“Welcome back, Sir Gio,” sabay-sabay na sigaw naming mga empleyado nang pumasok si Sir Gio sa Bar.
Isang linggo matapos ang pagliban ni Sir Gio dahil sa pagpunta sa Maynila para ayusin ang tungkol sa kaniyang pamilya kaya naman labis na natuwa at na-excite kami sa muling pagbabalik niya.
Lumapit naman si Winnie kay Sir Gio dala ang isang cup ng kape gano’n din si Steffi. Nakita ko pang nagkatinginan silang dalawa sa ginawa. Hindi naman nakaimik agad si Sir sa nangyari.
“Uh... thank you, guys. I’ve missed all of you,” wika niya at nginitian kaming lahat. Naiwan naman si Steffi at Winnie roon. Ang ibang empleyado ay ‘di na rin nakiusisa pa sa nangyari at nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho.
“Winnie halika na,” sambit ko dahil hanggang ngayon ay magkatitigan pa rin silang dalawa ni Steffi.
Tinitimbang ko ang mood niya ngayon dahil nananatili pa rin siyang tahimik. Hindi ko na rin siya pipilitin kung ayaw niyang magkwento pa. Ang mahalaga nalayo ko siya sa tensyon na namumuo sa kanilang dalawa.
Abalang-abala ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho kaya nagsimula na rin akong kumilos. Siniguro ko munang ayos lang si Winnie bago iwan sa pwesto niya.
“Mukhang may agawang nagaganap, ah?” sambit ni Ronald nang makalapit sa’kin. Tinignan ko lang ito at nginitian.
“Halos lahat naman ng nandito alam na gusto ni Winnie si Sir kaya laking gulat din talaga ng iba sa ginawang ‘yon ni Steffi. Tingin mo gusto rin ni Steffi si Sir?” tanong niya sa’kin. Binalingan ko siya muli, hindi naman purkit kaibigan ko si Winnie ay huhusgahan ko na si Steffi, kaibigan ko rin naman siya.
“Hindi ko alam, buhay nila ‘yon kaya ayoko nang makialam pa sana,” saad ko at nginitian siya. Hindi ko na hinintay pang magsalita o sumagot siya, agad akong umalis dahil ayokong pag-usapan ang dalawang kaibigan.
Naalala kong may sadya nga pala ako kay Sir Gio kaya dali-dali naman akong tumungo sa opisina niya.
Marahan akong kumatok, “Sir?”
Nagbigay ito ng hudyat ng pagpayag na makapasok ako sa loob kaya naman pinihit ko ang doorknob para buksan. Tumambad sa’kin si Steffi na nakaupo sa isang monoblock doon at nakayuko.
“Dito na po ako,” sambit nito at tumayo palabas ng pinto.
“Hi! Anong atin?” tanong ni Sir Gio nang makaupo ako sa upuan.
Ipinaalam ko sa kaniya ang naging plano namin ng banda para sa tugtugan bukas. Humiling ako ng mas mahabang oras para sa gig namin dahil nakapagpangako kami sa mga tao na kakantahan namin sila ng mahabang oras.
“Wala namang problema roon, Kari ang sa’kin lang, kaya mo ba? I promised you na sa acoustic ka lang but, if you really want to entertain the customers it’ll be fine,” paniniguro niya. Tumango ako bilang sagot.
“Good. I’m also thrilled to see you perform some hype songs,” wika niya nang nakangiti.
Natapos ang usapan naming ‘yon kaya agad din akong lumabas ng opisina at bumalik sa trabaho.
---
Maghapon walang imik si Winnie, kahit anong kagustuhan kong usisain siya sa nangyari kahapon ay hindi ko naman magawa dahil ayokong isipin niyang nanghihimasok ako sa buhay niya.
Nirerespeto ko ang pananahimik niya, pero hindi ko pa rin siya pababayaan kung sakaling gustuhin niyang maglabas ng nararamdaman.
Ganoon ang naging apekto ng inis niya kay Steffi dahil sa pagkakapareha nila ng planong inihanda para kay Sir Gio. Totoo rin nga naman na halos lahat ng katrabaho namin ay alam ang nararamdaman ni Winnie para kay Sir kaya nakakagulat ang ginawang iyon ni Steffi.
“Uh... mauna na ako ha?” sambit ko matapos kumatok sa pintuan niya. Binuksan niya iyon at doon ay iniluwa siya ng kaniyang kwarto. Bakas pa rin ang inis sa mukha niya.
“Sasabay na ‘ko,” wika niya na walang kagana-gana. Nakasukbit ang bag niya at nakasuot na rin siya ng uniporme.
Nauna itong naglakad, ni hindi namalayang hindi pa niya naisasara ang pinto ng kwarto kaya’t ako na ang nagsara saka siya hinabol sa paglalakad.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa Bar. Lumabas siya sa locker room para raw tumulong sa iba sa preparasyon. Ako naman ay nagpaiwan dito sa loob dahil magbibihis at mag-aayos pa.
Bigla namang kumirot ang puson ko na nagpakaba sa’kin, “Huwag naman sana ngayon.”
Agad naman akong tumakbo sa comfort room at humanap ng cubicle na bakante. Sa sobrang abala ko ay hindi ko na na-monitor pa ang buwanang dalaw ko kung kailan darating. Hindi ko tuloy napaghandaan kaya wala akong dalang napkin.
Matapos kumpirmahin kung mayroon na nga ba akong dalaw ay agaran akong lumabas ng banyo, saktong nakasalubong ko si Hannah.
“Hannah, mayroon ka bang baon na pad? Biglaan kasi akong nagkadalaw ngayon,” tanong ko sa kaniya.
“Naku! Pasensiya na pero wala rin akong baon, e. Kung gusto mo bibilhan na lang kita?” natuwa naman ako sa pagboluntaryo niyang bilhan ako.
Hinawakan ko ang kamay niya at nagpasalamat, “Salamat Hannah, hihintayin kita rito sa banyo. Ayos lang ba?” tanong ko.
Tumango siya at agad na lumabas. Pumasok ako muli sa cubicle at doon na naghintay. Makailang beses akong nakarinig ng mga taong pumasok at lumabas dito.
“Ang gwapo! Natitigan niyo rin ba silang dalawa?” pakinig kong usapan ng mga babae rito sa loob ng comfort room.
“True! As if I’ve seen a Greek Gods here on Earth, grabe!”
“Ang gu-gwapo nga mukha namang masusungit!”
“Another true! Kita niyo ba? Para silang mag-aaway kanina.”
Umusbong ang kuryosidad ko dahil sa pinag-uusapan ng mga babae rito sa comfort room. Sino naman kaya ang mga iyon? At mukhang mag-aaway pa raw. Dapat masabi ‘yon sa bouncer para hindi matuloy ang away na sinasabi nila.
Habang nagtitipa ng mensahe sa cellphone ay nagulat naman ako sa malakas na hiyawan ng mga babae rito sa loob ng comfort room pati na ng malakas na pagkalabog ng pintuan.
From: Winnie
Nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap.
To: Winnie
Nandito ako sa comfort room ngayon. Magtawag ka ng bouncer mukhang may gulo rito.
Hindi na nag-reply pa si Winnie. Tumayo naman ako mula sa pagkaka-upo sa bowl saka lumabas para na rin malaman ang nangyayari. Nakita ko pa ang maliliit na gulat sa mukha ng mga babae rito sa loob dahil sa biglaang paglabas ko.
“Aki?!” sambit ko dahil sa gulat na makitang kinukwelyuhan niya ngayon si... teka hindi ako sigurado kung si Sir Gio ba ito o si Sir Jed, pero agad din naman ‘yon nasagot.
Sabay na humarap sa gawi ko sina Aki at Sir Jed. Natahimik naman ako, natatakot na lapitan silang dalawa. Mamaya madamay pa ako sa suntukan nilang dalawa.
“Kuya, Stop it!” sigaw ni Sir Gio at agad na inawat ang dalawa, sa likod niya naman ay ang dalawang bouncer na agad ding tumulong na paghiwalayin ang dalawa.
Nakita ko naman si Winnie sa likod papalapit dito sa gawi ko. Hinablot niya kay Aki ang isang paper bag. Ngayon ko lang napansin na may kaniya-kaniyang hawak sila na paper bag.
Bago tuluyang makalapit sa’kin si Winnie ay nakita kong sinimangutan niya muna ang dalawa. Umalis na rin sila Aki at Jed at nawala ang mga usiserong nanonood sa gulo kanina pati na ang mga babaeng nandito sa loob ng comfort room kanina.
“O, heto!” ani Winnie saka iniabot sa’kin ang paper bag na hinablot niya kanina. “Pumasok ka na sa loob,” bilin pa niya na agad ko naman sinunod.
Binuksan ko ang paper bag para malaman kung ano bang meron sa mga hawak nila. Namilog ang mga mata ko sa nakita. Isang balot ng napkin? Paanong-
“Paano naman nalaman ng iba na kailangan ko nito? Si Hannah dapat ang magbibigay sa’kin nito,” sambit ko na naguguluhan pa rin sa nangyayari.
“Basta! Mamaya ko na sasabihin, sa ngayon isuot mo muna ‘yan,” ginawa ko naman ang sinabi ni Winnie at agarang lumabas ng cubicle.
Hinila niya ako papuntang locker room saka isinara ng maigi ang pinto. Naupo naman ako sa upuan na naroon at hinintay ang sasabihin niya.
“Ano bang meron? Anong nangyayari?” pangungulit ko nang mapansing nakatingin lang siya sa’kin at para bang walang balak na sabihin sa’kin ang nalalaman niya.
Bago magsalita ay nagbuntong hininga muna siya, “Hinanap kita kay Hannah kanina, nasabi nga niya na bigla kang dinatnan kaya nag-boluntaryo siyang bilhan ka ng napkin. Habang magkausap kaming dalawa kanina ay dumaan si Aki sa likod ni Hannah kaya sa tingin ko narinig niya na kailangan mo no’n,” pagku-kwento niya. Mataman naman akong nakinig sa mga susunod pa niyang sasabihin.
“Si Sir Jed? Paano niya nalaman? ‘Di ba may dala rin siyang paper bag kanina?” tanong ko.
“Iyon ang hindi ko alam kung paanong naka-abot kay Sir Jed,” sagot niya. Napatango na lamang ako.
“Sinabihan ko si Hannah na ako na ang bibili. Palabas na ako ng Bar no’n, nakita ko si Aki na naglalakad na papunta sa convinience store na pupuntahan ko. Napansin kong napaka-ingat niyang gumalaw na para bang may tinataguan o ano kaya hindi na rin ako nagpahalata na nakita ko siya.” Hindi ako makapaniwala sa ikinu-kwento ni Winnie sa’kin ngayon.
“At ayon nga, habang nasa loob ng store nauna siya sakin sa counter para bayaran ‘yang isang katerbang balot ng napkin,” aniya, naghintay pa ako sa susunod niyang sasabihin pero mukhang hanggang doon na lang ‘yon.
“E, bakit naman sila nagpang-abot ni Sir Jed?” ‘yan na lang ang bagay na naguguluhan pa rin ako.
“Kari naman, sa tingin mo bakit kami nagkainitan ni Steffi kahapon?” aniya habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
Bakit? Ano naman ang kinalaman nilang dalawa ni Steffi sa nangyayari ngayon? Nagkainitan lang naman sila dahil parehas silang nag-abot ng kape kay Sir Gio...
Bumagsak ang likod ko sa sandalan ng upuan dahil sa naisip. Tinignan ko si Winnie at napakurap-kurap. Hindi naman siguro eksaktong gano’n ang nangyari, baka naman may iba pang dahilan kung bakit sila nag-away?
“Alam mo, sa tingin ko gusto ka ni Sir Jed,” nakangising sambit niya. Umiling naman ako dahil malabo ‘yon mangyari.
“Winnie!” saway ko sa kaniya.
“Bakit? Assumptions lang naman,” saad niya.
“Kaysa isipin ‘yan, problemahin ko na lang ano ang sasabihin ko kay Sir Gio. Nakakahiya kung totoo man na ako dahilan ng nangyaring gulo kanina,” sambit ko.
Hindi ko na inisip pa maigi ang nangyari kanina. Nagpatuloy ako sa pag-aayos para kumanta sa entablado. Pilit ko inaalis sa isip ko ang mga sinabi ni Winnie para hindi mawala ang isip ko sa pagkanta at maayos ko naman naisagawa iyon.
Kabado akong pumasok ngayon dito sa Bar dahil sa hiya. Ilang beses ko na kinumbinsi ang sarili na hindi ako ang dahilan at maaaring may ibang dahilan pa kung bakit sila nag-away kahapon pero heto ako at nahihiya pa rin.Humingi ng tawad si Hannah sa’kin, aniya’y hindi raw siya nag-ingat maigi kaya may nakarinig pa ng usapan namin at nila ni Winnie. Siniguro ko sa kaniya na wala siyang kasalanan sa mga nangyari at na ako naman talaga ang pinakapangunahing dahilan. Kung naging handa sana ako sa buwanang dalaw ay ‘di ko na kakailanganin pa na pakiusapan siya na bilhan ako ng napkin.Pumasok ako sa opisina ni Sir Gio nang nakayuko matapos ang ilang katok.“Uh... pasensiya na po sa nangyari kahapon, Sir. Naikwento po sa’kin ni Winnie ang buong detalye,” panimula ko. Kahit pa hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang malalalim na tingin niya sa’kin, lalo tuloy akong ginapangan ng hiya at kaba.“Maayos na ba
Parang mabilis na apoy na kumalat ang balitang inihatid kami ni Sir Jed kahapon sa apartment. May iilang lumapit sa’kin para magtanong at kumpirmahin kung totoo ba ‘yon.“Oo naman! Bait nga ni Sir Jed, e. ‘Di ba, Kari?” si Winnie ang panay sumasagot sa mga tanong na ibinabato sa’kin. Kaunti na lang at makukurot ko na itong si Winnie sa sobrang kadaldalan.“At alam niyo ba, bago umuwi si Sir may pahabol pa!” anunsyo niya kaya naman namilog ang mga mata ng katrabaho at lalong lumapit dahil naiintriga sa sasabihin ni Winnie. Subukan lang nito sabihin na nanghingi ng numero ko si Sir---“Hiningi ni Sir—aray!” kinurot ko na sa tagiliran dahil walang preno ang bibig dahil pati ang bagay na iyon ay ipagsasabi pa, hay naku!“Ng ano, Winnie? ‘Wag ka naman KJ, Kari dali na! Sabihin mo na.”“Oo nga, hindi namin ipagkakalat. Pangako!” patuloy ang pangungulit nila.
Narito sa kwarto ko ngayon si Winnie dahil maaga siyang natapos maghanda para pumasok kaya naman hinihintay niya ‘ko. Simula kagabi ay hindi niya ako tinigilan kakaasar sa mga nakaraang araw na pangyayari.Hindi ko pa rin kinukumbinsi ang sarili ko na para sa’kin ang ginagawa nila Sir Jed at Aki roon sa Bar. Ayokong isipin ang ganoong bagay dahil empleyado lang naman ako katulad nila, walang espesyal sa’kin para tratuhin nila ng kakaiba. Talagang mababait lang sila sa’ming mga empleyado nila. Natural lang iyon.“Naku! Malapit na nga pala birthday nila Sir Gio,” saad ni Winnie habang nakatutok sa cellphone niya.“Talaga? Kailan naman ‘yon?” usisa ko habang sinusuklay ang buhok.“Sa isang linggo na iyon. Sana may pa-outing ulit, saka anniversay din ng Bar iyon kaya sana talaga mayroong outing!” excited na wika niya. Mukhang masaya nga iyon. Nakakatuwa naman inabot ko ang selebrasyon ng aniber
Magkatabi kami ngayon ni Winnie sa bangka. Parehas kaming excited na makauwi rito sa isla at hindi iyon maitatago sa aming mga mukha.“Grabe! Daig ko pa ang nangibang bansa, pakiramdam ko ang tagal kong nawala rito,” saad pa niya nang natatanaw na namin ang isla.“Matagal ka naman talagang nawala rito, Winnie,” sambit ko at tinitigan ito ng seryoso.Magdadalawang taon na siyang nasa siyudad. ‘Di kagaya ko ay hindi na nakatungtong pa ng kolehiyo si Winnie dahil sa pagkakasakit ng kaniyang lolo at lola. Mas pinili niyang magtrabaho na lamang dahil hindi niya raw kakayaning mag-aral ng apat na taon habang inaatake ng sakit ang kaniyang lolo’t lola.Napakadalang lang din ng pagkakataon na maka-uwi dahil sa pag-iiba iba niya ng trabaho. Aniya’y ‘di siya uuwi hangga’t walang sapat na ipon. Pero ngayong sa Bar na siya nagtatrabaho ay kahit papaano nakaka-uwi na siya rito.Sinalubong ako nila Nanay at A
“Kari, dalhin mo ito at ibigay sa amo mo,” bilin ni Nanay habang inaabot sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng ilang tupper ware. Kinuha ko naman iyon at nagpaalam na aalis na.Kagabi pa nagpupumilit si Nanay na magluluto raw siya ng ube para kina Sir Gio at Sir Jed, bilang pasasalamat na rin daw sa pagtrato ng maayos at pagtanggap sa akin sa Bar.“Ali, pupunta lang si Nanay sa Langub ha. Ayos lang ba na dito ka muna?” kinakabahang tanong ko sa anak ko.“Uuwi ka rin ba agad, Nanay?” ignora niya sa tanong ko.“Opo, anak. Babalik agad si Nanay at Tita Winnie mamayang gabi,” saad ko kahit pa walang kasiguraduhan kung makakabalik nga ba agad ako. Baka tulog na siya sa oras na makauwi ako.Matapos ang ilang pagpapaalam sa anak ko ay tuluyan na kaming tumulak ni Winnie papuntang Langub kasama ang ibang katrabaho na kadarating lang din. Hindi ako mapakali, kanina pa ako palinga-linga sa paligid dahil
Mabilis na lumipas ang araw na ito, walang gaanong naganap. Pakinig ko’y abala sila Sir Gio para sa isang program na magaganap sa gabi kasama ang ibang katrabaho at isa na roon si Winnie.Nagboluntaryo akong tumulong sa kanila pero ipinagtulakan lang ako ni Winnie palabas, aniya’y kunin ko ang pagkakataon na ito para makapagpahinga kasama ang anak.“Hi!” nagulat ako sa biglaang pagbati ni Sir Jed na ngayon ay nasa tabi ko. Binati ko naman ito pabalik.“Your daughter seems to enjoy the vacation with you, huh?” aniya.“Uh... opo.”“I’m sorry for this but, can I ask who the father is?” binalingan ko ito dahil sa pagkabigla na mukha namang nahalata niya, “It’s okay if you don’t want to answer,” aniya.Nanatili akong tahimik sa tabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa kaba at hiya. Malapit kami sa dalampasigan, nakaupo sa isa sa mga lounge chair haban
Maaga kaming bumyahe ni Winnie mula sa isla patungo rito sa siyudad. Saglit kaming pumunta sa apartment para ibaba ang mga dalang gamit saka tumungo nang tuluyan sa Bar.“Good morning!” bati namin ni Winnie matapos pumasok sa loob. Inabutan namin doon ang iba na ginagawa na ang kani-kanilang mga trabaho.Habang nagtatrabaho ay panay ang usapan nila tungkol sa bakasyon na nangyari. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa kanila ang saya sa naganap kaya naman ‘di na rin naiwasan ni Winnie na makipagkwentuhan. Naupo naman ako sa isang upuan at pinakinggan sila.“Naloka ako sa Banana Boat mga mars!” ani Ronald na umaarte pa habang nagkekwento.“Halata nga, nakadalawa ka nga, e! Hilig mo talaga sa saging!” puna naman ni Hannah.“Diyos ko, Hannah! Sino ba naman ang tatanggi sa malaking saging?!” untag ni Ronald kaya naman ‘di ko naiwasan makitawa.“Iyong isa nga dyan dalawang saging pa a
Agad niyang hinila ang pala-pulsuhan ko nang walang sabi-sabi, ni hindi ko na nakuhang magpumiglas pa dahil mabilis akong binalot ng kaba at takot at dahil na rin sa lakas niya kaya walang kwenta kung magpupumiglas pa ako.Nasa labas kami ngayon ng Bar at medyo malayo para makalayo sa ingay na nanggagaling sa Bar. Malapit kami sa isang lamp post kaya nasisinagan kami ng ilaw, sapat para makita ang isa’t-isa.Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Pakiramdam na parang anong oras ay bibitayin na ako o ano.Hanggang saan kaya ang narinig niya? Simula kaya sa una? O yung bandang huli na kung saan pinag-uusapan namin si Ali? Natatakot ako. Hindi ito ang tamang oras para malaman niya ang tungkol sa anak namin. Hindi pa ako handa.“Speak,” marahan pero may bahid ng awtoridad ang boses nito. Lalo lang akong natakot dahil sa dilim ng ekspresyon ng kaniyang mukha, para bang ito ang pinakasukdulan ng galit na m