Wala akong naging problema sa mga nakalipas na semestre at halos hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon dahil isang semestre na lang ay magtatapos na ako.Wala rin naging problema sa pag-aalaga at pagiging magulang namin ni Aki kay Ali. Naging normal na sa amin ang salitan na pag-aalaga dahil nitong mga nakakaraan ay masyado akong abala sa pag-aaral.“Hindi ako sigurado sa oras ko, Aki baka ma-late ako dahil kailangan pa namin i-finalize ang thesis,” nag-aalangang sambit ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho para ihatid ako papasok.Naging ganito na ang sitwasyon namin sa tuwing magkakaroon siya ng oras at kung hindi tambak ang trabaho sa kompanya.“It’s fine, as long as you’re coming we will wait,” aniya. Nahihiya akong paghintayin sila.Inimbitahan kami ng pamilya ni Aki na sumama sa isang family dinner, aniya’y gusto akong makausap ng Mommy niya. Lalo akong nahiyang magpahuli dahil baka importante ang sasabihin sa’kin ni Tita.“Ito pala ang mga damit
Magkahawak kamay kaming bumalik sa hapag kainan at gaya ng inaasahan ko, lahat ng paningin nila ay bumagsak sa mga kamay namin.Pasimple akong sumulyap kay Tita para bigyan siya ng isang ngiti na alam kong makukuha niya agad kung ano ang ibig sabihin.“O... M... G! Did you two just...” ngiting-ngiti si Ate Alina at hindi matapos-tapos ang sasabihin. Dahan-dahan akong tumango bilang kompirmasyon sa gusto niyang sabihin.“This calls for a celebration! Congrats, bro! You finally made it,” bati ni Kuya Aquilles na ‘di na napigilan ang sariling tumayo sa upuan para yakapi si Aki.“I know right, I thought it will take him forever to ask her,” ani Ate Alina na ngayon ay nakatayo na rin at naghihintay ng yakap sa akin kaya dinaluhan ko na.“Shut up,” saad ni Aki na parang nagsisimula na mapikon sa mga kapatid niya.Isa-isa nilang kaming binati sa pagkakabalikan namin ni Aki kaya naging masaya ang simpleng salu-salo noong gabing iyon.“I always thought that waves are too destructive and can si
Never in my wildest dream I will be in this position. My girlfriend just cheated on me.“This will be the last time I’m saying this, leave the fuck out of this room,” I can’t contain my anger.Anytime soon I’ll burst out in anger and I might do something bad with her, which I don’t want to happen.“I was drunk!” she yelled. I’m trying hard to remain cool and relax but I can’t with this girl.“Solange, you cheated on me for the second time and with the same guy for Pete's sake. Do you really think I am that dumb to forgive you again?”Solange was my everything, we’ve been in a relationship for over 3 years now. I let it slide the first time she cheated but not this time around.“Bakit mo siya pinatawad noon?” she asked.“I don’t know, because I’m dumb? I love her?” I shrugged.Mom and Dad invited me to Cebu with them for business purposes. I grabbed this opportunity to unwind and forget what Solange did to me, and I met this good friend of mine, Kari.We’ve been staying in a resort hot
Pasado alas-nuebe ng umaga ako nakarating dito sa Bar na pinag apply-an ko dahil kagabi lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanila na ako raw ay hired at pwede na mag-start kinabukasan. “Uh, hello po. Ako po ‘yong bagong hire na waitress dito,” bati ko sa isang staff na nahagip ng mata ko. “Kari?” tawag ng isang babae mula sa likod ko, “Kari, ikaw nga!” masiglang bati ni Winnie nang makita ako. Siya ang nag-alok sa’kin na magtrabaho rito, kaya naman agad akong nag-apply dahil kailangang-kailangan ko na rin talaga. “Tara! ihatid kita sa opisina ni Boss,” aya niya sabay hila sa braso ko. Nang makarating sa tapat ng opisina ay akma na akong kakatok pero pinigilan niya ako, “Bakit?” tanong ko. Bago magsalita ay humugot muna siya ng malalim na paghinga. Pakiramdam ko naman tuloy napakasungit ng boss namin dahil sa lalim ng buntong hininga niya. “Pagbabantaan na kita ha, gwapo ang boss natin kaya the moment na makita mo siya ‘wag kang titili
Maaga kaming nakarating ni Winnie dito sa bar kaya naman tumulong na kami sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan. Nang matapos sa ginagawa ay pansamantala kaming umupo sa may counter, naghihintay sa pagpasok ng mga customer. Sa ilang minutong paghihintay maya-maya ay may pumaradang itim na sasakyan sa labas at iniluwa no’n si Sir Gio na nakasuot ng black leather jacket na may white t-shirt sa loob, at ang pang-ibaba naman niya ay simpleng itim na pants. Nakita ko pang iniabot niya sa isang crew ang susi ng sasakyan para siguro iparada iyon sa parking area. “Good morning!” nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Winnie sa tabi ko habang sinusundan ng tingin ang naglalakad na si Sir Gio papasok dito sa loob ng bar. “Nalasing na naman siguro ng bongga ‘yan si Sir,” aniya nang mabalik sa ulirat. “Paano mo naman nasabi?” takhang tanong ko. “Usually, maaga ‘yan pumapasok. Alam mo ba, super cute niyan tuwing umaga? Never niya tatakpan ang mukha niy
Si Maam Solange ba? Siya ba? Bakit siya nandito? At may kasama pa siya. Ang dami, ang dami-dami kong gustong itanong pero pinangunahan na naman ako ng pagkabato rito. Hindi pa ako handa para sa pangyayaring ‘to.Yung galit at sakit na matagal ko ng kinalimutan ay bumalik simula nang makita ko siya ulit.---“Ano na Kari? Kwento ka na dali. Gwapo ba? Matangkad?” pangungulit ni Winnie sa akin habang naglalakad kami pauwi galing sa raket namin.Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong hinanap sa bulsa at tinignan kung sino ang nag-text. ‘Di ko maiwasang kiligin at ma-excite dahil baka si Aki ang nag-text.“Si Aki ba ‘yang nag-text? Anong sabi? Huy! Magsalita ka naman.” Niyuyugyog ako ngayon ni Winnie dahil nabato na ako sa kinatatayuan ko dahil sa natanggap kong mensahe.“Ano ba ‘yan? Patingin nga!” agaw ni Winnie sa cellphone ko. &ld
“Hi, Kari!” nagulat naman ako sa masiglang bati sakin ni Sir Gio, ngiting ngiting ito kaya’t nginitian ko rin pabalik kahit ‘di ko alam kung bakit.“Can we talk?” aniya kaya agad naman akong tumango at sumunod sa kaniya papasok sa office.“Kumusta pala anak mo?” pambungad na tanong ni Sir Gio.“Bumubuti na po kahit papaano Sir,” nakangiting sagot ko.“Is there anything I can help? Besides baka pamang---kidding!” napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Umiling ako bilang pagtanggi sa inaalok niyang tulong.“Anyway, I have a favor to ask and I hope pumayag ka,” seryosong saad ni Sir Gio. Ano naman kayang pabor ang hihilingin ni Sir Gio sakin? “ano po ba ‘yon?” tanong ko.“It’s about last weeks’ incident, you know, you, Joaquin and Solange.” Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya, nahihiya akong nasaksihan ‘yon ni
Bukas ang huling araw ng paghahanda namin para sa event dito sa Bar kaya naman abalang-abala ang lahat. Ito ang ika-apat na araw na uuwi kami ng madaling araw, at ito rin ang ika-apat na beses kong makikita ang sasakyan na palaging nagpa-park malapit sa Bar.Napansin na iyon ni Winnie pero wala siyang pangamba dahil siguro ay nakikita na niya ito noon pa man kaya hindi ko na rin pinairal ang takot at kaba na nararamdaman ko sa tuwing makikita ang sasakyan na iyon. Hindi na rin ako nag-abalang i-kwento pa kay Winnie ang nangyari ng gabing iyon dahil ayaw kong pag-alalahanin siya at isiping kasalanan niya kung sakali man may mangyari.“Naku! Saglit lang mare ha? Naiwan ko sa locker ‘yong cellphone ko.” Tumango ako kaya dali-dali siyang pumasok sa loob.Hindi ako nagkamali, ang itim at tinted na sasakyan ay pumarada na naman sa di kalayuan. Paanong hindi ko mapapansin, e rinig ko ang takbo ng sasakyan at umaabot sa’kin ang ilaw ng sasa