Si Maam Solange ba? Siya ba? Bakit siya nandito? At may kasama pa siya. Ang dami, ang dami-dami kong gustong itanong pero pinangunahan na naman ako ng pagkabato rito. Hindi pa ako handa para sa pangyayaring ‘to.
Yung galit at sakit na matagal ko ng kinalimutan ay bumalik simula nang makita ko siya ulit.
---
“Ano na Kari? Kwento ka na dali. Gwapo ba? Matangkad?” pangungulit ni Winnie sa akin habang naglalakad kami pauwi galing sa raket namin.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong hinanap sa bulsa at tinignan kung sino ang nag-text. ‘Di ko maiwasang kiligin at ma-excite dahil baka si Aki ang nag-text.
“Si Aki ba ‘yang nag-text? Anong sabi? Huy! Magsalita ka naman.” Niyuyugyog ako ngayon ni Winnie dahil nabato na ako sa kinatatayuan ko dahil sa natanggap kong mensahe.
“Ano ba ‘yan? Patingin nga!” agaw ni Winnie sa cellphone ko. “Pisteng yawa, Kari! Ano ‘to?! ‘Wag mo sabihing si Aki ‘to?!” bulyaw niya nang makita ang picture na na-receive ko.
Naiyak na lang ako at ‘di na nakuha pang magsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Maski ako ay nagulat at nasaktan. Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Aki ang bagay na ‘yon sa’kin.
Hindi ko na namalayan pa kung paano kami nakarating ni Winnie sa madalas naming tambayan. Walang tigil ang luha ko dahil sa sobrang sakit.
Sa picture na natanggap ko ay magkatabi si Aki at ang sa tingin ko’y ex-girlfriend niya base na rin sa mensahe na kalakip nito, parehas walang pang-itaas na damit. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko si Aki, simula sa hubog ng katawan niya, kabisadong-kabisado ko ang bawat parte ng mukha niya. Ayokong maniwala pero puso at mata ko na ang nagsasabi, si Aki ang nasa litrato.
---
Parang ayokong maniwala na ilang beses ko nang nakaharap ang ex-girlfriend ni Aki. Kaya pala pamilyar sa’kin nang tawagin siyang ‘Solagnia’ ni Sir Gio dahil siya pala talaga ang ex ni Aki na nasabi niya sa’kin noon. Kung gano’n kilala ako ni Maam Solange kaya ganoon na lang niya ako itrato at pahirapan sa tuwing nasa bar siya. Kaya pala lagi itong nagmamadali na paalisin ako ay dahil dadating si Aki? Kung ganoon, si Aki ba ang nakita ko noong gabing ‘yon?
“Kari, halika na!” natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Nanay. Nandito na kami sa daungan kaya naman bumaba na kami ng bangka.
Ngayon ay makakadalaw na ako sa anak ko. Ilang minuto na lang mayayakap ko na si Ali. Sobrang na-miss ko ang anak ko.
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa ospital. Mabuti at gising ang anak ko. Abot-abot ang saya ko nang makita ang anak kong nakaupo at naglalaro.
“Nanay!” hiyaw ni Ali nang makita ako. Agad naman akong lumapit para mayakap siya.
“Na-miss mo ba si Nanay?” nakangiting tanong ko kay Ali. Tumango ito at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik.
Sa ilang oras kong nandito ay nakatulog din si Ali dahil sa pagod sa pakikipaglaro at pakikipagkwentuhan sa akin.
“Kumusta naman ang trabaho mo sa Banilad?” tanong ni Nanay.
“Maayos naman ho. Mababait ang mga katrabaho ko lalo na ang boss ko. Magkasama rin ho kami ni Winnie sa apartment na tinutuluyan ko,” pagke-kwento ko.
“Maigi naman. Ano ang balak mo kapag nabayaran na natin ang mga utang at pambayad dito sa ospital?”
“Babalik na ho agad ako sa isla,” sagot ko. Lalo na ang pag-alis sa bar, kailangan kong makaalis doon agad.
“Kari, alam mong wala kang magiging trabaho sa isla. Baka nga hindi ka na tanggapin ulit sa resort kapag nag-apply ka. Isa pa, mas malaki ang kikitain mo kapag nandoon ka sa pinagta-trabahuhan mo ngayon.”
“Nay, ayoko na malayo kay Ali. Isa pa... nasa Banilad lang si Joaquin, ayokong magkita na naman kami.”
“Nandito sa Cebu ang tatay ni Kalisha? Ano na ang gagawin mo? Humingi ka na rin sana ng tulong.”
Umiling ako bilang sagot na hindi ko ilalabas o ipakikilala sa kanya si Ali. Hinding-hindi ko ipapaalam maski kanino na si Aki ang tatay ng anak ko. Ang tagal kong itinago ang anak ko sa mga posibleng magsabi kay Aki na may anak siya sa’kin.
--*
Ilang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin ako nagpaparamdam kay Aki. Itinapon ko ang sim card ko para hindi niya ako ma-contact, nag-deact na rin ako ng f******k para hindi na niya ako makita. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ayokong sumabog sa galit at makipag-usap pa.
“Kari! Open this goddman door!” halos lumundag palabas ang puso ko nang marinig kung sino ang marahas na kumakatok sa labas ng bahay.
“Umalis ka na! Ayokong marinig ang sasabihin mo. Sapat na ebidensya na ang mga nakita ko, umalis ka na Aki. Hinding-hindi ako makikipag-usap sa’yo!” sigaw ko.
“No! I won’t leave here until you listen Kari, please!” pagmamakaawa niya. Ilang minuto pa ang lumipas at tumahimik ang paligid.
Sinubukan kong silipin sa labas pero laking gulat ko nang makita siyang nakaupo sa harap ng bahay namin. Akma namang isasara ko na ang pinto pero nahabol iyon ng kamay niya.
“Kari, please. Hear me out,” pagmamakaawa niya habang hawak ang mga kamay ko.
“Aki tama na, buntis ‘yong ex mo. Ano pang magagawa natin? Kahit pa patawarin kita hindi na rin naman na tayo magkaka-balikan pa. Bukod sa hindi mo ipinakilala nang lubos sa akin ang ex mo, hindi rin ako makakapayag na magkaroon ng sirang pamilya ang dinadala niya.”
“She’s not important so what’s the point of telling you about her? Kari, trust me. I’m positively sure there’s nothing happened between me and Solagnia. Someone planned it and I’m going to kill that bastard!”
Hindi ko na alam pa ang sasabihin ko. Lalo lang akong nasasaktan kapag pinakikinggan ko ang mga paliwanag niya. Napakahirap paniwalaan dahil nandoon na ang resulta. Buntis ang ex niya, kaya paanong walang nangyari sa kanila? At kahit pa hindi niya mahal ‘yon, inuulit ko, ayokong magkaroon ng sirang pamilya ang bata. Pwedeng galit lang ako sa ex niya pero walang kinalaman ang bata roon.
“Aki hindi ko na kayang magtiwala pa sa’yo. Pasensiya na, pero sa sobrang sakit ng mga nangyayari ngayon, hindi ko alam kung kaya pa kitang mahalin ng walang pagdududa. Umalis ka na, ayaw na kitang makita o makarinig ng kahit ano mula sa’yo.”
Ilang minutong natahimik si Aki, ramdam ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niyang nakahawak sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang sakit ng mga nasabi ko.
“So, it’s goodbye for us?” tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. “I cherish you like nothing else, Kalea Rei. I am not closing my heart if it is you. You know I cannot hurt you, never!” aniya at unti-unting tumalikod paalis. Halos madurog ako sa mga huling sinabi niya lalo na ang makitang umalis siya. May parte sa’kin na gustong maniwala sa kanya pero masyadong masakit ang katotohanan na magkaka-anak na siya sa iba.
Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang tuluyan naming paghihiwalay ni Aki. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko siya.
“Yawa! Peanut butter ba ‘yan?!” bulyaw ni Winnie nang makita ang garapon na inilabas ko.
“Bakit? Hindi ka ba nagsasawsaw ng maasim na mangga sa peanut butter? Ang sarap sarap nito uy!” sabi ko habang nagsasawsaw ng mangga sa garapon.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nakaramdam na naman ako ng kung ano sa loob ng tiyan ko. Gaya ng dati, parang kumukulo at unti-unting umaakyat pataas. Agad akong bumaba sa papag at sumuka sa kung saan.
“Nakakainis, isang linggo na akong nagsusuka at nahihilo palagi. Pakiramdam ko nabati ako ng kung anong engkanto Winnie, magpatawas na kaya ako kay Ka Dencio?” sabi ko kay Winnie na nakatingin lang sa akin ngayon nang matatalim.
“Oo! Baka nga na-engkanto ka ni Joaquin, tss. Ubusin mo ‘to ha? Hintayin mo ‘ko babalik ako riyan. Pag ‘yan ‘di ubos babatukan kita, inumin mo ‘yan lahat!” utos ni Winnie. Ano namang gagawin ko sa tubig? Dali-dali siyang umuwi.
Pagbalik ni Winnie ay may dala siyang pregnancy test. Panay ang tanggi ko sa kanya na buntis ako dahil malabo naman talaga kasi hiwalay na kami. Makailang beses pa muna ako pinagalitan ni Winnie bago ko siya sundin. Pagkatapos kong magamit iyon ay bumalik ako agad kay Winnie gaya ng sinabi niya.
Hindi maalis ang kaba ko, mahahalata rin sa mukha ni Winnie ang kaba habang hinihintay ang resulta. Maya-maya lang ay naging dalawa ang pulang guhit na kanina ay isa lang.
“Congrats! Iniwanan ka ng keychain ni Joaquin.”
--*
“Apat na taon na si Kalisha, hindi ka ba naaawa sa anak mo?” tanong ni Nanay sa’kin.
“Nay, may sarili na ring pamilya si Aki. Ayoko namang magmukhang desperada o magmukhang pera. Baka kung ano pa ang isipin ng asawa niya,” saad ko at matamang pinagmasdan ang anak kong mahimbing na natutulog. “Isa pa, apat na taon na nakakalipas, baka magtaka sila kung bakit ngayon ko lang sinabi na may anak si Aki sa akin. Tsaka Nay, kaya ko naman e. Kaya kong buhayin ang anak ko nang mag-isa,” dagdag ko.
“Hindi mo hinayaang magkaroon ng sirang pamilya ang anak ni Joaquin at ang ex niya pero tignan mo ang sarili mo. Tignan mo ang anak mo, matalinong bata si Kalisha, Kari.” Lumapit si Nanay sa anak ko at inilagay sa tenga ang mga takas na buhok nito sa mukha, “Hindi mo maitatago sa kaniya habang buhay kung sino ang tatay niya. Dadating ang panahon na kukulitin ka ng anak mo kung nasaan o sino ang ama niya.”
Hindi ko maitanggi na may punto si Nanay. Nagpaubaya ako para lang hindi masira ang pamilya ng ibang bata, pero sarili kong pamilya naman ang hinayaan kong ‘di makumpleto. Hindi ko naman na siguro kasalanan na huli ko na nalaman na buntis ako, matapos kong itaboy si Aki noon ay bigla akong maghahabol? Ito lang siguro ang pagkakamali ko, nahiya ako, nagpadala sa takot. At sa pride na kaya kong mabuhay na walang tulong mula sa kanya.
At sa pagkakamali na ‘yan ay hinayaan kong magaya rin sa’kin ang anak ko na anak lamang sa labas. Pero sigurado akong hindi bunga ng pagkakamali si Ali gaya ko dahil positibo akong mahal namin ni Aki ang isa’t-isa nang mabuo ang anghel na ito.
Nagdesisyon akong itago kay Aki ang anak namin dahil meron na siyang pamilyang naunang mabuo bukod sa amin ng anak niya. Balitang-balita sa isla noon ang pag-alis ni Aki at ni Solange patungong Australia kaya naging huli na rin ang lahat para sa amin ng anak ko. Mas pinili ko na lang na hindi na makisingit sa kanila at pinangako sa sarili na kakayanin kong itaguyod mag-isa ang anak ko.
“Hi, Kari!” nagulat naman ako sa masiglang bati sakin ni Sir Gio, ngiting ngiting ito kaya’t nginitian ko rin pabalik kahit ‘di ko alam kung bakit.“Can we talk?” aniya kaya agad naman akong tumango at sumunod sa kaniya papasok sa office.“Kumusta pala anak mo?” pambungad na tanong ni Sir Gio.“Bumubuti na po kahit papaano Sir,” nakangiting sagot ko.“Is there anything I can help? Besides baka pamang---kidding!” napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Umiling ako bilang pagtanggi sa inaalok niyang tulong.“Anyway, I have a favor to ask and I hope pumayag ka,” seryosong saad ni Sir Gio. Ano naman kayang pabor ang hihilingin ni Sir Gio sakin? “ano po ba ‘yon?” tanong ko.“It’s about last weeks’ incident, you know, you, Joaquin and Solange.” Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya, nahihiya akong nasaksihan ‘yon ni
Bukas ang huling araw ng paghahanda namin para sa event dito sa Bar kaya naman abalang-abala ang lahat. Ito ang ika-apat na araw na uuwi kami ng madaling araw, at ito rin ang ika-apat na beses kong makikita ang sasakyan na palaging nagpa-park malapit sa Bar.Napansin na iyon ni Winnie pero wala siyang pangamba dahil siguro ay nakikita na niya ito noon pa man kaya hindi ko na rin pinairal ang takot at kaba na nararamdaman ko sa tuwing makikita ang sasakyan na iyon. Hindi na rin ako nag-abalang i-kwento pa kay Winnie ang nangyari ng gabing iyon dahil ayaw kong pag-alalahanin siya at isiping kasalanan niya kung sakali man may mangyari.“Naku! Saglit lang mare ha? Naiwan ko sa locker ‘yong cellphone ko.” Tumango ako kaya dali-dali siyang pumasok sa loob.Hindi ako nagkamali, ang itim at tinted na sasakyan ay pumarada na naman sa di kalayuan. Paanong hindi ko mapapansin, e rinig ko ang takbo ng sasakyan at umaabot sa’kin ang ilaw ng sasa
Lahat ng empleyado sa Bar ay naatasan magtrabaho para mamayang gabi. Meron din namang iba na hindi tinanggap ang alok ni Sir Gio na magtrabaho mamaya kahit pa may dagdag kita ito.“Nae-excite na ‘ko, Kari!” hindi mapaglagyan ang saya ni Winnie ngayon. Kanina pa siya hindi mapakali rito sa loob ng kaniyang kwarto.Maging ako man ay excited din para sa mamaya, ngayon lang ako makakadalo sa ganito. Kahit pa trabaho ang ipupunta namin ay ‘di ko pa rin maiwasang sumaya at ma-excite.“Wait lang ha?” paalam niya at lumabas ng kwarto. May tumawag ata sa kaniya.Pinagmamasdan ko lang ang mga kolorete na pinamili ni Winnie kahapon sa Mall. Nakalatag na rin sa kanyang higaan ang uniporme na susuotin namin pati ang mask na binili niya. Di nga siya nagkamali, magmumukha siyang sexy sa napili niya.‘Di ko naman makakaila na maganda talaga ang kaibigan ko, morena ito pero lutang na lutang ang kanyang ganda. Lalo pang nagp
“Bro ano ba ‘yan? Para kang tanga hubarin mo na nga ‘yan nasa loob na tayo,” wika ni Sir Gio sa kaniyang katabi.Napaawang ng bahagya ang mga labi ko kasabay ng panlalaki ng mata ko sa nakita ko. Nagtaas ito ng kilay saka ngumisi.“Maiwan ko na po kayo, Sir, Maam.” Paalam ko dahil wala naman na akong ibang gagawin pa.“Wait lang, Kari!” pigil sakin ni Sir Gio.“Since you’re new, I want you to meet my twin, Jed. Boss mo rin sya, so don’t get confuse ha? At itong isang manong dito ay boss mo rin,” aniya. Sa kabuuan, silang tatlo ang nagpapatakbo ng Bar na ito, at si Aki ang pangatlong. Karamihan sa mga empleyado ay hindi kilala si Aki at napaka-dalang daw nito dumalaw dito.'Di gaya ni Sir Gio ay napakatahimik niya. Mukhang masungit pa at strikto. Muli na namang napadako ang tingin ko kay Aki na ganoon pa rin ang ekspresyon. Malalalim ang tingin sakin at diretsong diretso.
Humugot ako ng malalim na hinga bago magsimula ang kanta. Kasabay na rin ang pagdarasal na sana ay maki-ayon ang boses ko ngayong gabi.Nagsimula na ang pagtugtog ng banda kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pagkanta. Hindi ko akalaing kakantahin ko ang kantang ‘to sa pangalwang pagkakataon.---He is sensible and so incredibleAnd all my single friends are jealousHe says everything I need to hearAnd it’s like I couldn’t ask for anything betterHe opens up my door and I get into his carAnd he says “You look beautiful tonight”And I feel perfectly fineNapukaw ng isang makisig na lalaki ang atensyon ko habang kumakanta, hindi ko alam pero mukhang pamilyar siya sa’kin.
Normal namang lumipas ang isang linggong pagtatrabo ko rito sa Bar. Hindi na rin ako nag-abalang magkwento pa kay Winnie at buti na lang din ay hindi siya nagtangkang magtanong sa kung anong nangyari ng gabing ‘yon.“Kari?” natigil naman ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag sa’kin.“Ronald, bakit?” tanong ko.“Girl, kanina ka pa tinatawag ni Sir,” agad naman akong nagpunta sa opisina ni Sir Gio.“Pasensya na po, Sir. Ano po pala ‘yon?” tanong ko pagkatapos umupo. Bahagya naman akong naginhawaan dahil sa lamig ng opisina ni Sir. Ramdam na ramdam ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko, gano’n din sa likod at leeg.“Wag!” nagulat naman ako sa biglaang pagpigil ni Sir Gio sa’kin habang nagpupunas ng pawis. “It’s uh—rug.”“Putcha—sorry!” sobrang nahihiya na ‘ko sa pagiging lutang ko at napamura sa kawalan ng bigl
Mabilis na lumipas ang linggong ‘yon at malaki ang pasasalamat ko na walang hakbang na ginawa si Aki para lapitan o guluhin ako. Pero kada gig ko ay nahuhuli kong naroroon siya at nanonood.Hindi tuloy mawala ang kaba at pagiging ilang ko habang kumakanta dahil sa mga malalalim at matatalas niyang tingin.Ngayong linggong ito ay ang ika-dalawang buwan kong nagtatrabaho rito sa Bar. Sa susunod na buwan ay binabalak ko ng umalis, sa ngayon mag-iipon pa ako ng kaunti para pag-uwi sa isla ay may magagamit kaming pang-gastos.Masyadong nakatulong ang pagkanta ko rito sa Bar dahil sa palagian at malalaking tip na nakukuha ko mula sa mga costumer na masyadong natutuwa sa pagkanta ko.“Kari, luluwas ka ba mamaya?” si Winnie. Nasabi kong itong linggong ito ay dadalaw ako sa anak ko sa hospital dahil sa susunod na linggo ay maaari na siyang ilabas.“Oo. Bakit pala?” usisa ko.“Makikiabot naman sana nito kay Lola,&rd
Naging maayos ang trabaho ngayong araw dahil sa Sir Jed daw muna ang papasok at hindi si Sir Gio. Aniya’y may importanteng lakad daw sa Maynila kaya’t dalawang linggo itong mawawala.“Biglaan naman ata ang lakad ni Sir Gio?” kuryoso kong tanong.“Maaring pinauwi na naman ‘yon ng mga magulang niya,” sagot ni Steffi na nasa tabi ko na ngayon. “Politician kasi ang daddy nila Sir Jed at Gio, gusto ng daddy nila ma-involve rin sila sa politika pero itong si Sir Gio masyadong sutil ‘di gaya ni Sir Jed.”“Bakit si Sir Gio lang ang umuwi kung ganon?” ako.“May posisyon na kasi iyang si Sir Jed sa business nila sa Maynila. Hindi man na-involve sa politika, nagtrabaho naman para sa family business nila. Itong Bar na ‘to, si Sir Gio lang nagpasimuno. Walang koneksyon ang Bar na ‘to sa family business nila,” paliwanag niya. Napatango na lang ako sa mga nalaman ko. Sobrang