Share

CHAPTER 03

    “Nakita ko na naman ang gwapong anak ni Miss Sophia dela Cruz...”

     Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng kapwa ko estudyante. Sophia dela Cruz? Quite familiar... Saan ko nga ba huling narinig ang pangalan na iyon?

     “Anong tinatayo mo r'yan? Akala ko ba ay mauuna ka sa ‘kin? Day dreaming ka talaga sa gitna ng hallway?” sunod-sunod na tanong ni Rhizn nang maabutan niya ako. “Sige, ituloy mo na ang day dreaming mo. Mauna na ako sa ‘yo dahil tinatawagan ako ni mommy. Wala rin naman pala tayong class today e’. Ang tagal nilang mag-announce.” She waved her hand before she walked away from me.

      Uuwi na lang din ako dahil wala naman akong kaibigan dito na makakasamang gumala, kay Rhizn lang naman ako tumatagal e. Pinasawalang-bahala ko na lang ang pagkarinig sa pangalan ng Sophia na iyon. Marahil ay sikat siya kaya familiar sa akin ang pangalan niya. Pero, hindi ko naman talaga siya kilala.

KINABUKASAN ay maaga na naman akong pumasok. Palagi kasi na umaga ang class schedule kaya kailangang masipag gumising sa umaga.  

       Naging maayos naman ang daloy ng pagpasok ko ngayon. Hindi tulad ng kahapon na may epal na Sperm. Pasipol-sipol pa ako hanggang makarating sa College of Education building. Well, BSED ang course ko at major in English kahit hindi naman talaga ako marunong mag-english. Gusto ko kasing turuan ang mga bata pero hindi ang mga isip-bata na tulad ni Gemar.

       Ang akala ko ay wala pang tao sa silid dahil kami naman ang unang gumagamit nito. Ngunit, mali pala ako dahil may isang babae na nakayuko sa armchair.

       “Good morning,” bati ko. Agad naman niya akong nilingon. Naka-light make up siya pero hindi maikakailang inaantok.

       “Nothing is good in my morning, dear,” she answered.

        Well, I know her— Kristel Esparagoza is the name. Kaklase ko siya sa dalawang subject ko dahil irregular student ako.

       “Why?” Ipinatong ko ang bag sa upuan sa hindi kalayuan sa kanya bago umupo at hinarap siya.

       Hindi naman ako mahilig makipag-usap sa hindi ko ka-close pero hindi naman siguro masama kung susubukan​ ko ngayon. Medyo elite ang dating niya kaya sana ay hindi magaspang ang ugali niya.

       “Wala akong tulog, girl,” panimula niya. “Nag-party kasi kami ng mga friends ko kagabi hanggang madaling araw. Hindi ako umuwi sa bahay dahil mapapagalitan ako ni mommy kaya sa condo ng pinsan ko ako pumunta. Pinaligo lang naman ako ng walang-awa kong pinsan tapos pinalayas na ako. Hindi raw ako pwede do'n dahil kasama niya ang boyfriend niya and they are doing... something...alam mo na.”

        “Ah...” Napanganga na lang ako sa kwento niya. Hindi ko alam kung paano sasagot sa isang sitwasyon na hindi ako maka-relate. Never ko pa naman na-experience iyon.

        “Magpapasubo ka, girl?” pagtataray niya. “Anyway, how do I look?” 

        “You look great.” Puyat siya pero maganda pa rin naman. Nawa'y lahat, ‘di ba?

        “I didn't accept such answer. Please say 'you're a Goddess',” aniya.

        “What?”

        “Wala, never mind.”

        May saltik ba ang babaeng ito? Nagtanong tapos kapag sumagot ay magdedemand ng iba. Maganda naman siya pero hindi ako convince na tawagin siyang Goddess dahil baka lumaki ang ulo. Para siyang ex ko, masyadong demanding—oppss, wait wala pala akong ex.

       Maya-maya ay sunod-sunod na nagsipasukan ang mga kaklase ko. Isa na sa kanila ni Rhian na parehong bagsak ang balikat. Pareho ata sila ng pinagdadaanan ni Kristel. Ano ba ang mayroon sa mga tao ngayon na pumapasok na parang sinakluban ng langit at lupa.

        “Rhen, bakit mukhang low battery ka ngayon?” tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko.

        “Mahigit isang oras lang ata ang tulog ko. Birthday pala kasi ng inaanak ni mommy tapos may party kagabi kaya halos madaling araw na rin kami nakauwi. Hindi naman ako natulog agad dahil nag-video call kami ni crushie kasi hindi raw siya makatulog,” pagkwento niya.

        Inaantok man ay hindi pa rin naitago ang kislap ng kanyang mata nang banggitin niya ang tungkol sa video call. Mukhang may bagong chika sa kaibigan kong ito. Parang kahapon lang ay si Gemar ang gusto niya, bakit pakiramdam ko ngayon ay may bago na?

       “Crushie?”

       “May bago akong love interest dahil pinaubaya ko na sa ‘yo si Gemar. Hans Verallo is the name, 4th year BSBA Student major in Finance.” Tumigil siya saglit na para bang ni-re-recall ang bawat detalye. “Siya ang nag-iisang taga-pagmana ng Verallo Hotels na namamayagpag ngayon sa buong Asya.” Punong-puno ng paghanga ang mukha niya pero s'yempre hindi pa rin ako maka-relate.

      “Tapos?”

      “Tapos magpapakasal kami,” turan niya na ikinatawa ko. “ Bakit?”

      “Ang taas ng pangarap mo, Rhian. Ang tanong ay kung gusto ka ba niya? Malay mo option ka lang pala kasi na-bo-boring siya,” komento ko.

      Agad din naman akong nakonsensiya nang lalong bumagsak ang balikat niya. Ang kulay sa kanyang mukhang parang biglang naglaho. Well, intrimitida kasi ako.

      “Naka-arrange ang marriage namin pero ‘di ko alam kung napipilitan lang siya dahil sa kasunduan ng pamilya,” aniya.

      “Pero malay mo may chance,” pag-comfort ko.

       Ako na ang nagsabi ng negative at sumira sa mood niya pero ako rin pala ang mag-ko-comfort sa kanya. Niloloko ko lang ata ang sarili ko.

       “Okay lang dahil may point ka naman. Wish ko na lang ngayon ay maging maganda ang love story niyo ni Gemar.” Mukhang nakabawi na ulit siya sa pagkadismaya kaya mabilis pa sa kidlat ang pagbago ng facial expression niya. Sa isang iglap ay ako na naman ang topic.

        “What?”

        “Whatever! Anyway, I like your OOTD,” papuri niya.

        Napatingin naman ako sa suot ko . I am wearing red off shoulder and fitted ripped jeans. “Si mama ang pumili ng outfit ko ngayon. Gagawin niya raw akong model sa bagong branch ng clothing line niya,” pagmamalaki ko. Minsan lang ako mapuri kaya lubos-lubusin na.

       “Mabuti naman kung gano'n para magmukhang tao ka na,” pang-aasar niya.

       Sasagot na sana ako nang biglang pumasok ang professor namin sa English—Miss Fajardoza. Pinaningkitan ko lang naman ng mata si Rhen. Makakabawi rin ako sa babaeng ito na kahit kailan talaga ay walang tabas ang dila, papuri na nga lang ay may halo pang panginginsulto.

       “It's Irony, which says the opposite of what is meant.”

       Pilit akong ngumiti kay Miss nang magtama ang aming paningin. Sa akin pa talaga kasi siya tumingin nang banggitin niya ang katagang iyon. Hindi ko nga napansin na nagsisimula na pala ang discussion until she mentioned the word irony. Nababasa niya ba ang iniisip ko?

       Kung tama ang iniisip ko ay ang sinabi ni Rhian ay example ng Irony. Maganda naman talaga ako dahil nasa lahi na namin iyon, naging lamang lang talaga siya dahil mas magaling siya pumorma.

       “Ang galing ko talaga!” hiyaw ko. Ngunit, agad din akong napatakip ng bibig nang ma-realize ko kung nasaan ako.

       “Mind sharing what you're thinking?” Miss Fajardoza asked. Lagot na!

       “Nothing, Miss,” tugon ko. Pinilit ko pang ngumiti.

       “Keep on day dreaming but don't interrupt my discussion. You're making me out of my momentum,” mataray niyang turan bago bumalik ulit sa pagpapaliwanag ng pinag-aaralan namin ngayon.

Pinilit ko na rin nga ang sarili ko na makinig dahil baka bigla na naman akong mapasigaw kapag pinagpatuloy ko pa ang pag-iisip ng kung ano-ano. May hiya pa naman ako sa katawan kaya hinah-hinay lang sa pagiging pasaway.

       Makalipas ng ilang minuto ay natapos na rin si Miss sa pagdadaldal. Mabuti na lang rin ay wala siyang binigay na quiz.

       “Magkaiba tayo ng next subject kaya mauna na ako sa ‘yo,” paalam ni Rhian. Nauna siyang lumabas ng classroom para pumasok sa next subject niya.

       Irregular Student kasi ako kaya may mga subjects na hindi kami magkaklase. Mukhang mag-isa na naman ako sa buhay ngayon. At, dahil may one hour vacant pa ako ay nagtungo muna ako sa Cafeteria, nagugutom na talaga kasi ako. Kumain naman ako bago umalis ng bahay pero mukhang natunaw na lahat kasi kumukulo na naman sikmura ko.

      “Can I share a table?” ani ng baritonong boses. Hindi pa ako nakakasagot pero nakaupo na siya sa harapan ko. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. “Alam kong gwapo ako pero ‘wag mo namang ipahalata na gustong-gusto mong titigan ang mukha ko.”

      “Ang kapal ng mukha mo.” Tinuon kong muli ang paningin sa pagkain. Hindi ko gusto ang bagyong nasa harapan ko.

      “Kung makapal ang mukha ko ay kamusta naman ang sa ‘yo? I bet may kalyo na,” sabat niya na sinundan pa ng tawa.

      “Excuse—”

      “Dadaan ka?” pagputol niya sa sasabihin ko. Lalo pa siyang natawa kahit wala namang nakakatawa. Mabulunan sana siya.

      Kumukulo na naman tuloy ang dugo ko. Pigilan niyo ako dahil baka maibalibag ko ito sa ibang planeta.

      “Are yo—”

     Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang mabilis ko siyang kuwelyohan. “Nakakapikon ka na.”

      “What's happening here?”

      Nabitawan ko si Gemar at napatingin sa may-ari ng familiar na boses na iyon. “Miss?”

      “What's your problem, Miss Mendoza? Earlier, you're day dreaming in my class and now you're assaulting your Schoolmate. We didn't allow violent acts in this campus,” pahayag niya.

       Assault agad? Over acting naman itong si Miss. Siya kaya ang pikonin ko kung anong gagawin niya. May galit lang ata ito sa akin dahil hindi ako nakikinig sa kanya. Yes, it's Miss Fajardoza, ang mataray kong English professor.

      “I won't let it slide. I'll report this incident to our Dean,” dagdag pa niya bago tumingin kay Gemar. “I'm sorry for what she did. We will do some action about this violation as soon as possible.”

       Tiningnan pa ako ng masama ni Miss bago umalis. Bakit ganoon? Parang ako pa ang lumabas na masama gayong hindi naman ako ang nauna. Hindi man lang inalam ang buong pangyayari.

        “It wasn't my thing but I'm sorry. Kasalanan mo rin naman kasi,” turan ni Gemar.

       Hindi ko pinansin ang paghingi niya nga paumanhin, muli ko siyang hinarap. “Who are you? Bakit parang special pa turing niya sa ‘yo?”

        Nakapagtataka lang na galing sa ibang Department si Gemar pero kung umakto si Miss kanina ay parang kilalang-kilala niya ito. Anong special sa lalaking ito?

        “You'll know soon...”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status