Share

Kabanata 8

Humugot ako ng malalim na hinga bago magsimula ang kanta. Kasabay na rin ang pagdarasal na sana ay maki-ayon ang boses ko ngayong gabi.

Nagsimula na ang pagtugtog ng banda kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pagkanta. Hindi ko akalaing kakantahin ko ang kantang ‘to sa pangalwang pagkakataon.

---

He is sensible and so incredible

And all my single friends are jealous

He says everything I need to hear

And it’s like I couldn’t ask for anything better

He opens up my door and I get into his car

And he says “You look beautiful tonight”

And I feel perfectly fine

Napukaw ng isang makisig na lalaki ang atensyon ko habang kumakanta, hindi ko alam pero mukhang pamilyar siya sa’kin.

Ramdam na ramdam ko ang bawat liriko ng kinakanta ko dahil sa sakit na ‘di ko maipaliwanag. Gusto kong magwala o sumabog sa sakit pero hindi ko alam kung paano kaya rito na lang sa pagkanta ko ibubuhos ang mga emosyon at mga salitang ‘di ko masabi.

But I miss screaming and fighting and kissing in the rain

And it’s 2:00 am and I’m cursing your name

So in love that you act insane

And that’s the way I loved you

Breakin’ down and coming undone

It’s a roller coaster kinda rush

And I never knew I could feel that much

And that’s the way I loved you

Pikit mata kong binabanggit ang bawat liriko ng kanta habang unti-unting nabubuo ang imahe ni Clyde sa isip ko. Gusto kong iparating sa kanya kung gaano ko siya minahal at kung ano ang sakit na dinulot niya sa’kin.

Si Clyde ay ex-boyfriend ko na umalis patungong Canada noong nakaraang taon at nitong  linggo lang ay nabalitaan ko ang kasal niya na magaganap dito mismo sa isla.

Sa muling pagmulat ng mata ay tumama na naman ang paningin ko sa lalaking kanina pa nakatayo at tahimik kaming pinapanood.

Sa pagpapatuloy ng kanta ay pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko na kanina pa nagbabadyang kumawala.

---

He respects my space and never makes me wait

And he calls exactly when he says he will

He’s close to my mother, talks business with my father

He’s charming and endearing and I’m comfortable

But I miss screaming and fighting and kissing in the rain

And it’s 2:00 am and I’m cursing your name

So in love that you act insane

And that’s the way I loved you

Breakin’ down and coming undone

It’s a roller coaster kinda rush

And I never knew I could feel that much

And that’s the way I loved you

Muli ay pikit mata kong dinaramdam ang bawat liriko ng kanta, isang imahe ang unti-unting nabubuo. Bago pa mabuo ang imahe ay iminulat ko muli ang mata ko at iisang tao lang ang nahagip ng paningin ko.

He can’t see the smile I’m faking

And my heart’s not breaking

‘Cause I’m not feeling anything at all

And you were wild and crazy

Just do frustrating, intoxicating, complicated

Got away by some mistake and now

Ang mga mata niyang kanina’y nag-aalab ay napaltan ng mala-ulap na lambot habang tumitingin sakin.

Aki, bakit ba hirap na hirap ako sa tuwing nakikita o naalala kita? Ayoko nang alalahanin pa ang mga nararamdaman ko sa’yo simula pa noon. Ayokong manumbalik lahat ng iyon.

But I miss screaming and fighting and kissing in the rain

And it’s 2:00 am and I’m cursing your name

So in love that you act insane

And that’s the way I loved you

Breakin’ down and coming undone

It’s a roller coaster kinda rush

And I never knew I could feel that much

And that’s the way I loved you

Sobra akong nadadala sa kinakanta ko, napako na ang paningin ko kay Aki na para bang kinakausap ko siya sa pamamagitan ng pagkanta ko rito sa gitna. Hindi ko na alam saan pa ako dadalhin ng nararamdaman kong ‘to. Bahala na hanggang sa matapos.

Pinutol ko ang titigan naming dalawa, ayaw kong lumalim ang pag-aakala niya na hanggang ngayon ay mahal ko pa siya. Ayokong bigyan siya lalo ng dahilan para lapitan o kulitin ako.

Oh, and that’s the way I loved you

Oh, oh, oh, oh, oh, oh

Never knew I could feel that much

That’s the way I loved you

Saka ko lang napansin ang ibang taong nakapako ang paningin sa’kin, kita ko ang maliliit na palakpak ng iba. Pilit akong ngumiti sa kanila at saka yumuko ng bahagya.

 “Isa pa!” ang sigaw na nangingibabaw ngayon. Hilaw akong ngumiti at umiling, nag-ambang bababa ng stage.

Nahagip muli ng paningin ko ang lugar kung saan nakatayo si Aki kanina at nagulat akong papunta siya rito mismo sa kung nasaan ako. Nagmadali ako sa pagbaba sa maliit na hagdan.

“Why are you so clumsy?” agad akong nagtaas ng ulo para humingi ng tawad sa nabangga ko. Lalo akong namroblema, si Sir Jed na naman ang nabangga ko.

“Sorry po, Sir,” sabi ko at mabilis na yumuko at umambang aalis na pero mabilis niyang nahuli ang braso ko.

“You haven’t answer my question.” Kambal nga talaga kayo ni Sir Gio, grabe mangulit. Anong sagot naman ang sasabihin ko? ‘Di pa ba sapat ‘yong ‘sorry’? Hay naku, kung kailan naman paalis na paalis na.

“Sir, sorry na po!” nagmamadali kong sabi at buong pwersang binawi ang braso ko at tumakbo palayo.

“Kari!” rinig ko pang tawag ni Winnie sakin pero hindi ko na pinansin pa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta takbo lang. Hindi ko nga rin alam kung bakit nga ba ako tumatakbo na parang kriminal na tumatakas sa kanyang krimen.

Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko nang maisip na wala naman akong dapat ikatakot dahil isang kanta lang naman iyon at walang kahulugan.

Pabalik na sana ako sa loob pero naririnig ko na ang mabibigat na yabag ng mga paa ng taong papalapit sa direksyon ko.

“Kari...” malambing na tawag niya sa pangalan ko. Sobrang nakakapanglambot sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko sa ganyang tono. “Kalea Rei...”

“Aki, kanta lang ‘yon. Wag mong bigyan ng kahulugan o ano,” pagdedepensa ko dahil alam ko ang gusto niyang marinig sa’kin pero hinding-hindi ko sasabihin.

“Then why did you run so fast away from me?” hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ako mismo ay itinatanong din ‘yan sa sarili. Gusto kong batukan ang sarili ko ngayon, masyado halata ang mga galaw ko, kainis!

“A-ano, n-nahihiya ako sa mga tao. Bakit? Ano bang akala mo?” wika ko. Sana makumbinsi siya, sana makumbinsi siya.

“I thought the song was--“

“for you? Hindi, Aki. Hinding-hindi. Walang kahulugan ‘yon kaya tigilan mo na ang pag-iisip ng kung ano-ano,” matigas kong binitawan ang bawat salita saka umalis pero sadyang mabilis siyang gumalaw at hinila ako para yakapin.

“I miss your warmth, Kari...” malambing na sambit niya. Masyado akong nanghihina sa init ng mga yakap niya lalo na sa braso niyang nakapulupot sa’kin.

“Aki, ano ba? May asawa ka!” gigil na sambit ko dahil ayaw kong tumagal sa yakap niya dahil natatakot akong traydurin ng sarili kong nararamdaman.

“Let’s stay like this for a minute, please. This is all I could ask, pagkatapos nito hindi na kita guguluhin. Pangako.” Hindi. Ayoko. Hindi ako makakatagal ng isang minuto sa mga yakap mo, malulunod ako ng tuluyan.

Pilit akong kumawala sa yakap niya pero laking gulat ko nang bigla siyang tumilapon sa sahig.

Hinanap agad ng mata ko ang dahilan ng pagkakasalampak niya dahil sigurado naman akong hindi gano’n kalakas ang pagkakatulak ko sa kanya para tumilapon siya sa sahig.

Hindi ko makilala kung sino itong nakatayo ngayon malapit sa tabi ko dahil nakasuot siya ng maskara at sobrang dilim dito sa parking lot ng Bar kung nasaan kami ngayon.

“Get out of here!” rinig kong sabi ng lalaking sumuntok kay Aki.

Hindi ko alam kung aalis ba ako o tutulungan muna si Aki. Nakatitig lang ako kay Aki na ngayon ay bumabangon mula sa pagkakasalampak sa sahig.

“Kari...” aniya at bigla akong natauhan mula sa pag-iisip. Agad akong umalis kahit wala akong kasiguraduhan sa kung ano ang sunod na mangyayari sakaling iwanan ko silang dalawa rito. Pero ayaw ko na rin mag tigil sa lugar kung nasan si Aki.

Pagka-pasok sa Bar ay agad akong tumungo sa guwardiya para sabihing may mga customer na nag-aaway sa parking area. Agad namang rumesponde ang guwardiya at kahit papaano ay umalwan ang pakiramdam ko.

Mas lalo ako napanatag nang muling makita si Aki patungo sa VIP Room, napansin ko pang pinahid nito ang gilid ng labi. Marahil napuruhan maigi at dumugo ang bahaging iyon ng labi niya.

‘Di ko mapigilang mag-alala. Sana malaman na kung sino man ang sumuntok sa kaniya roon sa parking lot kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status