Let's talk. Iyan ang mensaheng bumungad sa umaga ko, mukhang binulong sa kanya ng langit na gusto ko siyang makausap kaya ngayon ay siya na ang nag-aaya. Kagabi ko lang napadesisyonan ang lahat pagkatapos ng advice ni Kenneth at mukhang right timing siya. Hindi ko naman napigilang mapangiti sa katutuhanang magkikita at magkakausap kami ng kaming dalawa lang. Sana lang talaga ay wala siyang asungot na kasama. I just replied okay to him at kung saan kami magkikita. Walang pasok ngayon kaya naisipan kong sa Cerrie Food Paradise na kami magkita. Hindi ko alam kung anong magiging daloy ng usapan namin pero nakakaramdam ako ng tuwa at kirot sa puso. Kung totoong nagkabalikan na sila ni Herisha ay siguradong ito na ang goodbye sa aming dalawa. Dahil sa nangyari ay nabawasan ang tiwala ko sa kanya pero buo pa rin ang pagmamahal ko kaya masakit sa isipin ang ending ng aming kwento. “Aalis po muna ako, mama?” paalam ko kay mama nang madatnan ko siyang nag-aayos ng gamit sa sala. “Kumain k
“Your breakfast is ready, baby.” Napabangon ako nang marinig ko boses na iyon sa labas ng kwarto. Kakaiba ang umaga ko ngayon dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko at agad na gumuhit sa aking labi ang ngiti. Sana tuloy-tuloy na ang ganitong pakiramdam. Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang mga daliri bago tunguhin ang pinto. “Good morning.” “Good morning, baby.” Agad niya akong hinalikan sa noo nang makalabas ako sa kwarto. I feel so special with him. Pakiramdam ko ay safe ako sa mga bisig niya. Hindi na rin pala masamang maging marupok pagdating sa kanya. Nakaakbay siya sa akin patungo sa kusina nang biglang tumunog ang doorbell. Agad tuloy kaming nagkatinginan. May inaasahan ba siyang bisita? “Tingnan ko lang kung sino.” Akma na siyang aalis nang hawakan ko siya. “What?” “Samahan na kita.” Ewan ko pero naging uneasy bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung sino ang bisita pero biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may mali? “Mommy?” “Mama?” Sabay naming turan pagkabuk
“Janine? Anak?” Unti-unti kong minulat ang aking mga mata kahit pakiramdam ko ay mabibigat pa ang talukap nito. Wala namang pasok ngayon pero bakit umagang-umaga ay may nambubulabog sa tulog ko. “Po?” Tamad na tamad kong binuksan ang pinto habang nakabalot pa sa kumot ang katawan ko. Agad na bumungad sa akin ang naka-cross arm ko pang tatay. “Bakit po, papa?" pagtatanong ko. “Fix yourself and we're having a special meal today. Make sure to wear a decent clothes, anak.” Kunot-noo ko siyang tiningnan. “Bakit po? Anong mayro'n?” “Nakalimutan mo na bang birthday ngayon ng mama mo?” tunog ‘di makapaniwalang tanong niya. “Maligo ka na dahil baka dumating ang ang bisita ng mama mo. Alam kong hindi pa kayo nagkakaayos pero nakikiusap ako na sana'y i-trato mo siya ng maayos ngayong birthday niya. Mahal na mahal ka ng mama mo kaya sana'y gano'n ka rin,” aniya. “Opo, papa.” Nang makaalis si papa ay agad kong tinungo ang bathroom. Hindi ko akalaing makakalimutan ko ang espesyal ba araw n
AFTER 5 YEARS “Good Morning, class.” “Good morning, ma'am.” sabay na nagtayuan ang mga estudyante ko para batiin ako nang makapasok ako sa classroom. Makalipas ng ilang taon ay natupad na rin ang pangarap ko. Taas-noo na akong nalalakad sa hallway ng paaralan hindi bilang estudyante kundi bilang guro. Adviser ako ng grade 7 at nakakataba ng puso na makitang natututo sila sa akin. Parang dati lang ay palaging lutang ako sa klase. Parang dati lang ay naiirita pa ako sa mga professor ko. Ngayon, naiintindihan ko na ang mga ginagawa nila para sa mga estudyante. Hindi rin pala biro ang trabaho ng mga guro dahil parang estudyante ka rin na kailangang pag-aralan ang mga lesson para maayos na maituro sa mga bata. Ngunit, hindi naman ako nagsisising ito ang pinili kong propesyon dahil natutuwa talaga ako sa mga bata. Nakakatuwang magturo kahit may mga pasaway at bida-bida. “Ma'am, ang lalim po ng iniisip mo.” Agad na bumalik sa reyalidad ang aking isipan nang marinig ko ang turan ng isa
Getting married to the man who love me and i love too. The man who i believed that won't hurt me. Sino ang niloloko ko? Sarili... Hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito kung saan lolokohin at paniniwalain ko ang sarili ko sa isang bagay na masyado namang malinaw kung anong totoo. Nagpapatay-malisya ako dahil sa tinatawag kong pagmamahal at sa marriage na iyan. Hindi ko akalain na darating ang araw na sasabihin ko sa sarili ko na, sana pala ay hindi ko na pinaglaban at nakinig na lang ako kay mama. Hindi ko inaasahan ang nangyayari ngayon. We just got married few months ago. We are just new in the world of married, but i just found out that he's cheating on me. Sound absurb, pero sinasampal ako ng reyalidad kahit anong pilit kong ipikit ang aking mga mata ay nakikita ko pa rin ang kalapastanganan nila. "Honey, i enjoyed tonight. Thank you." Basa ko sa message na nasa phone ng asawa ko. Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan ang walang-hiyang asawa ko na mahimbing na natu
"Class dismiss," anunsiyo ko sa klase nang matapos ang lesson ko. "Thank you, ma'am." Nginitian ko lang naman ang mga estudyante na nagpapasalamat at nagpapaalam para umuwi na. Pasadong alas-singko na ng hapon kaya oras na rin para umuwi sila. Ala-singko ng hapon, may appointment pa ako ng ala-sais. May isang oras lang ako para maghanda. Kinuha ko ang phone ko sa aking hand bag at di-nial ang numero ng asawa ko pero ring lang ng ring, walang sumasagot. Napabuntonghininga na lang akong binalik ang phone sa bag bago simulan ang pagliligpit ng mga teaching materials na ginamit ko. Normal na araw lang naman ngayon, pareho kaming busy sa trabaho pero hindi ko mapigilan ang aking isipan na mag-overthink kung anong ginagawa ng asawa ko. Kung wala lang sigurong paghihinala na nabubuo sa utak ko ngayon ay iisipin ko lang na busy siya kaya hindi niya nasasagot ang tawag ko. Siguro maraming pasyente ngayon sa Hospital at hindi niya hawak ang phone niya. Isa kasi siyang nurse sa isang privat
Nagising ako sa sunod-sunod na doorbell. Antok na antok man ako ay pinilit ko ang sarili na bumagon, tiningnan ko ang table clock ko at doon ko lang napagtanto na pasadong alas-singko palang ng madaling araw. Kung sino man ang nangbubulabog sa tulog ko ay makakatikim talaga siya sa akin. Suot ang pajamas ko ay bumaba na ako mula sa second floor at tinungo ang main door. Nang buksan ko ito ay sumalubong sa akin ang asawa ko, mapupungay ang mga mata na pumipikit-pikit na. Magulo ang buhok at gusot ang white polo niya, hindi rin nakabutones ng ayos. "What's with you? Hindi mo ba dala ang key card mo?" salubong na tanong ko sa kanya. Pareho kaming may key card ng bahay, kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang mag-doorbell. Nanadya ba siya? "I think na-misplaced ko, hindi ko mahanap sa bag at bulsa ko e'," pagdadahilan niya. "Really? Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga iyon? What if magnanakaw ang makapulot nun?" "Can you please stop with your nonstop nagging? Papas
Nang dahil sa exam week ay naging abala ako sa araw-araw, nagawa ko na ring i-divert ang isipan ko sa ibang bagay. Nawalan na rin ako ng oras na mag-overthink at isipin ang panghihinala ko sa asawa ko. Ganoon din naman siya, hindi ko alam kung sinadya niya o nagkataon lang na naging mas busy siya kung kailan busy rin ako sa paaralan. Nagbago na ang schedule niya, naging night shift na siya kaya madalang na talaga kami magkaroon ng oras para mag-usap. Tuwing uuwi ako sa gabi ay wala na siya sa bahay, tuwing aalis naman ako sa umaga ay tulog na siya at minsan ay umaalis ako na hindi pa siya umuuwi. Hindi ko alam kung maganda pa ba ang set-up naming ito o hindi. Parang hindi na kami mag-asawa sa nangyayari, parang magkasama lang kami sa bahay at walang intimate relationship. Mag-iisang linggo na rin na ganito ang aming set-up. Nag-a-update naman ako sa message at nagrereply naman siya, parang bumalik ulit kami sa panahong sa phone lang kami nag-uusap. Wala na rin akong napapansin na