Noong una ay kuntento na akong gusto niya ako at napatunayan ko na ring gusto ko siya. Nakalampas na ako sa pagiging in denial stage ko na tunay ngang nagdulot sa akin ng saya, hindi ko akalain na may isasaya pa pala ako. Para akong lumulutang sa ulap nang sabihin niyang mahal niya ako, wala na nga akong nasagot sa kanya kundi yakap. Hindi tuloy nawala ang ngiti ko hanggang makauwi ako kahapon.Pakiramdam ko talaga ay binibigyan ako ng dahilan ni tadhana para panindigan ang aking naging desisyon. Parang bumubulong ito sa akin na ipaglaban ko sa parents ko ang relasyon namin ni Gemar. Isang dahilan kaya lalong lumalakas ang loob ko na labanan ang konsensiya ko. Maiintindihan kaya ako ni mama at papa kapag sabihin kong mahal ko na rin si Gemar?Ano ba kasi ang dahilan nila para makapili ako habang maaga pa? Ang tanong ay kung kaya ko nga bang intindihin ang tinatago nila? Ayaw kong pumili sa kanila dahil pareho silang mahalaga sa akin. Ito nga ako’t patuloy na humihiling na sana ay mat
Anak ko ba siya?Anak ko ba siya?Anak ko ba siya?Parang sirang plaka na paulit-ulit sa pandinig ko ang tanong na iyon. Panibagong araw na pero hindi man lang nasasagot ang tanong na iyon. Gulong-gulo na ako na parang nadagdagan pa ang iisipin ko.Nang itanong iyon ng ng Daddy ni Gemar kay mama ay hindi man lang sumagot ang Nanay ko bagkus ay hinila niya ako palabas ng restaurant. Hindi na rin naman ako nakatanong dahil simula nang makapasok ako sa kotse niy hanggang makarating sa bahay ay pinapagalitan niya ako, kulang na nga lang ay ipamukha niya sa akin na suwail akong anak.Hindi ko rin naman matanong si papa dahil hindi siya umuwi na siguradong hectic ang schedule niya sa hospital. Ayaw ko naman siyang tawagan dahil siguradong maiistorbo ko lang siya sa ginagawa niya. Ayaw ko na ring dagdagan ang stress niya lalo na ngayong marami silang inaasikasong pasyente.Mukhang kay mama at kay Tito Gem ko lang makukuha ang sagot na nais ko. Ngunit, paano naman ako makakatanong kay mama ku
Sakit at hinanakit ang bumabalot sa akin sa bawat oras na lumilipas. Hindi ko akalain na namuhay akong may kulang sa pagkatao ko, hanggang ngayon ay parang hindi pa rin kaya ng isipan kong tanggapin ang mga nalaman ko. Pumapasok ako sa paaralan pero nasa malayo naman ang isip ko. Hindi ko nga alam kung baliw na ba ang tingin sa akin ng mga kaklase ko. Hindi pa rin binibigyan ng sagot ni mama ang mga katanungan ko kaya pakiramdam ko ay may hindi pa ako alam. Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin ang lahat para isang bagsakan lang ang sakit? Punong-puno na nga ako ng pagtitimpi kay mama, nawawalan na rin ako ng pag-asa na magsasabi pa siya ng totoo dahil sa iba ko pa nga nalaman ang relasyon niya sa pamilyang Dela Merced. Hanggang ngayon naman ay hindi ko pa rin makausap si papa. Bakit ba ang mga taong dapat damayan ako ay sila pang walang magawa para mawala ang bigat ng nararamdaman ko. “You look so worn out, girl.” Kasalukuyan akong nasa p
“…Uuwi na lang kami sa Nueva Ecija.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig kong sabihin iyon ni mama. Hindi pa dapat ako magkikilos pero pinilit kong tumayo upang puntahan sina mama at papa, pagbukas ko ng pinto ay narinig ko ang turan na iyon ni mama. Aalis? For what reason? Tatakbuhan na naman ba niya ang problema? Itatago na naman niya ba ang sa katotohanan? Bakit kailangang maging selfish siya? Confirmation lang naman galing sa kanya ang kailangan ko pero bakit pilit niya pa akong pinapahirapan. “Walang aalis! Anak ko si Janine kaya wala siyang karapatan sa kanya. May dahilan pa ba para iwasan sila? Bakit hindi mo harapin ang nararamdaman mo para sa kanila?” pagkontra naman ni papa. Bakit nga ba ganito si mama? Bakit parang hirap sa kanyang harapin sina Tito Gem? Ano bang nangyari sa pagitan nila noon? H’wag niyang sabihin na hindi pa rin siya nakaka-move on. “Akala mo ba ay madali para sa ‘kin ‘to? Saksi ka sa mga pinagdaanan ko—” Nanlalaki ang matang natigi
Tulad nga ng napagdesisyonan ko ay inuna kong inayos ang gusot sa pamilya ko. Hindi na rin naman ako ginulo ni Mr. Dela Cruz simula nang makalabas ako sa Hospital, marahil ay alam na rin niya ang totoo dahil ang pagkakaalam ko ay nagkausap sila ni papa. Alam din kaya ni Gemar?Dalawang araw na rin ang lumipas pero hindi ko siya nakakasalubong sa campus. Wala na rin ako nababalitaan sa kanya. Siguro ay sadyang hindi lang binabalita sa akin ng mga kaibigan ko ang alam nila tungkol sa kanya. Kahit pa naman sabihin ko na gusto ko munang bigyan ng oras ang sarili ko ay hindi ko naman maitanggi na na-mi-miss ko siya.Inaasahan ko nga na pupuntahan niya ako kapag malaman niyang hindi ako ang kapatid niya. Ngunit, kahit anino niya ay hindi ko nasilayan. Alam na nga ba niya o hindi?“Napag-isipan mo na ba ang pag-transfer mo? Babalik tayo sa Nueva Ecija.”Naiwaksi ko agad sa aking isipan ang mga what if ko about kay Gemar nang marinig ang boses na iyon ni Mama. Nasa living room kami ngayon at
Kailangan bang sumunod siya sa yapak ng tatay niya? His father cheated on my mother and now he cheated on me. Panlolokong matatawag nga ba iyon gayong wala na rin naman kami? Alam ko na iba ang sitwasyon namin sa sitwasyon nina mama dati pero hindi ko mapigilang i-compare. Pakiramdam ko kasi ay déjà vu ang nangyari. Pakiramdam ko ay nag-cheat sa akin ang lalaking mahal na mahal ko. Ganun ba siya kabilis mag-move on na halos ilang araw lang ang lumipas ay may kapalit na agad ako, parang ahas na nagpapalit lang ng balat. Hindi ko inaasahan na iyon ang makikita ko kahapon. Ang sakit sa dibdib dahil ang excitement ko parang bigla na lang bumagsak sa lupa. Siguro nga ay huli na ako. Bakit ba kasi ang tagal kong bumalik? Siguro kung pinuntahan ko siya agad noong araw na nalaman ko ang totoo ay baka nabawi ko pa siya. Ewan ko pero masyadong maraming what if na gumugulo sa isip ko. “Sinabi ko naman sa ‘yo na walang pinagkaiba ang Gemar na ‘yan sa tatay niya! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?
Let's talk. Iyan ang mensaheng bumungad sa umaga ko, mukhang binulong sa kanya ng langit na gusto ko siyang makausap kaya ngayon ay siya na ang nag-aaya. Kagabi ko lang napadesisyonan ang lahat pagkatapos ng advice ni Kenneth at mukhang right timing siya. Hindi ko naman napigilang mapangiti sa katutuhanang magkikita at magkakausap kami ng kaming dalawa lang. Sana lang talaga ay wala siyang asungot na kasama. I just replied okay to him at kung saan kami magkikita. Walang pasok ngayon kaya naisipan kong sa Cerrie Food Paradise na kami magkita. Hindi ko alam kung anong magiging daloy ng usapan namin pero nakakaramdam ako ng tuwa at kirot sa puso. Kung totoong nagkabalikan na sila ni Herisha ay siguradong ito na ang goodbye sa aming dalawa. Dahil sa nangyari ay nabawasan ang tiwala ko sa kanya pero buo pa rin ang pagmamahal ko kaya masakit sa isipin ang ending ng aming kwento. “Aalis po muna ako, mama?” paalam ko kay mama nang madatnan ko siyang nag-aayos ng gamit sa sala. “Kumain k
“Your breakfast is ready, baby.” Napabangon ako nang marinig ko boses na iyon sa labas ng kwarto. Kakaiba ang umaga ko ngayon dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko at agad na gumuhit sa aking labi ang ngiti. Sana tuloy-tuloy na ang ganitong pakiramdam. Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang mga daliri bago tunguhin ang pinto. “Good morning.” “Good morning, baby.” Agad niya akong hinalikan sa noo nang makalabas ako sa kwarto. I feel so special with him. Pakiramdam ko ay safe ako sa mga bisig niya. Hindi na rin pala masamang maging marupok pagdating sa kanya. Nakaakbay siya sa akin patungo sa kusina nang biglang tumunog ang doorbell. Agad tuloy kaming nagkatinginan. May inaasahan ba siyang bisita? “Tingnan ko lang kung sino.” Akma na siyang aalis nang hawakan ko siya. “What?” “Samahan na kita.” Ewan ko pero naging uneasy bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung sino ang bisita pero biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may mali? “Mommy?” “Mama?” Sabay naming turan pagkabuk
"𝐻𝑒𝑙𝑙𝑜? 𝐼𝑠 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝐽𝑎𝑛𝑖𝑛𝑒 𝑀𝑒𝑛𝑑𝑜𝑧𝑎?" Around five in the afternoon when I received this call from an unknown number. I am still busy in our shop, and overly confident that my daughter is doing fine. But, it seems like the universe is testing me right now. The caller gives me shocking news."Yes?" sagot ko sa tawag. "𝑁𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑢𝑚𝑏𝑒𝑟 𝑛𝑖𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑖𝑘𝑜𝑑 𝑛𝑔 𝐼𝐷 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑎, 𝑠𝑎𝑦𝑖𝑛𝑔 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑦𝑜𝑢'𝑟𝑒 𝑡ℎ𝑒 𝑔𝑢𝑎𝑟𝑑𝑖𝑎𝑛. 𝑌𝑜𝑢𝑟 𝑑𝑎𝑢𝑔ℎ𝑡𝑒𝑟 𝑔𝑜𝑡 𝑖𝑛𝑡𝑜 𝑎𝑐𝑐𝑖𝑑𝑒𝑛𝑡, 𝑤𝑒 𝑎𝑟𝑒 𝑛𝑜𝑤 𝑡𝑟𝑎𝑛𝑠𝑓𝑒𝑟𝑟𝑖𝑛𝑔 ℎ𝑒𝑟 𝑡𝑜 𝑡ℎ𝑒 𝑛𝑒𝑎𝑟𝑒𝑠𝑡 ℎ𝑜𝑠𝑝𝑖𝑡𝑎𝑙 𝑓𝑟𝑜𝑚 ℎ𝑒𝑟 𝑠𝑐ℎ𝑜𝑜𝑙." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, nanlimig talaga ang buong katawan ko. Sa subrang taranta ko ay agad akong tumakbo palabas ng shop kahit napakadami pa ng mga customers, narinig ko na tinawag pa ako ni mama pero hindi ko na pinansin. Sigurado na Hospital kung saan nagtatrabaho si Gemar dadalhin si Ava, it
"Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo? Akala ko ba ay may deal tayo? Gusto mo ba talagang sirain ang pamilya na pinaghirapan ko? Gumaganti ka ba sa akin?" Hindi ko alam kung ano ba ang tamang mararamdaman ko sa mga tanong niyang ito? Tama ba na magalit ako sa kanya kasi kung tutuusin ay biktima rin ako ng salitang pag-ibig, at ako ang inagawan niya ng asawa. O, tama na maawa ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay namamalimos pa rin siya ng pagmamahal, tila walang character development na nagaganap. Naging saksi ako simula college kung paano niya idikit ang sarili niya kay Gemar, alam ko kung gaano siya ka despirada na makuha ang pagmamahal nito. Naging biktima niya rin ako noong inagaw niya sa akin ang asawa. Tama siya, pinaghirapan niya naman talaga na makuha si Gemar. Naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling ang galit at insecurities niya, marahil ay alam niya na kahit may anak sila ay hindi pa rin buo ang pagmamahal ni Gemar sa kanya. Ano pa nga bang aasahan niya
"Mom, are you really ruining Issa's family?"Iyan ang agad na tanong sa akin ni Ava nang makauwi siya sa bahay, si JM na rin kasi ang sumundo sa kanya sa eskwelahan. Halos natigilan pa ako nang marinig ko ang tanong niya, paano ba naman kasi ay hindi ko ito inaasahan. Bakas sa mukha ng anak ko ang lungkot, samantalang nanahimik lang naman si JM sa likuran nito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Marahil nga ay kaming dalawa ni Ava ang magiging dahilan para masira ang pamilya nila pero hindi ko naman siguro kontrolado ang bagay na iyon. "Anak, akyat ka muna sa kwarto para makapalit ka na ng damit," turan ni JM, diverting the topic. "No, Daddy. I maybe a kid but I am smart and I understand why Issa hates me. It is because of mom," puno ng hinanakit na turan ni Ava. "Anak..." "I hate you, mom," aniya, bago tumakbo paakyat sa kwarto niya. Napapailing lang naman na pinagmasdan ni JM ang papalayo na bata. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko akal
"Hanggang kailan mo itatago sa akin ito, Janine?" Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw ko ngayon pero mukhang decided na ang tadhana na paulanan ako ng problema o isipin ngayon. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla na lang tumambad sa harapan ko si Gemar. Kasalukuyan akong nasa shop ni mama, at alam ko na simula noong naghiwalay kami ay hindi na siya muling tumapak pa rito, kaya hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon sa lugar na ito. Masyado bang malakas ang loob niya o sadyang makapal ang mukha niya para tumapak sa teritoryo ng magulang pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon? "Anong ginagawa ng lalaking ito rito?" nagtatakang tanong ni mama nang mapansin niya si Gemar na nakatayo na sa harapan ko. "Hello po, ma..." bati ni Gemar sa nanay ko bago muling bumaling sa akin. "We need to talk," aniya. "Hoy." Hinila ni mama si Gemar paharap sa kanya. "Hindi mo kakausapin ang anak ko dahil simula noong pinagpalit mo siya ay wala ka nang karapatan o rason para kausapin s
Nang sumunod na araw ay mag-isa akong naghatid kay Ava sa school, hindi dahil ayaw kong isama si JM kundi dahil busy siya. Masyadong hassle kung sasamahan niya pa akong ihatid si Ava imbes na dumeritso na siya sa trabaho. Ang paghatid at pagsundo rin naman sa anak ko ay hindi mahirap na trabaho para kailanganin ko pa ang tulong, hindi sa ayaw ko na tulungan niya ako but he's been there for me ever since. Sa ngayon ay siya ang tumatayong head ng family, so I think I should do my job as a mother too, tama na ang pagiging pabigat kay JM. Anyway, inagahan ko na ang pahatid sa anak ko kasi madalas punuan ang parking, at masyadong mahirap maghanap ng pwesto. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin na-e-expand ng eskwelahan ang parking area gayong halos mayayaman ang mga estudyante at faculty staff nila, kaliwa't kanan ang may sasakyan. Isang bagay na hindi na nakapagtataka kaya masyadong polluted ang hangin sa bansang ito. "Mom, I am still sad because of what Issa told me last night. If
"Mom! Dad!" Umiiyak si Ava na lumapit sa amin, pasadong alas otso na ng gabi at dapat ay tulog na siya kaya naman nagtataka ko siyang yinakap. Masayang-masaya siya kanina nang sunduin namin siya sa paaralan kaya hindi ko mawari kung anong minamaktol niya ngayon. "Anong nangyari, anak? Did you have a bad dream?" malumanay na tanong ni JM habang marahang hinahaplos ang likod nito. Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Ava at hinarap ang Daddy niya. "I called Issa to asked if she wants me to bring her some cookie tomorrow kasi kanina sa canteen napansin ko na mahilig siya sa cookie. Gusto ko sana ipatikim sa kanya ang baked cookies ni mommy." "Then, anong sabi niya?" tanong ko. Oo, nagawa ko pang itanong kahit may ideya na rin naman ako kung anong sagot ni Issa. Sigurado akong nakausap na siya ng mommy niya. "She's not interested with cookies and she doesn't want to be friends with me. Huwag ko raw siyang lalapitan bukas," pasinghot-singhot pang turan ng anak ko. "It's oka
Hindi na namin muling napag-usapin ni JM ang ex ko hanggang maihatid niya ako sa shop ni mama. Hindi na rin ako magtataka kung bakit dahil kitang-kita naman sa mukha niya ang inis. Buong byahe na nakakunot ang noo niya at deritsong nakatingin sa kalsada, hindi ko na nga rin siya inabalang kausapin. "Dito na rin kita dadaanan para tayo na rin ang susundo kay Ava mamaya," aniya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Galit ka ba sa akin?" Hindi ko na napigilang itanong dahil napakatahimik niya kasi simula pa kanina. Hindi ako komportable na ganito kaming dalawa. "Hindi ako galit sa 'yo. Masyado kitang mahal para magalit ako sayo dahil lang nakita natin ang ex mo. Naiinis lang ako kay Gemar na masyadong makapal ang mukha pagkatapos ng mga ginawa niya sa iyo. Kung kinakailangan nga lang ay iisa-isahin ko ang dulot ng panloloko niya sa iyo. Hindi ko rin nagustuhan na parang inaangkin niya ang anak natin. Baliktarin man ang mundo ay anak ko si Ava."Okay, hindi pa rin talaga humuhupa
Unang araw ng pasukan nina Ava, tulad ng pinangako ko ay kaming dalawa ni JM ang maghahatid sa kanya sa paaralan. Alam kong busy ang asawa ko at kaya ko naman na ihatid mag-isa ang anak namin, ngunit nang i-open up ko sa kanya kagabi ang request ni Ava ay agad siyang pumayag. Ihahatid na raw muna namin si Ava sa paaralan bago siya pumasok sa trabaho. Siya na raw bahala ang umayos sa schedule niya dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang nais ni Ava. May bata na naman tuloy na tuwang-tuwa. Ako naman ang nagluwal sa kanya pero minsan napapansin ko na mas Daddy's girl siya e'. Nakakatuwa silang mag-ama. "Daddy, i'm excited to meet my teachers and classmates. I'm excited to see Issa again," masiglang turan ni Ava nang makarating kaming school parking at makababa sa sasakyan. Halos buong byahe ay iyon ang naging bukang-bibig niya, kung gaano siya ka-excited. Napag-usapan na naming mag-asawa ang pakikipagkaibigan ni Ava sa anak ng ex-husband ko, napagdesisyonan namin na hayaan na lang muna
Lumipas ang mga araw na hindi ko na ulit nakita si Gemar, siguro dahil bahay at clothing shop lang ni mama ang madalas kong puntahan. Sinabi ko na rin kay JM ang hindi inaasahang pagkikita namin ng dati kong asawa, ayaw ko rin naman kasi magtago ng mga bagay-bagay sa kanya kahit gaano pa ito kaliit. Aam ko na rin naman kasi ang hindi maganda dulot ng pagsesekreto dahil muntik na masira ang relasyon namin nina mama dahil doon dati. "Ano sabi niya sa iyo? Kamusta naman siya? Is he want you back? Ano sabi niya tungkol kay Ava?" sunod-sunod niyang naging tanong. "He's with his daughter. Nagkwento ko sa iyo dati na noong umalis ako ng Pilipinas ay buntis si Herisha, iyon malaki na ang bata at same school sila ni Ava," pagkwento ko. "Gusto mo, e-enroll natin sa ibang school si Ava. Ayaw ko rin na umaaligid siya sa pamilya natin," aniya. "JM, baka magtaka ang bata. Ang dami na nga tanong sa akin kung bakit kilala ko si Gemar e. Hayaan mo na, mukhang naka-move on na rin naman siya at nak