"Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo? Akala ko ba ay may deal tayo? Gusto mo ba talagang sirain ang pamilya na pinaghirapan ko? Gumaganti ka ba sa akin?" Hindi ko alam kung ano ba ang tamang mararamdaman ko sa mga tanong niyang ito? Tama ba na magalit ako sa kanya kasi kung tutuusin ay biktima rin ako ng salitang pag-ibig, at ako ang inagawan niya ng asawa. O, tama na maawa ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay namamalimos pa rin siya ng pagmamahal, tila walang character development na nagaganap. Naging saksi ako simula college kung paano niya idikit ang sarili niya kay Gemar, alam ko kung gaano siya ka despirada na makuha ang pagmamahal nito. Naging biktima niya rin ako noong inagaw niya sa akin ang asawa. Tama siya, pinaghirapan niya naman talaga na makuha si Gemar. Naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling ang galit at insecurities niya, marahil ay alam niya na kahit may anak sila ay hindi pa rin buo ang pagmamahal ni Gemar sa kanya. Ano pa nga bang aasahan niya
"𝐻𝑒𝑙𝑙𝑜? 𝐼𝑠 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝐽𝑎𝑛𝑖𝑛𝑒 𝑀𝑒𝑛𝑑𝑜𝑧𝑎?" Around five in the afternoon when I received this call from an unknown number. I am still busy in our shop, and overly confident that my daughter is doing fine. But, it seems like the universe is testing me right now. The caller gives me shocking news."Yes?" sagot ko sa tawag. "𝑁𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑢𝑚𝑏𝑒𝑟 𝑛𝑖𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑖𝑘𝑜𝑑 𝑛𝑔 𝐼𝐷 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑎, 𝑠𝑎𝑦𝑖𝑛𝑔 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑦𝑜𝑢'𝑟𝑒 𝑡ℎ𝑒 𝑔𝑢𝑎𝑟𝑑𝑖𝑎𝑛. 𝑌𝑜𝑢𝑟 𝑑𝑎𝑢𝑔ℎ𝑡𝑒𝑟 𝑔𝑜𝑡 𝑖𝑛𝑡𝑜 𝑎𝑐𝑐𝑖𝑑𝑒𝑛𝑡, 𝑤𝑒 𝑎𝑟𝑒 𝑛𝑜𝑤 𝑡𝑟𝑎𝑛𝑠𝑓𝑒𝑟𝑟𝑖𝑛𝑔 ℎ𝑒𝑟 𝑡𝑜 𝑡ℎ𝑒 𝑛𝑒𝑎𝑟𝑒𝑠𝑡 ℎ𝑜𝑠𝑝𝑖𝑡𝑎𝑙 𝑓𝑟𝑜𝑚 ℎ𝑒𝑟 𝑠𝑐ℎ𝑜𝑜𝑙." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, nanlimig talaga ang buong katawan ko. Sa subrang taranta ko ay agad akong tumakbo palabas ng shop kahit napakadami pa ng mga customers, narinig ko na tinawag pa ako ni mama pero hindi ko na pinansin. Sigurado na Hospital kung saan nagtatrabaho si Gemar dadalhin si Ava, it
“Janine? Is that you?” Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makilala niya ako. Tama iyan, magulat ka lang. “I didn't recognize you because you look so gorgeous tonight,” parang naiilang niya pang turan. I think I should take that as a compliment.Quota na rin naman ako sa mga panlalait niya sa akin simula noong nagkakilala kami, ngayon ko lang narinig mula sa bibig niya ang salitang 'gorgeous'. Hindi ko alam kung nahipan ba siya ng mabuting hangin kaya wala siyang espirito ng demonyo ngayon o hindi niya lang talaga ako nakilala dahil sa ayos ko. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi na mahalaga, maglaway siya sa ganda ko. Pilit akong ngumiti sa kanya. “You look handsome tonight but still a sh*t. So, back off!”Mukha siyang karespi-respito ngayon dahil sa suot niyang suit at tindig niya. Pero, dahil siya si Gemar na bully kaya kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Hindi mababago ng panlabas niyang kakisigan at kagwapuhan ang hindi magandang impression na pinakita niya sa akin noo
“Take care, honey.” “H'wag bilisan ang pagpapatakbo ng motor.” Napangiti ako sa paalala ni mama at papa, respectively. Hinalikan ko sila sa pisngi bago sumakay sa motor ko na Ducati. It was my father's gift last year for my birthday. Labag sa kalooban ni papa na bigyan ako nito dahil delikado raw pero binigay niya pa rin dahil alam niyang ito ang gusto ko. Mas astig kasi para sa akin kapag naka-motor isama na rin ang katotohanang hindi rin ako mahilig sa cars. Anyway, ito ang unang araw na papasok ako sa klase sa bagong paaralan ko. Isang Doctor si papa sa province namin pero nalipat siya sa pampublikong Hospital dito sa Manila. May clothing line business naman si mama at gusto niyang magtayo ng branch dito. Wala na rin naman akong nagawa nang asikasuhin nila ang pag-transfer ko sa isang private College School na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mapapasukan ko. Lumaki ako sa Nueva Ecija kaya hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa
“You know what, I like you. . . I like you to throw in the trash bin. You look like a living trash.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He like me to what? Is he freaking insane o sperm na hindi nabuo? Babatukan ko na sana ang kulang sa arugang sperm nang biglang humagalpak ng tawa si Rhen. Imbes tuloy na ang katabi ko ang mabatukan ko ay sa balikat niya lumanding ang palad ko. “Aray!” daing niya. “Sorry na, hindi ko na napigilan ang tawa ko e'. Tama naman kasi si Gemar, friend.” “Ang—” “Kaibigan mo ‘to?” sabat ni Gemar kuno. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita bago makisawsaw. “Alam kong hindi halata pero childhood best friend ko si Janine,” sagot ni Rhian. Ramdam ko ang pagkailang niya nang sabihin niya ang katagang iyon. Nakakahiya ba talaga ang itsura ko? “Wala lang talaga siyang sense of fashion. Hindi ata nagmana kay tita,” dagdag pa ni Rhian. Hindi na rin ako nakasingit sa usapan nila na ako lang naman ang topic. Paran
“Nakita ko na naman ang gwapong anak ni Miss Sophia dela Cruz...” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng kapwa ko estudyante. Sophia dela Cruz? Quite familiar... Saan ko nga ba huling narinig ang pangalan na iyon? “Anong tinatayo mo r'yan? Akala ko ba ay mauuna ka sa ‘kin? Day dreaming ka talaga sa gitna ng hallway?” sunod-sunod na tanong ni Rhizn nang maabutan niya ako. “Sige, ituloy mo na ang day dreaming mo. Mauna na ako sa ‘yo dahil tinatawagan ako ni mommy. Wala rin naman pala tayong class today e’. Ang tagal nilang mag-announce.” She waved her hand before she walked away from me. Uuwi na lang din ako dahil wala naman akong kaibigan dito na makakasamang gumala, kay Rhizn lang naman ako tumatagal e. Pinasawalang-bahala ko na lang ang pagkarinig sa pangalan ng Sophia na iyon. Marahil ay sikat siya kaya familiar sa akin ang pangalan niya. Pero, hindi ko naman talaga siya kilala.KINABUKASAN ay maaga na naman akong pumasok. Palagi kasi na umaga ang
“Ano bang kalokohan ‘to, Janine?” Talagang tinotoo ni Miss Fajardoza ang pagsumbong sa Dean kaya nakarating kay mama ang nangyari. Wala namang naging parusa sa akin dahil sinabi ni Gemar na biruan lang ang nangyari sa Cafeteria. Wala ring naging reklamo ang Sperm na iyon, mabuti na lang dahil sakaling mayroon ay tatambangan ko talaga siya tapos sasapukin. “He's a freaking son of dela Cruz! Bakit kailangan sa kanya ka pa mapalapit o mapaaway!” dagdag pa ni mama. Wala na rin naman akong nagawa kundi tumango nang tumango. Nabanggit din kasi ng aming Dean na ang Sperm na iyon ay anak ni Mr. Gem dela Cruz at Sophia dela Cruz. Anong mayroon sa kanila? That sperm's father is the owner of Dela Cruz modeling Agency na nangunguna ngayon sa Asya. Ang nanay naman niya ay isang sikat na modelo kaya siguro familiar sa akin ang pangalan na iyon. Nirerespito ang pamilya nila ng mga staff sa paaralan dahil malaki ang shares ng pamilya nila noong bago palang ang BEC. Yeah, BE
“What?” Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglang paghiyaw ni Rhian, nakakagulat naman siya e’. Kasalukuyan kaming nasa mini garden sa gilid ng CED building, may kiosk kasi rito. Katatapos lang ng klase kaya tumambay muna kami. Na-kwento ko sa kanya ang about kay Kenneth kaya naman gulat na gulat ang gaga. Ngayon lang naman kasi ako nag-share ng nararamdaman ko kaya naiintindihan ko siya. “Kumalma ka nga, Rhian,” saway ko sa kanya. “Paano ako kakalma? Inamin mo lang naman na gusto mo si Kenneth Bello ng Civil Engineering. Parang gusto kitang sapakin ngayon!” bulyaw niya na naman sa akin. Napakaingay talaga nito, paano kung may makarinig sa kanya. “Kung mag-react ka naman parang kilala mo. Teka, i-search natin sa FB.” Agad akong nag-log in sa Facebook pero walang pasabing hinablot ni Rhian ang phone ko. “Kilala ko siya, matagal na. Kenneth Bello is the name, 3rd year Civil Engineering Student, gwapo, mabait at mayaman. Oh, dami ko learn,” pagmamalak