noon ni Jacob. And we’re husband and wife, so—”
“`Wag mo siyang ipagtanggol pa, Adelyn. Ang sabihin mo pobre lang talaga iyang asawa mo. Wala siyang pera para makabili ng mamahaling regalo para kay Lola,” putol ni Neil.
“Sinabi kong itigil n’yo na iyan,” mariing saad ni Donya Maria. “Magsibalik na kayo sa mga puwesto ninyo!”
Nagsipagsunuran ang lahat sa utos ng matanda maliban kay Jacob.
“At ano pa ang itinatayo-tayo mo riyan?” nakataas ang kilay na tanong ng matanda sa kanya.
Huminga siya nang malalim. Kanina habang nasa bahay makailang ulit niyang pinag-isipan kung dapat ba niyang gawin iyon. But he was left with no choice. Kailangan ng tulong ng taong kumupkop sa kanya at wala siyang ibang alam na pagkukunan ng pera.
Itinago niya sa likuran ang mga kamay at nagyuko ng ulo.
“Alam kong una pa lang hindi na kayo pabor sa naging desisyon ni Don Edward—”
“Jacob.” Tumayo si Donya Maria at lumapit sa kanya. “Ano na naman ba itong ginagawa mo? Balak mo na naman bang ungkatin ang—”
“Jacob? Lola? Anong… problema?” tanong ni Adelyn na kaagad na lumapit sa kanila.
“Aba, ewan ko riyan sa asawa mo!” Ikinumpas ni Donya Maria ang kamay sa ere.
“Halika ka na sa mesa, Jacob. Kumain na—”
“Kailangan ko ng pera, Donya Maria,” nagsusumamo ang tinig na saad niya.
“What?” Nagsalubong ang mga kilay ng matanda.
Nakuha na rin nila ang atensiyon ng iba pang mga bisita.
“Jacob…” Mahigpit na humawak ang asawa sa braso niya at pilit siyang hinihila palayo sa matanda.
“Kailangan ko ho ng pera pampagamot kay Nanay Larissa. Isang milyon. Kailangan ko ng isang milyon.”
Malakas ang naging halakhak ng matanda, ngunit alam ni Jacob na hindi tuwa ang dahilan noon.
“Nababaliw ka na ba?” sigaw ni Neil mula sa kinauupuan nito. “Ano ba ang akala mo sa pamilya namin, charity institution? Sinasabi ko na nga ba at hindi lang kahihiyan ang dadalhin mo sa pamilyang ito kundi peperahan mo rin kami! Ano man lang ba ang naiambag mo sa pamilyang ito simula noon? Isa ka lang sampid! Palamunin! Wala kang karapatan—”
“Ano ba?” asik ni Adelyn na ikinagulat ng lahat. “Bakit ba ganyan kayo kay Jacob? Hindi ba’t tinanggap siya ni Lolo sa pamilyang ito nang bukal sa loob? Isa pa, paano siya magiging sampid sa pamilyang ito kung asawa ko siya?”
“Na hindi mo dapat ginawa!” anang ama ni Adelyn.
Bumaling ang kanyang asawa sa lola nito at inabot ang isa nitong kamay.
“Lola, please… tulungan n’yo po si Jacob. Mahalaga sa kanya si Nanay Larissa dahil pangalawang magulang na niya—”
Nagbawi ng kamay si Donya Maria at bumaling sa direksiyon ni Jacob. Nanlamig kaagad siya sa paraan ng pagtitig ng matanda sa kanya.
“Isang milyon ang kailangan mo?” anang matanda sa mababang tinig.
“O-opo.” Marahan siyang tumango.
“Ibibigay ko ang kailangan mo, dodoblehin ko pa.”
Nabuhayan ng pag-asa si Jacob. Pero kaagad din iyong nawala nang marinig ang sumunod na sinabi ng matanda.
“Sa isang kondisyon. Maghihiwalay kayo ng apo ko.”
Biglang napaurong si Adelyn.
“L-Lola…”
“Una pa lang alam mong ayaw ko sa lalaking iyan pero hindi ka nakikinig. Pinairal mo ang katigasan ng ulo mo. Hiwalayan mo siya kapalit ng perang kailangan niya.”
“Lola, mahal ko si Jacob!”
“Kung gano’n… mareresolba ba ng pag-ibig ang mga problema ninyo? Hindi ba’t iyan din ang paulit-ulit mong katwiran noon! Pero ano ang nangyari? Sa akin ka pa rin tumakbo para magkaroon ka ng trabaho at mabuhay mo iyang walang kuwentang lalaking iyan! Neil! Adam! Palayasin ninyo ang lalaking iyan! Ayaw kong makita ang pagmumukha niyan sa pamamahay ko!”
Kaagad na sumunod ang mag-ama sa utos ni Donya Maria. Pinagtigisahan ng mga ito ang mga braso niya at sinimulang kaladkarin siya paalis sa lugar.
Marahas na umiling si Adelyn at tumakbo palapit sa kanya.
“Hindi n’yo na kailangang gawin iyan.” Itinulak ni Adelyn ang dalawa palayo sa kanya. “Kusa na kaming aalis—”
“Hindi ka aalis, Adelyn!” maawtoridad na wika ni Donya Maria. “We’re having a party here and you’re my granddaughter. Hindi siya parte ng pamilyang ito kaya pinalalayas ko siya sa pamamahay ko. Ngayon kung pipiliin mong umalis, ibig sabihin din noon ay hindi ka na bahagi pa ng pamilyang ito!”
Natigilan ang asawa niya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito. Nauunawaan iyon ni Jacob. Hindi ganoon kadali ang pinagdaanan nila, lalo na ni Adelyn, nang piliin nitong pakasalan siya. Kung tuluyan itong itatakwil ng pamilya Wilson, lalo lang masisira ang buhay ng kanyang asawa.
Ginagap niya ang mukha nito. “Stay, Adelyn…”
“P-pero…”
“It’s your grandmother’s birthday. Gusto niyang i-celebrate ito kasama ang pamilya, so you should stay.”
Pinagdikit nito ang kanilang mga noo.
“I’m so sorry…” ani Adelyn sa malungkot na tinig.
“You don’t have to.” Kinintalan niya ng halik ang tungki ng ilong ng asawa. “I’ll see you at home, hmm?”
Tumalikod na si Jacob para umalis. Ngunit lilisanin na lang niya ang lugar na iyon at lahat may pahabol pa ang pinsan ng asawa.
“You know what, you should take off that suit earlier than twelve midnight, Jacob. Because tomorrow when you wake up, babalik ka rin sa mukhang basahan mong mga damit.”
Nagtawanan ang iba pang miyembro ng pamilya Wilson sa sinabi nito.
“Stop! He’s already leaving. Leave him alone, will you?” Narinig niyang saway ni Adelyn habang naglalakad siya palayo.
Nagtuloy sa ospital si Jacob pagkatapos niyang umalis sa mansiyon. Wala man siyang dalang pera, gusto niyang dalawin si Nanay Larissa upang kumustahin ang kalagayan nito.
“Excuse me,” aniya nang sapitin ang reception desk sa ospital. “Anong room number ni Miss Larissa Dizon?”
“Ah, sandali lang po, Sir, ha.” Tumipa ang mga daliri ng babae sa keyboard at mayamaya pa ay nag-angat ng tingin. “Wala na po siya rito.”
Kaagad na kumunot ang noo ni Jacob.
“Paano nangyari iyon?”
“Jacob Cortez?”
Mabilis siyang nagbaling ng tingin sa direksiyon nang tumawag sa kanyang pangalan. Isang lalaking sa tantiya niya ay nasa mid-thirties ang naglalakad ngayon palapit sa kanya. Hindi niya kilala ang lalaki, iyon ang unang pagkakataong nakita niya ito.
“Sino ka? Bakit mo ako kilala?”
Nakangiting inilahad nito ang kamay sa kanya.
“I’m Anton. Ako ang assistant ni Don Juan, ang lolo mo.”
Tinitigan lang niya ang nakalahad nitong kamay.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Matagal ka nang hinahanap ni Don Juan—”
Nagtagis ang bagang ni Jacob.
“May kinalaman ba si Don Juan sa pagkawala ni Nanay Larissa?”
“Look. I think you got it wrong. Walang masamang intensiyon si Don Juan sa Nanay Larissa mo. Ang totoo niyan ipinag-utos niyang ilipat siya sa pinakamagaling na ospital at siya na rin ang bahala sa lahat-lahat—”
“At sino ang nagsabi sa kanyang p’wede niyang gawin ang lahat ng iyon?” asik niya sa lalaki.
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e
NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na
WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a
ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin
WALANG sinayang na sandali si Jacob, umalis siya kaagad para makausap ang ama ni Adelyn nang makompirma niya kung ano ba talaga ang katotohanan. Pero dahil hind inga ito sumasagot sa mga tawag niya, hindi niya alam kung saan ito makikita. Para makasiguro, inuna na lang niyang puntahan building na pag-aari ng pamilya nito at hinanap ito sa opisina.“Hi,” bati niya sa receptionist. Bagaman asawa siya ni Adelyn hindi pa rin siya basta-basta nakakapasok doon dahil na rin sa kagagawan ng lola nito.“Yes, Sir?” nakangiting tugon sa kanya ng receptionist.“Nandiyan ba si Papa?” Bahagya siyang napangiwi nang marinig ang sarili na tinatawag itong ganoon. Hindi siya sanay dahil bibihirang pagkakataon na i-address niya ng ganoon ang kanyang father-in-law. “Baka p’wedeng pakitawagan ang office niya at pakisabing gusto siyang makausap ng manugang niya. Please, importante lang.”“Ah, wait a minute, Sir.”Kaagad naman nitong tinawagan ang opisina ng biyenan niya gamit ang intercom. Sinabi ng recepti
HINDI umuwi sa bahay si Adelyn nang nagdaang gabi dahil sinamahan nito ang kaibigan. Wala namang kaso iyon kay Jacob dahil alam naman niya kung nasaan ang asawa. Umaga na nang umuwi ito, eksaktong namang kadarating lang din niya galing sa pagja-jogging. Binigyan lang niya ito nang isang mabilis na hlik bilang pagbati dahil amoy pawis siya.Magkasabay naman silang pumanhik nito sa kanilang silid.“How’s Marie?” tanong niya nang makapasok sila sa banyo.Binuksan kaagad ni Adelyn ang gripo sa bathtub.“She caught her husband cheeting on her,” tugon nito habang naghuhubad ng gown.He helped him get rid of it.“That’s… foul. Kung titingnan mo mukhang ang ganda naman ng pagsasama nilang mag-asawa.” Npabuntong-hininga na lang si Jacob.“Matagal na pala niyang pinagdududahan si John.” Naglublob ang asawa niya sa bathtub.He decided to join her instead of going to the shower.“I guess a woman’s instinct is always right.”Bigla tuloy siyang kinabahan. Pinagdududahan na rin kaya siya ni Adelyn?
PUMASOK si Adelyn sa loob ng mansiyon para magpunta sa powder room, at nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa kanyang pinsan. Subalit sa kasamaang-palad nakasalubong naman niya ang fiancée ni Neil. Hindi na siya magtataka kung bakit naroon ito. They always come in pair.“Oh, hi, cousin!” nakangising bati sa kanya ni Veronica.Pakiramdam ni Adelyn mas lalong sumama ang timpla niya nang sandaling iyon. The audacity of this woman to call her that when they weren’t even close. Hindi pa nga ito naikakasal sa pinsan niya kaya wala pa itong karapatang tawagin siya noon.“Hi, Veronica,” walang ganang bati niya rito.Nilagpasan na niya ang babae, pero nakakailang hakbang pa lang si Adelyn nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso.“Sandali lang, Adelyn. Bakit naman aalis ka na kaagad ni hindi pa tayo nakakapag-usap.”Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay sa mukha nito.“I’m going to the powder room—”“Mas importante pa ba ang pagpunta mo sa po
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments