Kanina pa nag-papractice ang banda ni Zein sa resto-bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit walang matinong practice ang banda dahil okupado ng ibang bagay ang isip ng dalaga. Ilang beses na siyang sinabihan ng drummer nila na si Wilson na umayos subalit para siyang first timer sa stage dahil nawala siya sa lyrics. Nagdesisyon ang mga ito na mag-break muna sila.
“What’s your problem, Zein?” Naupo sa tabi niya si Lester. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa ng palda niya at sinubo iyon. “Come on, Zein. Tell me.”
Umiling siya at pinalobo nang paulit-ulit ang bubble gum. “Wala akong problema.”
“Wala? Are you sure? You look tense,” naghihinalang tanong nito.
Nagpakawala si Zein ng malalim na hininga. Wala talaga siyang maitago kay Lester. Nakasanayan niya na kasing mag-bubble gum kapag tensiyonado. Paano ba namang hindi siya maging tensiyonado? Ang lapit ng mukha ni Amos sa kaniya kaninang umaga. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya lalo nang sinabi nitong wala itong balak na lubayan siya. Ayaw niyang pansinin iyon pero mukhang hindi iyon biro sa binata.
Nagpanting ang mga tainga ni Zein kay Amos nang tawagin nitong malandi ang kaniyang ate pero hindi niya naman magawang magalit dito dahil alam niyang si Zelda ang mali. Siguro, nadala lang sa emosyon ang lalaki kaya nasabi nito ang mga ganoong salita.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Dapat ay ang ate niya ang kaniyang kinampihan subalit nakaramdam siya nang kakaiba kay Amos at hanggang maaari, gusto niyang itanggi iyon.
What should I do?
“Zein?”
Hindi niya namalayang natulala na pala siya dahil sa pag-iisip sa binata. Lumingon siya kay Lester at sumalubong sa kaniya ang nag-aalalang mukha nito. “I am okay. I am just… distracted.”
“Saan?”
Umiling si Zein. “Basta.”
“Okay…” Inabutan siya nito ng isang bottled water. Alam niyang may gusto pang itanong ang binata sa kaniya ngunit mas pinili na lang nitong kimkimin iyon.
“Pardon me. Hindi makapag-practice ang banda dahil sa akin.”
“Okay lang. Kilala mo naman si Wilson. Mainitin talaga ang ulo ng lalaking iyon. Iniisip niya lang ang banda natin.”
Malungkot siyang tumango pero gumaan ang pakiramdam niya nang bigla na lang siyang akbayan ni Lester at ginulo ang buhok niya dahilan para itulak niya ito nang malakas. Nadala ang binata kaya bumagsak ito sa sahig kasama ang upuan.
Natawa na lang si Zein nang magreklamo ito. Nakita niya rin mula sa stage sina Wilson at Agnes na tumawa dahil sa sinapit ni Lester. Parang lampang nilampaso sa sahig ang kaibigan niya.
“Ang lakas mong tumulak. Sigurado ka bang babae ka talaga?”
“Payat ka lang kasi!” asik niya rito.
“Payat pala, ha?”
Matunog na halakhakan na nagmula sa kanilang tatlo ang narinig sa resto-bar dahil sa ginawa ni Lester. Hinubad nito ang denim jacket at iwinagayway iyon sa ere. Sumayaw itong parang macho dancer at itinaas ang laylayan ng damit. Talagang lumapit pa ito sa kaniya para ipamukha ang maganda nitong katawan. Maganda naman ang katawan ng binata. Malapad din ang mga balikat dahil sa pagpunta sa gym paminsan-minsan.
But Amos is sexier than him…
Bigla na lang siyang napailing sa naisip. Traydor ang utak niya. Isama na ang damdamin niyang naguluhan dahil lang nasa paligid si Amos. Bakit niya pa ba ito inisip?
“Les, you’re seducing Zein too much,” natatawang wika ni Wilson.
Napalingon si Zein sa gawi ng mga ito at nakita niyang sobra ang ngisi ni Wilson habang si Agnes naman ay kumuha ng video. “Hey stop that!”
Tumawang muli si Lester. “Hindi nga effective, e.” Lumingon siya sa binata at ganoon na lang ang paglayo niya dahil ang lapit na pala talaga ng katawan nito sa kaniya.
“Kadiri ka na. Lumayo ka na!” singhal niya pero ang lalaki ay tuloy pa rin sa pagsayaw kahit walang tugtog.
“Kailan ka ba maaakit sa akin, Zein?”
Naguluhan siya sa tanong ni Lester. Ano iyong nakita niya sa mga mata nitong puno ng pagsumamo? Para saan? Seryoso ang tono nito pero patuloy pa rin naman sa paggiling kaya nawindang bigla ang utak niya. Nawala ang kaniyang duda nang bigla na lang itong tumawa at hinagis sa kaniyang mukha ang jacket nito. Agad niya iyong inalis sa kaniyang mukha at binato pabalik kay Lester.
“Sira ang ulo mo. Sagad!” Mahabang tawanan lang ang natanggap niya sa mga ito.
Pinagpatuloy na nila ang practice dahil ilang sandali pa ay buhay na naman ang gabi sa pagdating ng mga customer sa resto-bar. Naging maayos na siya. Pinilit niyang huwag munang isipin si Amos dahil distraction ang lalaki sa gawain niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang nakapag-perform sila nang maayos. Maraming customers kaya marami rin nag-request ng mga kanta pero ayos lang iyon dahil mahal niya naman ang musika. Kahit mapaos, walang kaso sa kaniya. Pauwi na sila kaya sabay-sabay na silang pumunta sa parking area ng resto-bar.
“Let’s… catch up tomorrow.” Sumakay ng motor si Lester. Nakauwi na si Wilson at Agnes kaya silang dalawa na lang ang natira sa lugar na iyon.
“Why?” kunot-noong tanong niya. Inilagay niya sa backseat ang kaniyang gitara bago humarap dito. Parang nagdalawang-isip itong sabihin kung bakit kaya hindi niya naiwasang magduda. “Don’t tell me… you still consider me to be your fake girlfriend?”
“No,” maagap nitong sagot. “I already fixed that problem.”
“Nice to hear that. So, what do you want now?” Nilaro lang nito ang salamin ng helmet nito. Natawa na lang siya dahil mukhang na-tense ang lalaki. “Mukhang ikaw yata ang may problema, Les.”
“Ha?” Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga ang binata. “I just want to… treat you.”
“Am I dreaming?” nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hinawakan niya pa ang noo at leeg nito para alamin kung may lagnat ito pero wala naman. Hindi naman ito nag-aaya ng walang dahilan. Siya pa nga ang naisahan nito sa usaping libre.
“Why? Masama bang ayain kitang kumain sa labas?”
Pabiro niya itong hinampas nang mahina sa likod. Siya pa ba ang tatanggi? Ito na ang manglilibre sa kaniya. “Syempre, hindi.”
Gumuhit ang pigil na ngiti sa mga labi ni Lester. “I’ll just pick you up tomorrow.”
“Ha? May kotse ako. Bakit mo ako susunduin? Ano? Sasakay ako sa motor mo?” sunod-sunod niyang tanong sa binata.
Inosenteng tumango naman ito. “It is a… date.”
“Kotse ko na lang ang gamitin natin. Isama na rin natin sina Agnes at Wilson.”
“What?” gulat nitong tanong. Nasa boses nito ang pagtutol. “It is just the two of us.”
Napangiwi siya. “Ganoon? Kulang ba ang panglibre mo kaya ako lang ang inaya mo?”
“Of course not,” mabilis nitong tugon pagkatapos ay ngumiti.
“Iyon naman pala. Isama na natin sila sa friendly date natin.”
“Friendly... date?” Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan iyon ng pagkadismaya.
Hindi tuloy niya maiwasang matawa dahil siguradong nanlumo ito nang malamang tatlo na ang ililibre nito. “Okay ka lang? Sige, don’t worry. Hahatian kita sa babayaran.”
Sinuot nito ang helmet at pinaandar ang motor nito. “Huwag na. Ako na ang magbabayad para sa ating apat. Tutal it is just… a friendly date.”
Naiwang puno ng pagtataka si Zein nang tuluyan nang umalis si Lester. “Ano bang problema ng lalaking iyon?”
Sasakay na sana siya sa kotse niya nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone. Bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita ang pangalang Mang Tasyo sa screen.
Bakit tumatawag na naman ang Mang Tasyo na ito?
Huminga muna siya ng malalim saka sinagot ang tawag. “Alam mo kung inaakala mong—”
“Hello, Miss Witch?”
Napaawang ang bibig niya sa boses ng lalaki sa kabilang linya. Tiningnan niya muli sa screen ng kaniyang cellphone ang caller at siguradong si Amos iyon subalit hindi ang binata ang kausap niya.
“Who are you? Why did you call me Miss Witch, huh?” May ideya na siya kung bakit ganoon ang tawag sa kaniya ng lalaking may hawak ng cellphone ni Amos pero ayaw niyang masyadong isipin dahil mas lalo lang siyang na-stress.
“Sorry po. Waiter po ako. Miss Witch po kasi ang nakalagay sa contact ni Sir at saka nakita ko po na kayo ang lagi niyang tinatawagan at nasa speed dial kaya kayo na lang din po ang tinawagan ko,” paliwanag nito.
Nagulo niya na lang ang buhok niyang katatali niya lang kanina dahil sa inis. “Bakit? Bakit ako ang nasa speed dial ng lalaking ’yan? Hindi ko kamag-anak ’yan! Ano bang nangyari?”
“Ma’am, hindi ko po alam kung bakit kayo ang nasa speed dial niya. Kayo na lang po ang magtanong kapag hindi na lasing. Simpleng waiter lang po akong may pangarap—”
“Stop!” Naitaas niya sa ere ang isang kamay at mariing napapikit. “You talk too much. Where is he?”
“Nandito po siya sa Granison Bar. Lasing na lasing po siya. Baka kung pwede po ay pakisundo na lang siya.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “What? Why me? Hindi ko kilala ’yan.”
“Po? Hindi ninyo po siya kilala pero tinatawagan niya po kayo all day and night. Baka naman may lovers quarrel lang po kayo. Kawawa naman po si Sir…”
Napabuga siya ng hangin. Hindi niya akalaing nabaling ang inis niya sa isang waiter dahil sa panunukso nito. “I can’t—”
“Pakisundo na lang po siya. May trabaho pa po kasi ako.”
Matabang siyang tumawa nang babaan siya ng waiter na iyon. Nagdabog muna siya bago sumakay sa kaniyang kotse at mas lalong ginulo ang kaniyang buhok.
Nagtalo ang isip niya kung susunduin niya ba si Amos o hindi. Kahit ayaw niya na itong makita, ayaw niya namang usigin siya ng konsensiya kapag may nangyaring masama sa lalaki. Tutal ay madadaanan niya rin naman ang bar, napagdesisyunan niyang daanan na lang ito.
Sumalubong sa kaniya ang maingay na musika sa dance floor. Buhay na buhay pa ang gabi sa bar na iyon dahil sa dami ng tao. Naglakad siya para hanapin ang pakay niya at nakita niya si Amos sa may bar counter. Nakasubsob ang mukha nito at mukhang bumagsak na talaga dahil sa kalasingan.
Nilapitan niya ito at niyugyog para magising. “Mang Tasyo, gumising ka nga.” Marahas na lang siyang napabuga ng hangin nang wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki.
“Ma’am, i-uwi ninyo na po si Sir. Kanina pa po siyang umiinom. Nasukahan niya pa nga po iyong isang babaeng kausap niya kanina, e,” biglang sabi ng waiter sa kaniyang harap.
Lasing na nga, nakuha pang makipagharutan.
Nailing siya at pilit itong tinunghay. Inilagay niya ang braso nito sa kaniyang balikat para alalayan ito. Gising naman ang lalaki. Sadyang wala lang sa huwisyo. Pasuray-suray silang maglakad palabas ng bar. Hindi sila makapaglakad nang maayos dahil parang unggoy si Amos kung makakapit kay Zein. Idagdag pa ang bigat ng lalaki. Gusto niya na itong iwan pero para naman siyang taong walang awa kapag nagkataon.
“Ano ba, Mang Tasyo? Kapag hindi ka tumigil, hindi talaga kita i-uuwi!” pasigaw niyang banta sa binata. Tumigil naman ito pero bigla na lang itong tumawa kahit wala namang dapat tawanan. Nakahinga nang maluwag si Zein nang makapunta sila sa kotse niya. Isinakay niya ito sa harap ng walang pag-iingat kaya nauntog ang ulo nito.
“Ah!”
“Ganyan ang mga napapala ng mga nalalasing. Ako pa talaga ang inistorbo mo?” sermon niya. Sumakay agad siya sa driver’s seat. Inabot niya sa binata ang bottled water na binigay sa kaniya ni Lester kanina.
Pinagmasdan niya muna ang lalaki pagkatapos niya itong alalayang uminom. Mukha talaga itong problemado. Hindi niya naman masisi si Amos kung magkaganoon ito dahil kay Zelda. Lahat na yata ng katangian ng isang babae na gusto ng isang lalaki ay nasa kaniyang ate. Mahirap pakawalan ang mga katulad ni Zelda. Hindi niya tuloy maiwasang maiinggit sa kaniyang ate. Ang daming nagkakagusto rito samantalang siya ay wala man lang manliligaw kahit isa.
Sinabi ng iba na maganda siya pero hindi niya makita iyon. Isa pa, hindi naman pisikal na anyo ang nagmamahal. Kung mahal talaga siya ng isang tao, mahal talaga. Wala ng dapat na rason pa.
“Zelda…”
Napailing siya. “Kalimutan mo na kasi si Ate.” Ikinabit niya ang seatbelt sa binata.
Habang nagda-drive papuntang village, gumulo sa kaniyang isipan si Amos. Hindi puwedeng lagi na lang itong manggulo sa kaniyang ate at pagkatapos ay maglalasing. Narinig niya ang lahat ng pagmamakaawa nito kay Zelda kaninang umaga. Hindi siya makapaniwalang may ganoong lalaki. May asawa na ang kaniyang ate pero ayaw pa rin pakawalan ng binata ang mga alaala nito sa kaniyang kapatid. Ayaw niyang makitang umiyak ang ate niya nang ganoon.
Dapat ay may gawin siya para hindi na magkasakitan ang dalawa. Mas lalala ang sitwasyon kung malalaman iyon ni Race. Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit pero ayaw niya rin masaktan si Amos. Naawa na siya rito. Iyon pa nga lang na pakikipaghiwalay ng kaniyang ate ay hindi nito matanggap, iyon pa kayang ipamukha pa lalo sa binata na wala na talagang pag-asa ito.
Ikinuwento sa kaniya ni Zelda ang totoong nangyari. Hindi niya maiwasang mainis noong una dahil talagang niloko talaga nito si Amos subalit nagmahal lang naman ito. Kahit masama ang ginawa nito sa dating nobyo, naintindihan niya pa rin ito. Ang mga ito lang din naman ang maghihirap kung ipinagpatuloy ang relasyong isa na lang ang nagmamahal.
“Alin ba ang bahay mo sa mga mansyon dito?” Hindi ito sumagot kaya inihinto niya ang sasakyan.
“Ibababa na lang kita sa kalsada.”
Bumaba siya ng sasakyan at inalalayan itong makababa. Kahit naman iniwan niya lang si Amos sa tabi-tabi, hindi naman siya ganoong kasama para hindi ito tulungan.
Ilang sandali pa ay may ilaw galing sa isang motor ang sumalubong sa kanila. Inalis nito ang helmet at lumapit sa kanila. Kumunot ang noo ni Zein. Pamilyar sa kaniya ang lalaki pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.
“Amos, you look sh*t.”
Nabuhayan ng loob ang dalaga nang mapagtanto na kilala nito si Amos. Sinenyasan niyang alalayan ang lalaki na ginawa naman nito. “Ihatid mo sa bahay nila. I don’t know where his house.”
“Thank you for taking care of him,” seryosong turan nito.
“Hindi ko inalagaan ’yan. Sinundo ko lang.”
“By the way, I am Barney. Lady, nice to see you again.”
Hindi niya napansin ang pagtawag sa kaniya nito ng lady dahil bigla na lang siyang natawa sa pangalan nito. Mukhang magkaibigan talaga ang dalawa; parehong may sira sa ulo.
Pabiro pa siyang suminghap. “Ah, you’re Barney?”
Tumango naman ito pagkatapos ay ngumiti. “Yes, I am Barney.”
Tatag! Inulit pa!
“Lakas amats natin, ’no?. Ako naman si Batman.” Tinapik niya pa ang balikat nito.
“Ha?” naguguluhan nitong tanong. “Uuwi ka na ba?”
Malakas siyang tumawa. “Bahala na si Batman.”
Iniwan ni Zein ang dalawa at sumakay sa kaniyang kotse. Habang nagmamaneho papuntang Mapski street, nakita niya ang isang kuwintas. Dream catcher iyon at naghalo ang matingkad na asul at itim na kulay sa kabuuan ng bagay na iyon. Bigla na lang gumuhit ang lungkot sa kaniyang mga labi.
Amostacy...
Gusto pang matulog ni Amos sa kaniyang higaan dahil parang biniyak ang ulo niya nang umagang iyon. Nagtalukbong siya ng kumot ngunit hindi pa rin nawala ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Padabog siyang tumayo sa kaniyang kama pero pinagsisihan niya ang kilos na iyon nang bigla na namang sumakit ang ulo niya.Hindi na talaga ako maglalasing.Pumunta siya sa may pinto at agad na binuksan iyon. Parang gusto niyang manakal ng tao dahil sa nadatnan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya sa labas.“Amos, what’s up?” nakangiting tanong sa kaniya ni Corn.“Nananadya ba kayo? Dito pa talaga kayo nagtawanan sa labas ng kuwarto ko!”“Don’t worry. Next time, sa loob naman ng kuwarto mo,” si Huge na sobrang lawak ng ngisi.“I have a living area in this house. Bakit hindi kayo roon tumambay?”“Isn’t it obvious? We are waking you up, sleepyhead!” asik sa kaniya ni Huge. Inakbayan siya ng lalaki at hahalikan sana siya sa pisngi pero agad niyang inilagay ang palad niya sa mukha nito. Nagtawanan ang iba
“What’s your plans for today, Bengut?” Iyon ang tanong ni Zein sa kaniyang kaibigan na si Yvette habang tumatakbo sa kahabaan ng Gamski street nang umagang iyon. Hindi niya naman nakahiligang mag-jogging. Talagang mapilit lang ang kaibigan niya at binulabog siya sa kaniyang bahay ng sobrang aga.“Mag-grocery,” tugon nito. “Ubos na ang stock sa bahay. Baka sabunin na ako ni Papsy.”“Sama na ako. Ubos na rin ang stock na binili para sa akin ni Ate Zelda.”“Binibisita ka pa pala ni Ate Zelda?” gulat nitong tanong.Tumango si Zein. Pinunasan niya ang pawis na tumulo sa kaniyang noo gamit ang face towel na hawak niya. Bahagya na siyang hiningal at pawis na rin ang likod niya. Pakiramdam niya tuloy ay basang-basa na ang sando niyang itim.Kumunot ang noo niya nang maramdamang wala na sa tabi niya si Yvette. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa likod. Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang kaibigan na parang stalker na sumilip mula sa isang malaking gate. Paatras siyang tumakbo. Hindi
“Who are you?” Iyon ang tanong ni Amos kay Lester. Pinaupo silang dalawa ni Yvette sa dining table pero parang hindi siya tatagal kasama ito. Kung hindi lang siya pinigilan ni Zein, bugbog-sarado na ngayon ang lalaki.Ngumisi ito nang nakaloloko at bahagyang dumukwang sa lamesa. “Who are you too?” May bahid ng pang-uuyam sa boses nito.Umigting ang kaniyang panga. Hindi niya gusto ang presensiya ng lalaki sa kaniyang harapan. “How rude.” Hinawakan nito ang tainga. Katulad ni Zein, marami rin itong hikaw sa tainga. Kapag kay Zein ay wala siyang problema sa bagay na iyon. Sa lalaking kaharap niya ay marami siyang problema.He looks like an addict! Ganito ba ang mga type ni Zeinab?“Ikaw ang bastos,” wika nito sabay duro sa kaniya. “Ikaw ang nagsimula ng away at hindi ako.”Kumuyom ang mga kamao ni Amos. Hindi niya kayang makihalubilo pa sa lalaking kaharap. Paano pa kayang mag-lunch kasama ito? Baka maitapon niya lang ang pagkain sa lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas na sina Zein at
Abala sa pag-strum ng strings ng electric guitar si Zein nang tinawag siya ng guard ng resto-bar. Bumaba siya agad sa stage at nilapitan ito. “Bakit po?”“May naghahanap sa’yo sa labas.”Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Wala naman siyang inasahang bisita. “Sino raw po?” muling tanong niya.Kinamot nito ang pisngi at ngumiwi. “Ayaw sabihin ang pangalan. Puntahan mo na lang daw siya.” Tumikhim ito at dumiretso ng tayo. “Manliligaw mo ba iyon, Zein?”Mariin niyang pinadaan sa buhok ang kaniyang mga daliri at umiling. “Wala po akong manliligaw.”“Hindi mo manliligaw ang batang iyon? Sayang, guwapo pa naman. Moreno at ang tikas ng katawan,” nakangising papuri ng guard. Ang mga mata nito ay parang nakakita ng mga sagot sa mga katanungan.Suminghap si Zein. Mukhang alam niya na kung sino ang tinukoy ng matanda. Mahigit dalawang buwan na ang nakaraan nang sinabi ng binata na liligawan siya nito at tinotoo nga ni Amos. Lagi siya nitong pinadalhan ng mga bulaklak sa bahay at ng kung ano-anon
Kanina pang hinihintay ni Amos ang nobya sa labas ng gymnasium kung saan magaganap ang basketball game sa pagitan ng mga streets sa Kiki village. Tinawagan niya si Zein para siguraduhin ang pagpunta nito pero wala pa ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit big deal sa kaniyang nandoon ang babae sa laro niya pero isa lang ang sigurado niya. Gusto niyang lagi itong nakikita.Two weeks pa lang ang relasyon nila at wala pa naman silang naging problemang mabigat ni Zein. Totoo ang sinabi niyang gusto niyang kalimutan si Zelda at malaking tulong ang kaniyang nobya para magawa iyon kaya nagkaroon siya ng mithiing mas makilala pa ito. Masaya siya sa piling ng dalaga. Hindi niya tuloy naiwasang magkumpara. Mas masayang kasama si Zein kaysa sa kapatid nito. Walang limitasyon o kahit na anong pumigil sa kaniya para ipakita kung ano siya kapag kasama ito. Natural lang lahat ng pinakita niya samantalang noong sila pa ni Zelda, magandang katangian niya lang ang pinakita niya rito dahil inisip niyan
Tawa nang tawa si Zein sa loob ng kotse ni Amos dahil kanina pa ito nakabusangot. Dapat ay nasa venue sila kung saan ginanap ang victory party para sa pagkapanalo ng Gamski street sa basketball game subalit nasa entrance pa lang sila, agad nag-ayang umuwi si Amos. Maganda naman ang salubong ng mga kaibigan ni Amos sa kanila pero nabigla na lang siya nang isa-isang sininghalan ng kasintahan ang mga kaibigan. Hindi nito matanggap na nabura ang kiss mark na ginawa niya kanina sa pisngi nito. Gigil na gigil ang kaniyang nobyo at gustong malaman kung sino ang may gawa ng bagay na iyon pero tinawanan lang ito ng mga kaibigan. “Tumigil ka na nga. Ang pangit mo na,” panunukso niya pero ganoon pa rin ang reaksiyon nito. Gusot na gusot ang mukha nito at diretso lang ang tingin sa daan. Mahina siyang tumawa. “Amos, kiss marks lang iyon. Para kang isip-bata.” Nanlaki ang mga mata nito na para bang isang napakalaking kamalian ang kaniyang mga sinabi. “Anong kiss mark lang? That’s the first time
Nagsalubong ang mga kilay ni Amos nang makitang full storage na ang gallery niya. Nakaupo lang siya sa pang-isahang sofa habang si Zein at ang kaniyang mommy ay nasa mahabang sofa sa living room. Ilang beses niyang kinuhanan ang kaniyang sarili pati na rin si Zein na abala sa pakikipag-usap sa kaniyang ina. Gusto niya kasing may maiwang alaala ang gabing iyon. Kahit gusto niyang habang buhay na manatili ang kiss mark ng kasintahan, wala siyang magagawa. Napangiti na lang siya at umiling.So gay... Tumayo si Amos at lumapit sa mga ito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang gumuhit na ngiti sa mga labi ni Zein habang pinagmamasdan ang mga larawan niya noong bata. Kinamot niya ang kaniyang kilay nang mas lumawak pa ang ngiti nito.“Mommy, pahiram ng camera mo.” Inagaw niya sa mga ito ang photo album at ipinatong iyon sa center table.“Baby, why?”“Mommy!” Kinusot niya na lang ang ilong niya. Hindi pa rin pala tumigil ang kaniyang ina sa pagtawag sa kaniya ng baby.“What?” mahinahong tanong nit
Pagkalabas ng banyo ni Zein, biglang tumunog ang cellphone niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya kaya inayos niya iyon para hindi mahulog. Dinampot niya mula sa ibabaw ng kama niya ang cellphone at tiningnan ang message ni Amos. What should I wear?Natawa si Zein nang mahina. Sasama si Amos sa kaniya mamaya sa resto-bar. Ipakikilala niya na kasi ito sa kaniyang mga kaibigan dahil si Yvette pa lang ang nakaalam ng relasyon nila. Napangiti siya nang maalala ang reaksiyon nito nang sinabi niyang handa na siyang ipakilala ito sa mga kaibigan niya. Nataranta ang lalaki at panay ang tanong kung anong magandang suotin at dalhin sa mga ito. Tila haharap ito sa pinakaimportanteng tao sa bansa dahil sa naging asal kahapon. Tumipa si Zein sa keyboard ng kaniyang cellphone. Mag-gown ka!Inilapag ulit ni Zein sa kama ang cellphone. Kinuha niya ang blower at sinimulang patuyuin ang buhok. Nang matuyo ang buhok niya, pumunta siya sa cabinet niya at naghanap ng damit na masusuot. Isang gray na v-nec
Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s
“I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d
Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum
Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp
“Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa
Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy
Katatapos lang ng mainit na tagpo sa pagitan nina Amos at Zein nang magtanong sa kaniya ang dalaga nang saglit niyang ikina-estatwa. Sa daming maaalala nito, bakit iyon pa? Ayaw niyang maalala nito iyon. Malaki ang naging kasalanan niya sa babae noon. Humigpit ang hawak ni Zein sa kumot na nakatakip sa katawan niya. “Amos, I r-remember something. We had… s*x but you were… rough with me. I was crying because you… hurt me. H-hindi malinaw sa akin lahat pero… p-pakiramdam ko, you m-mistreated me.” Mabilis niyang sinapo ang mukha ng dalaga. “Z-zein…” “Tama ako, ’di ba? Nangyari sa atin iyon. You didn’t make love to me that time? I didn't remember love in your kisses and touches. You were mad.” Hinawakan ni Amos ang mga kamay ni Zein at hinalikan nang paulit-ulit. Nakatihaya ang dalaga sa kama, nakatulala sa kisame ng silid nila habang siya, panay ang paghingi ng tawad dito. Pinalambing niya ang boses sa pinakamalambing na magagawa niya. Ayaw niyang makahanap na naman ito ng rason para
Natawa si Zein nang itinapat ni Sammy ang kamay sa sumisirit na fountain. Mabilis niya itong hinila mula roon at hinampas sa balikat. Alam niyang probinsiyano ang lalaki pero alam niya rin na hindi naman ito ignorante sa mga ganoong bagay. Trip lang talaga nitong patawanin siya, kahit mapahiya pa ito sa harap ng maraming tao. “Kapag nahuli tayo ng guard, paaalisin tayo sa mall.” Ngumuso si Sammy at inayos ang bag sa balikat. “Aysus, ipabili mo ’to sa asawa mo. Mayaman naman ’yon, e.” Napailing na lang si Zein at hinila si Sammy sa loob ng isang Japanese restaurant. Ini-order niya ang lahat ng klase ng pagkain. Natutuwa siyang makita ang curiosity sa mukha ni Sammy sa mga pagkaing bago sa mga mata nito. Kumakain sila ng tanghalian pero nagsalubong ang mga kilay ni Zein nang makita ang isang lamesa malapit sa kanila. May grupo ng mga lalaki kasi doon at lahat naka-hoodie at naka-shades. Tinanaw niya ang isang lalaki dahil pamilyar sa kaniya ang porma ng katawan nito pero sabay-sabay
Pangarap lang ni Amos noong magkaroon ng masayang pamilya—katulad ng pamilyang pinaranas sa kaniya ng mga magulang niya. Ang kaso, hindi niya inakalang pagdadaanan niya ang lahat ng iyon. Nang minahal niya si Zein, nasira lahat ng plano niya sa buhay. Kung tutuusin, hindi maganda ang dulot ni Zein sa kaniya. Palagi na lang siya nasasaktan. Muntik na siyang mabaliw. Muntik na niyang bawiin ang sariling buhay para lang makasama itong muli. Palagi siyang nagmamakaawang huwag siya nitong iwan. Palagi na lang siya ang talo pero wala. Mahal na mahal talaga ni Amos si Zein. Kahit anong mangyari, hindi na magbabago ang pagtingin niya para sa babae. “I love you so much, Zein.” Mas hinigpitan niya ang yakap sa babae at hinalikan ito sa noo. Payapa ang kalooban ni Amos kapag nakikitang mahimbing na natutulog ito sa kaniyang tabi. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Pakiramdam niya kasi, aalis na naman si Zein. Baka iwan na naman siya ng babae. Nang imulat ni Amos kahapon ang mga mata ni