Kalansing na nagmula sa pinagdikit na mga baso at mga kubyertos ang pumuno ng ingay sa buong event hall kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Zelda. Ilang sandali pa, naglapat ang mga labi ng bride at ng asawa nito.
Matabang ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Amos sa tagpong iyon. Diretso niyang ininom ang red wine at pabalang na ipinatong ang wine glass sa lamesa.
That should be me...
Matalim ang tingin ng binata sa asawa ni Zelda. Dapat siya ang nasa posisyon ng mang-aagaw na si Race. Masyado siyang naging kampante sa relasyon ng babae noon kaya hindi niya namalayang naibaling na pala nito ang pagmamahal kay Race. Mahal niya ang babae. Alam ni Amos na nasaktan siya pero hindi siya umiyak. Marahil, ang ego niya lang bilang lalaki ang nasaktan. Bakit ba siya bitter ngayon at plastic sa mismong kasal ng ex-girlfriend niya? Iyon ay dahil hindi niya matanggap ang katotohanang ang babaeng minsan niyang naisipang alukin ng kasal ay nagpakasal na sa ibang lalaki.
“Amos, let’s go,” paanyaya sa kaniya ng kaibigan niyang si Barney.
“Look at yourself. Pulang-pula na ang mukha mo. Alam kong may tama ka na sa iniinom mo.”
“Just wait, Barney. Wala pa ang cake na ako mismo ang nag-bake.”
Napailing na lang si Barney sa sinabi ni Amos. Paano ba namang hindi madismaya ang kaibigan? Ampalaya flavor lang naman ang nilagay ni Amos sa cake sa halip na vanilla flavor. Bitter na kung bitter pero gusto lang ni Amos iparating na hindi niya gusto ang nangyaring kasalan.
Napukaw ang atensiyon ng binata nang pumasok ang isang babae sa entrance ng event hall. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito sa suot nitong light pink dress na off-shoulder ang style. Nakaladlad ang tuwid na tuwid nitong buhok na kulay ash gray. Matangkad ito at kasingputi ng nyebe ang kutis nito. Maliit ang mukha at talagang maganda ang babae ngunit nakasira lang sa hitsura nito ang kulay itim nitong mga labi. Parang sadyang pinudpod ang lipstick para paitimin iyon. Nagmukha tuloy itong magandang mangkukulam.
Hindi alam ni Amos kung bakit hindi niya natanggal ang tingin sa dalaga. Bahagya siyang napatalon sa kaniyang kinauupuan nang makita itong papunta sa gawi niya. Hindi alam ng binata kung bakit ganoon na lang ang epekto sa kaniya ng dalaga. Natulala na lang siya nang huminto ito sa harapan niya.
“May nakaupo ba sa tabi mo? Can I sit beside you?” ang tanong ng babae habang tamad na tamad sa pagnguya ng chewing gum.
Alam ni Amos sa kaniyang sarili na hindi pa siya lasing pero para na siyang nalasing sa presensiya nito. Nasasamyo niya ang pangbabaeng pabango ng dalaga at talagang ayaw niya na iyong umalis sa pang-amoy niya.
So addicting...
“Boy, tinatanong kita,” inis na pahayag ng babae kay Amos pero ang binata, hindi man lang natinag. Patuloy pa rin siyang nakatitig.
“You can… sit there. Wala namang nakaupo.” Si Barney na lang ang kumausap sa dalaga dahil parang namaligno si Amos ng mga sandaling iyon.
“Thank you,” matabang na sagot nito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito. Ilang sandali pa ay nabalik na sa huwisyo si Amos.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Nakataas ang isang kilay na humarap sa kaniya ang babae. “Amostacio Reolonda but you can call me Amos.” Inilahad niya ang kamay niya pero hindi nito tinanggap kaya binaba niya na lang. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti subalit umasim ang mukha nito.
“Zein,” tipid nitong sagot.
Tumaas ang sulok ng labi ni Amos. “So, kamag-anak ka ba ng newlyweds? I assumed sa part ka ng groom. Ngayon lang kasi kita nakita.”
Umirap ang dalaga sa kaniya. “The bride is my older sister.” Nabigla si Amos sa sinabi ng babae. Hindi niya inaakala na ang Zein na kaharap niya ngayon ay siya palang Zeinab na nakababatang kapatid ni Zelda.
Noong sila pa ng ex-girlfriend niya, palagi nitong ikinuwento sa kaniya ang bunsong kapatid na nasa Japan. Ngayon niya lang ito nakaharap kaya marahil ay hindi kilala ni Zein si Amos bilang dating nobyo ng Ate Zelda nito.
“So, your Zeinab Agiw?” gulat na gulat na tanong ng binata.
“Puwede ba? Huwag mo akong tawaging Zeinab. Are we close? How did you know my whole name?”
“I am your sister’s boyfriend.”
Pinalobo ni Zein ang chewing gum at nang pumutok ay ipinasok nito ulit sa bibig gamit ang mga labi nito. “Boy, ako ba, niloloko mo? Sira yata ang ulo mo. Are you the groom of my Ate Zelda?”
Kinamot ni Amos ang kaniyang isang kilay. “Okay, I am sorry. What I mean is... your sister’s ex-boyfriend.”
Mahinang natawa ang babae. “Boy, linawin mo kasi.”
Nagpanting ang mga tainga ng binata sa paulit-ulit nitong pagtawag ng “Boy” sa kaniya gayong sinabi niya naman ang kaniyang pangalan. Umusbong ang iritasiyon sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang komprontahin ito. “Don’t call me that kind of endearment. I already told my name.”
Ngumisi nang mapang-asar si Zein. “Sige po, Mang Tasyo.”
Ang kaninang iritasiyon ay napalitan ng inis dahil sa sinabi ni Zein sa kaniya. Ang pangalan niya ay mula pa sa kaniyang mga lolo at pinag-isipan nang mabuti para sa guwapo niyang mukha pagkatapos ay tinawag lang siya ng isang Agiw na Mang Tasyo?
How dare her to call me Mang Tasyo?
Sasagutin niya pa sana ang babae subalit napatigil siya nang marinig ang palakpakan ng mga tao. Nawala ang atensiyon niya kay Zein at sinundan ng tingin ang four layers wedding cake na hiniwa ng newlyweds. Ngiting-tagumpay ang sumilay sa mga labi ni Amos.
“Finally!” ang naibulalas niya. Umalpas ang mahinang tawa mula sa kaniyang bibig nang tikman ng mga ito ang wedding cake. Kitang-kita sa hitsura ng mga itong hindi nagustuhan ang lasa ng cake. Parang gusto na lang iluwa ni Race ang cake ngunit hindi nito magawa dahil may nakatutok na camera. Pigil na pigil naman sa pagtawa si Amos nang humarap ang dalawa sa camera at parehong nakangiwi.
“I think this is a bad idea. Umalis na tayo, Amos,” bulong sa kaniya ni Barney.
“I am not yet done, Barney.” Tumayo si Amos at pumunta sa sound system kung saan tumutugtog ang banda para sa kasal. Lumikha ng nakabibinging ingay ang microphone nang marahas niyang kinuha iyon. Napatingin sa kaniya ang lahat, maging ang bagong kasal.
Tumingin siya kay Zelda at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Congratulations, newlyweds. Did you like the wedding cake that I baked?” Tumalim ang tingin sa kaniya ni Race pero matunog lang na tumawa si Amos. “Oh, come on! I know that’s tastes really... really good.
“Before this day ends, I would like to give my present to this couple. If they did not hurt me, there’s no wedding between Zelda and Race.” Si Amos lang ang tumawa sa birong iyon. Gusto na siyang sugudin ni Race pero pinigilan lang ito ng asawa nito.
Bumulong si Amos sa babaeng nasa tapat ng keyboard. Umiling ito nang marinig ang gustong tugtog ng binata pero wala rin itong nagawa nang samaan niya ito ng tingin. Marunong siyang mag-piano subalit hindi niya sasayangin ang talento niya para sa isang pagdiriwang na hindi niya gusto.
Biruin mo na ang bagong gising, huwag lang ang malapit nang malasing. Pagdating kay Amos, baliktad ang kasabihang iyon. Sino ba naman kasing matinong aawit ng kantang pangpatay sa isang kasal? Si Amos lang iyon.
Pumailanlang ang intro ng kanta. Narinig niya ang singhap ng mga bisita pero wala siyang pakialam. Gusto niyang iparating na nasaktan siya ng dalawang taong bida sa araw na iyon. Pumikit na lang siya. Aawitin niya na sana ang unang verse nang may mala-anghel na boses ang sumira sa kaniyang plano.
“I keep staring at my silent phone…”
Kasabay ng lirikong iyon ang magaan na pag-strum sa strings ng gitara. Dumilat siya at natagpuan niya ang sarili niyang nakatingin kay Zein na nasa tabi niya na pala. Kung gaano ka-sweet ang boses nito, ganoon naman katalim ang mga tingin nito sa kaniya ngunit wala siyang pakialam. Katulad kanina, para na naman siyang namaligno.
“Now, I guess this is the sign of my love…”
Hanggang sa natapos na ang kanta, hindi pa rin tinigilan ni Amos ang pagtitig sa mukha ni Zein. Ang mga kilay nitong medyo makakapal ay parang nanghalina sa kaniyang padaanin ang kaniyang daliri roon. Ang mga mata nitong malalamlam na puno ng emosyon ay tila hinukay ang damdaming hindi niya pa naramdaman. Ang pisngi nitong umangat nang ngumiti ito ay hinikayat siyang pisilin iyon.
So beautiful…
“I composed that song. Congratulations, Ate Zelda. Be happy with Kuya Race.”
Kaya nang hilahin siya ni Zein palabas, nagpatianod lang siya. “You went to my sister’s wedding just to ruin it? Hindi ka na lang sana pumunta kung bitter ka pa pala.”
Saka lang nabalik sa katinuan si Amos. Maloko siyang ngumisi. “Masisisi mo ba ako? Sinaktan nila ako.”
Humalukipkip ang dalaga at umirap. “Do you think I care?”
“You know…” Dinuro ni Amos ang dalaga pero mahina itong tumawa.
“You know what?”
“Such a bad woman!” pigil ang hiningang singhal niya kay Zein.
“Excuse me?” Itinuro ng dalaga ang sarili nito. “Sino ba sa atin ang muntik nang kumanta ng pangburol na song sa isang kasal?”
“You called me Mang Tasyo!”
“Mang Tasyo ka naman talaga, Mr. Amostacio Reolonda,” nang-iinis na sabi nito.
“Bakit ka ba nangingialam?”
Inilagay nito ang dulo ng dila sa loob ng pisngi at naiiritang tumingin kay Amos. “What do you want? Nasira mo na nga ang reception ni Ate Zelda.”
“Yes and you ruined my plan!”
“Because you ruined my sister’s wedding! I couldn’t help but to be angry with you now that you’re a hindrance to my sister’s happiness.” Kumuha ito ng barya sa purse nito at inabot sa binata.
“Two pesos! Para saan ito?” Nanlaki ang mga matang tanong ni Amos.
“Buy sugar. Kasya na ’yan basta tingi-tingi lang ang bilhin mo. You’re such a bitter man.” Nakuha pang ngumiti ng dalaga.
Napaawang na lang ang bibig ni Amos. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Zein. “Marami akong asukal. Sako-sako pa!” sigaw ng binata kahit imposible na iyong marinig ni Zein dahil naglakad na ito pabalik sa reception.
Nakusot na lang ni Amos ang kaniyang ilong. Hindi niya akalain na ganoon ang ugali ng dalaga. Hindi yata alam ng bunsong kapatid ni Zelda na isa siyang kilalang pastry chef sa bansa. Siya lang naman ang natatanging tagapagmana ng Reolonda’s Group of Companies.
Ang Reo’s Bakeshop ay gumagawa ng masasarap na pastries na nagmula pa sa kanilang mga ninuno ang recipes. May iba’t-ibang branches hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa labas ng bansa kaya siguradong sikat siya sa industriya ng business. Hindi lang siya basta isang pastry chef. Isa rin siyang successful entrepreneur sa edad na dalawampu’t walo.
Napatingin na lang si Amos sa dalawang piso na nasa kaniyang palad. Matabang siyang tumawa. Nang mga oras lang na iyon siya nakakilala ng babaeng binigyan siya ng barya para bumili ng asukal dahil lang sa bitter siya. Hindi niya kailangan pang bumili dahil maraming supplies ang bakeshops. Masyado siyang nainsulto sa ginawa ng babae.
“Dude, nakakahiya ka!” Lumabas na pala ng event hall ang kaibigan niyang si Barney.
Nagsalubong ang mga kilay ni Amos. “Hindi nga natuloy. She rain on my parade.”
“Just be thankful, Amos. Niligtas ka niya sa kahihiyan.”
“No!” asik niya. “Hindi ako magiging thankful sa ginawa niya. She’s a witch.”
Mahinang natawa si Barney sa reaksiyon niya. “A beautiful witch.” Tama naman ang sinabi ng kaibigan. Maganda talaga si Zein pero natabunan ng inis ang lahat ng mga papuri niya para sa dalaga.
Nakahinga nang maluwag si Zein nang marating niya ang Kiki village. Kagagaling niya lang sa kasal ng kaniyang Ate Zelda at talagang napagod siya dahil pagka-uwi niya galing Japan ay dumiretso agad siya sa isa sa pinakamasayang araw ng kaniyang ate. Wala pa siyang pahinga. Ang tanging pahinga niya lang ay nang kunin niya ang kaniyang sasakyan at magpalit ng damit sa kanilang bahay bago pumunta kanina sa kasal. Nakapapagod at idagdag pa ang lalaking bitter kanina na si Mang Tasyo pero palalagpasin ba naman niya ang pagkakataong makita ang kapatid na nakasuot ng traje de boda? Silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay at hindi niya matitiis na hindi ito makitang naglalakad sa altar.Simula nang mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa isang ambush, si Zelda na ang tumayong kaniyang nanay at tatay. Tanging ang naiwan na lang sa kanila ng mga magulang nila ay ang bahay sa Mapski Street. Baon na pala sa utang nang mga panahong iyon ang pamilya nila.Kaya ang ate ni Zein na si Zelda an
“Yaya, aray!” Hindi mapigilan ni Amos na mapadaing habang nilalagyan ng ointment ng kaniyang Yaya Tasing ang mga sugat niya sa likod. Gasgas lang naman kung tutuusin ang mga iyon. Talagang masakit lang dahil marami siyang natamo.“Saan mo ba nakuha ang mga sugat na ito? Ikaw talagang bata ka! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” tanong nito sa tono nang panenermon.“I don’t know. Ouch! Dahan-dahan naman.”Inabot sa kaniya ng matanda ang ice pack at idinampi niya iyon sa bukol ng kaniyang noo. Hindi lang iyon, pagkatingin niya sa salamin kanina, nakita niya ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.Where did I get this wounds?Pilit inalala ni Amos kung ano ba ang nangyari sa kaniya pero ang huli niya lang natatandaan ay nang dalhin siya ni Barney sa bahay ni Zelda. Alam niya ng mga oras na iyon na may tama na siya ng alak kaya pinabayaan na lang siya ng kaniyang kaibigan sa gusto niyang gawin, tutal ay safe naman sa village.“Bakit ka ba naglasing, Amos?”“Just to escape…”Bumuntong-hininga
Paulit-ulit na tinapik ni Zein ang lamesa gamit ang kaniyang mga daliri habang kausap si Lester sa cellphone. Wala silang gig sa araw na iyon kaya nabo-boring siya pero wala naman siya sa mood lumabas ng bahay.“Come on, Zein. Come with me. I am going to Bicol,” pangungumbinsi sa kaniya ni Lester. Ginulo niya na lang ang buhok niya dahil sa kakulitan nito. Matagal niya na itong kaibigan. High school pa lang sila nang magkakilala sila. Ito rin ang bassist nila kaya sa lahat ng mga kabanda niya, si Lester ang pinakamalapit sa kaniya.“Then what? You will introduce me as your girlfriend? No way!”“Please, gusto nila akong ipakasal sa kinakapatid ko. Maldita naman ang babaeng iyon. I can’t imagine myself building a family with her.” Nahimigan ni Zein ang kawalan ng pag-asa sa lalaki.“Mag-isip ka nga. If you introduce me as your girlfriend to your parents, they will not like me for you. I swear, I am not the type of girl na magugustuhan nila.”“Magugustuhan ka nga nila,” giit nito. “You’
Hinubad ni Amos ang kaniyang hairnet at apron pagkatapos niyang malagay sa oven ang mga tinapay na ibebenta nila sa araw na iyon. Ganoon lagi ang gawain niya tuwing umaga sa bakeshop dahil kadalasang umaga bumibili ng mga tinapay ang customers. Sinigurado nilang bago ang mga produkto nilang pagkain kaya busy talaga siya tuwing umaga at kapag busy siya, alam ng kaniyang mga tauhan na ayaw niyang may istorbo sa kaniya. Passion ang baking kaya dapat nandoon ang buong oras at atensiyon. Iyon ang palaging bilin niya sa pastry chefs sa ibang branches ng Reo’s Bakeshop para hindi mawala ang kalidad at lasang pinatatag ng iba’t-ibang henerasyon ng kanilang pamilya.“Adrian, ikaw na ang bahala sa mga tinapay,” bilin niya sa kaniyang assisstant chef.Pagkalabas niya ng kitchen, sumalubong sa kaniya ang kaniyang secretary. “Sir, your father wants to talk to you about the deal with Mr. Stewart.”Tumango si Amos. Mabuti na lang, nai-close niya na ang deal kay Mr. Stewart. Hindi siya pine-pressure
Kanina pa nag-papractice ang banda ni Zein sa resto-bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit walang matinong practice ang banda dahil okupado ng ibang bagay ang isip ng dalaga. Ilang beses na siyang sinabihan ng drummer nila na si Wilson na umayos subalit para siyang first timer sa stage dahil nawala siya sa lyrics. Nagdesisyon ang mga ito na mag-break muna sila.“What’s your problem, Zein?” Naupo sa tabi niya si Lester. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa ng palda niya at sinubo iyon. “Come on, Zein. Tell me.”Umiling siya at pinalobo nang paulit-ulit ang bubble gum. “Wala akong problema.”“Wala? Are you sure? You look tense,” naghihinalang tanong nito. Nagpakawala si Zein ng malalim na hininga. Wala talaga siyang maitago kay Lester. Nakasanayan niya na kasing mag-bubble gum kapag tensiyonado. Paano ba namang hindi siya maging tensiyonado? Ang lapit ng mukha ni Amos sa kaniya kaninang umaga. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Hindi niya alam kung b
Gusto pang matulog ni Amos sa kaniyang higaan dahil parang biniyak ang ulo niya nang umagang iyon. Nagtalukbong siya ng kumot ngunit hindi pa rin nawala ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Padabog siyang tumayo sa kaniyang kama pero pinagsisihan niya ang kilos na iyon nang bigla na namang sumakit ang ulo niya.Hindi na talaga ako maglalasing.Pumunta siya sa may pinto at agad na binuksan iyon. Parang gusto niyang manakal ng tao dahil sa nadatnan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya sa labas.“Amos, what’s up?” nakangiting tanong sa kaniya ni Corn.“Nananadya ba kayo? Dito pa talaga kayo nagtawanan sa labas ng kuwarto ko!”“Don’t worry. Next time, sa loob naman ng kuwarto mo,” si Huge na sobrang lawak ng ngisi.“I have a living area in this house. Bakit hindi kayo roon tumambay?”“Isn’t it obvious? We are waking you up, sleepyhead!” asik sa kaniya ni Huge. Inakbayan siya ng lalaki at hahalikan sana siya sa pisngi pero agad niyang inilagay ang palad niya sa mukha nito. Nagtawanan ang iba
“What’s your plans for today, Bengut?” Iyon ang tanong ni Zein sa kaniyang kaibigan na si Yvette habang tumatakbo sa kahabaan ng Gamski street nang umagang iyon. Hindi niya naman nakahiligang mag-jogging. Talagang mapilit lang ang kaibigan niya at binulabog siya sa kaniyang bahay ng sobrang aga.“Mag-grocery,” tugon nito. “Ubos na ang stock sa bahay. Baka sabunin na ako ni Papsy.”“Sama na ako. Ubos na rin ang stock na binili para sa akin ni Ate Zelda.”“Binibisita ka pa pala ni Ate Zelda?” gulat nitong tanong.Tumango si Zein. Pinunasan niya ang pawis na tumulo sa kaniyang noo gamit ang face towel na hawak niya. Bahagya na siyang hiningal at pawis na rin ang likod niya. Pakiramdam niya tuloy ay basang-basa na ang sando niyang itim.Kumunot ang noo niya nang maramdamang wala na sa tabi niya si Yvette. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa likod. Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang kaibigan na parang stalker na sumilip mula sa isang malaking gate. Paatras siyang tumakbo. Hindi
“Who are you?” Iyon ang tanong ni Amos kay Lester. Pinaupo silang dalawa ni Yvette sa dining table pero parang hindi siya tatagal kasama ito. Kung hindi lang siya pinigilan ni Zein, bugbog-sarado na ngayon ang lalaki.Ngumisi ito nang nakaloloko at bahagyang dumukwang sa lamesa. “Who are you too?” May bahid ng pang-uuyam sa boses nito.Umigting ang kaniyang panga. Hindi niya gusto ang presensiya ng lalaki sa kaniyang harapan. “How rude.” Hinawakan nito ang tainga. Katulad ni Zein, marami rin itong hikaw sa tainga. Kapag kay Zein ay wala siyang problema sa bagay na iyon. Sa lalaking kaharap niya ay marami siyang problema.He looks like an addict! Ganito ba ang mga type ni Zeinab?“Ikaw ang bastos,” wika nito sabay duro sa kaniya. “Ikaw ang nagsimula ng away at hindi ako.”Kumuyom ang mga kamao ni Amos. Hindi niya kayang makihalubilo pa sa lalaking kaharap. Paano pa kayang mag-lunch kasama ito? Baka maitapon niya lang ang pagkain sa lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas na sina Zein at
Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s
“I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d
Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum
Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp
“Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa
Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy
Katatapos lang ng mainit na tagpo sa pagitan nina Amos at Zein nang magtanong sa kaniya ang dalaga nang saglit niyang ikina-estatwa. Sa daming maaalala nito, bakit iyon pa? Ayaw niyang maalala nito iyon. Malaki ang naging kasalanan niya sa babae noon. Humigpit ang hawak ni Zein sa kumot na nakatakip sa katawan niya. “Amos, I r-remember something. We had… s*x but you were… rough with me. I was crying because you… hurt me. H-hindi malinaw sa akin lahat pero… p-pakiramdam ko, you m-mistreated me.” Mabilis niyang sinapo ang mukha ng dalaga. “Z-zein…” “Tama ako, ’di ba? Nangyari sa atin iyon. You didn’t make love to me that time? I didn't remember love in your kisses and touches. You were mad.” Hinawakan ni Amos ang mga kamay ni Zein at hinalikan nang paulit-ulit. Nakatihaya ang dalaga sa kama, nakatulala sa kisame ng silid nila habang siya, panay ang paghingi ng tawad dito. Pinalambing niya ang boses sa pinakamalambing na magagawa niya. Ayaw niyang makahanap na naman ito ng rason para
Natawa si Zein nang itinapat ni Sammy ang kamay sa sumisirit na fountain. Mabilis niya itong hinila mula roon at hinampas sa balikat. Alam niyang probinsiyano ang lalaki pero alam niya rin na hindi naman ito ignorante sa mga ganoong bagay. Trip lang talaga nitong patawanin siya, kahit mapahiya pa ito sa harap ng maraming tao. “Kapag nahuli tayo ng guard, paaalisin tayo sa mall.” Ngumuso si Sammy at inayos ang bag sa balikat. “Aysus, ipabili mo ’to sa asawa mo. Mayaman naman ’yon, e.” Napailing na lang si Zein at hinila si Sammy sa loob ng isang Japanese restaurant. Ini-order niya ang lahat ng klase ng pagkain. Natutuwa siyang makita ang curiosity sa mukha ni Sammy sa mga pagkaing bago sa mga mata nito. Kumakain sila ng tanghalian pero nagsalubong ang mga kilay ni Zein nang makita ang isang lamesa malapit sa kanila. May grupo ng mga lalaki kasi doon at lahat naka-hoodie at naka-shades. Tinanaw niya ang isang lalaki dahil pamilyar sa kaniya ang porma ng katawan nito pero sabay-sabay
Pangarap lang ni Amos noong magkaroon ng masayang pamilya—katulad ng pamilyang pinaranas sa kaniya ng mga magulang niya. Ang kaso, hindi niya inakalang pagdadaanan niya ang lahat ng iyon. Nang minahal niya si Zein, nasira lahat ng plano niya sa buhay. Kung tutuusin, hindi maganda ang dulot ni Zein sa kaniya. Palagi na lang siya nasasaktan. Muntik na siyang mabaliw. Muntik na niyang bawiin ang sariling buhay para lang makasama itong muli. Palagi siyang nagmamakaawang huwag siya nitong iwan. Palagi na lang siya ang talo pero wala. Mahal na mahal talaga ni Amos si Zein. Kahit anong mangyari, hindi na magbabago ang pagtingin niya para sa babae. “I love you so much, Zein.” Mas hinigpitan niya ang yakap sa babae at hinalikan ito sa noo. Payapa ang kalooban ni Amos kapag nakikitang mahimbing na natutulog ito sa kaniyang tabi. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Pakiramdam niya kasi, aalis na naman si Zein. Baka iwan na naman siya ng babae. Nang imulat ni Amos kahapon ang mga mata ni