MABILIS na nagmulat ng mga mata si Jacob nang maramdamang wala na si Adelyn sa kanyang tabi. Mas nauuna siyang bumangon sa asawa tuwing umaga at isa iyon sa iilang pagkakataon na hindi na niya nagigisnan ito. Hindi niya maiwasang mag-isip na baka may problema ito. Kagabi ay natutulog na ito nang dumating siya at sa kalagitnaan nang gabi ay naalimpungatan siya at narinig itong umiiyak. At kapag sumasapit ang ganoong pagkakataon, mas pinipili ni Jacob na bigyan muna ng space ang asawa bago ito tanungin.
Pababa na siya sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula roon si Adelyn.
“Ang aga mo yatang nagising,” aniya at tuluyan nang nilisan ang kama.
“Tumawag ang assistant ni Lola. She wants me to join them for breakfast.” Adelyn sauntered toward the vanity table. “Gusto mo bang sumama?”
“Can I really come with you?” tanong niya habang naglalakad patungo sa banyo. “Baka mamaya sabihin na naman ng pamilya mo na nawalan sila ng gana—”
“It’s not really a normal breakfast with the family kagaya ng iniisip mo.” Sinulyapan siya nito. “It’s more like a business meeting.”
Napakunot ang noo ni Jacob.
“Business meeting?”
“Hm.” Nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn habang nagsusuklay. “Nabalitaan ni Lola na may six-star hotel project ang El Nuevo Holdings. Sa kabila ng mga nangyari sa hindi natuloy na cooperation, gusto pa rin niyang sumubok.”
“Ah.” Tumango-tango siya. Iyon din naman talaga ang inaasahan niyang mangyayari. “Knowing your grandmother, hindi siya papayag na maungusan ang Wilson Firm pagdating sa malalaking projects.”
“We lost bigtime.” Bumuntong-hininga si Adelyn. “Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit bigla na lang umurong ang El Nuevo Holdings.”
Bakas ang labis na lungkot at panghihinayang sa tinig ng kanyang asawa.
“Siguro may ginawa ang pinsan mong hindi nila nagustuhan.”
“It’s me, Jacob. Ako ang gumawa ng proposal na iyon.”
“I know…” Naglakad siya palapit dito at hinaplos ang mga braso nito. “This is life, Adelyn. We win, we lose.”
Nagtagpo ang kanilang mga tingin sa salamin. Ilang sandali pa at ngumiti na ito.
“You know what, bilisan mo na para makapunta na tayo sa mansiyon. Magagalit na naman iyong si Lola kapag nahuli tayo.”
Hinalikan siya nito sa pisngi at itinulak sa direksiyon ng banyo.
Tatawa-tawa namang pumasok roon si Jacob at naligo.
HINDI na-late sina Jacob at Adelyn, pero masama pa rin ang timpla ng mga Wilson nang makita siyang dumulog sa hapag. Hindi maipinta ang mukha ni Neil na katapatan pa niya nang sandaling iyon. Suddenly, Jacob felt superior. Walang kaalam-alam ang mga Wilson na hawak na niya ngayon ang kapalaran ng kompanya ng mga ito.
“At talagang isinama mo pa iyan dito. Ano naman ang maiaambag niyan sa meeting na ito wala naman siyang alam sa kompanya?” naiinis na saad ni Neil. Uminom ito ng juice na hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. “Ah, nasabi ba niya sa iyo na nagtatrabaho na siya sa El Nuevo Holdings?”
Lahat ay nagulat sa sinabing iyon ng pinsan ng Adelyn.
Kaagad na napabaling sa kanya ang asawa, nagtatanong ang mga mata.
Napabuntong-hininga si Jacob. Hindi pa niya nasasabi kay Adelyn ang tungkol doon, pero hindi naman din niya maaaring sabihin ang totoo sa harap ng pamilya nito. Not now… Gusto ni Jacob na mas maging masarap ang paglasap niya sa tagumpay.
“Perhaps he’s working as an errand boy,” mayamaya ay dagdag ni Neil. “Sino ba namang malaking kompanya ang magha-hire sa isang kagaya ni Jacob na walang experience kundi magtrabaho sa talyer, carwash, convenience store, at kung saan-saan pa.”
“Hindi ko alam kung bakit malaking problema para sa inyo ang trabaho ng asawa ko. Wala akong nakikitang masama sa ginagawa niya,” pagtatanggol sa kanya ni Adelyn. “Hindi kasalanan ni Jacob kung walang kompanyang tumatanggap sa kanya, which makes me wonder—”
“Itigil n’yo na iyan!” saway ni Donya Maria. “Hindi ko kayo pinapunta rito para sa bagay na iyan. May mas importanteng bagay tayong dapat pag-usapan dahil ang kinabukasan ng kompanya ang nakasalalay.”
Natahimik ang lahat. Isa iyong patunay na si Donya Maria ang may hawak ng kapangyarihan sa pamilyang iyon.
“I want Wilson Firm to make this work. We badly need this cooperation, or the company will go to the drain. This time, hindi na ako mamimili. Kung sino ang may gustong makipag-negotiate sa El Nuevo Holdings para sa cooperation, I will allow it.”
Pinagsaikop ni Jacob ang mga kamay at tinimbang ang sinabing iyon ng matanda. Does it mean that she was afraid Neil might bring the company down? Did she finally recognize his wife’s effort? Or she just needed someone as a pawn? Subalit maalin man doon ang tunay na dahilan, hindi niya hahayaan na mapahamak si Adelyn.
Lumipas ang ilang minutong tahimik lang ang lahat. Mukhang walang may gustong magpresinta. Sabagay, sino nga ba naman ang may gustong mapagbuntunan ng sisi sa huli kung hindi magiging maayos ang lahat. Siguro ay nag-aalangan ang mga ito lalo pa at hindi naging maganda ang nangyari noong huli.
Napakislot ang lahat nang ihampas ng matanda ang mga kamay nito sa mesa.
“Ano ba? Bakit walang sumasagot sa inyo? Wala bang may gustong kumuha ng project na ito?”
“Mama… Halata naman sa pag-ayaw nila sa atin nitong nakaraan na wala na tayong pag-asa sa kanila,” anang biyenan ni Jacob. “Hindi naman nila ire-reject ang proposal ni Neil kung interesado pa silang makipag-cooperate sa atin—”
“Ibig sabihin mo ba ay basta na lang nating susukuan ang El Nuevo Holdings? Baka nakakalimutan n’yo kung gaano kalaking halaga ang mawawala sa atin kapag hindi tayo nagtagumpay sa cooperation na ito. Sige, ganito na lang…” Tiningnan ni Donya Maria isa-isa ang mga kasama sa mesa. “Whoever wins this deal with El Nuevo Holdings will be promoted as director.”
It was a tempting offer. Bakas sa mata ng bawat isa ang pagkagusto at pag-aalinlangan sa bagay na iyon.
“Adelyn…” Ginagap niya ang kamay ng asawa.
“O-o? Bakit?” Nilingon siya nito.
“Take it.”
“H-ha?”
Itinaas ni Jacob ang kamay ng asawa.
“She’ll do it. Adelyn will take the task,” anunsiyo niya.
“J-Jacob… I…”
“I know you can do it, Adelyn. You are good at everything.” Nginitian niya ito. “The only problem is that… hindi ka nila binibigyan ng pagkakataon…” Sinulyapan niya ang pinsan nito. “Worse, they’re taking advantage of you.”
Tahimik lang na nakatingin sa kanilang mag-asawa ang lahat. Walang kumokontra ni isa. Sa malamang naisip ng mga itong hayaan na lang si Adelyn dahil mas madaling ibunton ang sisi rito kapag nagkataon. Pero iyon ang akala ng mga ito. Jacob would make sure his wife would succeed and shine this time.
“Adelyn?” untag ni Donya Maria sa apo mayamaya.
Namimilog ang mga matang nagbaling ng tingin ang asawa niya sa lola nito at tumango.
“Y-yes, Lola… I’ll take this task.”
“Good,” walang emosyong tugon ng matanda. “Make sure you’ll get this cooperation. If you succeed, you’ll get promoted as one of the company’s directors. However, if you fail, you’re going to lose your job.”
NAGSIPAG-ALISAN na ang lahat, tanging si Jacob at ang asawang si Adelyn na lang ang naiwang nakaupo roon. Tahimik lang ang kanyang asawa at hindi nagsasalita kaya naman siya na mismo ang bumasag ng katahimikang iyon.“Adelyn…” He cupped his wife’s hand. Kaagad niyang naramdaman ang panlalamig noon at hindi na niya kailangan pang magtanong kung bakit. “Kinahabahan ka.”Noon nagbaling ng tingin ang asawa sa direksiyon niya.“At paanong hindi ako kakabahan sa lagay na ito, ha, Jacob?” Humugot ito ng hininga. “Hindi mo ba narinig kung ano ang sinabi ni Lola? If I fail to do this job the way she wants it to be done, I’m going to be fired. I’m going to lose everything! At alam mong kapag nangyari iyon, hindi lang ako ang maaapektuhan kundi maging ikaw din….”Batid niya kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ni Adelyn. Tama rin naman ito na malaki ang nakasalalay sa deal na iyon, kaya nga gagawin niya ang lahat para sa asawa. May kakayahan na siya ngayong protektahan at ilaban ang mga karap
MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Jacob. Malalim na ang gabi nang dumating siya sa bahay at tulog na tulog na ang kanyang asawa. Marami siyang bagay na inasikaso sa opisina, mga mahahalagang bagay sa negosyo na kailangan niyang matutunan. Hindi niya gustong magsinungaling sa asawa, ngunit napilitan siyang magpadala ng text message kay Adelyn na nagsasabing nasa ospital siya at binabantayan si Nanay Larissa dahil may mahalagang inasikaso si Lily sa shelter. Kaagad naman iyong naunawaan ng kanyang asawa.Nakahain na ang agahan at nakadulog na sa mesa si Adelyn nang sapitin niya ang kusina. May binabasa itong kung anong file habang umiinom ng kape. Kaagad namang nag-anagat ng tingin ang kanyang asawa nang maramdaman nito ang presensiya niya.“Good morning,” nakangiting bati niya at ginawaran ito ng halik sa mga labi bago naupo sa kanyang puwesto.“Mukhang hindi ka nakatulog nang maayos kagabi. Okay ka lang ba?” tanong ni Adelyn mayamaya.“Okay lang naman ako.” Nagsalin siya ng
NAPARAMI ang inom ni Adelyn, kaya naman halos hindi na ito makausap nang umuwi sila kinagabihan. Binuhat na rin niya ito papasok sa kanilang silid dahil mukhang hindi na nito magagawang maglakad nang hindi nadadapa. At hindi niya iyon inaasahan sa asawa ganoong balak pa nitong ipagpatuloy sana ang trabaho pagkauwi nila. Adelyn never got wasted like that. Bigla tuloy siyang napaisip kung stressed ba ito sa laki ng kinakaharap na responsibilidad.Nang sumapit ang umaga, tulog na tulog pa rin si Adelyn. Hindi na ito ginising pa ni Jacob dahil araw naman ng Linggo. Sinamantala na rin niya ang pagkakataong iyon upang makipagkita kay Don Juan. Hindi pa talaga siya handa sa muling paghaharap nilang iyon ng kanyang lolo, pero nang nagdaang gabi napagtanto niyang wala rin namang maidudulot na maganda kung iiwasan pa niya ang matanda. After all, there were some favors that he wanted to ask his grandfather. Mga bagay na mas makakabuti kung ito na lang ang gagawa para sa kanya. Sa ganoong paraan h
GISING na si Adelyn nang makabalik sa bahay si Jacob. Pababa na ito sa hagdan nang maabutan niya.“O, saan ka galing?” nagtatakang tanong nito.Itinaas niya ang mga dalang supot.“Bumili ako ng tinapay pang-almusal. At ibinili na rin kita noong pangtanggal ng hangover doon sa Korean convenience store na nadaanan ko kanina,” aniya habang naglalakad patungo sa kusina.Kaagad namang sumunod ang asawa sa kanya.“Bread o cereal?” tanong niya kay Adelyn na kaagad na sumalampak sa silya.“Bread, please.”Minamasahe nito ang sentidong sa malamang ay sumasakit dahil sa natamo nitong hangover. Natatawang nagtungo siya sa likuran ng kanyang asawa at binigyan ito ng head massage.“Ah… this is good,” anas ni Adelyn habang nakapikit ang mga mata.“Bakit ka naman kasi uminom nang gano’n karami kahapon?” Hindi niya napigilan ang sariling hindi magtanong. At batid niyang mayamaya lang bubuwelta sa kanya ang asawa. “Kung may problema ka, alam mo namang p’wede kang magsabi sa akin….”“P-problema?” Nagmul
“MASARAP naman, `di ba?” tanong ni Adelyn matapos nitong ipatikim sa kanya ang nilutong ulam.“Siyempre, basta ikaw ang nagluto masarap,” nakangiting tugon ni Jacob sa asawa at saka muling tumikim.“Nambobola ka lang yata, eh.”“Bakit ko naman gagawin iyon?” Kumunot ang kanyang noo. “Kailan kita binola, ha?”Pabirong sinundot niya ang tagiliran ng asawa na ikinakiliti naman nito. Adelyn squeaked, but immediately stopped when Lily walked into the kitchen. Hinampas siya nito sa braso at itinulak palayo. Hanggang ngayon nahihiya pa rin itong makita sila ng ibang tao na magkulitan gaya noon. Pero nasisiguro ni Jacob na kung nasa bahay sila at walang kasama, it might lead to something.“Ate, luto na ang sinigang,” anunsiyo ni Lily mayamaya.“Nagpaluto ako ng sinigang. Baka kasi hindi kumakain ng kare-kare ang mga bata,” ani Adelyn. “Ang mabuti pa maghayin na tayo. Sunduin mo na sa garden si Nanay Larissa, Jacob.”He did what he was told.Pagkatapos niyang maihatid ang ina-inahan sa kumedor
“DITO ka pa rin ba magtatrabaho sa bahay?” tanong ni Jacob habang magkasalo silang kumakain ng asawa ng agahan.“Yeah,” nakangiting tugon ni Adelyn. “Kaya hindi mo na ako kailangang ihatid pa sa office.”“Okay.”Mabilis niyang tinapos ang pagkain na mukhang ipinagtaka ng kanyang asawa dahil bahagyang kumunot ang noo nito.“Nagmamadali ka yata?” tanong ni Adelyn nang tumayo siya.Dinala ni Jacob ang pinagkainan sa lababo at hinugasan iyon.“Kailangan ko kasing umalis nang maaga,” tugon niya nang bumalik sa mesa. Ginawaran niya ang asawa ng isang mabilis na halik sa mga labi pagkatapos ay nagdiretso na palabas ng bahay.Papasakay na si Jacob ng kanyang motorsiklo nang biglang lumabas si Adelyn bitbit ang binalot niyang naiwan pala.“You forgot this,” anito. “Madaling-madali ka naman masyado.”Ito na ang nagsilid noon sa loob ng kanyang bag.“Sorry. Ayaw ko lang kasing mahuli dahil nagpapa-good shot ako sa boss ko.”“Sige na at baka nga mahuli ka pa.”Ilang sandali pa siyang nakipagtitiga
NAPAKISLOT si Jacob nang bigla may tumapik sa kanya habang nag-aabang na bumukas ang mga pinto ng elevator.“H-hey,” aniya nang mabungaran si Lilibeth sa kanyang tabi. “Ikaw pala `yan.”“Parang nagulat ka yata. Ni hindi mo ba nakitang papalapit na ako?” anito.“I’m sorry.” Namulsa siya pagkatapos ay bumuntong hininga.“You look dashing with that suit, by the way,” nakangiting puri ni Lilibeth nang makalulan na sila ng elevator.“A-ah, thanks.” Hinagod niya pa ang suot na coat at necktie. “This is my wife’s gift.”“I see. You told her about the—”“Hindi pa.” Nilingon niya si Lilibeth.“Oh…” Isang tipid na ngiti ang ibinigay nito at hindi na muling umimik.Ilang sandali pa at bumukas na ang mga pinto ng elevator. Kaagad silang lumabas at nagtungo sa kanya-kanyang opisina. Pero hindi pa man nag-iinit ang upo ni Jacob ay heto na si Lilibeth bitbit ang mga folders.“Nakalimutan kong ibigay sa `yo ang mga ito. Noong isang araw pa nga pala ito ipinabibigay ni Don Juan.” Inilapag nito ang mga
HINDI alintana ni Jacob ang cellphone niyang makailang ulit nang nagba-vibrate sa loob ng bulsa ng kanyang coat. His motorcycle almost exceeded the speed limit as he was in a rush to get home to Adelyn. Labis-labis ang kanyang pag-aalala para sa asawa nang marinig mula kay Aling Ising na may sumugod at nanggugulo sa kanilang bahay. Jacob had a hunch who it was.At nang makarating na nga siya sa labas ng kanilang apartment ay nakita niya ang pinsan ng kanyang asawa na pigil-pigil ng mga tanod habang iginigiya sa direksiyon ng barangay mobile. Kaagad siyang bumaba mula sa kanyang motor at tinakbo ang loob ng bahay. Doon ay inabutan niya si Aling Linda na inaabutan ng maiinom na tubig ang kanyang asawa.“Adelyn…” aniya na kaagad na hinila ito at niyakap nang mahigpit nang makalapit.Isang mahigpit na yakap din ang naging ganti nito sa kanya. She buried her face on his chest and started crying.“I’m here now…” Banayad niyang hinaplos ang likod nito.Bagaman naroon na siya ay hindi pa rin k
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e
NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na
WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a
ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin
WALANG sinayang na sandali si Jacob, umalis siya kaagad para makausap ang ama ni Adelyn nang makompirma niya kung ano ba talaga ang katotohanan. Pero dahil hind inga ito sumasagot sa mga tawag niya, hindi niya alam kung saan ito makikita. Para makasiguro, inuna na lang niyang puntahan building na pag-aari ng pamilya nito at hinanap ito sa opisina.“Hi,” bati niya sa receptionist. Bagaman asawa siya ni Adelyn hindi pa rin siya basta-basta nakakapasok doon dahil na rin sa kagagawan ng lola nito.“Yes, Sir?” nakangiting tugon sa kanya ng receptionist.“Nandiyan ba si Papa?” Bahagya siyang napangiwi nang marinig ang sarili na tinatawag itong ganoon. Hindi siya sanay dahil bibihirang pagkakataon na i-address niya ng ganoon ang kanyang father-in-law. “Baka p’wedeng pakitawagan ang office niya at pakisabing gusto siyang makausap ng manugang niya. Please, importante lang.”“Ah, wait a minute, Sir.”Kaagad naman nitong tinawagan ang opisina ng biyenan niya gamit ang intercom. Sinabi ng recepti
HINDI umuwi sa bahay si Adelyn nang nagdaang gabi dahil sinamahan nito ang kaibigan. Wala namang kaso iyon kay Jacob dahil alam naman niya kung nasaan ang asawa. Umaga na nang umuwi ito, eksaktong namang kadarating lang din niya galing sa pagja-jogging. Binigyan lang niya ito nang isang mabilis na hlik bilang pagbati dahil amoy pawis siya.Magkasabay naman silang pumanhik nito sa kanilang silid.“How’s Marie?” tanong niya nang makapasok sila sa banyo.Binuksan kaagad ni Adelyn ang gripo sa bathtub.“She caught her husband cheeting on her,” tugon nito habang naghuhubad ng gown.He helped him get rid of it.“That’s… foul. Kung titingnan mo mukhang ang ganda naman ng pagsasama nilang mag-asawa.” Npabuntong-hininga na lang si Jacob.“Matagal na pala niyang pinagdududahan si John.” Naglublob ang asawa niya sa bathtub.He decided to join her instead of going to the shower.“I guess a woman’s instinct is always right.”Bigla tuloy siyang kinabahan. Pinagdududahan na rin kaya siya ni Adelyn?
PUMASOK si Adelyn sa loob ng mansiyon para magpunta sa powder room, at nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa kanyang pinsan. Subalit sa kasamaang-palad nakasalubong naman niya ang fiancée ni Neil. Hindi na siya magtataka kung bakit naroon ito. They always come in pair.“Oh, hi, cousin!” nakangising bati sa kanya ni Veronica.Pakiramdam ni Adelyn mas lalong sumama ang timpla niya nang sandaling iyon. The audacity of this woman to call her that when they weren’t even close. Hindi pa nga ito naikakasal sa pinsan niya kaya wala pa itong karapatang tawagin siya noon.“Hi, Veronica,” walang ganang bati niya rito.Nilagpasan na niya ang babae, pero nakakailang hakbang pa lang si Adelyn nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso.“Sandali lang, Adelyn. Bakit naman aalis ka na kaagad ni hindi pa tayo nakakapag-usap.”Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay sa mukha nito.“I’m going to the powder room—”“Mas importante pa ba ang pagpunta mo sa po