Home / Romance / Rain on Your Parade / Chapter 5: Layuan Mo na Siya

Share

Chapter 5: Layuan Mo na Siya

Author: Penmary
last update Huling Na-update: 2022-08-12 06:43:33

Hinubad ni Amos ang kaniyang hairnet at apron pagkatapos niyang malagay sa oven ang mga tinapay na ibebenta nila sa araw na iyon. Ganoon lagi ang gawain niya tuwing umaga sa bakeshop dahil kadalasang umaga bumibili ng mga tinapay ang customers. Sinigurado nilang bago ang mga produkto nilang pagkain kaya busy talaga siya tuwing umaga at kapag busy siya, alam ng kaniyang mga tauhan na ayaw niyang may istorbo sa kaniya. Passion ang baking kaya dapat nandoon ang buong oras at atensiyon. Iyon ang palaging bilin niya sa pastry chefs sa ibang branches ng Reo’s Bakeshop para hindi mawala ang kalidad at lasang pinatatag ng iba’t-ibang henerasyon ng kanilang pamilya.

“Adrian, ikaw na ang bahala sa mga tinapay,” bilin niya sa kaniyang assisstant chef.

Pagkalabas niya ng kitchen, sumalubong sa kaniya ang kaniyang secretary. “Sir, your father wants to talk to you about the deal with Mr. Stewart.”

Tumango si Amos. Mabuti na lang, nai-close niya na ang deal kay Mr. Stewart. Hindi siya pine-pressure ng mga ito pero gusto niya pa rin namang maging proud ang mga ito sa kaniya. “Please, send me the files that I need today.”

“Yes, sir.”

Tinungo ni Amos ang daan papunta sa kaniyang opisina. Pinasadahan niya ng tingin ang buong bakeshop. Marami pa silang customers na naghihintay. Pang-apat na batch na nga sila sa pag-bake ng tinapay. Pagkapasok niya sa kaniyang opisina, tinanggal niya ang kaniyang uniform. Sinunod niya ang itim na shirt na puno ng pawis at nagpalit ng mas malinis na putting shirt.

“I am exhausted,” ang naisatinig na lang niya. Nagpahinga muna siya ng ilang oras bago siya naligo sa shower room sa loob ng kaniyang opisina. Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos na siya ng sarili. Isang light blue long sleeves polo at black pants ang kaniyang sinuot dahil sa opisina lang naman siya. 

Hinanap niya ang file na kailangan niya para sa deal niya kay Mr. Stewart. Kinusot niya ang kaniyang ilong nang maalala na nasa bahay niya pa pala iyon. Kinuha niya ang susi, wallet at kaniyang cellphone bago lumabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong niya ang kaniyang secretary na may mga dalang folders.

“Sir?”

“I will just go to my house. Nandoon ang file na kailangan ko,” tugon niya.

“Ako na lang po ang kukuha.”

“No need. Ako na lang kasi lalabas din naman ako at pupuntahan si Daddy.” 

Tipid na ngumiti ang kaniyang secretary. “Okay po.”

Pagkarating niya sa parking lot, natanaw niya si Zelda pasakay ng kotse nito. Umusbong ang kagustuhan niyang mas makita pa ito. Isang buwan na rin ang lumipas at hindi pa rin matapos ang kaniyang damdamin sa babae. Nangulila siya rito kaya ibinuhos niya na lang ang atensiyon niya sa trabaho at pangungulit sa bunsong kapatid nitong si Zein.

Hindi niya nga alam kung bakit natuwa siyang inisin si Zein. Pinapunta pa nga niya ang kaibigan niyang pulis para galitin ito. Siguro ay desperado lang siyang makahanap ng mapagkatutuwaan para hindi niya maisip masyado si Zelda. 

Natuwa siyang hindi niya na masyadong dinamdam sa mga nakalipas na araw ang pagpapakasal ni Zelda sa ibang lalaki dahil nabaling niya ang atensiyon kay Zein pero hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Natanaw niya lang naman ang kaniyang ex-girlfriend ngunit gusto niya itong lapitan at kausapin. Hindi niya pa talaga ito nakalimutan.

Natagpuan niya na lang ang kaniyang sarili na nakatanaw sa tapat ng bahay ni Zelda sa Mapski street mula sa bintana ng kaniyang kotse. Hindi niya alam kung bakit sinundan niya pa ito.

Ilang sandali pa ay lumabas ng gate si Zelda. Agad siyang bumaba ng kaniyang kotse at nilapitan ito. Nawala ang ngiti sa mga labi ng kaniyang dating nobya.

“Amos, what… are you doing here?” Tinitigan niya ito ngunit umiwas ng tingin ang babae. Gusto niyang malaman kung may nararamdaman pa sa kaniya ito ngunit mailap ang mga mata nito.

“Sweetheart, please, talk to me,” pakiusap niya pa.

Umiling ito at sasakay na sana sa sasakyan nito ngunit maagap niya itong pinigilan at hinawakan ang kamay nito. Pilit itong nagpumiglas subalit hindi niya hinayaang makawala ito sa kaniya. Sinapo niya ang pisngi nito.

“Let go of me, Amos.” Mahinahon lang ang tinig nito at nakita niya sa mga mata nito ang lungkot.

“No. I know you still love me. I saw pain in your eyes.” Hinawakan niya ang magkabilang kamay nito. “Please, come back to me. I am willing to accept you again,” pagsusumamo niya at ginawaran ng pinong halik ang likod ng palad nito.

Marahas nitong inagaw ang mga kamay mula sa kaniya. Ang kaninang pag-asang naramdaman niya kanina ay biglang naglaho. “Please, tumigil ka na.” Pumikit ito at bahagyang umatras palayo sa kaniya. “May asawa na ako at si Race iyon. Wala na akong balak pang bumalik sa iyo dahil siya na ang mahal ko.”

“I don’t believe you. I saw you’re hurting. Lolokohin ka lang ni Race. Alam mo namang womanizer ang lalaking iyon pero siya pa rin ang pinakasalan mo!” Hindi niya napigilang ilabas ang kaniyang emosyon. Sobra na. Hindi niya matanggap na ipinagpalit siya. Ginawa niya naman ang lahat. Seryoso at loyal siya pagdating sa relasyon kaya hindi niya lubos maintindihan kung bakit mas pinili ni Zelda ang ibang lalaki.

“I married Race because I love him!”

Mapait siyang ngumiti. Ang mahinhin na Zelda ay nawala. Handa nitong baguhin ang sarili nito para lang ipagtanggol ang asawa. “Dalawang taon, Zelda.” Kahit siya, rinig niya sa sariling tinig ang hinanakit. “Dalawang taon ang relasyon natin pagkatapos ay basta mo na lang itinapon.”

Lumandas na ang luha sa mga mata nito. “I am sorry. I am sorry, Amos. Hindi ko kayang pigilan. Nawala ang pagmamahal ko sa’yo. Patawarin mo ako.” Napahilamos na lang siya. Ayaw niyang makita itong umiiyak pero labis ang sakit na binigay ni Zelda sa kaniya. “Nasasaktan ako pero hindi dahil… mahal pa rin kita.”

Bumilis ang paghinga niya. Umigting ang mga panga niya. Gusto niyang magwala. Pinamukha talaga sa kaniya ng babae ang masaklap na katotohanang hindi na siya ang mahal nito.

“Nasasaktan ako kasi nakikita kitang ganyan. I am sorry. Niloko kita… at hindi ko kayang baliwalain ang damdamin ko. I just want to be happy… with Race.”

Malutong siyang tumawa. “Ang unfair mo naman, Zelda. Ikaw lang ang masaya. Kayo lang ang masaya. Paano naman ako? Iniwan mo na lang ako basta-basta sa ere.”

“Just… find someone. Kalimutan mo na ako.” Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi niya na talaga alam kung anong dapat maramdaman sa mga sinabi ng babae.

“So easy for you to say. Ganyan din ba ang ginawa mo kaya hindi mo naisip na boyfriend mo ako noong mga panahong nagpapalandi ka kay Race?”

“Sobra ka na!” Nawala ang atensiyon niya kay Zelda nang bigla na lang sumulpot sa harap niya si Zein at hinagip ang kwelyo ng kaniyang polo.

“Zein, bitiwan mo siya,” natatakot na utos ni Zelda sa bunsong kapatid ngunit hindi natinag ang dalaga.

Matalim ang tingin nito kay Amos. Natanggal pa nga ang butones niya dahil sa marahas na pagkahila ni Zein sa kaniyang damit. “Mang Tasyo, wala kang karapatang tawaging malandi ang ate ko. Nagmahal lang siya at malas mo lang na hindi na ikaw ang mahal.”

Patuloy sa pagsasalita si Zein pero hindi niya maintindihan ang mga iyon. Namaligno na naman yata siya. Sobrang lapit ng dalaga sa kaniya kaya napagmasdan niya ito nang mabuti. Magulo ang buhok nito pero hindi iyon nakabawas ng kagandahan nito sa umaga at ang mas lalo pang nagpatulala sa kaniya ay nang mapagtanto niya ang pantulog nito.

She’s hot wearing pink clothes!

Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Sanay kasi siyang laging itim o puti ang suot nito pero ngayon, naka-pink na naman ito katulad ng kulay ng suot nito noong kasal ni Zelda. Hindi siya mahilig sa pink ngunit kapag kay Zein niya nakita iyon, hindi niya na maibaling sa iba ang kaniyang paningin.

“Zein, please, enough.” Hinila ni Zelda ang dalaga kaya nawala ang pagkahawak sa kaniya nito. Parang gusto niyang hapitin na lang ito at ikulong sa mga bisig niya. Gusto niyang malapit sa babae.

Ano bang nangyayari sa akin?

Napailing na lang siya sa isiping iyon. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoong damdamin. Pamilyar sa kaniya iyon pero ayaw niyang pangalanan. Broken hearted lang siya.

“Ano? Naiiling ka ngayon?” Tumitig siya kay Zein. Gusto niyang maapektuhan ito sa kaniyang mga simpleng titig pero hindi man lang ito nailang. “Problema sa’yo, naghahanap ka ng away. Matagal na kayong tapos ni Ate Zelda. Ano bang hindi mo maintindihan?”

“Lahat,” wala sa sariling tugon niya. Hindi niya nga alam kung para saan ang sagot na iyon. Gusto niya lang kausap ang babae at hayaan itong magsalita. Kahit bakas ang inis sa boses nito, parang musika pa rin sa kaniyang pandinig iyon.

“Zein, stop. Uuwi na ako. Just go inside.”

“Mabuti pa nga.” Matalim pa rin ang titig nito sa kaniya. “Kakalbuhin ko itong si Mang Tasyo na ito.” Dapat siyang mainis sa sinabi nito subalit bigla na lang may tipid na ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi. Yumuko na lang siya para hindi iyon mapansin ng dalawa.

“Zein, ano ba?”

“Don’t worry. Sige, sakay na.” Itinulak ni Zein si Zelda papasok ng kotse nito. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila ni Amos. Nakita niya ang disappointment sa mukha nito pero hindi niya na iyon masyadong inisip dahil si Zein ang mas higit na inisip niya nang mga sandaling iyon.

I love Zelda… but why I can’t take my eyes away from Zein?

Umalis na si Zelda kaya silang dalawa na lang ni Zein ang natira sa lugar na iyon. “Layas! Huwag mo nang guluhin si Ate pati na rin ako.”

“I can’t…”

Ang magulong buhok nito ay mas lalo nitong ginulo. Umusbong sa kaniya ang kagustuhang hawakan ang buhok nito ngunit bakit niya gagawin iyon? Kung gagawin niya iyon, mas lalo lang maiinis sa kaniya ang dalaga.

“Anong I can’t? Gusto mo talaga ng away?” nanghahamon nitong tanong.

“Anyway, you look… hot.” Napangisi siya nang makitang umawang ang bibig nito. Hindi siguro nito akalain na pupurihin niya ang hitsura nito sa gitna ng away nila. Nawala ang ngisi niya nang abutin ng dalaga ang tainga niya at piningot iyon. Napayuko siya palapit dito. Hindi pa nakontento at sinabunutan siya.

“Zeinab!”

“Aba! May gana ka pa talagang tawagin akong Zeinab. Gusto mo talagang masaktan, ha?”

Nagpatianod na lang siya nang hawakan nito ang damit niya at hinila siya papuntang sasakyan niya. Wala pa silang isang oras magkasama pero mukhang masisira na agad ang damit niya sa babae.

“Leave us alone. Layuan mo na si Ate! Layuan mo na rin ako!” Isasandal sana siya nito sa sasakyan pero naging maagap siya kaya ito ang naisandal niya. Inilapit niya ang mukha sa babae. Napangisi na naman siya nang pigil-hininga nitong sinalubong ang kaniyang nakalolokong tingin.

Sige, be nervous in my freaking presence.

“Layuan ka?” Mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Zein dahilan para suminghap ito. Nagkabanggaan na ang mga ilong nila. “I owe you an apology…” Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Hindi niya akalain na nagkaroon siya ng kagustuhang paglandasin ang kaniyang mga daliri sa mga labi nitong hindi nabahiran ng itim na kulay na kadalasan niyang makita sa dalaga.

“Enlighten me,” nauutal nitong utos subalit pilit pa rin nitong pinatigas ang tinig.

“I will not leave you.” Lumapit siya sa tainga nito at saka bumulong, “Never.”

Kaugnay na kabanata

  • Rain on Your Parade    Chapter 6: Dream Catcher

    Kanina pa nag-papractice ang banda ni Zein sa resto-bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit walang matinong practice ang banda dahil okupado ng ibang bagay ang isip ng dalaga. Ilang beses na siyang sinabihan ng drummer nila na si Wilson na umayos subalit para siyang first timer sa stage dahil nawala siya sa lyrics. Nagdesisyon ang mga ito na mag-break muna sila.“What’s your problem, Zein?” Naupo sa tabi niya si Lester. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa ng palda niya at sinubo iyon. “Come on, Zein. Tell me.”Umiling siya at pinalobo nang paulit-ulit ang bubble gum. “Wala akong problema.”“Wala? Are you sure? You look tense,” naghihinalang tanong nito. Nagpakawala si Zein ng malalim na hininga. Wala talaga siyang maitago kay Lester. Nakasanayan niya na kasing mag-bubble gum kapag tensiyonado. Paano ba namang hindi siya maging tensiyonado? Ang lapit ng mukha ni Amos sa kaniya kaninang umaga. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Hindi niya alam kung b

    Huling Na-update : 2022-08-30
  • Rain on Your Parade    Chapter 7: Si Batman

    Gusto pang matulog ni Amos sa kaniyang higaan dahil parang biniyak ang ulo niya nang umagang iyon. Nagtalukbong siya ng kumot ngunit hindi pa rin nawala ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Padabog siyang tumayo sa kaniyang kama pero pinagsisihan niya ang kilos na iyon nang bigla na namang sumakit ang ulo niya.Hindi na talaga ako maglalasing.Pumunta siya sa may pinto at agad na binuksan iyon. Parang gusto niyang manakal ng tao dahil sa nadatnan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya sa labas.“Amos, what’s up?” nakangiting tanong sa kaniya ni Corn.“Nananadya ba kayo? Dito pa talaga kayo nagtawanan sa labas ng kuwarto ko!”“Don’t worry. Next time, sa loob naman ng kuwarto mo,” si Huge na sobrang lawak ng ngisi.“I have a living area in this house. Bakit hindi kayo roon tumambay?”“Isn’t it obvious? We are waking you up, sleepyhead!” asik sa kaniya ni Huge. Inakbayan siya ng lalaki at hahalikan sana siya sa pisngi pero agad niyang inilagay ang palad niya sa mukha nito. Nagtawanan ang iba

    Huling Na-update : 2022-08-30
  • Rain on Your Parade    Chapter 8: Red Stain

    “What’s your plans for today, Bengut?” Iyon ang tanong ni Zein sa kaniyang kaibigan na si Yvette habang tumatakbo sa kahabaan ng Gamski street nang umagang iyon. Hindi niya naman nakahiligang mag-jogging. Talagang mapilit lang ang kaibigan niya at binulabog siya sa kaniyang bahay ng sobrang aga.“Mag-grocery,” tugon nito. “Ubos na ang stock sa bahay. Baka sabunin na ako ni Papsy.”“Sama na ako. Ubos na rin ang stock na binili para sa akin ni Ate Zelda.”“Binibisita ka pa pala ni Ate Zelda?” gulat nitong tanong.Tumango si Zein. Pinunasan niya ang pawis na tumulo sa kaniyang noo gamit ang face towel na hawak niya. Bahagya na siyang hiningal at pawis na rin ang likod niya. Pakiramdam niya tuloy ay basang-basa na ang sando niyang itim.Kumunot ang noo niya nang maramdamang wala na sa tabi niya si Yvette. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa likod. Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang kaibigan na parang stalker na sumilip mula sa isang malaking gate. Paatras siyang tumakbo. Hindi

    Huling Na-update : 2022-08-30
  • Rain on Your Parade    Chapter 9: Be My Girlfriend

    “Who are you?” Iyon ang tanong ni Amos kay Lester. Pinaupo silang dalawa ni Yvette sa dining table pero parang hindi siya tatagal kasama ito. Kung hindi lang siya pinigilan ni Zein, bugbog-sarado na ngayon ang lalaki.Ngumisi ito nang nakaloloko at bahagyang dumukwang sa lamesa. “Who are you too?” May bahid ng pang-uuyam sa boses nito.Umigting ang kaniyang panga. Hindi niya gusto ang presensiya ng lalaki sa kaniyang harapan. “How rude.” Hinawakan nito ang tainga. Katulad ni Zein, marami rin itong hikaw sa tainga. Kapag kay Zein ay wala siyang problema sa bagay na iyon. Sa lalaking kaharap niya ay marami siyang problema.He looks like an addict! Ganito ba ang mga type ni Zeinab?“Ikaw ang bastos,” wika nito sabay duro sa kaniya. “Ikaw ang nagsimula ng away at hindi ako.”Kumuyom ang mga kamao ni Amos. Hindi niya kayang makihalubilo pa sa lalaking kaharap. Paano pa kayang mag-lunch kasama ito? Baka maitapon niya lang ang pagkain sa lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas na sina Zein at

    Huling Na-update : 2022-08-30
  • Rain on Your Parade    Chapter 10: Oo Na

    Abala sa pag-strum ng strings ng electric guitar si Zein nang tinawag siya ng guard ng resto-bar. Bumaba siya agad sa stage at nilapitan ito. “Bakit po?”“May naghahanap sa’yo sa labas.”Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Wala naman siyang inasahang bisita. “Sino raw po?” muling tanong niya.Kinamot nito ang pisngi at ngumiwi. “Ayaw sabihin ang pangalan. Puntahan mo na lang daw siya.” Tumikhim ito at dumiretso ng tayo. “Manliligaw mo ba iyon, Zein?”Mariin niyang pinadaan sa buhok ang kaniyang mga daliri at umiling. “Wala po akong manliligaw.”“Hindi mo manliligaw ang batang iyon? Sayang, guwapo pa naman. Moreno at ang tikas ng katawan,” nakangising papuri ng guard. Ang mga mata nito ay parang nakakita ng mga sagot sa mga katanungan.Suminghap si Zein. Mukhang alam niya na kung sino ang tinukoy ng matanda. Mahigit dalawang buwan na ang nakaraan nang sinabi ng binata na liligawan siya nito at tinotoo nga ni Amos. Lagi siya nitong pinadalhan ng mga bulaklak sa bahay at ng kung ano-anon

    Huling Na-update : 2022-08-30
  • Rain on Your Parade    Chapter 11: Kiss Mark

    Kanina pang hinihintay ni Amos ang nobya sa labas ng gymnasium kung saan magaganap ang basketball game sa pagitan ng mga streets sa Kiki village. Tinawagan niya si Zein para siguraduhin ang pagpunta nito pero wala pa ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit big deal sa kaniyang nandoon ang babae sa laro niya pero isa lang ang sigurado niya. Gusto niyang lagi itong nakikita.Two weeks pa lang ang relasyon nila at wala pa naman silang naging problemang mabigat ni Zein. Totoo ang sinabi niyang gusto niyang kalimutan si Zelda at malaking tulong ang kaniyang nobya para magawa iyon kaya nagkaroon siya ng mithiing mas makilala pa ito. Masaya siya sa piling ng dalaga. Hindi niya tuloy naiwasang magkumpara. Mas masayang kasama si Zein kaysa sa kapatid nito. Walang limitasyon o kahit na anong pumigil sa kaniya para ipakita kung ano siya kapag kasama ito. Natural lang lahat ng pinakita niya samantalang noong sila pa ni Zelda, magandang katangian niya lang ang pinakita niya rito dahil inisip niyan

    Huling Na-update : 2022-08-30
  • Rain on Your Parade    Chapter 12: Lovers Quarrel

    Tawa nang tawa si Zein sa loob ng kotse ni Amos dahil kanina pa ito nakabusangot. Dapat ay nasa venue sila kung saan ginanap ang victory party para sa pagkapanalo ng Gamski street sa basketball game subalit nasa entrance pa lang sila, agad nag-ayang umuwi si Amos. Maganda naman ang salubong ng mga kaibigan ni Amos sa kanila pero nabigla na lang siya nang isa-isang sininghalan ng kasintahan ang mga kaibigan. Hindi nito matanggap na nabura ang kiss mark na ginawa niya kanina sa pisngi nito. Gigil na gigil ang kaniyang nobyo at gustong malaman kung sino ang may gawa ng bagay na iyon pero tinawanan lang ito ng mga kaibigan. “Tumigil ka na nga. Ang pangit mo na,” panunukso niya pero ganoon pa rin ang reaksiyon nito. Gusot na gusot ang mukha nito at diretso lang ang tingin sa daan. Mahina siyang tumawa. “Amos, kiss marks lang iyon. Para kang isip-bata.” Nanlaki ang mga mata nito na para bang isang napakalaking kamalian ang kaniyang mga sinabi. “Anong kiss mark lang? That’s the first time

    Huling Na-update : 2022-08-31
  • Rain on Your Parade    Chapter 13: The Sign

    Nagsalubong ang mga kilay ni Amos nang makitang full storage na ang gallery niya. Nakaupo lang siya sa pang-isahang sofa habang si Zein at ang kaniyang mommy ay nasa mahabang sofa sa living room. Ilang beses niyang kinuhanan ang kaniyang sarili pati na rin si Zein na abala sa pakikipag-usap sa kaniyang ina. Gusto niya kasing may maiwang alaala ang gabing iyon. Kahit gusto niyang habang buhay na manatili ang kiss mark ng kasintahan, wala siyang magagawa. Napangiti na lang siya at umiling.So gay... Tumayo si Amos at lumapit sa mga ito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang gumuhit na ngiti sa mga labi ni Zein habang pinagmamasdan ang mga larawan niya noong bata. Kinamot niya ang kaniyang kilay nang mas lumawak pa ang ngiti nito.“Mommy, pahiram ng camera mo.” Inagaw niya sa mga ito ang photo album at ipinatong iyon sa center table.“Baby, why?”“Mommy!” Kinusot niya na lang ang ilong niya. Hindi pa rin pala tumigil ang kaniyang ina sa pagtawag sa kaniya ng baby.“What?” mahinahong tanong nit

    Huling Na-update : 2022-09-01

Pinakabagong kabanata

  • Rain on Your Parade    Chapter 75: Last Chapter

    Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s

  • Rain on Your Parade    Chapter 74: Itatali

    “I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d

  • Rain on Your Parade    Chapter 73: Own Good

    Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum

  • Rain on Your Parade    Chapter 72: Childish

    Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp

  • Rain on Your Parade    Chapter 71: So Much

    “Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa

  • Rain on Your Parade    Chapter 70: No Hope

    Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy

  • Rain on Your Parade    Chapter 69: Hindi Niya na Alam

    Katatapos lang ng mainit na tagpo sa pagitan nina Amos at Zein nang magtanong sa kaniya ang dalaga nang saglit niyang ikina-estatwa. Sa daming maaalala nito, bakit iyon pa? Ayaw niyang maalala nito iyon. Malaki ang naging kasalanan niya sa babae noon. Humigpit ang hawak ni Zein sa kumot na nakatakip sa katawan niya. “Amos, I r-remember something. We had… s*x but you were… rough with me. I was crying because you… hurt me. H-hindi malinaw sa akin lahat pero… p-pakiramdam ko, you m-mistreated me.” Mabilis niyang sinapo ang mukha ng dalaga. “Z-zein…” “Tama ako, ’di ba? Nangyari sa atin iyon. You didn’t make love to me that time? I didn't remember love in your kisses and touches. You were mad.” Hinawakan ni Amos ang mga kamay ni Zein at hinalikan nang paulit-ulit. Nakatihaya ang dalaga sa kama, nakatulala sa kisame ng silid nila habang siya, panay ang paghingi ng tawad dito. Pinalambing niya ang boses sa pinakamalambing na magagawa niya. Ayaw niyang makahanap na naman ito ng rason para

  • Rain on Your Parade    Chapter 68: Nakaraan

    Natawa si Zein nang itinapat ni Sammy ang kamay sa sumisirit na fountain. Mabilis niya itong hinila mula roon at hinampas sa balikat. Alam niyang probinsiyano ang lalaki pero alam niya rin na hindi naman ito ignorante sa mga ganoong bagay. Trip lang talaga nitong patawanin siya, kahit mapahiya pa ito sa harap ng maraming tao. “Kapag nahuli tayo ng guard, paaalisin tayo sa mall.” Ngumuso si Sammy at inayos ang bag sa balikat. “Aysus, ipabili mo ’to sa asawa mo. Mayaman naman ’yon, e.” Napailing na lang si Zein at hinila si Sammy sa loob ng isang Japanese restaurant. Ini-order niya ang lahat ng klase ng pagkain. Natutuwa siyang makita ang curiosity sa mukha ni Sammy sa mga pagkaing bago sa mga mata nito. Kumakain sila ng tanghalian pero nagsalubong ang mga kilay ni Zein nang makita ang isang lamesa malapit sa kanila. May grupo ng mga lalaki kasi doon at lahat naka-hoodie at naka-shades. Tinanaw niya ang isang lalaki dahil pamilyar sa kaniya ang porma ng katawan nito pero sabay-sabay

  • Rain on Your Parade    Chapter 67: Lalaking may Manok

    Pangarap lang ni Amos noong magkaroon ng masayang pamilya—katulad ng pamilyang pinaranas sa kaniya ng mga magulang niya. Ang kaso, hindi niya inakalang pagdadaanan niya ang lahat ng iyon. Nang minahal niya si Zein, nasira lahat ng plano niya sa buhay. Kung tutuusin, hindi maganda ang dulot ni Zein sa kaniya. Palagi na lang siya nasasaktan. Muntik na siyang mabaliw. Muntik na niyang bawiin ang sariling buhay para lang makasama itong muli. Palagi siyang nagmamakaawang huwag siya nitong iwan. Palagi na lang siya ang talo pero wala. Mahal na mahal talaga ni Amos si Zein. Kahit anong mangyari, hindi na magbabago ang pagtingin niya para sa babae. “I love you so much, Zein.” Mas hinigpitan niya ang yakap sa babae at hinalikan ito sa noo. Payapa ang kalooban ni Amos kapag nakikitang mahimbing na natutulog ito sa kaniyang tabi. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Pakiramdam niya kasi, aalis na naman si Zein. Baka iwan na naman siya ng babae. Nang imulat ni Amos kahapon ang mga mata ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status