First day of Intramural, I was assigned to deliver some snacks for CED players. Kasama ko si Rhian pagkatapos ng ilang araw na hindi ko siya nakakasama dahil laging nagpapatawag ng meeting ang SC president.Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong huli kong nakausap si Kenneth. Ngunit, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang sinabi niyang may chemistry kami. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dahil umalis din naman siya agad. Hindi ko pa nga rin nababalik ang shirt niya. “Para kang tangang ngumingiti d'yan.” Parang isang manipis na salaming nabasag ang imagination ko nang marinig ang sinabing iyon ni Rhian. “Shut up!” Pinangdilatan ko siya ng mata.“H'wag mong sabihin na naiisip mo pa rin ang sinabi ni Kenneth. Gumising ka na sa kagagahan mo dahil nandito na tayo sa field. Be attentive, baka mamaya ay tamaan ka ng bola,” aniya. I sighed. Na-kwento ko sa kanya ang pagtulong sa akin ni Kenneth at ang sinabi nito. Pero, hindi naman ata tama na sirain niya ang imagi
"I hate him! He's son of a devil!"Mariin ang bawat paglapat ng dulo ng ballpen ko sa pahina ng aking notebook. Nakakunot ang aking mga noo habang sinusulat ang katagang iyon para mabawasan ng kunti ang aking inis. Isusumpa ko talaga ang walang hiyang iyon. That man really getting into my nerves every minute.What happened?It's just a simple encounter but made my blood boiled. I was grabbing my things inside my locker when someone hit my locker to close. Diba napakawalang-modo ang gagawa ng bagay na iyon? Paano kung naipit ako doon? Hindi ko alam paano siya nakapasok sa CED locker room, siguro ay ginamit na naman niya ang connection niya. Pero ano bang ginagawa niya sa CED building? Hindi ko rin alam kung kulang siya sa pansin o kulang sa aruga. Maling gatas ata ang nainom ng lalaking iyon noong sanggol pa.Sinigawan ko lang siya at pinaalis noong isang araw ay bumalik agad sa papaging demonyo ang ugali. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa sakit na dulot ng rejection ni Kenneth pero
“You’re lips taste so good…” he said between our kisses. Mapupusok ang naging palitan ng aming mga halik. It’s my first time making out—we’re freaking Torrid kissing. It feels like ecstasy that so hard to resist. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho kaming hinihingal. “Wanna try something more intense?” he asked. “Ahmm—” “Janine!” Biglang nagliwanag ang paligid at naglaho sa harapan ko si Gemar. The next thing I know ay nasisilaw na ako sa liwanag na pumapasok sa bukas na bintana sa kwarto. Nakatayo si mama sa gilid habang nakapamewang. Si mama lang pala ang salarin kung bakit nasira ang maganda kong panaginip——wait, what? Isang nakakadiring panaginip pala iyon. Mabuti na lang ay hindi totoo dahil baka masuka lang ako kapag ang kutong-lupa na iyon ang ka-torrid kiss ko. Masuka? Hindi naman ako nasuka nang halikan ako ni Gemar kagabi. Siguro ay dahil mabilis lang iyon tapos nabigla rin ako. But, honestly he taste and smell like mint. Hindi na masa
“Ano bang kabilin-bilinan namin sa ‘yo, Janine! Hindi ba ay ang sabi namin ng papa mo ay lumayo ka sa pamilyang ‘yon!” Palakad-lakad si mama sa harap ko. Halatang nagtitimpi siyang saktan ako dahil napapasabunot na lang siya sa sarili niya. Hindi ko naman sinasadyang suwayin sila. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kapag nasa harap ko na. “Mama, ‘wag ka na po magalit. Sinamahan ko lang naman siya dahil nakiusap siya sa ‘kin,” depensa ko. Aminado akong may kasalanan ako sa nangyari. Hindi ko naman itatanggi na nanaig ang karupokan ko kaya nagpatianod lang ako sa sitwasyon. “Hindi ka nagsisinguling sa ‘kin pero nagawa mo kagabi. Kung hindi ko pa pala tinawagan si Rhian para tanungin kong nasa kanila ka ay ‘di ko pa malalaman na kasama mo ang lalaking ‘yon! Hindi kayo magkaibigan ng Gemar na ‘yon pero nagawa mo siyang samahan at magsinungaling sa ‘kin para sa kanya. Pasalamat ka na lang dahil nasa duty ang papa mo dahil kung sakaling nandito siya kagabi ay siguradong mapapa
“Naka-drugs ka!” Ramdam ko ang pagbato ng mga tingin ng mga estudyanteng nakatambay sa malapit sa amin. May isa’t kalahating oras kaming vacant kaya nasa School ground kami ni Rhian nagpapalipas ng oras. Late na sila nakauwi noong sabado kaya hindi na rin niya ako nasipot sa usapan. Noong linggo naman ay may date raw sila ni Hans. Sa madaling salita ay walang oras ang kaibigan kong ito sa akin noong weekend dahil busy siya sa love of her life. Ngayon ko lang din tuloy na-kwento sa kanya ang tungkol sa anak ni Kenneth. At, tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala. “H’wag kang maingay,” suway ko sa kanya. “Sigurado ka ba talaga sa tsismis mo? Paano ‘yon magkakaanak kung walang namang asawa. Wala siyang matris, girl!” aniya. Napapahilot pa siya sa sintido niya, feeling stress. “Tinanong ko kung anak niya at ang sagot niya ay ‘oo’. Baka naman ay nabuntis niya ex-girlfriend niya tapos iniwan sa kanya ‘yong bata noong nag-break sila. Possible naman ‘yon, ‘d
“Red tulips again?” Lumipas na ang ilang araw pero hindi ko pa rin alam kung sino ang sa likod ng mga red tulips na ito. Araw-araw akong nakakatanggap ng isang tangkay ng bulaklak. At, ngayon nga ay may isang tulip na naman sa nakasipit sa locker ko. Pinaglalaruan ba niya ako? “Sana all laging nakakatanggap ng bulaklak,” pang-aasar ni Kristel. “Pahiram naman ng ganda mo. Anyway, kanino ba galing ‘yan? Kay Gemar ba?” Gemar? Imposible naman na sa kanya ito galing. Speaking of him, ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita pagkatapos ng encounter namin sa parking lot. Nasaktan kaya siya sa mga sinabi ko? “Hindi ko alam. Sige, mauna na ako sa ‘yo sa classroom.” Tumango lang naman si Kristel bilang tugon habang nangangalkal pa sa locker niya. Maraming tumatakbo sa isip ko habang tinatahak ang hallway papunta sa classroom. Masaya ako na pagkatapos ng hindi magandang salubong sa akin ng paaralan na ito ay may nagawa pa ring humanga sa akin. Ngunit, literal s
“Anak, may naghahanap sa ‘yo sa labas.” Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Alam kong si mama iyon pero anong ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay nasa Shop pa rin siya hanggang ngayon? Agad akong bumangon mula sa kama’t tinungo ang pinto. “Ma, bakit ang aga niyo naman po umuwi?” “Ang mga staff ko na ang bahala sa Shop. Hindi ko naman hahayaan na mag-isa na rito sa bahay gayong masama pa ang pakiramdam mo. Kamusta ka na pala?” “I’m fine po.” Hindi ako pumasok ngayong araw at nagdahilan lang ako sa parents ko na masama ang pakiramdam ko. Ang sabi ni papa ay baka pagod lang daw ako pero ang hindi nila alam ay may tinataguan lang talaga ako. Hindi ko kasi alam kung paano haharapin si Gemar pagkatapos ng mga sinabi niya kahapon. Alam kong malaki ang Campus pero hindi malabong magkita kami lalo na kung pupuntahan niya ako. Gulong-gulo pa rin ako kaya kailangan ko pa talaga ng panahon para makapag-isip. Maraming gumugulong tanong
“Gemar?” Nadatnan ko siyang sa side ng parking kung saan madalas ko i-park ang motor ko. Yes, nagpasya na akong pumasok ngayon dahil pinilit na rin ako ni mama. Hindi ko sinabi sa kanya kung sino ang tinutukoy ni Kenneth kahapon, mabuti na lang nga ay hindi na ako pinilit ni mama pero sinabi niyang mas mabuting harapin ko ang suliranin ko sa bagay na ito. She even suggested na bigyan ko ng chance para naman may distraction ako at lalong makaiwas kay Gemar. Paano ako makakaiwas kay Gemar kung siya mismo ang lalaking sangkot sa suliranin kong ito. Siya mismo ang lalaking iniyakan ko na sinasabi ni Kenneth na nagugustuhan ko raw. Hindi pa ako convince sa sinabi niya pero nakapagdesisyon na ako. Hindi ko masasagot ang mga tanong sa isip ko kung iiwasan at tataguan ko lang ito. “Can we talk? ” aniya. Nakakamiss din palang marinig ang boses niya pero may pagkakaiba ngayon araw. Naging malumanay ang tono niya