Rain on Your Parade

Rain on Your Parade

last updateLast Updated : 2022-10-11
By:   Penmary  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
75Chapters
1.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Hindi inasahan ng rakistang si Zein na uso pa pala ang pagiging "rebound girl" nang sabihin iyon ng panderong ex-boyfriend ng Ate Zelda niya na si Amos. Umeksena lang ang "bitter" na lalaki sa kasal ng kapatid niya, inaya na siya sa isang relasyong wala namang pag-ibig. Nasira ang plano niyang magkaroon ng magandang karanasan sa isang relasyon. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip at pumayag siyang maging panakip-butas lamang. In short, band-aid lang siya para sa mga sugat na iniwan ng kapatid niya sa puso ng binata. Akala ni Zein ay naging maingat siya pero nahulog ang damdamin niya at umasang kaya siyang saluhin ni Amos subalit bumalik sa eksena ang Ate Zelda niyang una nitong minahal. Hindi na siya naghintay na saluhin ng binata. Umahon na agad siya kahit may naiwang marka ang lalaking tanging nagpalakas ng tibok ng puso niya. Ngunit saan siya dadalhin ng pagtakas niya sa isang pag-ibig na hindi sigurado? Paano niya pa ito makalilimutan kung may buhay na sa kaniyang sinapupunan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1: Bitter Amos

Kalansing na nagmula sa pinagdikit na mga baso at mga kubyertos ang pumuno ng ingay sa buong event hall kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Zelda. Ilang sandali pa, naglapat ang mga labi ng bride at ng asawa nito.Matabang ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Amos sa tagpong iyon. Diretso niyang ininom ang red wine at pabalang na ipinatong ang wine glass sa lamesa.That should be me...Matalim ang tingin ng binata sa asawa ni Zelda. Dapat siya ang nasa posisyon ng mang-aagaw na si Race. Masyado siyang naging kampante sa relasyon ng babae noon kaya hindi niya namalayang naibaling na pala nito ang pagmamahal kay Race. Mahal niya ang babae. Alam ni Amos na nasaktan siya pero hindi siya umiyak. Marahil, ang ego niya lang bilang lalaki ang nasaktan. Bakit ba siya bitter ngayon at plastic sa mismong kasal ng ex-girlfriend niya? Iyon ay dahil hindi niya matanggap ang katotohanang ang babaeng minsan niyang naisipang alukin ng kasal ay nagpakasal na sa ibang lalaki.“Amos, let’s go,” paa...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Juanmarcuz Padilla
magandang story ito. must read ...
2023-07-16 06:25:58
1
user avatar
JHAZPHER
Recommended
2022-09-11 07:48:38
2
user avatar
iampammyimnida
Love the storyline
2022-09-09 21:06:09
2
user avatar
valadhiel
keep up the great work po ate <3
2022-09-05 13:51:53
2
75 Chapters
Chapter 1: Bitter Amos
Kalansing na nagmula sa pinagdikit na mga baso at mga kubyertos ang pumuno ng ingay sa buong event hall kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Zelda. Ilang sandali pa, naglapat ang mga labi ng bride at ng asawa nito.Matabang ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Amos sa tagpong iyon. Diretso niyang ininom ang red wine at pabalang na ipinatong ang wine glass sa lamesa.That should be me...Matalim ang tingin ng binata sa asawa ni Zelda. Dapat siya ang nasa posisyon ng mang-aagaw na si Race. Masyado siyang naging kampante sa relasyon ng babae noon kaya hindi niya namalayang naibaling na pala nito ang pagmamahal kay Race. Mahal niya ang babae. Alam ni Amos na nasaktan siya pero hindi siya umiyak. Marahil, ang ego niya lang bilang lalaki ang nasaktan. Bakit ba siya bitter ngayon at plastic sa mismong kasal ng ex-girlfriend niya? Iyon ay dahil hindi niya matanggap ang katotohanang ang babaeng minsan niyang naisipang alukin ng kasal ay nagpakasal na sa ibang lalaki.“Amos, let’s go,” paa
last updateLast Updated : 2022-08-12
Read more
Chapter 2: Magnanakaw
Nakahinga nang maluwag si Zein nang marating niya ang Kiki village. Kagagaling niya lang sa kasal ng kaniyang Ate Zelda at talagang napagod siya dahil pagka-uwi niya galing Japan ay dumiretso agad siya sa isa sa pinakamasayang araw ng kaniyang ate. Wala pa siyang pahinga. Ang tanging pahinga niya lang ay nang kunin niya ang kaniyang sasakyan at magpalit ng damit sa kanilang bahay bago pumunta kanina sa kasal. Nakapapagod at idagdag pa ang lalaking bitter kanina na si Mang Tasyo pero palalagpasin ba naman niya ang pagkakataong makita ang kapatid na nakasuot ng traje de boda? Silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay at hindi niya matitiis na hindi ito makitang naglalakad sa altar.Simula nang mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa isang ambush, si Zelda na ang tumayong kaniyang nanay at tatay. Tanging ang naiwan na lang sa kanila ng mga magulang nila ay ang bahay sa Mapski Street. Baon na pala sa utang nang mga panahong iyon ang pamilya nila.Kaya ang ate ni Zein na si Zelda an
last updateLast Updated : 2022-08-12
Read more
Chapter 3: The Accident
“Yaya, aray!” Hindi mapigilan ni Amos na mapadaing habang nilalagyan ng ointment ng kaniyang Yaya Tasing ang mga sugat niya sa likod. Gasgas lang naman kung tutuusin ang mga iyon. Talagang masakit lang dahil marami siyang natamo.“Saan mo ba nakuha ang mga sugat na ito? Ikaw talagang bata ka! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” tanong nito sa tono nang panenermon.“I don’t know. Ouch! Dahan-dahan naman.”Inabot sa kaniya ng matanda ang ice pack at idinampi niya iyon sa bukol ng kaniyang noo. Hindi lang iyon, pagkatingin niya sa salamin kanina, nakita niya ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.Where did I get this wounds?Pilit inalala ni Amos kung ano ba ang nangyari sa kaniya pero ang huli niya lang natatandaan ay nang dalhin siya ni Barney sa bahay ni Zelda. Alam niya ng mga oras na iyon na may tama na siya ng alak kaya pinabayaan na lang siya ng kaniyang kaibigan sa gusto niyang gawin, tutal ay safe naman sa village.“Bakit ka ba naglasing, Amos?”“Just to escape…”Bumuntong-hininga
last updateLast Updated : 2022-08-12
Read more
Chapter 4: Chef Amos
Paulit-ulit na tinapik ni Zein ang lamesa gamit ang kaniyang mga daliri habang kausap si Lester sa cellphone. Wala silang gig sa araw na iyon kaya nabo-boring siya pero wala naman siya sa mood lumabas ng bahay.“Come on, Zein. Come with me. I am going to Bicol,” pangungumbinsi sa kaniya ni Lester. Ginulo niya na lang ang buhok niya dahil sa kakulitan nito. Matagal niya na itong kaibigan. High school pa lang sila nang magkakilala sila. Ito rin ang bassist nila kaya sa lahat ng mga kabanda niya, si Lester ang pinakamalapit sa kaniya.“Then what? You will introduce me as your girlfriend? No way!”“Please, gusto nila akong ipakasal sa kinakapatid ko. Maldita naman ang babaeng iyon. I can’t imagine myself building a family with her.” Nahimigan ni Zein ang kawalan ng pag-asa sa lalaki.“Mag-isip ka nga. If you introduce me as your girlfriend to your parents, they will not like me for you. I swear, I am not the type of girl na magugustuhan nila.”“Magugustuhan ka nga nila,” giit nito. “You’
last updateLast Updated : 2022-08-12
Read more
Chapter 5: Layuan Mo na Siya
Hinubad ni Amos ang kaniyang hairnet at apron pagkatapos niyang malagay sa oven ang mga tinapay na ibebenta nila sa araw na iyon. Ganoon lagi ang gawain niya tuwing umaga sa bakeshop dahil kadalasang umaga bumibili ng mga tinapay ang customers. Sinigurado nilang bago ang mga produkto nilang pagkain kaya busy talaga siya tuwing umaga at kapag busy siya, alam ng kaniyang mga tauhan na ayaw niyang may istorbo sa kaniya. Passion ang baking kaya dapat nandoon ang buong oras at atensiyon. Iyon ang palaging bilin niya sa pastry chefs sa ibang branches ng Reo’s Bakeshop para hindi mawala ang kalidad at lasang pinatatag ng iba’t-ibang henerasyon ng kanilang pamilya.“Adrian, ikaw na ang bahala sa mga tinapay,” bilin niya sa kaniyang assisstant chef.Pagkalabas niya ng kitchen, sumalubong sa kaniya ang kaniyang secretary. “Sir, your father wants to talk to you about the deal with Mr. Stewart.”Tumango si Amos. Mabuti na lang, nai-close niya na ang deal kay Mr. Stewart. Hindi siya pine-pressure
last updateLast Updated : 2022-08-12
Read more
Chapter 6: Dream Catcher
Kanina pa nag-papractice ang banda ni Zein sa resto-bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit walang matinong practice ang banda dahil okupado ng ibang bagay ang isip ng dalaga. Ilang beses na siyang sinabihan ng drummer nila na si Wilson na umayos subalit para siyang first timer sa stage dahil nawala siya sa lyrics. Nagdesisyon ang mga ito na mag-break muna sila.“What’s your problem, Zein?” Naupo sa tabi niya si Lester. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa ng palda niya at sinubo iyon. “Come on, Zein. Tell me.”Umiling siya at pinalobo nang paulit-ulit ang bubble gum. “Wala akong problema.”“Wala? Are you sure? You look tense,” naghihinalang tanong nito. Nagpakawala si Zein ng malalim na hininga. Wala talaga siyang maitago kay Lester. Nakasanayan niya na kasing mag-bubble gum kapag tensiyonado. Paano ba namang hindi siya maging tensiyonado? Ang lapit ng mukha ni Amos sa kaniya kaninang umaga. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Hindi niya alam kung b
last updateLast Updated : 2022-08-30
Read more
Chapter 7: Si Batman
Gusto pang matulog ni Amos sa kaniyang higaan dahil parang biniyak ang ulo niya nang umagang iyon. Nagtalukbong siya ng kumot ngunit hindi pa rin nawala ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Padabog siyang tumayo sa kaniyang kama pero pinagsisihan niya ang kilos na iyon nang bigla na namang sumakit ang ulo niya.Hindi na talaga ako maglalasing.Pumunta siya sa may pinto at agad na binuksan iyon. Parang gusto niyang manakal ng tao dahil sa nadatnan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya sa labas.“Amos, what’s up?” nakangiting tanong sa kaniya ni Corn.“Nananadya ba kayo? Dito pa talaga kayo nagtawanan sa labas ng kuwarto ko!”“Don’t worry. Next time, sa loob naman ng kuwarto mo,” si Huge na sobrang lawak ng ngisi.“I have a living area in this house. Bakit hindi kayo roon tumambay?”“Isn’t it obvious? We are waking you up, sleepyhead!” asik sa kaniya ni Huge. Inakbayan siya ng lalaki at hahalikan sana siya sa pisngi pero agad niyang inilagay ang palad niya sa mukha nito. Nagtawanan ang iba
last updateLast Updated : 2022-08-30
Read more
Chapter 8: Red Stain
“What’s your plans for today, Bengut?” Iyon ang tanong ni Zein sa kaniyang kaibigan na si Yvette habang tumatakbo sa kahabaan ng Gamski street nang umagang iyon. Hindi niya naman nakahiligang mag-jogging. Talagang mapilit lang ang kaibigan niya at binulabog siya sa kaniyang bahay ng sobrang aga.“Mag-grocery,” tugon nito. “Ubos na ang stock sa bahay. Baka sabunin na ako ni Papsy.”“Sama na ako. Ubos na rin ang stock na binili para sa akin ni Ate Zelda.”“Binibisita ka pa pala ni Ate Zelda?” gulat nitong tanong.Tumango si Zein. Pinunasan niya ang pawis na tumulo sa kaniyang noo gamit ang face towel na hawak niya. Bahagya na siyang hiningal at pawis na rin ang likod niya. Pakiramdam niya tuloy ay basang-basa na ang sando niyang itim.Kumunot ang noo niya nang maramdamang wala na sa tabi niya si Yvette. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa likod. Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang kaibigan na parang stalker na sumilip mula sa isang malaking gate. Paatras siyang tumakbo. Hindi
last updateLast Updated : 2022-08-30
Read more
Chapter 9: Be My Girlfriend
“Who are you?” Iyon ang tanong ni Amos kay Lester. Pinaupo silang dalawa ni Yvette sa dining table pero parang hindi siya tatagal kasama ito. Kung hindi lang siya pinigilan ni Zein, bugbog-sarado na ngayon ang lalaki.Ngumisi ito nang nakaloloko at bahagyang dumukwang sa lamesa. “Who are you too?” May bahid ng pang-uuyam sa boses nito.Umigting ang kaniyang panga. Hindi niya gusto ang presensiya ng lalaki sa kaniyang harapan. “How rude.” Hinawakan nito ang tainga. Katulad ni Zein, marami rin itong hikaw sa tainga. Kapag kay Zein ay wala siyang problema sa bagay na iyon. Sa lalaking kaharap niya ay marami siyang problema.He looks like an addict! Ganito ba ang mga type ni Zeinab?“Ikaw ang bastos,” wika nito sabay duro sa kaniya. “Ikaw ang nagsimula ng away at hindi ako.”Kumuyom ang mga kamao ni Amos. Hindi niya kayang makihalubilo pa sa lalaking kaharap. Paano pa kayang mag-lunch kasama ito? Baka maitapon niya lang ang pagkain sa lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas na sina Zein at
last updateLast Updated : 2022-08-30
Read more
Chapter 10: Oo Na
Abala sa pag-strum ng strings ng electric guitar si Zein nang tinawag siya ng guard ng resto-bar. Bumaba siya agad sa stage at nilapitan ito. “Bakit po?”“May naghahanap sa’yo sa labas.”Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Wala naman siyang inasahang bisita. “Sino raw po?” muling tanong niya.Kinamot nito ang pisngi at ngumiwi. “Ayaw sabihin ang pangalan. Puntahan mo na lang daw siya.” Tumikhim ito at dumiretso ng tayo. “Manliligaw mo ba iyon, Zein?”Mariin niyang pinadaan sa buhok ang kaniyang mga daliri at umiling. “Wala po akong manliligaw.”“Hindi mo manliligaw ang batang iyon? Sayang, guwapo pa naman. Moreno at ang tikas ng katawan,” nakangising papuri ng guard. Ang mga mata nito ay parang nakakita ng mga sagot sa mga katanungan.Suminghap si Zein. Mukhang alam niya na kung sino ang tinukoy ng matanda. Mahigit dalawang buwan na ang nakaraan nang sinabi ng binata na liligawan siya nito at tinotoo nga ni Amos. Lagi siya nitong pinadalhan ng mga bulaklak sa bahay at ng kung ano-anon
last updateLast Updated : 2022-08-30
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status