Share

CHAPTER 49

"Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo? Akala ko ba ay may deal tayo? Gusto mo ba talagang sirain ang pamilya na pinaghirapan ko? Gumaganti ka ba sa akin?"

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang mararamdaman ko sa mga tanong niyang ito? Tama ba na magalit ako sa kanya kasi kung tutuusin ay biktima rin ako ng salitang pag-ibig, at ako ang inagawan niya ng asawa. O, tama na maawa ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay namamalimos pa rin siya ng pagmamahal, tila walang character development na nagaganap. Naging saksi ako simula college kung paano niya idikit ang sarili niya kay Gemar, alam ko kung gaano siya ka despirada na makuha ang pagmamahal nito. Naging biktima niya rin ako noong inagaw niya sa akin ang asawa.

Tama siya, pinaghirapan niya naman talaga na makuha si Gemar. Naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling ang galit at insecurities niya, marahil ay alam niya na kahit may anak sila ay hindi pa rin buo ang pagmamahal ni Gemar sa kanya. Ano pa nga bang aasahan niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status