Lahat ng empleyado sa Bar ay naatasan magtrabaho para mamayang gabi. Meron din namang iba na hindi tinanggap ang alok ni Sir Gio na magtrabaho mamaya kahit pa may dagdag kita ito.
“Nae-excite na ‘ko, Kari!” hindi mapaglagyan ang saya ni Winnie ngayon. Kanina pa siya hindi mapakali rito sa loob ng kaniyang kwarto.
Maging ako man ay excited din para sa mamaya, ngayon lang ako makakadalo sa ganito. Kahit pa trabaho ang ipupunta namin ay ‘di ko pa rin maiwasang sumaya at ma-excite.
“Wait lang ha?” paalam niya at lumabas ng kwarto. May tumawag ata sa kaniya.
Pinagmamasdan ko lang ang mga kolorete na pinamili ni Winnie kahapon sa Mall. Nakalatag na rin sa kanyang higaan ang uniporme na susuotin namin pati ang mask na binili niya. Di nga siya nagkamali, magmumukha siyang sexy sa napili niya.
‘Di ko naman makakaila na maganda talaga ang kaibigan ko, morena ito pero lutang na lutang ang kanyang ganda. Lalo pang nagpatibay sa kanyang ganda ang mga buhok niyang mahahaba na kulot ang dulo. Ang mga mata niya ay may kaunting katapangan, pero nababalanse ito ng kaniyang maliit at mapupulang labi, ang ilong niya naman ay may kaliitan pero kitang-kita mo ang tangos.
Matapos ang limang minutong pakikipag-usap ay bumalik muli si Winnie sa kwarto, pero may iba akong napansin.
“Ayos ka lang? Sino nakausap mo?” usisa ko dahil nararamdamang kong nag-iba ang mood niya.
“Wala naman. Tara mag-ready na tayo,” anyaya niya. Hindi ko naman na masyado pang kinulit dahil baka lalo lang mawala sa mood.
“Kari, pahingi naman ng favor. Pleaseee!” nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong pabor naman kaya ‘yon?
“Ano ba ‘yon?”
“Palit tayo ng mask, pleaseee?” hinarap niya ako habang nagmamakaawa sa’kin.
Wala naman kaso iyon sakin dahil wala naman akong pinangangalagaang damdamin, pero ayoko naman magmukhang sexy lalo kapag isinuot ko na iyon. Napaka-ikli pa mandin ng tabas ng damit ko.
Sa huli ay pumayag na rin naman ako, minsan lang naman humingi ng pabor itong kaibigan ko pagdadamutan ko pa ba? Baka may ‘di sila napagkasunduan ng ‘boyfriend’ niya kaya tinopak at gustong maging single muna.
“Thank you talaga mare! Alam mo, bagay na bagay sayo ang mask ko!” masaya niyang sabi, napailing na lang ako sa pang-uuto ng babaeng ito.
Naunang maglagay ng kolorete si Winnie sa kanyang mukha habang ako ay nag-aayos ng buhok. Hindi ako gaanong magaling maglagay ng kolorete sa mukha pero masasabi ko namang magaling akong mag-ayos ng buhok.
Kinulot ko ang dulong parte ng kulay tsokolate kong buhok saka kumuha ng kapraso sa bandang itaas upang gawing bun. Nag lagay ako ng iilang abubot na kikinang kapag tinamaan ng ilaw.
Matapos mag-ayos ni Winnie ay ako naman ang nilagyan niya ng kolorete sa mukha. Ako na rin ang nag ayos sa buhok ko. Matapos no’n ay pumunta kami agad sa Bar, napag desisyunan naming doon na magbihis dahil sobrang nakakatawag pansin kung susuotin namin ito sa labas.
“Napakaganda mo Kari!” kantyaw ng isang katrabaho rito sa loob ng locker room. Pabiro ko naman itong tinarayan at natawa na lamang sa kaniyang sinabi.
“Ma’am mamaya pa po ang party,” pabirong sabi ni Steffi nang makalapit sa amin. Tinignan ko naman ito.
“Ay! Pasensiya na, hindi ka kasing mukhang empleyado, e hahaha,” natatawang sinabi niya kaya naman hinataw ko ito nang mahina.
“Wag ka nga! Baka maniwala ako e,” saad ko habang natatawa sa sinabi niya.
Nakabihis na ang lahat at ngayon ay nakatipon kami dahil may sasabihin daw si Sir Gio.
“Guys, I want this night to end in peace and succes. Anyone can have fun, since marami naman kayo ngayon ay male-lessen ang work ng bawat isa kaya naman may pagkakataon kayong makapag-saya. Palagi niyo tatandaan mga bilin ko, never leave a duty na walang kapalitan, do not make a fuss. ‘Yon lang, let’s rock this event. And oh! By the way, you guys looks stunning tonight!” aniya kaya naman naghiyawan ang mga kasamahan namin dito. Maging ako ay di mapigilan ang pag hiyaw sa sobrang saya at excited.
---
Isang oras pa lang ang nakakalipas pero puno na agad ang Bar. Namamangha ako sa dami ng tao gayundin sa magagarbo nilang suotan. Naglalaban ang kulay puti at violet na mask ngayong gabi, natutuwa ako sa mga kostumer namin.
“Naks! Taken ka pala?” ani Art. Ang bartender namin.
“Ah! Naku hindi! Kay Winnie itong mask, nakipagpalitan lang sa’kin,” pagpapaliwanag ko. Nakita ko namang natawa siya kaya natanong ko kung bakit.
“Napaka-defensive mo naman. Kahit naman hindi mo suot ‘yan marami pa ring mag-iisip na hindi ka single. Panigurado akong maraming manghihinayang,” aniya na hindi ko na lamang sinagot. Wala akong masabi sa kaniya pabalik, ayokong lumaki ang ulo ko sa sinabi niya.
“Inom ka? It’s on me, wag kang mag-alala,” alok niya na tinanggihan ko naman agad.
“Mamaya na lang siguro kapag hindi na mabigat ang trabaho,” saad ko naman.
Kasalukuyang nagsasalita ang host ng event ngayon upang ianunsyo ang mga susunod na kaganapan kaya naman lalong naghiyawan ang mga ito kasabay ng malalakas na dagundong ng musika. Kitang-kita ko ang tuwa ng bawat kostumer ngayon dito. May iilan na nakasuot ng full mask, meron din namang half mask lang.
Kami ni Winnie ang nakabantay sa bukana ng entrance upang salubungin ang kostumer na patuloy sa pagpasok. May iilan na rin akong naihatid sa VIP area.
Kinuha ko ang sobreng iniabot sa akin ng isang kostumer na naka full mask kasama ang isang babae na naka-half mask lang. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para kilalanin pa silang dalawa sa kanilang mga mukha. Agad ko silang inihatid sa VIP area.
“You go first, powder room lang ako,” wika ng babae saka lumiko at humiwalay ng direksyon sa’min.
Tahimik akong naglalakad upang maihatid ang kostumer na ito. Nauna akong pumasok sa loob ng room para na rin matignan kung maayos ito. Iniayos ko ng kaunti ang lamesa saka tumalikod at nakita kong nasa loob na rin siya, tinitignan ang paligid ng silid na kulay pula dahil sa LED strips at may nakakalat na rose petals sa paligid at iilang kandila.
“Kari,” wika ng pamilyar nyang boses na sobrang nagpa-kabog ng d****b ko. Bigla akong kinabahan. Humugot ako ng malalim na paghinga saka lumakad paalis.
“You’re taken?” hindi ako mapakali, kinakabahan ako na ewan. Pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin na ihihinga sa loob ng silid na ‘to.
“Ano naman ngayon? Ikaw rin naman ah? Kaya bitawan mo ako bago pa dumating ang asawa mo Aki,” sabi ko nang may diin habang pilit na hinihila pabalik ang braso ko. Halos tumalon palabas ang puso ko nang hubarin niya ang mask na suot niya.
Ang laki ng pagbabago, ‘di gaya ng dati. Napakagwapo niya. Lalo siyang gumwapo sa porma niya ngayon, ang makapal at malambot niyang buhok ay naka istilo. Masasabi kong lalong nag-mature ang kaniyang itsura. Mas lalong nadepina ang kaniyang mga panga hindi gaya dati. Ang hubog ng kaniyang katawan ay nag-improve rin kaya kahit pa naka-suot ng pormal ay halata pa rin ang laki ng kaniyang katawan. Amoy na amoy ko rin ang pabangong palagi kong naaamoy noon pa man. Hindi siya nagbago ng pabango.
“Napaka-ikli ng damit mo. You’re wearing a choker and a leg strap. Don’t you notice how fucking hot you are tonight? All eyes are on you!” halos manginig ang buong katawan ko dahil pabulong niyang sinambit sa tenga ko ang huling kataga na iyon.
“Alam mo rin bang harassment itong ginagawa mo? Wala akong pakialam kung sino man sila, nagtatrabaho lang ako ng maayos dito kaya bitiwan mo na ‘ko!” mariin kong sambit saka tuluyang kinuha pabalik ang braso ko para umalis.
“I’m sorry...” ‘yon na lang ang tangi kong narinig bago tuluyang makalabas ng silid na ito.
Pagkalabas na pagkalabas ay dumiretso ako agad sa locker room. Kailangan ko munang huminga panandalian. Hindi ko naisip na dadalo sina Aki dito, nawala sa isip ko na isa nga pala siya sa may-a*i ng Bar na ito.
At bakit kung makipag-usap siya sa’kin ay sobrang kaswal? Na parang hindi lumipas ang ilang taon na ‘di namin pagkikita. Na parang walang nangyari?
Wala pang ilang minuto ay iniayos ko muli ang aking sarili at lumabas. Habang itinatali sa likod ang mask ay may nabangga naman ako kaya nalaglag ito muli. Kasabay ng pagpulot ko sa mask ay ang paghingi ng tawad.
“Sir Gio ikaw po pala, pasensiya na po!” wika ko nang tingalain kung sino ang nabangga ko.
“Clumsy!” kaprasong tinuran niya na ipinagtakha ko naman. Hala, bad mood ba si Sir? Yumuko ako ulit saka humingi ng pasensiya.
“Get back to your work, walang pang dalawang oras ay nagpapahinga ka na? Tss. What a waste of money.” Hindi na ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Sir Gio. Kinabahan ako nang sobra, talaga bang wala siya sa mood? Hindi ba siya nakikipag biruan lang?
“Ano pang itinatayo mo? I said get back to your work!” nagulantang naman ako sa sinabi niya kaya naman yumuko ulit ako para humingi ng pasensiya saka mabilis na naglakad palayo.
Natapos ang ilang palaro dito sa event kaya naman balik party na ulit ang mga kostumer. Ang ilan sa mga katrabaho ko ay nakikita kong lumalagok na rin ng alak pero maingat naman nilang itong ginagawa upang ‘di malasing ng sobra.
Nagulat ako sa biglaang pagharang ni Ronald, “Mars! Makikisuyo naman, pwede bang ikaw muna maghatid nito roon sa room nila Sir Gio? Hindi ko na kasi kaya, baka mawalan ako ng balanse at maitapon ito. Magba-banyo lang ako,” aniya. Agad ko namang kinuha ang dala-dala niyang bucket. Pusong babae itong si Ronald, siguro ay nag-enjoy nang sobra kaya nagka-ganyan. Hay naku!
Agad ko naman inihatid ang mga inumin na nasa bucket patungo sa silid nila Sir Gio. Nabigla ako nang makita doon sila Aki at Solange, mayroon pa silang ilang kasama na ‘di ko na kilala pero mukhang mga kaibigan nila ‘yon. Agad kong ibinalik ang postura ko upang maihatid nang maayos ang mga inumin.
Napansin ko namang nakangisi ang isang lalaki sa tabi ni Sir Gio. Bukod tangi siya na hindi inalis ang mask. Hindi naman ako makatingin nang ayos kay Sir Gio dahil naalala ko ang nangyaring pagsusungit niya sakin kanina.
“Didn’t know that your employees are this sexy, Geoffrey. I should come here often!” pakinig ko pang biro no’ng isa nilang kaibigan na sinang-ayunan din ng iba. Agad din naman silang sinaway ni Sir Gio.
“Kari? Ikaw ba ‘yan? Ang sexy mo!” mapanutyang wika ni Sir Gio na ipinagtakha ko naman. Grabe ang mood swing nito, kanina lang pinagagalitan ako. Ngayon naman inaasar ako.
Hindi ko maiwasan mapasulyap sa gawi ni Aki, nakita kong nililingkis siya ni Solange habang nakasandal sa kanyang balikat. Matatalim at malalim ang tingin sa’kin habang nagtitiim ang mga panga. Sinimangutan ko ito saka binalik ang atensyon kay Sir Gio.
“Bro ano ba ‘yan? Para kang tanga hubarin mo na nga ‘yan nasa loob na tayo,” wika ni Sir Gio sa kaniyang katabi.Napaawang ng bahagya ang mga labi ko kasabay ng panlalaki ng mata ko sa nakita ko. Nagtaas ito ng kilay saka ngumisi.“Maiwan ko na po kayo, Sir, Maam.” Paalam ko dahil wala naman na akong ibang gagawin pa.“Wait lang, Kari!” pigil sakin ni Sir Gio.“Since you’re new, I want you to meet my twin, Jed. Boss mo rin sya, so don’t get confuse ha? At itong isang manong dito ay boss mo rin,” aniya. Sa kabuuan, silang tatlo ang nagpapatakbo ng Bar na ito, at si Aki ang pangatlong. Karamihan sa mga empleyado ay hindi kilala si Aki at napaka-dalang daw nito dumalaw dito.'Di gaya ni Sir Gio ay napakatahimik niya. Mukhang masungit pa at strikto. Muli na namang napadako ang tingin ko kay Aki na ganoon pa rin ang ekspresyon. Malalalim ang tingin sakin at diretsong diretso.
Humugot ako ng malalim na hinga bago magsimula ang kanta. Kasabay na rin ang pagdarasal na sana ay maki-ayon ang boses ko ngayong gabi.Nagsimula na ang pagtugtog ng banda kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pagkanta. Hindi ko akalaing kakantahin ko ang kantang ‘to sa pangalwang pagkakataon.---He is sensible and so incredibleAnd all my single friends are jealousHe says everything I need to hearAnd it’s like I couldn’t ask for anything betterHe opens up my door and I get into his carAnd he says “You look beautiful tonight”And I feel perfectly fineNapukaw ng isang makisig na lalaki ang atensyon ko habang kumakanta, hindi ko alam pero mukhang pamilyar siya sa’kin.
Normal namang lumipas ang isang linggong pagtatrabo ko rito sa Bar. Hindi na rin ako nag-abalang magkwento pa kay Winnie at buti na lang din ay hindi siya nagtangkang magtanong sa kung anong nangyari ng gabing ‘yon.“Kari?” natigil naman ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag sa’kin.“Ronald, bakit?” tanong ko.“Girl, kanina ka pa tinatawag ni Sir,” agad naman akong nagpunta sa opisina ni Sir Gio.“Pasensya na po, Sir. Ano po pala ‘yon?” tanong ko pagkatapos umupo. Bahagya naman akong naginhawaan dahil sa lamig ng opisina ni Sir. Ramdam na ramdam ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko, gano’n din sa likod at leeg.“Wag!” nagulat naman ako sa biglaang pagpigil ni Sir Gio sa’kin habang nagpupunas ng pawis. “It’s uh—rug.”“Putcha—sorry!” sobrang nahihiya na ‘ko sa pagiging lutang ko at napamura sa kawalan ng bigl
Mabilis na lumipas ang linggong ‘yon at malaki ang pasasalamat ko na walang hakbang na ginawa si Aki para lapitan o guluhin ako. Pero kada gig ko ay nahuhuli kong naroroon siya at nanonood.Hindi tuloy mawala ang kaba at pagiging ilang ko habang kumakanta dahil sa mga malalalim at matatalas niyang tingin.Ngayong linggong ito ay ang ika-dalawang buwan kong nagtatrabaho rito sa Bar. Sa susunod na buwan ay binabalak ko ng umalis, sa ngayon mag-iipon pa ako ng kaunti para pag-uwi sa isla ay may magagamit kaming pang-gastos.Masyadong nakatulong ang pagkanta ko rito sa Bar dahil sa palagian at malalaking tip na nakukuha ko mula sa mga costumer na masyadong natutuwa sa pagkanta ko.“Kari, luluwas ka ba mamaya?” si Winnie. Nasabi kong itong linggong ito ay dadalaw ako sa anak ko sa hospital dahil sa susunod na linggo ay maaari na siyang ilabas.“Oo. Bakit pala?” usisa ko.“Makikiabot naman sana nito kay Lola,&rd
Naging maayos ang trabaho ngayong araw dahil sa Sir Jed daw muna ang papasok at hindi si Sir Gio. Aniya’y may importanteng lakad daw sa Maynila kaya’t dalawang linggo itong mawawala.“Biglaan naman ata ang lakad ni Sir Gio?” kuryoso kong tanong.“Maaring pinauwi na naman ‘yon ng mga magulang niya,” sagot ni Steffi na nasa tabi ko na ngayon. “Politician kasi ang daddy nila Sir Jed at Gio, gusto ng daddy nila ma-involve rin sila sa politika pero itong si Sir Gio masyadong sutil ‘di gaya ni Sir Jed.”“Bakit si Sir Gio lang ang umuwi kung ganon?” ako.“May posisyon na kasi iyang si Sir Jed sa business nila sa Maynila. Hindi man na-involve sa politika, nagtrabaho naman para sa family business nila. Itong Bar na ‘to, si Sir Gio lang nagpasimuno. Walang koneksyon ang Bar na ‘to sa family business nila,” paliwanag niya. Napatango na lang ako sa mga nalaman ko. Sobrang
“Welcome back, Sir Gio,” sabay-sabay na sigaw naming mga empleyado nang pumasok si Sir Gio sa Bar.Isang linggo matapos ang pagliban ni Sir Gio dahil sa pagpunta sa Maynila para ayusin ang tungkol sa kaniyang pamilya kaya naman labis na natuwa at na-excite kami sa muling pagbabalik niya.Lumapit naman si Winnie kay Sir Gio dala ang isang cup ng kape gano’n din si Steffi. Nakita ko pang nagkatinginan silang dalawa sa ginawa. Hindi naman nakaimik agad si Sir sa nangyari.“Uh... thank you, guys. I’ve missed all of you,” wika niya at nginitian kaming lahat. Naiwan naman si Steffi at Winnie roon. Ang ibang empleyado ay ‘di na rin nakiusisa pa sa nangyari at nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho.“Winnie halika na,” sambit ko dahil hanggang ngayon ay magkatitigan pa rin silang dalawa ni Steffi.Tinitimbang ko ang mood niya ngayon dahil nananatili pa rin siyang tahimik. Hindi ko na rin siya pipilitin k
Kabado akong pumasok ngayon dito sa Bar dahil sa hiya. Ilang beses ko na kinumbinsi ang sarili na hindi ako ang dahilan at maaaring may ibang dahilan pa kung bakit sila nag-away kahapon pero heto ako at nahihiya pa rin.Humingi ng tawad si Hannah sa’kin, aniya’y hindi raw siya nag-ingat maigi kaya may nakarinig pa ng usapan namin at nila ni Winnie. Siniguro ko sa kaniya na wala siyang kasalanan sa mga nangyari at na ako naman talaga ang pinakapangunahing dahilan. Kung naging handa sana ako sa buwanang dalaw ay ‘di ko na kakailanganin pa na pakiusapan siya na bilhan ako ng napkin.Pumasok ako sa opisina ni Sir Gio nang nakayuko matapos ang ilang katok.“Uh... pasensiya na po sa nangyari kahapon, Sir. Naikwento po sa’kin ni Winnie ang buong detalye,” panimula ko. Kahit pa hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang malalalim na tingin niya sa’kin, lalo tuloy akong ginapangan ng hiya at kaba.“Maayos na ba
Parang mabilis na apoy na kumalat ang balitang inihatid kami ni Sir Jed kahapon sa apartment. May iilang lumapit sa’kin para magtanong at kumpirmahin kung totoo ba ‘yon.“Oo naman! Bait nga ni Sir Jed, e. ‘Di ba, Kari?” si Winnie ang panay sumasagot sa mga tanong na ibinabato sa’kin. Kaunti na lang at makukurot ko na itong si Winnie sa sobrang kadaldalan.“At alam niyo ba, bago umuwi si Sir may pahabol pa!” anunsyo niya kaya naman namilog ang mga mata ng katrabaho at lalong lumapit dahil naiintriga sa sasabihin ni Winnie. Subukan lang nito sabihin na nanghingi ng numero ko si Sir---“Hiningi ni Sir—aray!” kinurot ko na sa tagiliran dahil walang preno ang bibig dahil pati ang bagay na iyon ay ipagsasabi pa, hay naku!“Ng ano, Winnie? ‘Wag ka naman KJ, Kari dali na! Sabihin mo na.”“Oo nga, hindi namin ipagkakalat. Pangako!” patuloy ang pangungulit nila.