Share

CHAPTER 05

     “What?”

     Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglang paghiyaw ni Rhian, nakakagulat naman siya e’. Kasalukuyan kaming nasa mini garden sa gilid ng CED building, may kiosk kasi rito. Katatapos lang ng klase kaya tumambay muna kami.

     Na-kwento ko sa kanya ang about kay Kenneth kaya naman gulat na gulat ang gaga. Ngayon lang naman kasi ako nag-share ng nararamdaman ko kaya naiintindihan ko siya.

      “Kumalma ka nga, Rhian,” saway ko sa kanya.

      “Paano ako kakalma? Inamin mo lang naman na gusto mo si Kenneth Bello ng Civil Engineering. Parang gusto kitang sapakin ngayon!” bulyaw niya na naman sa akin. Napakaingay talaga nito, paano kung may makarinig sa kanya.

“Kung mag-react ka naman parang kilala mo. Teka, i-search natin sa F*.” Agad akong nag-log in sa F******k pero walang pasabing hinablot ni Rhian ang phone ko.

     “Kilala ko siya, matagal na. Kenneth Bello is the name, 3rd year Civil Engineering Student, gwapo, mabait at mayaman. Oh, dami ko learn,” pagmamalaki niya.

      “Tsismosa ka kasi. Ano pa alam mo? Sabihin mo sa ‘kin para lalo ko pa siyang makilala,” na-e-excite kong turan.

      Sinong hindi ma-e-excite na makilala ang ideal man ko, 'di ba?

      “Ang landi mo!” Kinutusan niya ako. “Wala kang pag-asa sa lalaking ‘yon. Base sa mga nasagap kong tsismis ay siya ang rumored manliligaw ni Ate Cerrie,” aniya.

      “Sino naman ‘yon?”

       “Nagbabasa ka ba ng fiction books or active ka ba sa social media?” tanong niya.

       Ako ang unang nagtanong tapos sasagutin din ako ng tanong. Walang-hiya​ talaga ang babaeng ito. Pero, sino ba kasi iyon?

       “Hindi masyado kasi busy ako sa pagtulong kay mama sa Clothing line business niya,” sagot ko.

       “Kaya naman pala hindi mo kilala. Si Ate Cerrie ay isang Author ng mga best selling fiction books. In her young age rin ay may-ari na siya ng restaurants na kilala Nationwide. Investor din siya sa business ng mga Bello na LoSuc Wine Manufacturer. At, lastly ay usap-usapan ng mga fans niya na ang manliligaw niya ay ang lalaking gusto mo,” paliwanag niya.

        Natauhan ako ng kunti pero wala pa rin akong pakialam. Hindi pa naman confirm kaya may chance pa naman ako, ‘di ba?

        “Wala akong pakialam sa kanya o sa usap-usapan na ‘yon. Basta gusto ko si Kenneth,” pagmamatigas ko.

        Hindi ako maniniwala sa kwento ni Rhian hangga't hindi ko nakikita. Minsan lang ako ma-attract sa lalaki kaya hindi ko hahayaan na mauwi lang sa wala.

        “S***a ka, girl! Gusto na kitang sapakin. Wala ka ngang pag-asa kaya ‘wag kang mag-feeling third wheel sa relasyon ng iba. Kay Gemar ka na lang para susuportahan pa kita,” pagpipilit niya. Ang tigas din naman talaga ng babaeng ito.

        “Bukod sa hindi ko nakikita kay Gemar ang personality na gusto ko sa isang lalaki ay may girlfriend din siya. Mas interesado ako kay Kenneth kaya ‘wag kang kontrabida,” depensa ko pabalik.

        Pigilan niyo ako, baka masakal ko si Rhian. Napipikon na ako sa babaeng ito. Ang hilig komontra, akala mo naman ay siya ang makikinabang.

        “Matagal ko na ngang kilala si Gemar, ‘di ba? Base sa pakikitsismis ko ay hindi naman talaga mahal o gusto man lang ni Gemar ang girlfriend niya. Parents lang nila ang nagset-up sa relasyon nila. Naghahanap lang ata pagkakataon si Gemar na makipag-break sa babae. Hindi pa niya ata nakakausap ang Daddy niya tungkol doon pero kapag ma-convince niya ang Daddy niya ay siguradong may chance ka, girl,” pangungulit pa rin niya.

        Hindi ba talaga siya titigil sa GemarxJessa ship niya? Lubog na nga simula't sapul pero pilit niya pang inaangat.

        “Tigilan mo na nga ako!” singhal ko.

        Hindi na rin ako nakatiis kaya nag-walk out na lang ako, iniwan ko siya na patawa-tawa pa. Tuwang-tuwa ang kulang sa aruga dahil napikon niya ako. Sarap kutusan ang walang-hiya.

        Tapos na rin naman ang klase ko ngayong araw pero imbes na umuwi ay dumiretso na ako sa Shop ni mama. May physical Clothing Shop na si mama pero tumatanggap pa rin naman siya ng order sa online. Mas marami nga siyang buyer sa online pero gusto ni papa na may physical Shop para hindi pakalat-kalat sa bahay ang mga products. Nagkataon din na may nakilala si papa na nagbebenta ng property kaya binili na niya.

      “Hi, ma.” Humalik ako sa pisngi niya nang madatnan ko siya counter.

      “Mabuti na lang ay pumunta ka rito. Pwede ba kitang utusan, anak?” tanong niya.

      “Oo naman po, mama.”

      Kunti palang ang staff ni mama kaya hangga't kaya ko ay tutulungan ko siya. Nagsisimula palang kasi siya rito sa Manila kaya mahirap talaga maghanap ng mapagkakatiwalaang staffs.

     “Paki-deliver ‘to, anak.” May inabot siya sa akin na hindi kalakihang paper bag at isang pirasong papel kung saan nakasulat ang address. “Inorder ‘yan online ni Miss Shaila Dumon dahil busy raw siya kaya hindi makapunta rito sa Shop. Iyan ‘yong limited edition dress at kailangan na raw niya bukas,” pagkwento ni mama.

       “Bakit ako?”

       Pwede ako magbenta pero hindi ko pa nasusubukan na mag-deliver. May driver naman kasi si mama na siyang inuutusan niya para mag-deliver ng ibang products.

       “May inutos kasi ako kay Manong Tony,” tukoy niya sa driver niya.

       “Okay po, mama. Ipanalangin mo lang na sana ay hindi ako maligaw,” pagbibiro ko.

       Kinuha ko na ang paper bag at nagtungo sa motor ko. Sinabit ko ng mabuti para hindi malaglag. Pagkatapos talaga nito ay hihingi ako kay mama ng dagdag allowance. Tiningnan ko muna ang binigay na address ni mama bago pinaandar ang motor. Hindi naman pala ako maliligaw dahil nakatira lang kami sa same Village at hindi rin kalayuan sa bahay namin ang bahay nila.

       Makalipas ng ilang minutong pagmamaneho ay narating ko na rin ang naturang address. Hindi naman kalayuan kapag mabilis magpatakbo ng sasakyan. Agad akong nag-door bell na mabilis namang pinagbuksan ng hindi katandaang babae. Sa tingin ko ay katiwala siya rito.

      “Delivery for Miss Shaila from Mendoza Clothing Shop,” turan ko. Pinakita ko pa ang dala kong paper bag.

      “Halika po, ma'am, pumasok muna tayo sa loob. Ikaw na po magbigay niyan kay Miss Shaila.”

      Sumunod ako kay manang papasok sa loob ng bahay. “Miss Shaila, nandito na ang order mo," tawag ni manang. Tinatawag niya ata iyong amo niya rito.

      “Yeeyyy!”

      Napatingin ako sa babaeng nagmamadaling bumaba sa stairs, kasunod niya ang isang lalaki—Gemar?

      Anong ginagawa niya rito?

      “Ano ba ang order mo, Shaila?” tanong ng Sperm sa babae. Hindi niya ata ako napansin.

      “A gift for a friend who will celebrate her birthday tomorrow. It's a limited edition dress in Mendoza Clothing Shop. Sila ‘yong bagong bukas na Shop here in Manila na nag-trending dahil ang ganda talaga ng mga products nila,” pagkwento ni Shaila sa Sperm. Maya-maya'y muli siyang tumingin sa akin. “Ikaw ang model do'n sa page ng Shop, ‘di ba?” she asked.

       Pati ba naman iyon ay nakita niya. Na-upload na kasi ni mama kagabi ang mga pictures ko bilang model ng Clothing business niya. Mukhang magiging sikat ako, girl.

      “Is that you, Janine?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gemar. “Hindi ko akalain na side line mo rin ang pagiging delivery girl,” komento niya.

      “Anak ako ng may-ari kaya ‘wag kang manlait d'yan,” depensa ko.

      “Wala akong pakialam kung anak ka ng may-ari dahil kaya kong bilhin ang lahat ng pa-aari niyo kahit isama pa kita,” aniya.

       Nakalimutan ko na mayabang nga pala siya. Gusto bang lang ipamukha sa akin na mas mayaman siya? Ipalunok ko sa kanya lahat ng pera ng pamilya niya e'.

       “Itago mo na lang ang kayabangan mo,” sabat ko. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya. “Baka kasi kailanganin mo ‘yan kapag sinabi ko sa girlfriend mo na may iba kang kasamang babae,” bulong ko. Huwag niya talaga ako susubukan dahil hindi ko nagdadalawang-isip na ibalita ang pangbabae niya.

     “Wala akong pakialam sa girlfriend ko at lalong hindi ako takot dahil pinsan ko si Shaila. Narito ako kasi partner kami sa isang activity dahil magkaklase kami. H'wag ka ngang malisyosa, Janine,” ngisi niya.

      Natamimi ako saglit matapos marinig ang sinabi niya. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? Medyo napahiya ako doon a'.

      “Whatever, uuwi na ako.”

      Akma na akong aalis nang hawakan ako ni Gemar. “Mukha kang interesado sa ‘kin? The feeling is mutual, my dear."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status