“Janine? Is that you?” Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makilala niya ako. Tama iyan, magulat ka lang. “I didn't recognize you because you look so gorgeous tonight,” parang naiilang niya pang turan. I think I should take that as a compliment.
Quota na rin naman ako sa mga panlalait niya sa akin simula noong nagkakilala kami, ngayon ko lang narinig mula sa bibig niya ang salitang 'gorgeous'. Hindi ko alam kung nahipan ba siya ng mabuting hangin kaya wala siyang espirito ng demonyo ngayon o hindi niya lang talaga ako nakilala dahil sa ayos ko. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi na mahalaga, maglaway siya sa ganda ko.
Pilit akong ngumiti sa kanya. “You look handsome tonight but still a sh*t. So, back off!”
Mukha siyang karespi-respito ngayon dahil sa suot niyang suit at tindig niya. Pero, dahil siya si Gemar na bully kaya kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Hindi mababago ng panlabas niyang kakisigan at kagwapuhan ang hindi magandang impression na pinakita niya sa akin noong una. Hindi mababago ang katutuhanan na siya ang kontrabida sa kwento. Hindi mababago ang mga ginagawa niyang paninira ng araw ko sa paaralan.
Hindi ko masasabi na kampon siya ni Satan dahil siya mismo ay anak nito. Ano nga ba ang ginagawa niya sa akin? It's a long story.
"Ang taray mo naman," aniya.
I rolled my eyeballs. "Dapat bang maging malambing ako sa 'yo?" Akma ko na siyang tatalikuran nang hawakan niya ako sa braso para pigilan. “What?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Come on, let's dance.”
Walang pasabi niya akong hinila sa dance floor kung saan marami na rin ang sumasayaw. Wala na rin naman akong nagawa kundi magpatianod sa paghila niya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya mahirap kumawala. Binitawan niya ako nang marating naman ang gitna ng dance floor kung saan sinulyapan kami ng mga schoolmates namin na nagsasayawan, marahil ay hindi rin nila inaakala na magsasama kaming dalawa sa pwestong ito.
Iniisip ko na umalis at iwan siya, ngunit hindi ata umaayon sa akin ang tadhana. Akma ko na sanang tatalikuran si Gemar nang biglang tumapat sa amin ang spotlight. Agaw-eksena na naman kaming dalawa, sinabayan ba naman ng hiyawan.
Napabuntong-hininga na lang naman ako nang deretsong tumingin sa mga mata ni Gemar na kasalukuyang nakangisi sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinatong ito sa balikat niya, samantalang ang kamay niya sa bewang ko. Wala na talagang atrasan sa puntong ito.
Taaaddaaa...We're now dancing! I never imagine it in my whole life.
“Woaahhh, trying hard pa kayo kahapon tapos ngayon magkasama naman. Marurupok din pala kayo?” komento ni Rhian na bigla na lang sumulpot habang hila-hila ang isang lalaki.
“Lumayas ka nga rito, Rhian. Lumayo-layo ka muna sa ‘kin.”
“Fine! Alam ko namang gusto mong masolo si pogi.”
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong lumayo sa pwesto namin ang mapang-asar kong kaibigan. Bakit ba kasi kasama ko ang lalaki na ito? Nakakahiya naman siyang tanggihan, nakakahiya rin naman kung mag-walk out ako bigla. Mas mabuting ceasefire muna kaming dalawa ngayong gabi dahil siguradong pagbalik naman sa paaralan ay babalik din ang aming pagbabangayan.
Today is our Valentines ball, it's our night to unwind and enjoy.
“I got attracted with your ass earlier,” aniya.
Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang bastos! Itutulak ko na sana siya nang hapitin niya pa ako palapit sa kanya. Ano bang iniisip ng lalaking ito?
"What the hell!"
"Hindi ko naman alam na ikaw pala si Jessa, nagkataon lang na ikaw una kong napansin kanina habang tinatakasan ko ang babaeng habol nang habol sa akin. You look attractive kaya ikaw na agad nahila ko para layuan niya ako. Sino mag-aakalang may igaganda ka pa pala," paliwanag niya.
"Are you complimenting me or insulting me right now? Hindi ka na ba talaga magbabago o titino man lang kahit ngayong gabi? Hindi ko na talaga maintindihan ang trip mo sa buhay." Tumigil ako sa pagsasayaw namin at akmang aalis pero hinawakan na naman niya ako sa kamay para pigilan.
"Huwag kang umalis, hindi ko intensiyon na mainsulto ka. Sige, aaminin ko maganda ka at kaya ko rin naman maging matino kung para sa 'yo ei."
"What? Is it your new scheme to prank me, to humiliate me? Bitawan mo ako kung ayaw mong gumawa ako ng eskandalo dito."
Ngunit imbes na bitawan niya ako ay hinila niya pa ako padikit sa kanya, halos wala na ring espasyo sa pagitan naming dalawa. Nagtama ang aming mga mata nang tumingin ako sa kanya, nakangiti siya at may kakaibang kislap sa kanyang mga mata.
Sa hindi ko rin mawaring dahilan ay naramdaman ko na lang ang mabilis at malakas na kabog ng aking dibdib, pag-iinit ng aking pisngi at pakiramdam ng pagkailang. Hindi ako inosente sa posibleng susunod na mangyayari, hindi naman sa nag-a-assume ako pero napanuod ko na ang ganitong eksena.
Hindi man kami bida sa isang telenovela pero sa punto ito ay sa aming dalawa umiikot ang mundo. Tila nawala ang mga taong nasa paligid namin at kaming dalawa ang nandito, sinasabayan ang nakapang-aakit na lyrics ng kanta.
“I'm attracted with especiall with your pretty face and kissable lips,” dagdag niya pa.
Hindi na rin naman ako naka-react agad. Nanatili kami sa aming posisyon. I feel some butterflies inside my stomach. Hindi ko inaasahan na totoong mararamdam mo iyon. Ngunit, mas hindi ko inaasahan na sa kanya ko pa mararamdaman. Tila may mali sa akin, hindi ko dapat nararamdaman ang bagay na ito. Hindi dapat ako kinakabahan dahil sa kanya. Hindi dapat namumula ang pisngi ko dahil sa titig niya. Wala dapat akong nararamdamang kakaiba para sa kanya.
He's my mortal enemy. Galit lang dapat mamagitan sa aming dalawa, walang iba. Marahil ay isa lang itong paraan niya para ipahiya ako, hindi dapat ako magpadala sa mga sinasabi niya.
“Happy Valentine's day,” bati niya.
I supposed to response when his lips touch mine. I'm not ready with this but he stole my first kiss.
“Take care, honey.” “H'wag bilisan ang pagpapatakbo ng motor.” Napangiti ako sa paalala ni mama at papa, respectively. Hinalikan ko sila sa pisngi bago sumakay sa motor ko na Ducati. It was my father's gift last year for my birthday. Labag sa kalooban ni papa na bigyan ako nito dahil delikado raw pero binigay niya pa rin dahil alam niyang ito ang gusto ko. Mas astig kasi para sa akin kapag naka-motor isama na rin ang katotohanang hindi rin ako mahilig sa cars. Anyway, ito ang unang araw na papasok ako sa klase sa bagong paaralan ko. Isang Doctor si papa sa province namin pero nalipat siya sa pampublikong Hospital dito sa Manila. May clothing line business naman si mama at gusto niyang magtayo ng branch dito. Wala na rin naman akong nagawa nang asikasuhin nila ang pag-transfer ko sa isang private College School na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mapapasukan ko. Lumaki ako sa Nueva Ecija kaya hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa
“You know what, I like you. . . I like you to throw in the trash bin. You look like a living trash.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He like me to what? Is he freaking insane o sperm na hindi nabuo? Babatukan ko na sana ang kulang sa arugang sperm nang biglang humagalpak ng tawa si Rhen. Imbes tuloy na ang katabi ko ang mabatukan ko ay sa balikat niya lumanding ang palad ko. “Aray!” daing niya. “Sorry na, hindi ko na napigilan ang tawa ko e'. Tama naman kasi si Gemar, friend.” “Ang—” “Kaibigan mo ‘to?” sabat ni Gemar kuno. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita bago makisawsaw. “Alam kong hindi halata pero childhood best friend ko si Janine,” sagot ni Rhian. Ramdam ko ang pagkailang niya nang sabihin niya ang katagang iyon. Nakakahiya ba talaga ang itsura ko? “Wala lang talaga siyang sense of fashion. Hindi ata nagmana kay tita,” dagdag pa ni Rhian. Hindi na rin ako nakasingit sa usapan nila na ako lang naman ang topic. Paran
“Nakita ko na naman ang gwapong anak ni Miss Sophia dela Cruz...” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng kapwa ko estudyante. Sophia dela Cruz? Quite familiar... Saan ko nga ba huling narinig ang pangalan na iyon? “Anong tinatayo mo r'yan? Akala ko ba ay mauuna ka sa ‘kin? Day dreaming ka talaga sa gitna ng hallway?” sunod-sunod na tanong ni Rhizn nang maabutan niya ako. “Sige, ituloy mo na ang day dreaming mo. Mauna na ako sa ‘yo dahil tinatawagan ako ni mommy. Wala rin naman pala tayong class today e’. Ang tagal nilang mag-announce.” She waved her hand before she walked away from me. Uuwi na lang din ako dahil wala naman akong kaibigan dito na makakasamang gumala, kay Rhizn lang naman ako tumatagal e. Pinasawalang-bahala ko na lang ang pagkarinig sa pangalan ng Sophia na iyon. Marahil ay sikat siya kaya familiar sa akin ang pangalan niya. Pero, hindi ko naman talaga siya kilala.KINABUKASAN ay maaga na naman akong pumasok. Palagi kasi na umaga ang
“Ano bang kalokohan ‘to, Janine?” Talagang tinotoo ni Miss Fajardoza ang pagsumbong sa Dean kaya nakarating kay mama ang nangyari. Wala namang naging parusa sa akin dahil sinabi ni Gemar na biruan lang ang nangyari sa Cafeteria. Wala ring naging reklamo ang Sperm na iyon, mabuti na lang dahil sakaling mayroon ay tatambangan ko talaga siya tapos sasapukin. “He's a freaking son of dela Cruz! Bakit kailangan sa kanya ka pa mapalapit o mapaaway!” dagdag pa ni mama. Wala na rin naman akong nagawa kundi tumango nang tumango. Nabanggit din kasi ng aming Dean na ang Sperm na iyon ay anak ni Mr. Gem dela Cruz at Sophia dela Cruz. Anong mayroon sa kanila? That sperm's father is the owner of Dela Cruz modeling Agency na nangunguna ngayon sa Asya. Ang nanay naman niya ay isang sikat na modelo kaya siguro familiar sa akin ang pangalan na iyon. Nirerespito ang pamilya nila ng mga staff sa paaralan dahil malaki ang shares ng pamilya nila noong bago palang ang BEC. Yeah, BE
“What?” Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglang paghiyaw ni Rhian, nakakagulat naman siya e’. Kasalukuyan kaming nasa mini garden sa gilid ng CED building, may kiosk kasi rito. Katatapos lang ng klase kaya tumambay muna kami. Na-kwento ko sa kanya ang about kay Kenneth kaya naman gulat na gulat ang gaga. Ngayon lang naman kasi ako nag-share ng nararamdaman ko kaya naiintindihan ko siya. “Kumalma ka nga, Rhian,” saway ko sa kanya. “Paano ako kakalma? Inamin mo lang naman na gusto mo si Kenneth Bello ng Civil Engineering. Parang gusto kitang sapakin ngayon!” bulyaw niya na naman sa akin. Napakaingay talaga nito, paano kung may makarinig sa kanya. “Kung mag-react ka naman parang kilala mo. Teka, i-search natin sa FB.” Agad akong nag-log in sa Facebook pero walang pasabing hinablot ni Rhian ang phone ko. “Kilala ko siya, matagal na. Kenneth Bello is the name, 3rd year Civil Engineering Student, gwapo, mabait at mayaman. Oh, dami ko learn,” pagmamalak
“Arrghh!” Paikot-ikot ako sa higaan pero hindi pa rin talaga ako makatulog. Halos nagawa ko na ang lahat ng posisyon pero wala paring epekto—posisyon sa pagtulog kaya huwag kang berde. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay mukha ni Gemar ang aking nakikita. De-ni-demonyo niya na ba ako? Kailangan ko atang magpatingin sa albolaryo. Sa inis ko ay marahas akong bumangon at kinuha ang phone ko sa bedside table. Kailangan ko talaga ma-relax para makatulog. Stress talaga lagi ang dala ng lalaking iyon e. Nag-log in ako sa Facebook at nagtungo sa profile ni Kenneth. Kailangan ko makita ang mukha niya para kumalma ako. Pero, mali ata ang naging desisyon ko dahil nanlumo lang ako. May bago siyang post na may caption na ‘you're worth waiting for'. Ang naka-attach na picture ay isang candid photo ng babae. Ito siguro ang Author na tinutukoy ni Rhian. Nawa'y lahat, 'di ba? “JANINE!” Parang nabuhay ang katawang-lupa ko nang marinig ang
First day of Intramural, I was assigned to deliver some snacks for CED players. Kasama ko si Rhian pagkatapos ng ilang araw na hindi ko siya nakakasama dahil laging nagpapatawag ng meeting ang SC president.Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong huli kong nakausap si Kenneth. Ngunit, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang sinabi niyang may chemistry kami. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dahil umalis din naman siya agad. Hindi ko pa nga rin nababalik ang shirt niya. “Para kang tangang ngumingiti d'yan.” Parang isang manipis na salaming nabasag ang imagination ko nang marinig ang sinabing iyon ni Rhian. “Shut up!” Pinangdilatan ko siya ng mata.“H'wag mong sabihin na naiisip mo pa rin ang sinabi ni Kenneth. Gumising ka na sa kagagahan mo dahil nandito na tayo sa field. Be attentive, baka mamaya ay tamaan ka ng bola,” aniya. I sighed. Na-kwento ko sa kanya ang pagtulong sa akin ni Kenneth at ang sinabi nito. Pero, hindi naman ata tama na sirain niya ang imagi
"I hate him! He's son of a devil!"Mariin ang bawat paglapat ng dulo ng ballpen ko sa pahina ng aking notebook. Nakakunot ang aking mga noo habang sinusulat ang katagang iyon para mabawasan ng kunti ang aking inis. Isusumpa ko talaga ang walang hiyang iyon. That man really getting into my nerves every minute.What happened?It's just a simple encounter but made my blood boiled. I was grabbing my things inside my locker when someone hit my locker to close. Diba napakawalang-modo ang gagawa ng bagay na iyon? Paano kung naipit ako doon? Hindi ko alam paano siya nakapasok sa CED locker room, siguro ay ginamit na naman niya ang connection niya. Pero ano bang ginagawa niya sa CED building? Hindi ko rin alam kung kulang siya sa pansin o kulang sa aruga. Maling gatas ata ang nainom ng lalaking iyon noong sanggol pa.Sinigawan ko lang siya at pinaalis noong isang araw ay bumalik agad sa papaging demonyo ang ugali. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa sakit na dulot ng rejection ni Kenneth pero