Mabilis na lumipas ang linggong ‘yon at malaki ang pasasalamat ko na walang hakbang na ginawa si Aki para lapitan o guluhin ako. Pero kada gig ko ay nahuhuli kong naroroon siya at nanonood.
Hindi tuloy mawala ang kaba at pagiging ilang ko habang kumakanta dahil sa mga malalalim at matatalas niyang tingin.
Ngayong linggong ito ay ang ika-dalawang buwan kong nagtatrabaho rito sa Bar. Sa susunod na buwan ay binabalak ko ng umalis, sa ngayon mag-iipon pa ako ng kaunti para pag-uwi sa isla ay may magagamit kaming pang-gastos.
Masyadong nakatulong ang pagkanta ko rito sa Bar dahil sa palagian at malalaking tip na nakukuha ko mula sa mga costumer na masyadong natutuwa sa pagkanta ko.
“Kari, luluwas ka ba mamaya?” si Winnie. Nasabi kong itong linggong ito ay dadalaw ako sa anak ko sa hospital dahil sa susunod na linggo ay maaari na siyang ilabas.
“Oo. Bakit pala?” usisa ko.
“Makikiabot naman sana nito kay Lola,” aniya sabay abot sakin ng brown na paper bag at selyadong maigi ng mga tape. Tingin ko’y gamot ito para kay Lola Freda.
“Sige ako na ang bahala, sasabihan ko si Nanay para rito,” tugon ko para mawala kahit papaano ang pag-aalala sa mukha niya.
“Ito rin pala para sa paborito kong pamangkin,” pahabol niya habang dumudukot sa bulsa niya na agad ko namang pinigilan.
“Winnie, hindi na kailangan. Sapat na ‘to, sa susunod na linggo’y makakauwi na rin naman sila ni Nanay,” pagtanggi ko sa pagpipilit niya na tanggapin ang iniaabot na pera sa’kin.
“Pag ako talaga nakauwi ng isla hindi ko na ipapadaan sayo itong mga regalo ko kay Ali, hmp!” bulyaw niya na nginisian ko lang. Natutuwa ako dahil giliw na giliw siya sa anak ko pero ‘di naman ibig sabihin no’n ay hahayaan ko siyang maglabas ng pera na gano’n kalaki.
Inubos ko ang oras ko ng gabing iyon sa pag-aayos ng mga gamit pati na sa pagbibilang ng naipon ko rito.
Unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa mabilisang paggaling ng anak ko. Ano pa’t konting tiis na lang ay magkikita at magkakasama na ulit kami ng matagal sa isla sa mga susunod na linggo.
Bago tuluyang makarating sa ospital ay tumigil muna ako sa isang tindahan upang bumili ng kalahating dosena ng donut at mga inumin na pwede naming kainin doon. Sigurado akong matutuwa si Ali rito sa mga dala ko.
“Nanay! Na-miss kita sobra Nanay,” naka-ngusong salubong ni Ali sa’kin habang itinataas ang mga kamay upang magpakarga. Agad ko siyang binuhat at tinadtad ng h***k sa mukha. Napawi naman ang lungkot sa mga mata at napalitan ng sigla.
“Na-miss ka rin ni Nanay ng sobra anak,” malambing kong saad saka siya marahang ibinaba sa higaan.
Sa isang oras kong pagtatagal dito ay napakarami agad naikwento ng anak ko gaya ng pagkakaroon niya ng kaibigan. Aniya’y nauna raw iyon sa kaniya dito ng isang buwan.
Noong una raw ay hindi siya pinapansin nito at mukhang masungit hanggang sa isang araw ay tinulungan nya ito na patahanin dahil pansamantalang nawalan ng taga-bantay.
Naikwento rin sa’kin ni Nanay na lubos na ikinalungkot ni Ali ang pag-alis ng kaibigang pasyente rito sa hospital. Inilipat daw ito ng Manila para sa mas mabilis at epektibong gamutan.
“Anong pangalan ng kaibigan mong ‘yon, Ali?” tanong ko sa kanya na ngayon ay abala sa pagkain ng dala kong mga pagkain.
“Eloy, Nanay...” aniya na ikinakunot ng noo ko. Dumako ang tingin ko kay Nanay at binigyan siya ng isang nagtatanong na ekspresyon.
“Si Cielo ang batang iyon. Cielo Florentino,” si Nanay, ikinagulat ko naman ito.
“Iyon ba ‘yong anak ni Mayor? Napaano raw ho ba?” usisa ko.
“Hindi ko rin alam. Walang nakakaalam bukod sa kanilang pamilya. Pero hula ko’y matindi ang karamdaman ng bata dahil kinailangan pang dalhin sa Manila para sa mas maayos na gamutan,” napatango na lamang ako sa mga nalaman. Tantiya ko’y nasa tatlong taon lang ang tanda ng anak ni Mayor Florentino sa anak ko.
Lubos naman ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi kami umabot sa puntong kailangan dalhin sa mas malaking ospital sa Ali dahil sa karamdaman niya.
“Siya nga pala, Kari, may pagbabago sa sinabi ng doktor. Bukas o di kaya’y sa isang araw ay pwede na ilabas si Ali. Natutuwa ang mga doktor sa anak mo dahil sa sobrang kakulitan,” halos lumundag palabas ang puso ko mula sa d****b dahil sa narinig.
Nangingiti kong tinitigan ang anak ko na ngayon ay natutulog at nagpapahinga.
---
Agad akong nagtungo sa isa sa mga bintana na naroon upang magbayad ng hospital bill. Kahapon ay pinauna ko ng pauwiin si Nanay sa isla para naman makapagpahinga at para na rin maihanda ang bahay sa pag-uwi namin ni Ali.
Pagkatapos magbayad ay agad akong bumalik sa lugar na pinag-iwanan ko kay Ali.
Sa malayo pa lang ay nakikita kong may kausap itong matandang babae na katabi niya lang sa upuan. Nakikita kong may iminu-muwestra si Ali habang nagkukwento na labis naman ikinasaya ng kausap na matanda.
Napangiti na lamang ako sa nakita. Natutuwa akong lumaki siyang mabuting bata at malapit sa mga tao.
“Hello?” bati ko ng sagutin ni Winnie ang tawag ko.
“Mareee! Ano, kamusta si Ali? Nasan ka na pala?” Winnie.
“Maayos na ang lagay ni Ali. Ilalabas ko na siya ngayon.”
“Talaga? Diyos ko salamat naman kung ganoon. O, e nasan ka na nga?”
“Nandito pa ‘ko sa ospital. Balak kong umuwi ng isla ngayon, Winnie para ihatid si Ali. Pasuyo naman kay Sir Gio na a-absent muna ako kahit ngayong araw lang.”
“Sigurado ka ba? O siya, sige. Mag-iingat kayo ni Ali pauwi, mare. Ako na ang bahala kay Sir Gio, maiintindihan niya naman iyon.”
Pagkatapos kong magpasalamat ay ibinaba ko na ang tawag na iyon. Nahihiya ako dahil biglaang itong pag liban ko sa trabaho.
Mabuti ay Lunes ngayon, sigurado akong hindi dadagsain ng maigi ang Bar. Bukas na bukas ay luluwas akong muli sa siyudad para balikan ang naiwang trabaho. Sa ngayon, gusto ko munang maihatid ang anak ko sa isla.
“Ali,” marahan kong tawag sa kay Ali na nakikipag kwentuhan pa rin sa matanda.
“Ah, Lola ito po ang nanay ko. Sabi ko po sa inyo maganda si nanay, e!” nagulat naman ako sa sinabi ng anak ko. Humingi ako ng pasensya sa kakulitan ni Ali.
“Pasensya na ho sa pangungulit ng anak ko,” saad ko at marahang yumuko bilang paggalang.
“Lola dito na po kami ha, pagaling ka Lola, okay? Para mabigyan mo na ako chocolate pag nakalabas ka na rito,” pahabol na paalam pa ni Ali.
Nako ang batang ito talaga. Muli akong humingi ng tawad sa matanda habang ito’y patuloy sa pag halakhak sa kakulitan ni Ali.
Paglabas ng ospital ay binuhat ko si Ali upang di siya mabinat at mapagod. Maigi na lang din na iniuwi na ni Nanay ang iilang gamit kaya naman kaunti lang ang bitbit ko ngayon.
Namili kami ng anak ko sa isang convenient store ng mga biscuit, juice, at gatas na maaari niyang kainin kapag nakauwi na sa isla. Namili na rin ako ng ilang gamit at pagkain para sa bahay.
Pasado ala-una ng hapon ay nakarating kami sa isla. Nauna akong bumaba ng bangka saka sinalo pababa si Ali.
Ang sarap sa pakiramdam na matapakan ang buhangin ng isla pati na ang mga mumunting alon na paulit-ulit ang paghampas sa paa ko animo’y sinasalubong ang aking muling pagdating dito.
Sa ‘di kalayuan ay natanaw ko agad si Nanay na nag-aabang sa’min. Agad namang bumaba sa pagkakabuhat ko si Ali para tumakbo sa kanina pang naghihintay na si Nanay.
Iniabot naman sa akin ng bangkero ang iilang gamit na naiwan sa bangka.
“Maraming salamat ho!” saad ko at tuluyang ng umalis sa pampang.
---
Pasado alas-cuatro ng umaga ay umalis na ako sa bahay. Marahan at tahimik ko itong ginawa upang ‘di magising ang anak ko. Hinalikan ko ito sa noo at marahang niyakap bago tuluyang umalis.
“Mag-iingat ka, Kari. Sana’y makauwi ka ulit agad. Panigurado akong hahanapin ka ng anak mo,” bilin ni Nanay bago ako umalis.
Matapos ang iilan pang bilin sa isa’t-isa ay tuluyan na akong sumakay sa bangka at naghanda para sa mahigit isang oras na byahe patungong daungan. Pagkatapos non ay sasakay akong muli sa bus papunta sa siyudad.
Bago mag ala-sais ay nakarating na ako agad sa apartment na tinutuluyan namin ni Winnie. Mabuti at maaga pa kaya hindi naipit sa traffic ang naging byahe ko papunta rito sa siyudad.
“Mabuti naman papasok ka na ulit,” pambungad ni Winnie sa akin na ngayon ay nakatayo sa may pinto, hinihintay akong matapos sa ginagawa ko.
“Ah, oo. Nakakahiya kay Sir Gio,” sambit ko atsaka isinukbit ang isang maliit na backpack at isinara ang pintuan ng aking kwarto.
“Naku, wala ‘yon! Alam naman niyang mahalaga sa’yo si Ali kaya papayagan ka talaga ‘non!” paniniguro niya sakin. Kahit na, nakakahiya pa rin. Babawi ako ngayong araw na ito.
“Alam mo ba ang daming naghanap sa’yong costumer kagabi? Akala nila kakanta ka. Lalo na ‘yong isa, naku! Kung alam mo lang,” aniya at mapanutya niya akong tinignan. Kumunot naman ang noo ko dahil ‘di ko alam ang nais niyang iparating.
“Sino naman daw ‘yon?” pang-uusisa ko dahil ang lakas mang-asar ng mga ngiti niya.
“Sus! Kilala mo na ‘yon tatanong ka pa. Basta narinig ko kagabi hinahanap ka niya kay Sir Gio. Naiinis pa dahil bakit hindi raw siya sinabihan agad.”
“Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, Winnie.”
“Buong gabi tuloy nakasimangot ‘yong isa hahaha. Idagdag pa na ang lakas mambwisit ni Sir Gio kaya wala pang dalawang oras ay umalis na agad ng Bar,” natatawang saad niya habang ako ay hindi makasabay sa ikinikwento niya.
Sa dami ng costumer na natutuwa sa’kin malalaman ko pa ba kung sino sa kanila ang pwedeng madismaya ng sobra kapag wala ako at hindi naka kanta para sa kanila?
Ayokong maging ambisyosa para isiping si Aki ang maaaring naghahanap sa’kin kagabi dahil palagian ang pag nood niya sa mga gig ko. Nandito ‘yon parati kapag araw ng gig ko para panoorin ako.
Alam kong hindi ako dapat umaasa pero may kung ano pa rin sa loob na humihiling na sana ay si Aki nga. Pero para saan? Ano naman ngayon kung siya nga? Ano naman ang gagawin ko?
Una akong dumiretso sa opisina ni Sir Gio para personal na humingi ng paumanhin sa biglaang pagliban ko sa trabaho.
“Huwag mo ulitin ‘yon, Kari. Ako kasi napag buntunan ng fan mong aggressive hahaha,” lalo akong nakosensya sa biglaang pagliban dahil sa sinabi ni Sir Gio.
“Pasensya na talaga, Sir Gio,” paghingi ko ulit ng paumanhin.
“It’s fine, Kari. It’s my niece—your daughter we are talking about here. It’s okay. I’m glad that she’s fine now.”
Matapos ang pag-uusap namin na ‘yon ni Sir Gio ay lumabas na ako para bumalik sa paagtatrabaho.
Ibinagsak ko ang pagod na katawan sa higaan pagkauwi. Ilang beses akong pinigilan ng ilang katrabaho na huwag ng gawin ang mga trabaho na hindi ko naman na sakop pero hindi ko na pinakinggan dahil ‘yon ang pambawi ko sa biglaang pag liban sa trabaho.
Naging maayos ang trabaho ngayong araw dahil sa Sir Jed daw muna ang papasok at hindi si Sir Gio. Aniya’y may importanteng lakad daw sa Maynila kaya’t dalawang linggo itong mawawala.“Biglaan naman ata ang lakad ni Sir Gio?” kuryoso kong tanong.“Maaring pinauwi na naman ‘yon ng mga magulang niya,” sagot ni Steffi na nasa tabi ko na ngayon. “Politician kasi ang daddy nila Sir Jed at Gio, gusto ng daddy nila ma-involve rin sila sa politika pero itong si Sir Gio masyadong sutil ‘di gaya ni Sir Jed.”“Bakit si Sir Gio lang ang umuwi kung ganon?” ako.“May posisyon na kasi iyang si Sir Jed sa business nila sa Maynila. Hindi man na-involve sa politika, nagtrabaho naman para sa family business nila. Itong Bar na ‘to, si Sir Gio lang nagpasimuno. Walang koneksyon ang Bar na ‘to sa family business nila,” paliwanag niya. Napatango na lang ako sa mga nalaman ko. Sobrang
“Welcome back, Sir Gio,” sabay-sabay na sigaw naming mga empleyado nang pumasok si Sir Gio sa Bar.Isang linggo matapos ang pagliban ni Sir Gio dahil sa pagpunta sa Maynila para ayusin ang tungkol sa kaniyang pamilya kaya naman labis na natuwa at na-excite kami sa muling pagbabalik niya.Lumapit naman si Winnie kay Sir Gio dala ang isang cup ng kape gano’n din si Steffi. Nakita ko pang nagkatinginan silang dalawa sa ginawa. Hindi naman nakaimik agad si Sir sa nangyari.“Uh... thank you, guys. I’ve missed all of you,” wika niya at nginitian kaming lahat. Naiwan naman si Steffi at Winnie roon. Ang ibang empleyado ay ‘di na rin nakiusisa pa sa nangyari at nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho.“Winnie halika na,” sambit ko dahil hanggang ngayon ay magkatitigan pa rin silang dalawa ni Steffi.Tinitimbang ko ang mood niya ngayon dahil nananatili pa rin siyang tahimik. Hindi ko na rin siya pipilitin k
Kabado akong pumasok ngayon dito sa Bar dahil sa hiya. Ilang beses ko na kinumbinsi ang sarili na hindi ako ang dahilan at maaaring may ibang dahilan pa kung bakit sila nag-away kahapon pero heto ako at nahihiya pa rin.Humingi ng tawad si Hannah sa’kin, aniya’y hindi raw siya nag-ingat maigi kaya may nakarinig pa ng usapan namin at nila ni Winnie. Siniguro ko sa kaniya na wala siyang kasalanan sa mga nangyari at na ako naman talaga ang pinakapangunahing dahilan. Kung naging handa sana ako sa buwanang dalaw ay ‘di ko na kakailanganin pa na pakiusapan siya na bilhan ako ng napkin.Pumasok ako sa opisina ni Sir Gio nang nakayuko matapos ang ilang katok.“Uh... pasensiya na po sa nangyari kahapon, Sir. Naikwento po sa’kin ni Winnie ang buong detalye,” panimula ko. Kahit pa hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang malalalim na tingin niya sa’kin, lalo tuloy akong ginapangan ng hiya at kaba.“Maayos na ba
Parang mabilis na apoy na kumalat ang balitang inihatid kami ni Sir Jed kahapon sa apartment. May iilang lumapit sa’kin para magtanong at kumpirmahin kung totoo ba ‘yon.“Oo naman! Bait nga ni Sir Jed, e. ‘Di ba, Kari?” si Winnie ang panay sumasagot sa mga tanong na ibinabato sa’kin. Kaunti na lang at makukurot ko na itong si Winnie sa sobrang kadaldalan.“At alam niyo ba, bago umuwi si Sir may pahabol pa!” anunsyo niya kaya naman namilog ang mga mata ng katrabaho at lalong lumapit dahil naiintriga sa sasabihin ni Winnie. Subukan lang nito sabihin na nanghingi ng numero ko si Sir---“Hiningi ni Sir—aray!” kinurot ko na sa tagiliran dahil walang preno ang bibig dahil pati ang bagay na iyon ay ipagsasabi pa, hay naku!“Ng ano, Winnie? ‘Wag ka naman KJ, Kari dali na! Sabihin mo na.”“Oo nga, hindi namin ipagkakalat. Pangako!” patuloy ang pangungulit nila.
Narito sa kwarto ko ngayon si Winnie dahil maaga siyang natapos maghanda para pumasok kaya naman hinihintay niya ‘ko. Simula kagabi ay hindi niya ako tinigilan kakaasar sa mga nakaraang araw na pangyayari.Hindi ko pa rin kinukumbinsi ang sarili ko na para sa’kin ang ginagawa nila Sir Jed at Aki roon sa Bar. Ayokong isipin ang ganoong bagay dahil empleyado lang naman ako katulad nila, walang espesyal sa’kin para tratuhin nila ng kakaiba. Talagang mababait lang sila sa’ming mga empleyado nila. Natural lang iyon.“Naku! Malapit na nga pala birthday nila Sir Gio,” saad ni Winnie habang nakatutok sa cellphone niya.“Talaga? Kailan naman ‘yon?” usisa ko habang sinusuklay ang buhok.“Sa isang linggo na iyon. Sana may pa-outing ulit, saka anniversay din ng Bar iyon kaya sana talaga mayroong outing!” excited na wika niya. Mukhang masaya nga iyon. Nakakatuwa naman inabot ko ang selebrasyon ng aniber
Magkatabi kami ngayon ni Winnie sa bangka. Parehas kaming excited na makauwi rito sa isla at hindi iyon maitatago sa aming mga mukha.“Grabe! Daig ko pa ang nangibang bansa, pakiramdam ko ang tagal kong nawala rito,” saad pa niya nang natatanaw na namin ang isla.“Matagal ka naman talagang nawala rito, Winnie,” sambit ko at tinitigan ito ng seryoso.Magdadalawang taon na siyang nasa siyudad. ‘Di kagaya ko ay hindi na nakatungtong pa ng kolehiyo si Winnie dahil sa pagkakasakit ng kaniyang lolo at lola. Mas pinili niyang magtrabaho na lamang dahil hindi niya raw kakayaning mag-aral ng apat na taon habang inaatake ng sakit ang kaniyang lolo’t lola.Napakadalang lang din ng pagkakataon na maka-uwi dahil sa pag-iiba iba niya ng trabaho. Aniya’y ‘di siya uuwi hangga’t walang sapat na ipon. Pero ngayong sa Bar na siya nagtatrabaho ay kahit papaano nakaka-uwi na siya rito.Sinalubong ako nila Nanay at A
“Kari, dalhin mo ito at ibigay sa amo mo,” bilin ni Nanay habang inaabot sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng ilang tupper ware. Kinuha ko naman iyon at nagpaalam na aalis na.Kagabi pa nagpupumilit si Nanay na magluluto raw siya ng ube para kina Sir Gio at Sir Jed, bilang pasasalamat na rin daw sa pagtrato ng maayos at pagtanggap sa akin sa Bar.“Ali, pupunta lang si Nanay sa Langub ha. Ayos lang ba na dito ka muna?” kinakabahang tanong ko sa anak ko.“Uuwi ka rin ba agad, Nanay?” ignora niya sa tanong ko.“Opo, anak. Babalik agad si Nanay at Tita Winnie mamayang gabi,” saad ko kahit pa walang kasiguraduhan kung makakabalik nga ba agad ako. Baka tulog na siya sa oras na makauwi ako.Matapos ang ilang pagpapaalam sa anak ko ay tuluyan na kaming tumulak ni Winnie papuntang Langub kasama ang ibang katrabaho na kadarating lang din. Hindi ako mapakali, kanina pa ako palinga-linga sa paligid dahil
Mabilis na lumipas ang araw na ito, walang gaanong naganap. Pakinig ko’y abala sila Sir Gio para sa isang program na magaganap sa gabi kasama ang ibang katrabaho at isa na roon si Winnie.Nagboluntaryo akong tumulong sa kanila pero ipinagtulakan lang ako ni Winnie palabas, aniya’y kunin ko ang pagkakataon na ito para makapagpahinga kasama ang anak.“Hi!” nagulat ako sa biglaang pagbati ni Sir Jed na ngayon ay nasa tabi ko. Binati ko naman ito pabalik.“Your daughter seems to enjoy the vacation with you, huh?” aniya.“Uh... opo.”“I’m sorry for this but, can I ask who the father is?” binalingan ko ito dahil sa pagkabigla na mukha namang nahalata niya, “It’s okay if you don’t want to answer,” aniya.Nanatili akong tahimik sa tabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa kaba at hiya. Malapit kami sa dalampasigan, nakaupo sa isa sa mga lounge chair haban