βJanine? Is that you?β Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makilala niya ako. Tama iyan, magulat ka lang. βI didn't recognize you because you look so gorgeous tonight,β parang naiilang niya pang turan. I think I should take that as a compliment.Quota na rin naman ako sa mga panlalait niya sa akin simula noong nagkakilala kami, ngayon ko lang narinig mula sa bibig niya ang salitang 'gorgeous'. Hindi ko alam kung nahipan ba siya ng mabuting hangin kaya wala siyang espirito ng demonyo ngayon o hindi niya lang talaga ako nakilala dahil sa ayos ko. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi na mahalaga, maglaway siya sa ganda ko. Pilit akong ngumiti sa kanya. βYou look handsome tonight but still a sh*t. So, back off!βMukha siyang karespi-respito ngayon dahil sa suot niyang suit at tindig niya. Pero, dahil siya si Gemar na bully kaya kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Hindi mababago ng panlabas niyang kakisigan at kagwapuhan ang hindi magandang impression na pinakita niya sa akin noo
βTake care, honey.β βH'wag bilisan ang pagpapatakbo ng motor.β Napangiti ako sa paalala ni mama at papa, respectively. Hinalikan ko sila sa pisngi bago sumakay sa motor ko na Ducati. It was my father's gift last year for my birthday. Labag sa kalooban ni papa na bigyan ako nito dahil delikado raw pero binigay niya pa rin dahil alam niyang ito ang gusto ko. Mas astig kasi para sa akin kapag naka-motor isama na rin ang katotohanang hindi rin ako mahilig sa cars. Anyway, ito ang unang araw na papasok ako sa klase sa bagong paaralan ko. Isang Doctor si papa sa province namin pero nalipat siya sa pampublikong Hospital dito sa Manila. May clothing line business naman si mama at gusto niyang magtayo ng branch dito. Wala na rin naman akong nagawa nang asikasuhin nila ang pag-transfer ko sa isang private College School na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mapapasukan ko. Lumaki ako sa Nueva Ecija kaya hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa
βYou know what, I like you. . . I like you to throw in the trash bin. You look like a living trash.β Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He like me to what? Is he freaking insane o sperm na hindi nabuo? Babatukan ko na sana ang kulang sa arugang sperm nang biglang humagalpak ng tawa si Rhen. Imbes tuloy na ang katabi ko ang mabatukan ko ay sa balikat niya lumanding ang palad ko. βAray!β daing niya. βSorry na, hindi ko na napigilan ang tawa ko e'. Tama naman kasi si Gemar, friend.β βAngββ βKaibigan mo βto?β sabat ni Gemar kuno. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita bago makisawsaw. βAlam kong hindi halata pero childhood best friend ko si Janine,β sagot ni Rhian. Ramdam ko ang pagkailang niya nang sabihin niya ang katagang iyon. Nakakahiya ba talaga ang itsura ko? βWala lang talaga siyang sense of fashion. Hindi ata nagmana kay tita,β dagdag pa ni Rhian. Hindi na rin ako nakasingit sa usapan nila na ako lang naman ang topic. Paran
βNakita ko na naman ang gwapong anak ni Miss Sophia dela Cruz...β Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng kapwa ko estudyante. Sophia dela Cruz? Quite familiar... Saan ko nga ba huling narinig ang pangalan na iyon? βAnong tinatayo mo r'yan? Akala ko ba ay mauuna ka sa βkin? Day dreaming ka talaga sa gitna ng hallway?β sunod-sunod na tanong ni Rhizn nang maabutan niya ako. βSige, ituloy mo na ang day dreaming mo. Mauna na ako sa βyo dahil tinatawagan ako ni mommy. Wala rin naman pala tayong class today eβ. Ang tagal nilang mag-announce.β She waved her hand before she walked away from me. Uuwi na lang din ako dahil wala naman akong kaibigan dito na makakasamang gumala, kay Rhizn lang naman ako tumatagal e. Pinasawalang-bahala ko na lang ang pagkarinig sa pangalan ng Sophia na iyon. Marahil ay sikat siya kaya familiar sa akin ang pangalan niya. Pero, hindi ko naman talaga siya kilala.KINABUKASAN ay maaga na naman akong pumasok. Palagi kasi na umaga ang
βAno bang kalokohan βto, Janine?β Talagang tinotoo ni Miss Fajardoza ang pagsumbong sa Dean kaya nakarating kay mama ang nangyari. Wala namang naging parusa sa akin dahil sinabi ni Gemar na biruan lang ang nangyari sa Cafeteria. Wala ring naging reklamo ang Sperm na iyon, mabuti na lang dahil sakaling mayroon ay tatambangan ko talaga siya tapos sasapukin. βHe's a freaking son of dela Cruz! Bakit kailangan sa kanya ka pa mapalapit o mapaaway!β dagdag pa ni mama. Wala na rin naman akong nagawa kundi tumango nang tumango. Nabanggit din kasi ng aming Dean na ang Sperm na iyon ay anak ni Mr. Gem dela Cruz at Sophia dela Cruz. Anong mayroon sa kanila? That sperm's father is the owner of Dela Cruz modeling Agency na nangunguna ngayon sa Asya. Ang nanay naman niya ay isang sikat na modelo kaya siguro familiar sa akin ang pangalan na iyon. Nirerespito ang pamilya nila ng mga staff sa paaralan dahil malaki ang shares ng pamilya nila noong bago palang ang BEC. Yeah, BE
βWhat?β Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglang paghiyaw ni Rhian, nakakagulat naman siya eβ. Kasalukuyan kaming nasa mini garden sa gilid ng CED building, may kiosk kasi rito. Katatapos lang ng klase kaya tumambay muna kami. Na-kwento ko sa kanya ang about kay Kenneth kaya naman gulat na gulat ang gaga. Ngayon lang naman kasi ako nag-share ng nararamdaman ko kaya naiintindihan ko siya. βKumalma ka nga, Rhian,β saway ko sa kanya. βPaano ako kakalma? Inamin mo lang naman na gusto mo si Kenneth Bello ng Civil Engineering. Parang gusto kitang sapakin ngayon!β bulyaw niya na naman sa akin. Napakaingay talaga nito, paano kung may makarinig sa kanya. βKung mag-react ka naman parang kilala mo. Teka, i-search natin sa FB.β Agad akong nag-log in sa Facebook pero walang pasabing hinablot ni Rhian ang phone ko. βKilala ko siya, matagal na. Kenneth Bello is the name, 3rd year Civil Engineering Student, gwapo, mabait at mayaman. Oh, dami ko learn,β pagmamalak
βArrghh!β Paikot-ikot ako sa higaan pero hindi pa rin talaga ako makatulog. Halos nagawa ko na ang lahat ng posisyon pero wala paring epektoβposisyon sa pagtulog kaya huwag kang berde. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay mukha ni Gemar ang aking nakikita. De-ni-demonyo niya na ba ako? Kailangan ko atang magpatingin sa albolaryo. Sa inis ko ay marahas akong bumangon at kinuha ang phone ko sa bedside table. Kailangan ko talaga ma-relax para makatulog. Stress talaga lagi ang dala ng lalaking iyon e. Nag-log in ako sa Facebook at nagtungo sa profile ni Kenneth. Kailangan ko makita ang mukha niya para kumalma ako. Pero, mali ata ang naging desisyon ko dahil nanlumo lang ako. May bago siyang post na may caption na βyou're worth waiting for'. Ang naka-attach na picture ay isang candid photo ng babae. Ito siguro ang Author na tinutukoy ni Rhian. Nawa'y lahat, 'di ba? βJANINE!β Parang nabuhay ang katawang-lupa ko nang marinig ang
First day of Intramural, I was assigned to deliver some snacks for CED players. Kasama ko si Rhian pagkatapos ng ilang araw na hindi ko siya nakakasama dahil laging nagpapatawag ng meeting ang SC president.Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong huli kong nakausap si Kenneth. Ngunit, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang sinabi niyang may chemistry kami. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dahil umalis din naman siya agad. Hindi ko pa nga rin nababalik ang shirt niya. βPara kang tangang ngumingiti d'yan.β Parang isang manipis na salaming nabasag ang imagination ko nang marinig ang sinabing iyon ni Rhian. βShut up!β Pinangdilatan ko siya ng mata.βH'wag mong sabihin na naiisip mo pa rin ang sinabi ni Kenneth. Gumising ka na sa kagagahan mo dahil nandito na tayo sa field. Be attentive, baka mamaya ay tamaan ka ng bola,β aniya. I sighed. Na-kwento ko sa kanya ang pagtulong sa akin ni Kenneth at ang sinabi nito. Pero, hindi naman ata tama na sirain niya ang imagi
"π»ππππ? πΌπ π‘βππ π½πππππ ππππππ§π?" Around five in the afternoon when I received this call from an unknown number. I am still busy in our shop, and overly confident that my daughter is doing fine. But, it seems like the universe is testing me right now. The caller gives me shocking news."Yes?" sagot ko sa tawag. "πππππ‘π ππ ππ πππ ππ’ππππ πππ¦π π π πππππ ππ πΌπ· ππ πππ‘π, π ππ¦πππ π‘βππ‘ π¦ππ’'ππ π‘βπ ππ’ππππππ. πππ’π πππ’πβπ‘ππ πππ‘ πππ‘π ππππππππ‘, π€π πππ πππ€ π‘ππππ πππππππ βππ π‘π π‘βπ ππππππ π‘ βππ πππ‘ππ ππππ βππ π πβπππ." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, nanlimig talaga ang buong katawan ko. Sa subrang taranta ko ay agad akong tumakbo palabas ng shop kahit napakadami pa ng mga customers, narinig ko na tinawag pa ako ni mama pero hindi ko na pinansin. Sigurado na Hospital kung saan nagtatrabaho si Gemar dadalhin si Ava, it
"Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo? Akala ko ba ay may deal tayo? Gusto mo ba talagang sirain ang pamilya na pinaghirapan ko? Gumaganti ka ba sa akin?" Hindi ko alam kung ano ba ang tamang mararamdaman ko sa mga tanong niyang ito? Tama ba na magalit ako sa kanya kasi kung tutuusin ay biktima rin ako ng salitang pag-ibig, at ako ang inagawan niya ng asawa. O, tama na maawa ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay namamalimos pa rin siya ng pagmamahal, tila walang character development na nagaganap. Naging saksi ako simula college kung paano niya idikit ang sarili niya kay Gemar, alam ko kung gaano siya ka despirada na makuha ang pagmamahal nito. Naging biktima niya rin ako noong inagaw niya sa akin ang asawa. Tama siya, pinaghirapan niya naman talaga na makuha si Gemar. Naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling ang galit at insecurities niya, marahil ay alam niya na kahit may anak sila ay hindi pa rin buo ang pagmamahal ni Gemar sa kanya. Ano pa nga bang aasahan niya
"Mom, are you really ruining Issa's family?"Iyan ang agad na tanong sa akin ni Ava nang makauwi siya sa bahay, si JM na rin kasi ang sumundo sa kanya sa eskwelahan. Halos natigilan pa ako nang marinig ko ang tanong niya, paano ba naman kasi ay hindi ko ito inaasahan. Bakas sa mukha ng anak ko ang lungkot, samantalang nanahimik lang naman si JM sa likuran nito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Marahil nga ay kaming dalawa ni Ava ang magiging dahilan para masira ang pamilya nila pero hindi ko naman siguro kontrolado ang bagay na iyon. "Anak, akyat ka muna sa kwarto para makapalit ka na ng damit," turan ni JM, diverting the topic. "No, Daddy. I maybe a kid but I am smart and I understand why Issa hates me. It is because of mom," puno ng hinanakit na turan ni Ava. "Anak..." "I hate you, mom," aniya, bago tumakbo paakyat sa kwarto niya. Napapailing lang naman na pinagmasdan ni JM ang papalayo na bata. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko akal
"Hanggang kailan mo itatago sa akin ito, Janine?" Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw ko ngayon pero mukhang decided na ang tadhana na paulanan ako ng problema o isipin ngayon. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla na lang tumambad sa harapan ko si Gemar. Kasalukuyan akong nasa shop ni mama, at alam ko na simula noong naghiwalay kami ay hindi na siya muling tumapak pa rito, kaya hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon sa lugar na ito. Masyado bang malakas ang loob niya o sadyang makapal ang mukha niya para tumapak sa teritoryo ng magulang pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon? "Anong ginagawa ng lalaking ito rito?" nagtatakang tanong ni mama nang mapansin niya si Gemar na nakatayo na sa harapan ko. "Hello po, ma..." bati ni Gemar sa nanay ko bago muling bumaling sa akin. "We need to talk," aniya. "Hoy." Hinila ni mama si Gemar paharap sa kanya. "Hindi mo kakausapin ang anak ko dahil simula noong pinagpalit mo siya ay wala ka nang karapatan o rason para kausapin s
Nang sumunod na araw ay mag-isa akong naghatid kay Ava sa school, hindi dahil ayaw kong isama si JM kundi dahil busy siya. Masyadong hassle kung sasamahan niya pa akong ihatid si Ava imbes na dumeritso na siya sa trabaho. Ang paghatid at pagsundo rin naman sa anak ko ay hindi mahirap na trabaho para kailanganin ko pa ang tulong, hindi sa ayaw ko na tulungan niya ako but he's been there for me ever since. Sa ngayon ay siya ang tumatayong head ng family, so I think I should do my job as a mother too, tama na ang pagiging pabigat kay JM. Anyway, inagahan ko na ang pahatid sa anak ko kasi madalas punuan ang parking, at masyadong mahirap maghanap ng pwesto. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin na-e-expand ng eskwelahan ang parking area gayong halos mayayaman ang mga estudyante at faculty staff nila, kaliwa't kanan ang may sasakyan. Isang bagay na hindi na nakapagtataka kaya masyadong polluted ang hangin sa bansang ito. "Mom, I am still sad because of what Issa told me last night. If
"Mom! Dad!" Umiiyak si Ava na lumapit sa amin, pasadong alas otso na ng gabi at dapat ay tulog na siya kaya naman nagtataka ko siyang yinakap. Masayang-masaya siya kanina nang sunduin namin siya sa paaralan kaya hindi ko mawari kung anong minamaktol niya ngayon. "Anong nangyari, anak? Did you have a bad dream?" malumanay na tanong ni JM habang marahang hinahaplos ang likod nito. Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Ava at hinarap ang Daddy niya. "I called Issa to asked if she wants me to bring her some cookie tomorrow kasi kanina sa canteen napansin ko na mahilig siya sa cookie. Gusto ko sana ipatikim sa kanya ang baked cookies ni mommy." "Then, anong sabi niya?" tanong ko. Oo, nagawa ko pang itanong kahit may ideya na rin naman ako kung anong sagot ni Issa. Sigurado akong nakausap na siya ng mommy niya. "She's not interested with cookies and she doesn't want to be friends with me. Huwag ko raw siyang lalapitan bukas," pasinghot-singhot pang turan ng anak ko. "It's oka
Hindi na namin muling napag-usapin ni JM ang ex ko hanggang maihatid niya ako sa shop ni mama. Hindi na rin ako magtataka kung bakit dahil kitang-kita naman sa mukha niya ang inis. Buong byahe na nakakunot ang noo niya at deritsong nakatingin sa kalsada, hindi ko na nga rin siya inabalang kausapin. "Dito na rin kita dadaanan para tayo na rin ang susundo kay Ava mamaya," aniya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Galit ka ba sa akin?" Hindi ko na napigilang itanong dahil napakatahimik niya kasi simula pa kanina. Hindi ako komportable na ganito kaming dalawa. "Hindi ako galit sa 'yo. Masyado kitang mahal para magalit ako sayo dahil lang nakita natin ang ex mo. Naiinis lang ako kay Gemar na masyadong makapal ang mukha pagkatapos ng mga ginawa niya sa iyo. Kung kinakailangan nga lang ay iisa-isahin ko ang dulot ng panloloko niya sa iyo. Hindi ko rin nagustuhan na parang inaangkin niya ang anak natin. Baliktarin man ang mundo ay anak ko si Ava."Okay, hindi pa rin talaga humuhupa
Unang araw ng pasukan nina Ava, tulad ng pinangako ko ay kaming dalawa ni JM ang maghahatid sa kanya sa paaralan. Alam kong busy ang asawa ko at kaya ko naman na ihatid mag-isa ang anak namin, ngunit nang i-open up ko sa kanya kagabi ang request ni Ava ay agad siyang pumayag. Ihahatid na raw muna namin si Ava sa paaralan bago siya pumasok sa trabaho. Siya na raw bahala ang umayos sa schedule niya dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang nais ni Ava. May bata na naman tuloy na tuwang-tuwa. Ako naman ang nagluwal sa kanya pero minsan napapansin ko na mas Daddy's girl siya e'. Nakakatuwa silang mag-ama. "Daddy, i'm excited to meet my teachers and classmates. I'm excited to see Issa again," masiglang turan ni Ava nang makarating kaming school parking at makababa sa sasakyan. Halos buong byahe ay iyon ang naging bukang-bibig niya, kung gaano siya ka-excited. Napag-usapan na naming mag-asawa ang pakikipagkaibigan ni Ava sa anak ng ex-husband ko, napagdesisyonan namin na hayaan na lang muna
Lumipas ang mga araw na hindi ko na ulit nakita si Gemar, siguro dahil bahay at clothing shop lang ni mama ang madalas kong puntahan. Sinabi ko na rin kay JM ang hindi inaasahang pagkikita namin ng dati kong asawa, ayaw ko rin naman kasi magtago ng mga bagay-bagay sa kanya kahit gaano pa ito kaliit. Aam ko na rin naman kasi ang hindi maganda dulot ng pagsesekreto dahil muntik na masira ang relasyon namin nina mama dahil doon dati. "Ano sabi niya sa iyo? Kamusta naman siya? Is he want you back? Ano sabi niya tungkol kay Ava?" sunod-sunod niyang naging tanong. "He's with his daughter. Nagkwento ko sa iyo dati na noong umalis ako ng Pilipinas ay buntis si Herisha, iyon malaki na ang bata at same school sila ni Ava," pagkwento ko. "Gusto mo, e-enroll natin sa ibang school si Ava. Ayaw ko rin na umaaligid siya sa pamilya natin," aniya. "JM, baka magtaka ang bata. Ang dami na nga tanong sa akin kung bakit kilala ko si Gemar e. Hayaan mo na, mukhang naka-move on na rin naman siya at nak