Share

CHAPTER 04

       “Ano bang kalokohan ‘to, Janine?”

      Talagang tinotoo ni Miss Fajardoza ang pagsumbong sa Dean kaya nakarating kay mama ang nangyari. Wala namang naging parusa sa akin dahil sinabi ni Gemar na biruan lang ang nangyari sa Cafeteria. Wala ring naging reklamo ang Sperm na iyon, mabuti na lang dahil sakaling mayroon ay tatambangan ko talaga siya tapos sasapukin.

       “He's a freaking son of dela Cruz! Bakit kailangan sa kanya ka pa mapalapit o mapaaway!” dagdag pa ni mama.

       Wala na rin naman akong nagawa kundi tumango nang tumango. Nabanggit din kasi ng aming Dean na ang Sperm na iyon ay anak ni Mr. Gem dela Cruz at Sophia dela Cruz. Anong mayroon sa kanila? That sperm's father is the owner of Dela Cruz modeling Agency na nangunguna ngayon sa Asya. Ang nanay naman niya ay isang sikat na modelo kaya siguro familiar sa akin ang pangalan na iyon. Nirerespito ang pamilya nila ng mga staff sa paaralan dahil malaki ang shares ng pamilya nila noong bago palang ang BEC. Yeah, BEC or Brix Elite College which is usually a College School for Elite kids. Ewan ko, bakit ako nasa School na iyon ay hindi naman ako Elite.

      Pero, bakit ganito na lang magreact ang nanay ko?       

      “Mama—”

      “Makinig ka sa ‘kin, anak. Iwasan mo na lang ang Schoolmate mo na ‘yon. H'wag din muna natin ‘to sabihin sa tatay mo,” pakiusap ni mama. Naging mahinahon na rin siya kahit papaano, siguro na-realize niya na nag-over react na siya.

       “Kilala mo po ba ang pamilya nila? Parang ang sama kasi ng impression mo sa kanila. Na-meet mo ba ang parents ni Gemar? May ginawa ba sila sa ‘yo?” pagtatanong ko.

       Hindi ko na talaga napigilan ang curiosity ko. Hindi naman siguro ganito si mama kung walang nangyari, ‘di ba?

       “That Schoolmate of yours bullied you, right? I think that's enough for me to act like this,” depensa niya.

       May punto naman si mama pero hindi ako convince sa sinabi niya. Panlalait lang naman ang ginawa ni Gemar para umakto si mama na para bang ang sama ng pamilya nina Gemar. Alam ko na may malalim siyang dahilan na hindi niya masabi-sabi sa akin.

HINDI KO rin naman nasabi kay papa ang nangyari dahil bukod sa pinagbabawalan ako ni mama ay hindi rin umuwi si papa, naka-duty kasi siya sa Hospital. Mukhang nakakapagod ang trabaho niya pero alam ko namang mahal niya ito. Ipagluluto ko talaga siya ng paborito niya sa pag-uwi niya.  Tulad ng nakasanayan ay kasabay ko si mama sa pag-breakfast pagkatapos ay papasok na ako sa School kung saan ko muling makikita ang tsismosa kong kaibigan.

         “Nabalitaan ko ang nangyari kahapon. Hayaan mo na lang si Gemar, ganado kasi ‘yon pikunin ka. Maniwala ka sa ‘kin na mabait talaga ‘yon,” pagtatanggol ng kaibigan ko sa Sperm na iyon.

        Nagkita kami kanina sa parking lot kaya magkasabay kami ngayon papunta sa Department namin.

         “H'wag na natin siyang pag-usapan,” tugon ko.

         Simula kasi nang pumasok ako rito ay bawat araw ko na lang naririnig ang pangalan ng lalaking iyon. Medyo nakakaumay na rin kaya kailangan ko rin ng break. Kapag talaga may narinig ko pa ngayong araw ang pangalan ng lalaking iyon ay babatukan ko ang sino mang babanggit sa pangalan niya.

         “Sige, hindi muna kita kukulitin ngayon.” She smiled at me with assurance.

         Hindi nga naman niya ako kinulit hanggang matapos ang lahat ng klase. Mag-ka-klase kami sa lahat ng subject ngayong araw pero parang hangin lang siya. Hindi kasi siya naging madaldal na nagugustuhan ko naman dahil walang naging istorbo sa day dreaming ko.

         “Ang tahimik mo naman ilang oras na,” puna ko.

         “Sinabi ko naman sa ‘yo na ‘di kita kukulitin ngayon. Wala rin naman ako sa mood makipagdaldalan ngayon dahil ini-ignore ni Hans ang mga messages ko,” matamlay niyang turan.

         “Hayaan mo na lang ‘yon. Uuwi ka na ba?”

        “Oo, ikaw?”

        “Mauna ka na kasi dadaan pa ako sa faculty room para kausapin si Mrs. Corpus tungkol sa subject niya. Conflict kasi ang back subject ko sa kanya sa isang subject ko. Ang hirap maging irregular,” pahayag ko.

       “Kaya mo ‘yan, mauna na ako.” She waved her hand to me.

        Tulad nga ng sinabi ko ay dumaan ako sa Faculty. Eksakto naman na lumabas si Mrs. Corpus dala-dala ang ilang files.

        “Ma'am!” tawag ko.

        “Yes?”

        “Ako po si Janine Mendoza, isa po ako sa estudyante niyo sa Understanding the self,” pagpapakilala ko. Baka kasi hindi niya ako natatandaan dahil sa dami ng mga estudyante niya.

         “What can I do for you, Miss Mendoza?” Inayos niya pa ang eye glasses niya na dumudulas sa ilong niya.

         “Tanong ko lang po kung magagawan po ba ng paraan ang conflict sa schedule ng subject mo at doon sa isang subject ko?”

         “Oo, naman. May ilang irregular students na ring nagreklamo sa ‘kin kanina. I suggest na pumasok ka nalang sa ibang block for my subject. Ang schedule ko for block 2 ay MWF 2-3 pm,” sagot niya.

        “Sige po, ma'am. Eksakto po dahil wala po akong klase kapag MWF afternoon.” Sa wakas ay nasolusyonan na rin ang problema ko. Makakahinga na rin ako ng maluwag.

        “Can you do me a favor, Miss Mendoza?” she asked.

       “Yes po.”

       “Can you bring this files to my husband at Engineering Department? Gamit niya pala itong mga nadala ko kanina tapos kailangan niya na pala ito ngayon. Kanina niya pa ako tinatawagan. Iba na talaga kapag medyo may edad na,” aniya.

      Sa paraan ng pagsasalita ni ma'am ay parang nagpapaawa pa siya. Ang hirap namang tumanggi rito. Siguraduhin mo lang talaga ma'am na may dagdag points ako sa iyo.

      “Sure po.” Kinuha ko ang mga files na hawak niya na ikinatuwa naman niya.

      “Pasensiya na, masyado lang talaga akong busy ngayon. Anyway, Jonathan Corpus ang pangalan niya at professor siya sa Civil Engineering. Itanong-tanong mo na lang kung saan ang office niya.” Ngumiti pa siya sa akin kaya napilitan pa tuloy akong ngumiti rin at tumango sa kanya.

       Tinatamad akong tumulong ngayon pero dahil naawa naman ako kay ma'am kaya tinatahak ko na ngayon ang daan papunta sa Engineering Department. Medyo malayo ng kunti pero kere ko naman. Minsan lang rin ako makalibot-libot sa campus kaya lubos-lubusin ko na.

        “Siya ‘yong girl, ‘di ba?” rinig kong maarteng turan ng isang babae.

         Napadaan kasi ako sa isang kumpulan ng mga estudyante. Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy nila pero pakiramdam ko ay 'oo'.

        “Naligaw ata si Ateng. Ang kapal ng mukha,” sabat naman ng isa pa.

        Mali ba ang napuntahan ko? College of Mosquito ba ito? Ang dami kasing bumubulong.

        “Hoy.”

        May mahinang tumapik sa balikat ko kaya agad ko itong nilingon. Isa siya sa mga babaeng nasa kumpulan kanina. May dalawang alipores siyang kasama, parang mean girls ng High School.

        “I'm just here to—”

        “I'm not asking you,” pagputol niya sa sasabihin ko. Well, yeah may point siya. “Bakit mo ginawa ‘yon kay Gemar my honey?” she asked.

        Umabot dito ang tsismis? Bilib na talaga ako sa Sperm na iyon na hanggang dito ay may fans. Nawa'y lahat, ‘di ba?

        “Siya ang nauna at napikon lang ako,” depensa ko.

       May ganito palang fans club na nag-e-exist sa College. Akala ko after ng High School ay wala nang ganitong eksena. Sa amin kasi sa public School sa province ay walang feeling power pop girls.

       “Ang sabihin mo ay papansin ka lang talaga!” singhal niya sa ‘kin.

       Tigre ka, girl? Bilis mo magalit.

    Wala na rin akong nagawa nang itulak niya ako. Nabitawan ko tuloy ang mga dala kong files. Ganito ba ako kamalas sa paaralang ito? As far as I know ay ako ang biktima ng kaabnoyan ng lalaking iyon pero bakit sa akin sila galit?

       “Herisha!” tawag ng isang baritonong boses.

       Pare-pareho kaming napatingin sa lalaking lumapit sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ay una ko siyang nakita sa parking lot noong sumimplang ako dahil din kay Gemar.

       “Nagbabasa ka ba ng rules ng BEC? Alam mo naman siguro na bawal ang manakit sa loob ng Campus, ‘di ba?” pagkakausap niya sa babaeng tumulak sa akin.

       Ginamit ko naman ang chance na iyon para damputin ang mga files ni Sir Corpus na nabitawan ko kanina. Dagdag trabaho pa ang letse na ito.

       “Sorry, nairita lang ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa boyfriend ko,” paghingi ng paumanhin ng babaeng tinawag niyang Herisha pero hindi ko naramdaman ang sincerity.  

       Hindi pala siya leader ng fans dahil girlfriend siya ng Sperm na iyon. Akalain mo iyon, may love life ang isip-bata. Siguro kaya wala siyang oras para pag-aralan ang tamang manners ay dahil inuna niya pa ang paglalandi—joke lang.

       “Kahit na,” sagot ni kuyang hindi ko alam ang pangalan.

       “Whatever! You don't know what I feel! CET students organization president ka lang kaya wala kang pakialam sa nararamdaman ko!” Singhal ni Herisha. Pagkatapos ay tumakbo siya palayo, sinundan naman siya ng dalawa niyang alipores.

      “You okay?” tanong sa akin ni Mr. I-dont-know. “We meet again Miss palengkera. Anyway, I'm Kenneth Bello.”

       Naalala niya pa pala ako mula sa nakakahiyang araw ko sa parking lot. Sabagay ay mahirap naman kalimutan ang ganda ko.

      “I'm fine,” tugon ko.

      “Pasensiya ka na sa ginawa ni Herisha. Na-trigger lang siguro siya dahil sa ginawa mo sa boyfriend niya. She's​ blinded by her love towards him. Gano'n naman talaga ‘yon na kapag nasaktan ang taong mahal mo ay nandidilim ang paningin mo sa taong nanakit sa kanya,” paliwanag niya. Hindi naman ako maka-relate. Nawa'y lahat maraming alam.

       “Dapat inalam niya muna ang lahat bago niya ako sugurin. Nakakapikon naman talaga ang boyfriend niya e'. Mag-bi-break din sila, nakakainis!” depensa ko. Hindi naman sapat na dahilan ang pagmamahal na iyon para manakit siya ng iba.  

      Bakit ba lagi na lang na ako ang lumalabas na masama?

      “May mga taong walang pakialam kung anong simula. Kung ano ang nakita nila ay iyon ang kanilang paniniwalaan. Sa kaso ni Herisha ay ang dumating sa kanyang balita ay ikaw ang nanakit sa boyfriend niya. May nakakuha pa ng pictures sa ginawa mo kaya iyon ang pinaniwalaan niya. Nanatili siya sa isang side at wala siyang pakialam sa dahilan mo. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Wala ka naman sigurong balak irampa ang sarili mo pagkatapos ng eskandalo sa Cafeteria,” paliwanag niya.

      “Dadalhin ko kasi itong mga files kay Sir Jonathan Corpus. Inutusan kasi ako ng asawa niya,” sagot ko. Pinakita ko pa sa kanya ang mga dala sa sarkastikong paraan.

      Iyon lang naman ang task ko pero nagkaroon pa ng aberya. Nagiging malas talaga ako dahil sa Gemar na iyon. Mukhang tama si mama na dapat ay iwasan ko na ang lalaking iyon.

      “Tara, samahan na kita sa office niya.”

     Hindi na rin naman pala gaanong masama ang araw ko ngayon dahil may nakilala naman akong matinong tao. Akala ko noong na-meet ko siya sa parking lot ay mayabang siya o kaya naman ay hindi ko magugustuhan ang ugali pero mali pala ako. Hindi lang siya gwapo dahil mukhang mabait pa. Nakakalaglag panty rin ang ngiti​ niya. Mukhang understanding pa at magaling mag-advice.

      Nakikita ko sa kanya ang Ideal Man ko. Pwede pakisalo naman...

      ...ang puso ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status