Share

CHAPTER 01

      “Take care, honey.”

       “H'wag bilisan ang pagpapatakbo ng motor.”

        Napangiti ako sa paalala ni mama at papa, respectively. Hinalikan ko sila sa pisngi bago sumakay sa motor ko na Ducati. It was my father's gift last year for my birthday. Labag sa kalooban ni papa na bigyan ako nito dahil delikado raw pero binigay niya pa rin dahil alam niyang ito ang gusto ko. Mas astig kasi para sa akin kapag naka-motor isama na rin ang katotohanang hindi rin ako mahilig sa cars.

         Anyway, ito ang unang araw na papasok ako sa klase sa bagong paaralan ko. Isang Doctor si papa sa province namin pero nalipat siya sa pampublikong Hospital dito sa Manila. May clothing line business naman si mama at gusto niyang magtayo ng branch dito. Wala na rin naman akong nagawa nang asikasuhin nila ang pag-transfer ko sa isang private College School na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mapapasukan ko.

         Lumaki ako sa Nueva Ecija  kaya hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa akin bagong environment na ito.

        “Oy, ang bola ko!”

        Bumalik sa reyalidad ang aking isipan nang marinig ang sigaw na iyon. Pero, huli na rin dahil sinalubong ng bola ang unahang gulong ng motor ko.

“Ghad!” d***g ko.

        Sinubukan kong umiwas pero sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakahiga na sa semento't yakap ang motor ko. Mabuti na lang ay hindi ako masyadong naipit. Wala ngang nangyari sa akin sa EDSA pero rito pa talaga sa parking lot ako sumingplang. Nakakaloka naman. Kahit masakit ang binti at balikat ko ay pinilit ko pa ring bumangon at itayo ang motor ko. Mabuti na lang ay walang nangyari sa baby ko---no, i'm not pregnant because what i meant is my bike.

      “Where's my freaking ball?”

       Napatingin ako sa lalaking may hindi katangkaran pero hindi naman pandak. Mukhang 2 inches lang ang tinaas niya sa akin. May itsura pero hindi ko bet dahil medyo baby face. Sinisipat-sipat niya ang ilalim ng mga kotse na parang may hinahanap.

       “Finally, here you are!” Dinampot niya ang bola sa hindi kalayuan sa motor ko.

       Siya pala ang may-ari ng bolang iyon na dahilan kaya ako sumingplang. Akala ko ay last day ko na sa mundo, mabuti na lang talaga ay hindi nabagok ang ulo ko. Pero, s'yempre hindi ko palalampasin ito dahil nasaktan kami ng baby ko.

       “Hoy!” tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong tiningnan kaya sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Wala naman siyang naging reklamong sumunod habang hinihimas ang bola. “Alam mo bang dahil sa bagay na ‘yan ay muntik na mabagok ang ulo ko!” pagtataray ko. Tinuro ko pa ang hawak niyang bola na gusto kong butasin paulit-ulit.

      “I don't care,” walang emosyon niyang tugon.

       Literal na nanlaki ang mata ko sa naging sagot niya. Ang tibay rin naman ng lalaking ito. Pwede ko na siyang ilaga sa kumukulo kong dugo dahil sa inis na nararamdaman ko.

       “Mas may pakialam ako sa bola ko dahil pwede siya mabutas sa pagkabangga mo. Ayaw ko namang makita ang bola kong flat tulad mo,” he said before walking away.  

       Agad naman akong napakapa sa hinaharap ko. Hindi naman ako flat, i-untog ko pa siya rito e.

       “Hoy! Isa kang malaking sperm! Hindi ako flat, baka ang pwet mo flat! Hayop kang sperm ka, kakatayin kita!” Halos maputol na ang litid ko kakasigaw sa kanya pero hindi man lang niya ako nagawang lingunin hanggang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

        Nahiya na lang tuloy ang ganda ko nang nagkataong parami nang parami ang mga estudyanteng dumarating. Halos malapit na rin kasi ang 8 am na madalas ay oras ng unang klase. Medyo maingay tuloy ang busina ng mga sasakyan sa parking. Hindi rin ako nakaligtas sa mga tingin nila na marahil ay dahil sa pagsigaw ko.

        “How's the feeling of being a center of attention?” May tumigil na lalaki sa tabi ko kaya naman ay kunot-noo ko siyang tiningnan. “Don't worry, you won't encounter some of them later.”

        “Ano bang pakialam ko sa sinasabi mo?” pagtataray ko. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko kailangan ang opinyon niya.

       “Ang taray mo pero mukha at boses ka namang palengkera. Nasa eskwelahan ka‘t wala sa palengke kaya ‘wag kang sumigaw dito dahil walang nagbebenta ng karne rito unless matutuloy ang pagkatay mo do'n sa sinigawan mo kanina,” sabat naman ng kasama ng lalaking epal. “JM pala ang pangalan ko kung sakaling interesado ka sa ‘kin dahil gwapo ako.” Inilahad pa nito ang kamay para makipag-kamay.

      “I didn't do shake hands baka kasi kinamot mo pa sa pwet ang kamay mo. Para rin sa kaalaman mo ay hindi ako interesado sa Alien na tulad mo,” pagtataas ko ng kilay.

      “Burn!” kant'yaw naman ng lalaki kanina na hindi ko alam ang pangalan. “Halika na't baka malate tayo, Dre. Mamaya ka na mangbabae.” Hinila nito ang nagpakilalang si JM palayo sa akin.

      Well, mga Alien talaga sila. Kapag sinabi kong Alien ay hindi iyong may mahahabang tainga na kulay green kundi iyong tulad ni Matteo Do ng My love from the star. Nagsusumigaw pala ang gandang lalaki ng mga estudyante rito. Mukhang mabubusog ang mata ko kakatingin sa kanila. Pero, wait—what?

      Napatampal ako sa noo nang ma-realize ko kung anong iniisip ko. Hindi dapat ako nagpapadala sa itsura nila dahil most of them ay rude tulad ng mayabang na lalaki kanina na mukhang bola. Bakit ko ba sila pi-no-problema? Whatever, I need to go to class na.

      Lakad-takbo ang ginawa ko kaya naman ay agaw atensiyon na naman ako. Alam ko na rin naman kung saang part ng campus ang College Department namin dahil pumunta na kami doon ni mama para ayusin ang requirements ko para sa pag-transfer. I am 2nd year BSED Student.

      “Bakit ang tagal mo?” agad na tanong ni Rhian nang makasalubong ko siya sa labas ng classroom. “Wala tayong class sa first subject. Tara samahan mo muna ako sa cafeteria para kumain.” Walang pasabing hinila niya ako. Hindi man lang muna ako kinamusta. Matagal-tagal na ring hindi kami nakaka-bonding.

      Anyway, Rhian Galario is my only best friend. Being marupok is her talent and her heart is a boy's game. We grew up together in the same province pero nagkahiwalay kami nang lumuwas sila sa City para rito na siya mag-aral.

      “Ano rin ba ‘yang suot mo? Napaka-plain na para kang nagbebenta ng puto sa kalye,” puna niya nang makahanap na kami ng pwesto sa cafeteria.

      Ano bang mali sa suot ko? Isang plain white shirt and maong jeans lang ang sinuot ko dahil mas comfortable ako sa ganito. Lagi kasi akong naka-uniform noong nasa province pa ako, hindi rin ako mahilig pumorma lalo na sa School. Dito kasi ay walang prescribe uniform kaya kanya-kanyang OOTD.

      Hindi ko pinansin si Rhian dahil hindi naman ako interesado sa panlalait niya. Ganyan naman kasi talaga siya magsalita kaya sanay na ako. Nag-focus na lang ako sa pagkain ko. Ilang saglit pa ay may lalaking umupo sa vacant seat sa tabi ko. Ang fresh ng amoy niya na hindi masakit sa ilong. Uminom muna ako ng tubig bago siya tingnan.

     He's looking at me. “ You know what, I like you...”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status