“Ano bang kabilin-bilinan namin sa ‘yo, Janine! Hindi ba ay ang sabi namin ng papa mo ay lumayo ka sa pamilyang ‘yon!” Palakad-lakad si mama sa harap ko. Halatang nagtitimpi siyang saktan ako dahil napapasabunot na lang siya sa sarili niya. Hindi ko naman sinasadyang suwayin sila. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kapag nasa harap ko na. “Mama, ‘wag ka na po magalit. Sinamahan ko lang naman siya dahil nakiusap siya sa ‘kin,” depensa ko. Aminado akong may kasalanan ako sa nangyari. Hindi ko naman itatanggi na nanaig ang karupokan ko kaya nagpatianod lang ako sa sitwasyon. “Hindi ka nagsisinguling sa ‘kin pero nagawa mo kagabi. Kung hindi ko pa pala tinawagan si Rhian para tanungin kong nasa kanila ka ay ‘di ko pa malalaman na kasama mo ang lalaking ‘yon! Hindi kayo magkaibigan ng Gemar na ‘yon pero nagawa mo siyang samahan at magsinungaling sa ‘kin para sa kanya. Pasalamat ka na lang dahil nasa duty ang papa mo dahil kung sakaling nandito siya kagabi ay siguradong mapapa
“Naka-drugs ka!” Ramdam ko ang pagbato ng mga tingin ng mga estudyanteng nakatambay sa malapit sa amin. May isa’t kalahating oras kaming vacant kaya nasa School ground kami ni Rhian nagpapalipas ng oras. Late na sila nakauwi noong sabado kaya hindi na rin niya ako nasipot sa usapan. Noong linggo naman ay may date raw sila ni Hans. Sa madaling salita ay walang oras ang kaibigan kong ito sa akin noong weekend dahil busy siya sa love of her life. Ngayon ko lang din tuloy na-kwento sa kanya ang tungkol sa anak ni Kenneth. At, tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala. “H’wag kang maingay,” suway ko sa kanya. “Sigurado ka ba talaga sa tsismis mo? Paano ‘yon magkakaanak kung walang namang asawa. Wala siyang matris, girl!” aniya. Napapahilot pa siya sa sintido niya, feeling stress. “Tinanong ko kung anak niya at ang sagot niya ay ‘oo’. Baka naman ay nabuntis niya ex-girlfriend niya tapos iniwan sa kanya ‘yong bata noong nag-break sila. Possible naman ‘yon, ‘d
“Red tulips again?” Lumipas na ang ilang araw pero hindi ko pa rin alam kung sino ang sa likod ng mga red tulips na ito. Araw-araw akong nakakatanggap ng isang tangkay ng bulaklak. At, ngayon nga ay may isang tulip na naman sa nakasipit sa locker ko. Pinaglalaruan ba niya ako? “Sana all laging nakakatanggap ng bulaklak,” pang-aasar ni Kristel. “Pahiram naman ng ganda mo. Anyway, kanino ba galing ‘yan? Kay Gemar ba?” Gemar? Imposible naman na sa kanya ito galing. Speaking of him, ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita pagkatapos ng encounter namin sa parking lot. Nasaktan kaya siya sa mga sinabi ko? “Hindi ko alam. Sige, mauna na ako sa ‘yo sa classroom.” Tumango lang naman si Kristel bilang tugon habang nangangalkal pa sa locker niya. Maraming tumatakbo sa isip ko habang tinatahak ang hallway papunta sa classroom. Masaya ako na pagkatapos ng hindi magandang salubong sa akin ng paaralan na ito ay may nagawa pa ring humanga sa akin. Ngunit, literal s
“Anak, may naghahanap sa ‘yo sa labas.” Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Alam kong si mama iyon pero anong ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay nasa Shop pa rin siya hanggang ngayon? Agad akong bumangon mula sa kama’t tinungo ang pinto. “Ma, bakit ang aga niyo naman po umuwi?” “Ang mga staff ko na ang bahala sa Shop. Hindi ko naman hahayaan na mag-isa na rito sa bahay gayong masama pa ang pakiramdam mo. Kamusta ka na pala?” “I’m fine po.” Hindi ako pumasok ngayong araw at nagdahilan lang ako sa parents ko na masama ang pakiramdam ko. Ang sabi ni papa ay baka pagod lang daw ako pero ang hindi nila alam ay may tinataguan lang talaga ako. Hindi ko kasi alam kung paano haharapin si Gemar pagkatapos ng mga sinabi niya kahapon. Alam kong malaki ang Campus pero hindi malabong magkita kami lalo na kung pupuntahan niya ako. Gulong-gulo pa rin ako kaya kailangan ko pa talaga ng panahon para makapag-isip. Maraming gumugulong tanong
“Gemar?” Nadatnan ko siyang sa side ng parking kung saan madalas ko i-park ang motor ko. Yes, nagpasya na akong pumasok ngayon dahil pinilit na rin ako ni mama. Hindi ko sinabi sa kanya kung sino ang tinutukoy ni Kenneth kahapon, mabuti na lang nga ay hindi na ako pinilit ni mama pero sinabi niyang mas mabuting harapin ko ang suliranin ko sa bagay na ito. She even suggested na bigyan ko ng chance para naman may distraction ako at lalong makaiwas kay Gemar. Paano ako makakaiwas kay Gemar kung siya mismo ang lalaking sangkot sa suliranin kong ito. Siya mismo ang lalaking iniyakan ko na sinasabi ni Kenneth na nagugustuhan ko raw. Hindi pa ako convince sa sinabi niya pero nakapagdesisyon na ako. Hindi ko masasagot ang mga tanong sa isip ko kung iiwasan at tataguan ko lang ito. “Can we talk? ” aniya. Nakakamiss din palang marinig ang boses niya pero may pagkakaiba ngayon araw. Naging malumanay ang tono niya
Not all unsure decision can bring you to more worst problem.Ilang linggo na ang lumipas simula noong tinanggap ko ang feelings ni Gemar. Ang akala ko ay pagsisihan ko ang desisyon pagkatapos ng ilang araw pero mali pala ako. Naging masaya ang mga araw na kasama ko siya kahit madalas at patago pa ang aming pagkikita. Fan siya ng mga PDA things pero nakakatuwa naman kahit minsan ay ako na ang nahihiya.Araw-araw din akong nakakatanggap ng bulaklak mula sa kanya na para bang hindi siya nagsasawa sa kanyang ginagawa. Palagi siyang nag-a-update at pinapaalalahanan ako lalo na kapag may mga bagay na nakakalimutan ko tapos alam niya. Tinutulungan niya rin ako sa mga subjects at assignment ko para raw mas mahaba ang time ko sa kanya. Hindi ko akalain na ganito kasayang kasama siya, halos hindi na nga napapawi ang ngiti sa aking mga labi. Sa sobrang excited ko rin sa araw-araw ay nauuna pa akong magising kaysa sa pagtunog ng alarm ko.“Palagi na atang good mood ang anak ko,” puna ni papa nan
Noong una ay kuntento na akong gusto niya ako at napatunayan ko na ring gusto ko siya. Nakalampas na ako sa pagiging in denial stage ko na tunay ngang nagdulot sa akin ng saya, hindi ko akalain na may isasaya pa pala ako. Para akong lumulutang sa ulap nang sabihin niyang mahal niya ako, wala na nga akong nasagot sa kanya kundi yakap. Hindi tuloy nawala ang ngiti ko hanggang makauwi ako kahapon.Pakiramdam ko talaga ay binibigyan ako ng dahilan ni tadhana para panindigan ang aking naging desisyon. Parang bumubulong ito sa akin na ipaglaban ko sa parents ko ang relasyon namin ni Gemar. Isang dahilan kaya lalong lumalakas ang loob ko na labanan ang konsensiya ko. Maiintindihan kaya ako ni mama at papa kapag sabihin kong mahal ko na rin si Gemar?Ano ba kasi ang dahilan nila para makapili ako habang maaga pa? Ang tanong ay kung kaya ko nga bang intindihin ang tinatago nila? Ayaw kong pumili sa kanila dahil pareho silang mahalaga sa akin. Ito nga ako’t patuloy na humihiling na sana ay mat
Anak ko ba siya?Anak ko ba siya?Anak ko ba siya?Parang sirang plaka na paulit-ulit sa pandinig ko ang tanong na iyon. Panibagong araw na pero hindi man lang nasasagot ang tanong na iyon. Gulong-gulo na ako na parang nadagdagan pa ang iisipin ko.Nang itanong iyon ng ng Daddy ni Gemar kay mama ay hindi man lang sumagot ang Nanay ko bagkus ay hinila niya ako palabas ng restaurant. Hindi na rin naman ako nakatanong dahil simula nang makapasok ako sa kotse niy hanggang makarating sa bahay ay pinapagalitan niya ako, kulang na nga lang ay ipamukha niya sa akin na suwail akong anak.Hindi ko rin naman matanong si papa dahil hindi siya umuwi na siguradong hectic ang schedule niya sa hospital. Ayaw ko naman siyang tawagan dahil siguradong maiistorbo ko lang siya sa ginagawa niya. Ayaw ko na ring dagdagan ang stress niya lalo na ngayong marami silang inaasikasong pasyente.Mukhang kay mama at kay Tito Gem ko lang makukuha ang sagot na nais ko. Ngunit, paano naman ako makakatanong kay mama ku