“Bro ano ba ‘yan? Para kang tanga hubarin mo na nga ‘yan nasa loob na tayo,” wika ni Sir Gio sa kaniyang katabi.
Napaawang ng bahagya ang mga labi ko kasabay ng panlalaki ng mata ko sa nakita ko. Nagtaas ito ng kilay saka ngumisi.
“Maiwan ko na po kayo, Sir, Maam.” Paalam ko dahil wala naman na akong ibang gagawin pa.
“Wait lang, Kari!” pigil sakin ni Sir Gio.
“Since you’re new, I want you to meet my twin, Jed. Boss mo rin sya, so don’t get confuse ha? At itong isang manong dito ay boss mo rin,” aniya. Sa kabuuan, silang tatlo ang nagpapatakbo ng Bar na ito, at si Aki ang pangatlong. Karamihan sa mga empleyado ay hindi kilala si Aki at napaka-dalang daw nito dumalaw dito.
'Di gaya ni Sir Gio ay napakatahimik niya. Mukhang masungit pa at strikto. Muli na namang napadako ang tingin ko kay Aki na ganoon pa rin ang ekspresyon. Malalalim ang tingin sakin at diretsong diretso.
'Di na ako makatagal pa sa loob dahil sa takot sa kapatid ni Sir Gio pati na rin sa mga titig na Aki na parang gusto akong lamunin. Ano bang problema ng isang yon? Tss.
“Winnie!” tawag ko kay Winnie na nakabantay pa rin sa bukana ng entrance.
“Wow! Nandito ka pa pala, kala ko nag party party ka na, e!” mapang asar na sabi niya. Tinignan ko naman ito ng masama. May usapan kasi kami na sabay kaming magsasaya kaya nanunutya sya ng ganiyan.
“Ano nangyari?” pag uusisa nya.
“Nandito sina Aki at Solange,” diretsong saad ko.
“Ah, oo hehe. Di ko na sinabi, akala ko kasi di na mahalaga,” nangingiwing saad nya, tinitimpla ang reaksyon ko.
“Hindi naman talaga mahalaga, pero nabigla pa rin ako kahit papano dahil di sumagi sa isip ko na boss ko sya at dadalo sya dito,” pagkwekwento ko, hindi ko na sinabi pa sa kanya ang nangyari kanina saming dalawa doon sa VIP room.
“May kakambal pala si Sir Gio?” pagiiba ko ng usapan.
“Oo, meron. Nakita mo na ba? Alam ko nandito yun ngayon.”
“Oo, nakita ko. Nakakainis nga e. Napaka sungit. Alam mo ba kinabahan ako kasi kala ko pinagagalitan ako ni Sir Gio,” pagsusumbong ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.
“Mabait yun ‘no! Di yun masungit, baka naman wala lang talaga sa mood? Si Sir Gio kasi madaldal at magaling makisama sa tao, yung kakambal nya? Total opposite niya yun. Pero hindi naman iyon masungit, basta! Makikita mo next time,” aniya, napa nguso na lang ako.
Hindi ako makumbinsi sa sinasabi ni Winnie na mabait yun. Tumatak na sakin na masungit yun dahil doon sa insidenteng yon. Kinabahan kaya ako, akala ko galit sakin si Sir Gio.
“Uy, girls! Kanina pa kayo naka duty dyan, you can party. Ipapasara ko na ang entrance, since nandito na lahat ng expected guests.” Nabigla naman kami ni Winnie sa biglang pag sulpot ni Sir Gio.
“CR lang ako mare,” walang ganang saad ni Winnie at agad na umalis. Hala? Nakita ko naman ang isang takas na ngisi ni Sir Gio.
“Ah, sige po Sir. Punta lang ako saglit sa locker room,” paalam ko. Tumango naman ito at umalis na.
Tumungo na ako sa locker room para magpahinga ng kaunti dahil nararamdaman kong kumikirot na ng kaunti ang paa ko dahil sa suot kong stilletos na kulay itim.
Sumandal ako sa upuan at tumingin sa itaas dahil ngalay at pagod ang likod at batok kaka bati sa mga customer na lumalabas at pumapasok. Halos limang minuto ako sa ganong posisyon. Pakiramdam ko nga ay wala na akong lakas para makisaya pa, parang gusto ko na lang matulog ng tuluyan at magpahinga.
Biglang sumagi sa isip ko si Aki. Naalala ko ang mukha niya kanina, yung gwapong mukha niya ay na imprenta na naman sa isip ko. Yung amoy niya na hindi na naman maalis sa ilong ko. Patagal ng patagal lalo siyang gumagwapo. Masasabi kong nag mature ang itsura niya, ang katawan niya ay lalo ring lumaki, naiisip ko kung gaano siya kadalas sa gym para mahubog ang ganong katawan.
May kung ano sa loob ko na gustong mag diwang dahil naramdaman ko na naman kung paano niya ako angkinin. Kung paano niya ako sawayin sa mga klase ng damit na isinusuot ko gaya ng ginagawa nya noon.
Pero mali, hindi pwede. Kaya hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko kanina, sinasagot ko siya pabalik sa mga sinasabi niya at pinapa mukha na wala dapat siyang pakialam sakin dahil di niya ako pagma may-a*i. Na hindi na dapat siya nangingialam pa dahil nasa paligid lang ang asawa niya.
Alam kong hindi pa sila kasal pero hindi pa rin yun dahilan para samantalahin ang pagkakataon na lapitan si Aki. Nirerespeto ko si Solange bilang babae, alam ko kung gaano kasakit mawalan ng isang Joaquin sa buhay.
Napabuntong hininga na lang ako at napamulat sa kawalan. Humihiling na sana ay di ako muli lapitan ni Aki para di ako mahirapang magtago at umiwas, dahil ako mismo ay takot sa nararamdaman ko. Kaylangan ko panindigan ang naging desisyon ko, hindi ako magiging hadlang sa pagsasama ng ibang tao. Ayoko.
Nang pakiramdam ko ay napawi ng kaunti ang pagod ko ay lumabas na ako at iniayos ang sarili, sakto namang nakasalubong ko rin si Winnie.
“Oops! No taken is allowed to this game, unless you bring your partner. Meron ba?” pagpipigil ng isang host sa akin dahil na tripan ni Winnie na sumali kasama ako.
“Aww!” dinig kong pag alma ng ibang players kaya napatingin ako sa mga ito. Karamihan sa kanila ang mga lalaking naka suot ng violet na mask. Napangiwi naman ako.
“Single yan! Mali lang ng mask,” pag tutol ni Winnie kaya tinanggal ang suot kong mask na ikinahiyaw naman ng ibang players. Agad ko naman itong isinuot pabalik.
“Sure? Walang sabit? Nako, ayokong mayari ha! Hahaha,” mapag birong saad ng host. Tumango naman ako bilang kompirmasyon na ikinatuwa na naman ng mga players. Napangiti naman ako.
May designated area para sa mga ganitong palaro, meron din naman para sa mga ayaw maki halibulo o makisali at piniling manood na lang. Hindi na ganoon kalakas ang tugtog sa loob dahil sa mga larong nangyayari.
“We’re joining!” natigil naman ang mga taong nagsasaya sa biglaang pagsasalita ng isang babae.
“He’s my partner.” Nanlaki naman ang mata ko nang matauhan kung sino ang bagong sali dito sa game.
“Introduce yourself naman. What’s your name?”
“I’m Solange and this is my HUSBAND Joaquin,” madiin at ma awtoridad niyang sabi.
“Now, we have ten, stunning and sexy ladies here. What you are going to do is simple, you just have to find them......with blindfold ofcourse. Kaya tandaan na ninyo kung saan naka pwesto ang mga babaeng inyong tinatangi. And sa mga mag partner diyan, this is just a game ha? No fights after this hahaha.”
Matapos ang ilang anunsyo at instruction ay nagstart na rin ang game. Iniba iba nag aming pwesto, kaylangan hulaan ng mga lalaki kung nasaan ang kanilang partner o ang kanilang mga tipo.
Kinakabahan ako dahil bago mag lagay ng piring si Aki ay nakita kong nakatitig na naman siya sakin, na para bang sinasaulado maigi ang itsura ko at pwesto ko. Mabuti na lang at nagpalit palit kami ng pwesto.
Unti-unti ng lumalakad ang players sa harap. Ang iba ay nagsisimula ng maglahad ng kamay sa taong nasa harapan nila, kapag tinanggap ito babaeng nasa harap nila ay pwede na nilang tanggalin at piring upang makumpirma kung tama ng pagkakapili. ‘Yon nga lang, kung sino na ang kanilang nakamayan ay di na nila pwedeng mapalitan.
Nakita kong ilang minuto ng nakatayo lang si Aki sa pwesto nya, hindi gumagalaw at natitinag. Hindi ba nya hahanapin manlang si Solange?
Natuon naman ang pansin ko sa isang lalaki na may katangkaran. Ilang hakbang na lang ay malapit na siyang makarating sa kinatatayuan ko.
Aabutin ko na sana ang kamay na nakalahad sa harap ko pero nagulat akong may ibang dumampot nito. Napatingin ako sa kung sinong gumawa non.
“Aki...” napaawang ng bahagya ang bibig ko ng makitang si Aki ang kumuha ng kamay ko. Agad siyang nagtanggal ng piring at itinaas ang kamay, senyales na may nakuha na siyang kapareha.
Natapos ang game na iyon at nakita kong simangot na simangot si Solange kaya naman dumistansya ako kay Aki. Baka pag initan pa ako nito. Sa kasunod na laro ay boluntaryo na akong umayaw dahil ayokong magkaroon ng gulo. Si Solange naman ay nawala, mukhang bumalik sa VIP Room.
Bago magsimula ang pangalwang laro ay nag anunsyo ang host ng isa song number para naman daw magkaroon ng pagkakataon ang mga pairs na makilala ang isat-isa.
“Balik na ako sa trabaho,” sambit ko at di na hinintay pang magsalita si Aki at umalis.
“Ms. Kalea? Paging! Paging! I’m looking for you girl, come here this instant!” nabaling naman ang paningin ko sa stage kung nasan ang host katabi si Winnie na panay ang kampay sa akin na lumapit.
Kinausap nila ako sa gilid ng stage. “Kanta ka naman kahit isa lang, sabi nitong friend mo kumakanta ka raw eh.” Tinignan ko naman ng masama si Winnie, nag peace lamang ito.
“Sige na girl, ngayon lang naman. Promise! Ngayon lang hehe,” pag kumbinsi ni Winnie sakin.
“Matagal na kong di kumakanta, baka wala sa kondisyon ang boses ko ngayon. Pasensya na,” patuloy na pagtanggi ko. Totoo namang napakatagal na simula ng huling humawak ako ng mikropono at kumanta sa harap ng mga tao.
“Sige na, please? Isa lang naman, tsaka nakaawa yung singers natin ilang oras na sila tumutugtog dito oh.” Nabaling naman ang pansin ko sa dalawang singer na kasalukuyang nagpapahinga kasama ang mga ka banda nila.
“Isa lang ha? Hindi ko mapapangako na maayos pa ang boses ko,” sambit ko saka kinondisyon ng kaunti ang boses ko.
Muling inanunsyo ng host ang isang song number saka ako tinawag. Bago umakyat ay muli kong sinuot ang maskara na suot-suot ko kanina para manlang mabawasan ang kaba ko.
Humugot ako ng malalim na hinga bago magsimula ang kanta. Kasabay na rin ang pagdarasal na sana ay maki-ayon ang boses ko ngayong gabi.Nagsimula na ang pagtugtog ng banda kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pagkanta. Hindi ko akalaing kakantahin ko ang kantang ‘to sa pangalwang pagkakataon.---He is sensible and so incredibleAnd all my single friends are jealousHe says everything I need to hearAnd it’s like I couldn’t ask for anything betterHe opens up my door and I get into his carAnd he says “You look beautiful tonight”And I feel perfectly fineNapukaw ng isang makisig na lalaki ang atensyon ko habang kumakanta, hindi ko alam pero mukhang pamilyar siya sa’kin.
Normal namang lumipas ang isang linggong pagtatrabo ko rito sa Bar. Hindi na rin ako nag-abalang magkwento pa kay Winnie at buti na lang din ay hindi siya nagtangkang magtanong sa kung anong nangyari ng gabing ‘yon.“Kari?” natigil naman ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag sa’kin.“Ronald, bakit?” tanong ko.“Girl, kanina ka pa tinatawag ni Sir,” agad naman akong nagpunta sa opisina ni Sir Gio.“Pasensya na po, Sir. Ano po pala ‘yon?” tanong ko pagkatapos umupo. Bahagya naman akong naginhawaan dahil sa lamig ng opisina ni Sir. Ramdam na ramdam ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko, gano’n din sa likod at leeg.“Wag!” nagulat naman ako sa biglaang pagpigil ni Sir Gio sa’kin habang nagpupunas ng pawis. “It’s uh—rug.”“Putcha—sorry!” sobrang nahihiya na ‘ko sa pagiging lutang ko at napamura sa kawalan ng bigl
Mabilis na lumipas ang linggong ‘yon at malaki ang pasasalamat ko na walang hakbang na ginawa si Aki para lapitan o guluhin ako. Pero kada gig ko ay nahuhuli kong naroroon siya at nanonood.Hindi tuloy mawala ang kaba at pagiging ilang ko habang kumakanta dahil sa mga malalalim at matatalas niyang tingin.Ngayong linggong ito ay ang ika-dalawang buwan kong nagtatrabaho rito sa Bar. Sa susunod na buwan ay binabalak ko ng umalis, sa ngayon mag-iipon pa ako ng kaunti para pag-uwi sa isla ay may magagamit kaming pang-gastos.Masyadong nakatulong ang pagkanta ko rito sa Bar dahil sa palagian at malalaking tip na nakukuha ko mula sa mga costumer na masyadong natutuwa sa pagkanta ko.“Kari, luluwas ka ba mamaya?” si Winnie. Nasabi kong itong linggong ito ay dadalaw ako sa anak ko sa hospital dahil sa susunod na linggo ay maaari na siyang ilabas.“Oo. Bakit pala?” usisa ko.“Makikiabot naman sana nito kay Lola,&rd
Naging maayos ang trabaho ngayong araw dahil sa Sir Jed daw muna ang papasok at hindi si Sir Gio. Aniya’y may importanteng lakad daw sa Maynila kaya’t dalawang linggo itong mawawala.“Biglaan naman ata ang lakad ni Sir Gio?” kuryoso kong tanong.“Maaring pinauwi na naman ‘yon ng mga magulang niya,” sagot ni Steffi na nasa tabi ko na ngayon. “Politician kasi ang daddy nila Sir Jed at Gio, gusto ng daddy nila ma-involve rin sila sa politika pero itong si Sir Gio masyadong sutil ‘di gaya ni Sir Jed.”“Bakit si Sir Gio lang ang umuwi kung ganon?” ako.“May posisyon na kasi iyang si Sir Jed sa business nila sa Maynila. Hindi man na-involve sa politika, nagtrabaho naman para sa family business nila. Itong Bar na ‘to, si Sir Gio lang nagpasimuno. Walang koneksyon ang Bar na ‘to sa family business nila,” paliwanag niya. Napatango na lang ako sa mga nalaman ko. Sobrang
“Welcome back, Sir Gio,” sabay-sabay na sigaw naming mga empleyado nang pumasok si Sir Gio sa Bar.Isang linggo matapos ang pagliban ni Sir Gio dahil sa pagpunta sa Maynila para ayusin ang tungkol sa kaniyang pamilya kaya naman labis na natuwa at na-excite kami sa muling pagbabalik niya.Lumapit naman si Winnie kay Sir Gio dala ang isang cup ng kape gano’n din si Steffi. Nakita ko pang nagkatinginan silang dalawa sa ginawa. Hindi naman nakaimik agad si Sir sa nangyari.“Uh... thank you, guys. I’ve missed all of you,” wika niya at nginitian kaming lahat. Naiwan naman si Steffi at Winnie roon. Ang ibang empleyado ay ‘di na rin nakiusisa pa sa nangyari at nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho.“Winnie halika na,” sambit ko dahil hanggang ngayon ay magkatitigan pa rin silang dalawa ni Steffi.Tinitimbang ko ang mood niya ngayon dahil nananatili pa rin siyang tahimik. Hindi ko na rin siya pipilitin k
Kabado akong pumasok ngayon dito sa Bar dahil sa hiya. Ilang beses ko na kinumbinsi ang sarili na hindi ako ang dahilan at maaaring may ibang dahilan pa kung bakit sila nag-away kahapon pero heto ako at nahihiya pa rin.Humingi ng tawad si Hannah sa’kin, aniya’y hindi raw siya nag-ingat maigi kaya may nakarinig pa ng usapan namin at nila ni Winnie. Siniguro ko sa kaniya na wala siyang kasalanan sa mga nangyari at na ako naman talaga ang pinakapangunahing dahilan. Kung naging handa sana ako sa buwanang dalaw ay ‘di ko na kakailanganin pa na pakiusapan siya na bilhan ako ng napkin.Pumasok ako sa opisina ni Sir Gio nang nakayuko matapos ang ilang katok.“Uh... pasensiya na po sa nangyari kahapon, Sir. Naikwento po sa’kin ni Winnie ang buong detalye,” panimula ko. Kahit pa hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang malalalim na tingin niya sa’kin, lalo tuloy akong ginapangan ng hiya at kaba.“Maayos na ba
Parang mabilis na apoy na kumalat ang balitang inihatid kami ni Sir Jed kahapon sa apartment. May iilang lumapit sa’kin para magtanong at kumpirmahin kung totoo ba ‘yon.“Oo naman! Bait nga ni Sir Jed, e. ‘Di ba, Kari?” si Winnie ang panay sumasagot sa mga tanong na ibinabato sa’kin. Kaunti na lang at makukurot ko na itong si Winnie sa sobrang kadaldalan.“At alam niyo ba, bago umuwi si Sir may pahabol pa!” anunsyo niya kaya naman namilog ang mga mata ng katrabaho at lalong lumapit dahil naiintriga sa sasabihin ni Winnie. Subukan lang nito sabihin na nanghingi ng numero ko si Sir---“Hiningi ni Sir—aray!” kinurot ko na sa tagiliran dahil walang preno ang bibig dahil pati ang bagay na iyon ay ipagsasabi pa, hay naku!“Ng ano, Winnie? ‘Wag ka naman KJ, Kari dali na! Sabihin mo na.”“Oo nga, hindi namin ipagkakalat. Pangako!” patuloy ang pangungulit nila.
Narito sa kwarto ko ngayon si Winnie dahil maaga siyang natapos maghanda para pumasok kaya naman hinihintay niya ‘ko. Simula kagabi ay hindi niya ako tinigilan kakaasar sa mga nakaraang araw na pangyayari.Hindi ko pa rin kinukumbinsi ang sarili ko na para sa’kin ang ginagawa nila Sir Jed at Aki roon sa Bar. Ayokong isipin ang ganoong bagay dahil empleyado lang naman ako katulad nila, walang espesyal sa’kin para tratuhin nila ng kakaiba. Talagang mababait lang sila sa’ming mga empleyado nila. Natural lang iyon.“Naku! Malapit na nga pala birthday nila Sir Gio,” saad ni Winnie habang nakatutok sa cellphone niya.“Talaga? Kailan naman ‘yon?” usisa ko habang sinusuklay ang buhok.“Sa isang linggo na iyon. Sana may pa-outing ulit, saka anniversay din ng Bar iyon kaya sana talaga mayroong outing!” excited na wika niya. Mukhang masaya nga iyon. Nakakatuwa naman inabot ko ang selebrasyon ng aniber