"Mom! Dad!" Umiiyak si Ava na lumapit sa amin, pasadong alas otso na ng gabi at dapat ay tulog na siya kaya naman nagtataka ko siyang yinakap. Masayang-masaya siya kanina nang sunduin namin siya sa paaralan kaya hindi ko mawari kung anong minamaktol niya ngayon. "Anong nangyari, anak? Did you have a bad dream?" malumanay na tanong ni JM habang marahang hinahaplos ang likod nito. Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Ava at hinarap ang Daddy niya. "I called Issa to asked if she wants me to bring her some cookie tomorrow kasi kanina sa canteen napansin ko na mahilig siya sa cookie. Gusto ko sana ipatikim sa kanya ang baked cookies ni mommy." "Then, anong sabi niya?" tanong ko. Oo, nagawa ko pang itanong kahit may ideya na rin naman ako kung anong sagot ni Issa. Sigurado akong nakausap na siya ng mommy niya. "She's not interested with cookies and she doesn't want to be friends with me. Huwag ko raw siyang lalapitan bukas," pasinghot-singhot pang turan ng anak ko. "It's oka
Nang sumunod na araw ay mag-isa akong naghatid kay Ava sa school, hindi dahil ayaw kong isama si JM kundi dahil busy siya. Masyadong hassle kung sasamahan niya pa akong ihatid si Ava imbes na dumeritso na siya sa trabaho. Ang paghatid at pagsundo rin naman sa anak ko ay hindi mahirap na trabaho para kailanganin ko pa ang tulong, hindi sa ayaw ko na tulungan niya ako but he's been there for me ever since. Sa ngayon ay siya ang tumatayong head ng family, so I think I should do my job as a mother too, tama na ang pagiging pabigat kay JM. Anyway, inagahan ko na ang pahatid sa anak ko kasi madalas punuan ang parking, at masyadong mahirap maghanap ng pwesto. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin na-e-expand ng eskwelahan ang parking area gayong halos mayayaman ang mga estudyante at faculty staff nila, kaliwa't kanan ang may sasakyan. Isang bagay na hindi na nakapagtataka kaya masyadong polluted ang hangin sa bansang ito. "Mom, I am still sad because of what Issa told me last night. If
"Hanggang kailan mo itatago sa akin ito, Janine?" Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw ko ngayon pero mukhang decided na ang tadhana na paulanan ako ng problema o isipin ngayon. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla na lang tumambad sa harapan ko si Gemar. Kasalukuyan akong nasa shop ni mama, at alam ko na simula noong naghiwalay kami ay hindi na siya muling tumapak pa rito, kaya hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon sa lugar na ito. Masyado bang malakas ang loob niya o sadyang makapal ang mukha niya para tumapak sa teritoryo ng magulang pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon? "Anong ginagawa ng lalaking ito rito?" nagtatakang tanong ni mama nang mapansin niya si Gemar na nakatayo na sa harapan ko. "Hello po, ma..." bati ni Gemar sa nanay ko bago muling bumaling sa akin. "We need to talk," aniya. "Hoy." Hinila ni mama si Gemar paharap sa kanya. "Hindi mo kakausapin ang anak ko dahil simula noong pinagpalit mo siya ay wala ka nang karapatan o rason para kausapin s
"Mom, are you really ruining Issa's family?"Iyan ang agad na tanong sa akin ni Ava nang makauwi siya sa bahay, si JM na rin kasi ang sumundo sa kanya sa eskwelahan. Halos natigilan pa ako nang marinig ko ang tanong niya, paano ba naman kasi ay hindi ko ito inaasahan. Bakas sa mukha ng anak ko ang lungkot, samantalang nanahimik lang naman si JM sa likuran nito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Marahil nga ay kaming dalawa ni Ava ang magiging dahilan para masira ang pamilya nila pero hindi ko naman siguro kontrolado ang bagay na iyon. "Anak, akyat ka muna sa kwarto para makapalit ka na ng damit," turan ni JM, diverting the topic. "No, Daddy. I maybe a kid but I am smart and I understand why Issa hates me. It is because of mom," puno ng hinanakit na turan ni Ava. "Anak..." "I hate you, mom," aniya, bago tumakbo paakyat sa kwarto niya. Napapailing lang naman na pinagmasdan ni JM ang papalayo na bata. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko akal
"Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo? Akala ko ba ay may deal tayo? Gusto mo ba talagang sirain ang pamilya na pinaghirapan ko? Gumaganti ka ba sa akin?" Hindi ko alam kung ano ba ang tamang mararamdaman ko sa mga tanong niyang ito? Tama ba na magalit ako sa kanya kasi kung tutuusin ay biktima rin ako ng salitang pag-ibig, at ako ang inagawan niya ng asawa. O, tama na maawa ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay namamalimos pa rin siya ng pagmamahal, tila walang character development na nagaganap. Naging saksi ako simula college kung paano niya idikit ang sarili niya kay Gemar, alam ko kung gaano siya ka despirada na makuha ang pagmamahal nito. Naging biktima niya rin ako noong inagaw niya sa akin ang asawa. Tama siya, pinaghirapan niya naman talaga na makuha si Gemar. Naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling ang galit at insecurities niya, marahil ay alam niya na kahit may anak sila ay hindi pa rin buo ang pagmamahal ni Gemar sa kanya. Ano pa nga bang aasahan niya
"𝐻𝑒𝑙𝑙𝑜? 𝐼𝑠 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝐽𝑎𝑛𝑖𝑛𝑒 𝑀𝑒𝑛𝑑𝑜𝑧𝑎?" Around five in the afternoon when I received this call from an unknown number. I am still busy in our shop, and overly confident that my daughter is doing fine. But, it seems like the universe is testing me right now. The caller gives me shocking news."Yes?" sagot ko sa tawag. "𝑁𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑢𝑚𝑏𝑒𝑟 𝑛𝑖𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑖𝑘𝑜𝑑 𝑛𝑔 𝐼𝐷 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑎, 𝑠𝑎𝑦𝑖𝑛𝑔 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑦𝑜𝑢'𝑟𝑒 𝑡ℎ𝑒 𝑔𝑢𝑎𝑟𝑑𝑖𝑎𝑛. 𝑌𝑜𝑢𝑟 𝑑𝑎𝑢𝑔ℎ𝑡𝑒𝑟 𝑔𝑜𝑡 𝑖𝑛𝑡𝑜 𝑎𝑐𝑐𝑖𝑑𝑒𝑛𝑡, 𝑤𝑒 𝑎𝑟𝑒 𝑛𝑜𝑤 𝑡𝑟𝑎𝑛𝑠𝑓𝑒𝑟𝑟𝑖𝑛𝑔 ℎ𝑒𝑟 𝑡𝑜 𝑡ℎ𝑒 𝑛𝑒𝑎𝑟𝑒𝑠𝑡 ℎ𝑜𝑠𝑝𝑖𝑡𝑎𝑙 𝑓𝑟𝑜𝑚 ℎ𝑒𝑟 𝑠𝑐ℎ𝑜𝑜𝑙." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, nanlimig talaga ang buong katawan ko. Sa subrang taranta ko ay agad akong tumakbo palabas ng shop kahit napakadami pa ng mga customers, narinig ko na tinawag pa ako ni mama pero hindi ko na pinansin. Sigurado na Hospital kung saan nagtatrabaho si Gemar dadalhin si Ava, it
“Janine? Is that you?” Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makilala niya ako. Tama iyan, magulat ka lang. “I didn't recognize you because you look so gorgeous tonight,” parang naiilang niya pang turan. I think I should take that as a compliment.Quota na rin naman ako sa mga panlalait niya sa akin simula noong nagkakilala kami, ngayon ko lang narinig mula sa bibig niya ang salitang 'gorgeous'. Hindi ko alam kung nahipan ba siya ng mabuting hangin kaya wala siyang espirito ng demonyo ngayon o hindi niya lang talaga ako nakilala dahil sa ayos ko. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi na mahalaga, maglaway siya sa ganda ko. Pilit akong ngumiti sa kanya. “You look handsome tonight but still a sh*t. So, back off!”Mukha siyang karespi-respito ngayon dahil sa suot niyang suit at tindig niya. Pero, dahil siya si Gemar na bully kaya kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Hindi mababago ng panlabas niyang kakisigan at kagwapuhan ang hindi magandang impression na pinakita niya sa akin noo
“Take care, honey.” “H'wag bilisan ang pagpapatakbo ng motor.” Napangiti ako sa paalala ni mama at papa, respectively. Hinalikan ko sila sa pisngi bago sumakay sa motor ko na Ducati. It was my father's gift last year for my birthday. Labag sa kalooban ni papa na bigyan ako nito dahil delikado raw pero binigay niya pa rin dahil alam niyang ito ang gusto ko. Mas astig kasi para sa akin kapag naka-motor isama na rin ang katotohanang hindi rin ako mahilig sa cars. Anyway, ito ang unang araw na papasok ako sa klase sa bagong paaralan ko. Isang Doctor si papa sa province namin pero nalipat siya sa pampublikong Hospital dito sa Manila. May clothing line business naman si mama at gusto niyang magtayo ng branch dito. Wala na rin naman akong nagawa nang asikasuhin nila ang pag-transfer ko sa isang private College School na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mapapasukan ko. Lumaki ako sa Nueva Ecija kaya hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa